frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
TristanCafe Free Love & Personality Filipino Online Quizzes
Gaano mo ka-love (o ka-hate) ang tag-araw sa Pilipinas? Do you like the summer heat, o nag-iinit lang ang ulo mo?

1. Ano ang typical summer outfit mo?

a. Wala. Type ko kasing mag-skinny dipping.
b. Sleeveless floral dress with matching wide-brimmed hat.
c. Tank top and shorts. Minsan yung basahan outfit ko (yung damit kong isang punit na lang basahan na.)
d. Pants, long sleeves, kapote and payong as accesory. Samahan mo pa ng sunblock. Para siguradong di ako mangingitim o magkaka-sunburn.

2. Anong parte ng bahay nyo ang madalas mong tambayan pag summer?

a. Sa swimming pool. But since wala kaming pool, dun ako tumatambay sa swimming pool ng kapitbahay. Cute pa nung may-ari!
b. Sa balcony. Nagpapahangin. Nagtitipid kami sa kuryente eh.
c. Sa banyo. Mga sampung beses kasi ko maligo sa isang araw kapag summer. Basta pag may tumulong pawis, ligo agad.
d. Sa kitchen. Particularly sa loob ng ref.

3. What I love about summer is...

a. I have the reason to bare some skin. Para makita ng madlang pipol ang tattoo ko sa part of my body na di masyadong exposed.
b. Ok lang na mag-string bikini swimsuit ako kahit maitim ang singit ko. (Ah eto? Dahil sa sunburn yan. Kaka-sun bathing.)
c. Pwede akong magbabad sa banyo na hindi ako tatalakan ng nanay ko. (Mamili ka inay, lumaki water bill natin, o mangamoy putok ang bahay natin?!)
d. I can have the palusot para magsungit. Blame it on the weather dude!

4. What is your favorite summer movie?

a. Kaleldo (Summer Heat). Juliana Palermo is so hot!
b. Bikini Open. May Diana Zubiri at Francine Prieto na, may Alfred Vargas at Rafael Rosell pa! San ka pa?!
c. Basain Mo ng Suka ang Uhaw na Lumpia.
d. I Know What You Did Last Summer. (Suspense thriller naman para maiba.)

5. Saan mo dadalhin ang gf/bf mo this summer?

a. Sa Boracay. Para lagi kaming wet.
b. Sa Baguio. Pag-iinitin namin ang Baguio.
c. Sa banyo. Paliliguan namin ang isa't isa.
d. Sa Sogo. Para me aircon.

6. Kapag summer, lagi akong magke-crave ng...

a. Halo-halo with two scoops of ice cream.
b. Mais con yelo with lots of evap milk.
c. Ice Candy, BJ (buko juice) flavor.
d. Ice Tubig. Pinampapaligo ko.

7. Anong summer sports and madalas mo laruin kapag summer?

a. Beach Volleyball. Pwede akong magpagulong-gulong sa buhanginan na hindi makakayod ang balat ko.
b. Basketball. Ang daming papabols!
c. Bahay-bahayan. Gumagawa pa kami ng apoy (sa lutu-lutuan.)
d. Ice Skating sa Mall of Asia. Para hindi masisikatan ng araw ang skin ko.

8. You know it's summer if...

a. Paikli ng paikli ang suot ng mga tao. Type na type!
b. Maraming boylets ang nagpapatuli.
c. Tumataas ng 200% ang water at electric bill namin.
d. Amoy pawis ang mga tao. Eeeewww!

9. What is your usual summer activity?

a. Beach Hopping. Nililibot ko ang mga beaches sa iba't ibang panig ng Pinas.
b. Nagtitinda ng halo-halo at samalamig. Libre pag cute ang bumibili.
c. Nagbabasa ng pasyon, kahit tapos na ang Lenten season.
d. Gumagawa ng yelo. Na nilalagay ko sa pinangpapaligo ko.

10. What will be your pick-up line to your crush para i-invite sya for a summer date?

a. Come with me baby, and let's make summer even hotter.
b. Init no? I know this place where we can cool down. Malakas aircon dun.
c. Naku, pinagpapawisan ka. Halika nga papaliguan kita.
d. Pumayag kang makipag-date sa akin kung ayaw mong maputukan ng init ng ulo ko!

