frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
TristanCafe Filipino Online Quizzes
Love, personality, lifestyle & entertainment quizzes that deal with all things pinoy. All original. All free.
Sinong character ka sa isang horror movie? (Which horror/slasher film stereotype are you?)
Makaka-survive ka ba pag nalagay ka sa isang slasher film kung saan may psycho killer? Answer our funny and sexy Facebook-type quiz and find out just how long you will last bago ka ma-tsugi!
Share this quiz! (facebook, email, twitter, etc)
| More

1. Ano ang special skills mo?

a. Fighting skills. Magaling ako sa bakbakan.
b. Analytical skills. Wais ako sa buhay.
c. You name it, I can do it: kamasutra, doggy, helicopter, cowgirl. Yee-ha! Sexual skills ba kamo?
d. Athletic skills. Mabilis ako tumakbo!

2. May narinig kang parang kumakaluskos sa labas ng bahay. Ano ang gagawin mo?

a. Syempre lalabas ako to check it out. Pero magbi-bitbit ako ng baseball bat just in case.
b. Ikakandado ang mga pinto at bintana.
c. Syempre lalabas ako to check it out. Pero mag-aayos muna ko ng konti, baka kasi may pogi/maganda sa labas.
d. Uutusan ko yung kasama ko sa bahay na lumabas to check it out. Ano ko engot, bakit ako ang lalabas?

3. Naglalakad kang mag-isa sa isang dark alley ng may mapansin kang sumusunod sayo. Watcha gonna do?

a. Kakaripas ng takbo into the nearest open space kung saan maraming tao.
b. Tatakbo ko into the nearby woods. Ang sosyal kasi diba, may nearby woods talaga. Parang camping lang.
c. Haharapin ko ang sumusunod sa akin at magpo-pose a ala Charlie's Angels. Ha-yaaa!
d. Shet na malagket! Either sisigaw ako ng saklolo, o magtatago agad ako sa likod ng basurahan.

4. Oh my gas! Naabutan ka nung sumusunod sayo sa dark alley! At sya ay walang iba kundi... ang syota mo! Nanghinala lang pala na may kalokohan ka kaya ka sinundan. Ano ang susunod na eksena?

a. Umaatikabong bakbakan. Aaawayin ko si honeybunny, loko pala sya eh, muntik na kong atakihin sa puso!
b. Umaatikabong bakbakan. Sa sex! Matagal ko ng fantasy ang mag-kangkarutan sa dark alley. Raaawwwrrr!
c. I'll be so relieved na mayayakap ko si honeybunny!
d. I'll make him/her feel guilty for scaring me half to death, para di na nya ko ulit sundan. Pano kaya nakatunog si honeybunny na may kalokohan ako? Buti na lang di ako nahuli.

5. Nag-iisa ka sa bahay ng may biglang tumawag sa phone. Pagsagot mo, you only hear deep breathing sounds. Ano ang gagawin mo?

a. Tatanungin ko kung sino sya. Malay mo sumagot, tapos mabosesan ko, tapos kilala ko pala sya. Eh di alam ko na agad ang identity ng killer.
b. Nakaka-stress ha. Ang stress, nakakatanda, kaya di ko na lang sya papansinin.
c. Mumurahin ko yung tumawag at babagsakan ng telepono. Gago pala sya eh.
d. Ay type! SOP! Hihirit agad ako ng, "What are you wearing? Ako kasi, I'm only wearing a ring. A nipple ring."

6. Nag-ring ulit ang phone! Pagsagot mo, nagsalita na sya at nagsabing "Crazy axe murderer ako! Alam kong mag-isa ka lang sa bahay. Papatayin kita ngayon!" Ano ang reaction mo?

a. May ganun talaga? In-announce nya talagang crazy axe murderer sya? Syempre tatawag agad ako sa pulis!
b. "Ows? You're joking my leg ha. Who's this ba really? Mike ikaw ba yan? Or Chris? You're so funny talaga!"
c. "Hoy kung sino ka mang tarantado ka, sige pumunta ka lang dito ngayon, ng matadyakan kita sa mukha!"
d. Kukuha ng kutsilyo at tubo na pwedeng pang-hataw, tapos iche-check ko agad na naka-lock lahat ng pinto at bintana.

7. Dahil horror movie ito at kadalasan illogical ang actions ng mga characters, naisipan mong mag-hilamos ng mukha pagkababa mo ng phone. Nakatungo kang naghihilamos sa bathroom, ng pagtingin mo sa salamin sa harap bigla kang napasigaw! Ano ang sinigaw mo?

a. "A-haaa! I think kilala ko na kung sino ang killer!"
b. "Eeeeekkk! May killer na gusto kong patayin!" Leche ano pa ba ang ibang isisigaw ko?!
c. "Waaahhhh!" Nalagyan lang ng sabon ang mata ko, masakit.
d. "Nyaaahhh! May pimple ako sa ilong! Ka-bad trip!"

8. Nagpatuloy ka lang sa paghihilamos dahil may sabon ka pa sa mukha. Pagtingin mo ulit sa salamin may nakita kang tao sa reflection, nasa labas ng pinto sa likuran mo! May suot na maskara, at may hawak na axe! Buti na lang dalawa ang pinto ng banyo nyo, isa sa likuran mo palabas ng sala kung nasaan si axe murderer, at isa sa gilid mo papasok ng kwarto. Plan of action, please.

a. Si honeybunny gusto ng role-playing! Kunyari sya yung axe murderer at kunyari ako yung victim nya. What a kinky surprise! At um-effort pa talaga sya sa costume at props!
b. Kukunin ko yung mop sa tabi ko at susugurin ko sya! Sayang naman ang muscles ko sa pagji-gym at ang pagma-"Muay Thai" ko, kaya ko 'tong labanan!
c. Titili muna, tapos babatuhin ko sya ng sabon at tatakbo ko sa pintuan kung saan sya malapit, subukan kong unahan sya sa pinto para mai-lock ko 'to!
d. Tatakbo ko sa kwarto at ikakandado ang pinto, tapos maghahanap ng pwedeng gamiting weapon.

9. Ito malamang ang pinaka-mahalagang tanong na maaaring mag-determine kung makaka-survive ka o hindi... ano ang favorite color mo?

a. Red, color of blood. Pwede din blue, para astig.
b. White. Simple and pure.
c. Pink! I'm so kikay eh!
d. Mauve or cerulean or vermilion. Shoray diba.

10. At ang bonus question: ano ang paborito mong tagalog horror movie?

a. "Shake, Rattle, & Roll part 1." Wala pa ring tatalo!
b. Mga pelikula ni Kris tulad ng "Sukob" at "Feng Shui." Pero pinaka-nakakatakot pa din ang Pido Dida 1 & 2.
c. "Halimaw sa Banga." Sabi nga ni Matet dun, "takut aku!"
d. "Patayin sa Sibak si Barbara." Ha? "Patayin sa Sindak si Barbara" ang tamang pamagat? Kaya pala puro kalaswaan yung napanood ko at hindi horror. Pirated siguro yung nabili ko!


Share this quiz! (facebook, email, twitter, etc)
| More