frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
TristanCafe Filipino Online Quizzes
Love, personality, and lifestyle funny quizzes that deal with all things pinoy. All original. All free.
Sinong Christmas character ka? (Which Xmas character are you?)
Paano ka mag-celebrate ng kapaskuhan? Ano ang meaning ng Pasko sayo? Answer our fun and sexy online quiz and find out if you're naughty or nice!
Share this quiz! (facebook, email, twitter, etc)
| More

1. Pagsapit ng "ber" months at kapag nadinig mo na ang "Jingle Bells" na pumapailanlang sa ere, what comes into your mind?

a. Huwaw! Lapit na ang Christmas! Give A Gift na naman!
b. Huh! Lapit na ang Christmas! Member na naman ako ng SMP (Samahan ng Malamig ang Pasko)!
c. Yehey! Lapit na ang Christmas! Bigayan na naman ng Christmas bonus at gifts from my friendly friends! Woohooo!
d. Hmp! Lapit na ang Christmas! Kailangang makapagpa-book na ako ng tiket papuntang Timbuktu para matakasan ang mga manghihingi sa akin ng regalo at aguinaldo!

2. What Christmas song best suits you?

a. Joy To The World.
b. Give Love On Christmas Day. Pwede ding make love.
c. Ibigay Nyo Na ang Aming Christmas Bonus
d. Last Christmas I Gave You Heart (kaya wala na kong puso ngayon!)

3. Complete the sentence. "On the first day of Christmas my True Love gave to me...."

a. A partridge in a pear tree
b. Sama ng loob! Iniwan nya kasi ako on the first day of Christmas eh! Waaaahhhh!
c. Pwede yung pang-5th day na lang para "Five golden rings"? Aanhin ko naman kasi ang "Partidge in a pear tree" di ba?!
d. Haller! Wala akong True Love noh! Para makabawas sa mga bibigyan ko ng regalo sa Pasko!

4. Ano ang Christmas wish mo ngayong kapaskuhan?

a. World peace, love, and prosperity. I thank you! Bow!
b. Love. I want to make love on Christmas day!
c. Prosperity. Pag mayaman na ako, saka ko na iwi-wish yung love and world peace.
d. World! Because I wanted to conquer the world! Bwahaha!

5. Naniniwala ka ba na Christmas is the season of sharing and giving?

a. Yes. It originated when the three kings presented their gifts to Jesus when He was born.
b. Yes. Kaya nga pag Christmas, nakiki-share ako sa boyfriends/girlfriends ng mga friends ko. Minsan gini-give na nila sa akin kapag nag-away sila kasi nilalandi ko ang mga syota nila. Yun nga lang, nawawalan ako ng friends.
c. Yes. Kaya tinutulungan ko ang mga friends ko para mabigyan ng justice ang paniniwala nilang ito. Receive lang ako ng receive ng lahat ng gini-give & sine-share nila sa akin!
d. Yes. Kaya ishe-share at igi-give ko sa iba lahat ng mga sentimyento de asukal ko! Ang lagay eh ako lang ang lonely pag Christmas?!

6. Sa Kris Kringle, nabunot mo ang crush mo. Ano ang ibibigay mo sa kanya sa "something naughty"?

a. A very skimpy underwear.
b. Exclusive Membership Card sa Sogo. At maa-avail lang nya ang promo kapag ako ang kasama nya.
c. Me! Naughty naman ako eh! Nakasama ko na sya, nakatipid pa ko!
d. Yung aso naming puro galis. Very naughty naman yun eh. Paboritong ngatngatin ang mga damit naming nakasampay.

7. Tuwing Noche Buena, ano ang di pwedeng mawala sa hapag-kainan nyo?

a. Christmas Ham at Keso de Bola. Tradisyon na kasi yan eh.
b. Alak. Lalasingin ko na lang ang sarili ko para makalimutan ko ang katotohanang malamig ang Pasko ko.
c. Depende kung ano ang nasa mesa ng kapibahay. Sa kanila lang kasi ako nakiki-Noche Buena eh.
d. Syempre table cloth! So gross naman tignan kung walang table cloth ang table devah!

8. Nakita mo ang Ninong at Ninang mo sa araw ng Pasko. Ano ang gagawin mo?

a. Merry Christmas po Ninang and Ninang! Dahil po me work na ako, ako na ang magreregalo sa inyo ngayong Pasko.
b. Merry Christmas po Ninong & Ninang! Binata na po ba ang kinakapatid kong si Junior? Pwes, handa nyo na ba akong maging manugang?
c. Merry Christmas po Ninong & Ninang! Nasan na ang aguinaldo ko?! Pasensya na po kung tuwing Christmas ko lang kayo pinupuntahan. Hectic ang schedule ko eh!
d. Mamang pulis! Hulihin ang dalawang ito sa kasong estafa! Ang dami nang utang ng mga to sa akin dahil ilang Pasko na kong pinagtataguan!

9. Ano ang plano mong gawin sa 13th month pay mo?

a. Ibibili ko ng gifts para sa family, friends, at inaanak.
b. Ipambabayad ko sa escort service.
c. Ipangsho-shopping ko pambili ng lahat ng gusto ko para sa sarili ko!
d. Ipambabayad ko sa siga sa lugar namin para bugbugin ang mga kaaway ko.