11. Kapag summer, uso ang...

a. Summer outing sa mga beaches or resorts.
b. Haircut ala-Halle Berry.
c. Ice cream, halo-halo, sago't gulaman.
d. Bungang-araw at sore eyes.

12. What is your summer fantasy?

a. Nagsisisiran kami ni Dennis Trillo/Katrina Halili sa isang private beach na kaming dalawa lang ang tao.
b. Ka-HHWW ko si Dennis Trillo/Katrina Halili sa pampang ng beach...na nakahubad.
c. Hinihiluran ako ni Dennis Trillo/Katrina Halili habang sabay kaming nagsho-shower.
d. Pinapaypayan ako ni Dennis Trillo/Katrina Halili.

13. Kapag summer, gusto kong magkaroon ng...

a. Tan lines. Para obvious na nagliwaliw ako sa beach. Chochal!
b. A very skimpy bikini/trunks swimsuit na pwede kong maisuot sa company outing namin para mabighani sa akin ang cute kong officemate.
c. Bath tub. Para makakapagbabad ako sa tubig the whole day.
d. Free round-trip ticket to North Pole. Balik ko sa June na.

14. If summer is a food, what will it be?

a. Bicol Express. It's super hot, pero masarap.
b. Nilaga. Masarap higupin habang mainit.
c. Sinigang. Mainit at maasim.
d. Lechon. Bad for the health.

15. Magkasama kayo ng crush mo, nang biglang naramdaman mo na tumutulo ang pawis sa kili-kili mo. At sa kamalas-malasan, nakita ng crush mo ang kili-kili mong may flash flood. Ano ang gagawin mo?

a. "Hindi lang kili-kili ang wet sa akin. Wanna find out where pa?"
b. "Don't be surprised honey. You're so hot, you're making me sweat."
c. "Sorry. Di na kinaya ng powers ng tawas ang kili-kili ko."
d. Tatalon sa poste ng Meralco, una ulo. I'd rather die!

16. What is your summer wish?

a. Free trip to all the best beaches in the world!
b. I'll have my own Starbucks para I can have frapuccino anytime I want!
c. Solar powered-aircon unit. Para hindi na kailangan ng kuryente.
d. Sana umulan ng yelo sa summer.

17. Anong summer job ang cool para sa yo?

a. Life guard. Para lagi akong nasa beach.
b. Barista. Para may free iced coffee.
c. Call center agent. Kasi malakas ang aircon sa mga call center.
d. Security guard sa planta ng yelo. Kahit sa loob ako magbantay, ok lang.

18. What's hot about summer is...

a. Seeing men/women half-naked in the beach.
b. My swimsuit.
c. The weather! What else!
d. My temper! Nag-iinit ang ulo ko! So init! Siyet!.

19. After 25 years, pumayag ang super duper ultimate crush mo na makipag-date sa iyo. A day before your much-awaited date, bigla kang nagka-sore eyes. Ano ang gagawin mo?

a. Magda-dark sunglasses ako. Anyway, summer naman kaya "in" ngayon mag-sunglasses. Pandagdag ganda/pogi points din yun.
b. Ipapahid ko lahat ng anti-infective ointments sa mata ko, (kahit lunukin ko pa ng buo kasama ang tube) or papapatakan ko ang mga mata ko ng gatas ng ina sa isang dosenang lactating mothers, ok lang basta gumaling lang ang sore eyes ko at makapag-date kami.
c. Ipapa-resched ko na lang sa kanya. Sasabihin ko na may babagsak daw na asteroid sa araw ng date namin kaya dyaheng makipag-date.
d. Hahawahan ko sya ng sore eyes ko para pareho kami. Ano, ako lang ang magdurusa?

20. What is your summer slogan?

a. Summer is hot...and so am I.
b. Buksan ang summer! Please come in, I'm open.
c. There's no place, during summer, like home.
d. Summer sucks! "Summer Life of A Konyo Kid" rocks! (Refer to the article on the front page).