10. Ilan ang inaanak mo na binibigyan mo ng regalo/aguinaldo tuwing Pasko?

a. Di ko na mabilang sa sobrang dami. Lagi kasi akong kinukuhang ninong/ninang ng mga kakilala ko.
b. Wala. Pero type anakan, marami.
c. Wala. Tinatanggihan ko pag kinukuha ako. Susme! Gastos lang yan!
d. Wala. Sarili ko nga hirap na akong buhayin, bubuhayin ko pa ang anak ng iba! Haller!

11. Kapag may nagca-carolling sa bahay namin...

a. Binibigyan ko sila ng money para naman wag masayang ang effort nila. Minsan me free merienda pa.
b. Kapag may wafu/maganda sa mga nagca-carolling, binibigyan ko ng pamasko...kasama ng cell number ko.
c. Sinasarado ko ang gate, pinapatay ko ang ilaw, at naglalagay ako sa pinto ng sign board na "Pusher ang Nakatira Dito. Alis Dyan!"
d. Hindi na sila nakakalabas ng buhay. O ano, pupunta pa kayo?

12. Ayon sa isang kanta, what is the "most wonderful time of the year" and the "season to be jolly"?

a. Christmas. Dahil sa araw na ito sine-celebrate ng buong mundo ang birthday ni Jesus.
b. Christmas. Syempre, uso na naman ang mga Christmas parties! That means me pagkakataon na naman ako para makahanap ng prospect na boylets na makakasama ko sa Christmas eve!
c. Christmas. Syempre, dahil uso na naman ang mga Christmas bonus, bigayan ng 13th month pay, at gifts.
d. Pasko. Pasko ng pagkabuhay. Nangengealam ka eh peborit ko ang Lenten Season!

13. If Christmas is a color, anong color ang Christmas mo?

a. White Christmas (kahit walang snow sa Pinas.) Kasi my Christmas will always be "merry and bright."
b. Blue Christmas. Kasi "I'll have a blue Christmas without you, I'll be so blue just thinking about you..." huhuhu...
c. Blue, Yellow, and Violet Christmas. Kasi kulay pera.
d. Red Christmas. Gusto ko yung madugo! Paduduguin ko ang mga tenga nyo! Bwahaha!

14. Ano ang balak mong iregalo sa kaaway mo this Christmas?

a. Reconciliation. Kailangan kalimutan na lahat ng misunderstandings and grudges pag Christmas.
b. T-back ko. Yung ex ko kasi ang kaaway ko eh. Baka sakaling balikan nya ko pag nasamyo nyang muli ang t-back ko.
c. Prayers. Ipagdadasal ko na sana kunin na sya ni Lord.
d. Peace of mind. Dahil sisiguraduhin kong ito na ang huling Christmas nya!

15. Sinu-sino ang The Three Kings na very popular din kapag Christmas?

a. Melchor, Gaspar, and Baltazar
b. Tito, Vic, and Joey
c. Yung tatlong tao sa likod ng P1000 bill
d. Hudas, Barabas, Hestas

16. Anong part ng Christmas ang pinaka-favorite mo?

a. Exchange gift.
b. Kissing under the mistletoe.
c. Bigayan ng Christmas bonus.
d. Yung time na paubos na ang pera ng mga tao. Buti nga sa kanila! Mga dukha na sila!

17. For a change, ano ang balak mong gawin this Christmas?

a. For a change, magbibigay ako ng mga gifts sa mga street children. Makiki-join ako sa Give A Gift.
b. For a change, gagawin ko ang lahat para magkaroon ako ng dyowa na makakasama ko this Christmas! For the past 25 years kasi, lagi na lang malamig ang Christmas ko! Sana mabago naman!
c. For a change, magbibigay din ako ng gift sa mga friends ko. Anong gift? Eh di gift wrap! Para magamit nilang pambalot sa ibibigay nilang gift sa akin!
d. For a change, itatali ko yung dalawang dobberman namin malapit sa gate ng bahay, para matakot pumunta ang mga gustong mamasko.

18. Kinukumpleto ko ang Simbang Gabi dahil...

a. Nakaugalian na ng family namin na magsimba ng sama-sama tuwing Simbang Gabi.
b. Dahil gusto kong matupad ang wish ko na magka-dyowa na ako. Besides, pwede din akong maghanap dun ng mga prospects.
c. Dahil gusto kong matupad ang wish ko na yumaman na ako at mabili ang kumpanyang pinagta-trabahuhan ko.
d. Miss ko na kumain ng puto bumbong at bibingka.

19. Ano ang "T" sa kantang Christmas Alphabet? Clue: Kapag binigyan mo nito ang mga bata sa Pasko, tiyak matutuwa sila. Minsan pati mga adults, natutuwa din kapag binigyan mo nito.

a. Toys. (T is for the Toys beneath the tree so tall)
b. Toys. Natutuwa talaga ang mga adults kapag binigyan mo sila ng toys, as in sex toys!
c. Tseke.
d. Tirador.

20. What's your New Year's Resolution?

a. To be more productive sa school/office. Kailangang maging model student/employee ako.
b. Hindi na ko magpapa-cute sa crush ko. Dun na lang sa kuya/ate nya. Mas cute kesa sa kanya eh!
c. Magpapayaman ako lalo. Magtatrabaho ako to the max kesehodang maging curacha (walang pahinga) ako!
d. Lalo kong dadamihan ang mga kaaway ko. The more, the many-er!


Share this quiz! (facebook, email, twitter, etc)
| More