frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
TristanCafe Filipino Online Quizzes
Love, personality, and lifestyle funny quizzes that deal with all things pinoy. All original. All free.
"Feeling" ka ba? (Do you have a big ego?)
How much self-confidence do you have? Sobra na ba ang bilib mo sa sarili? Answer our fun and sexy online quiz and find out just how "feeling" you REALLY are!
Share this quiz! (facebook, email, twitter, etc)
| More

1. Habang naglalakad ka sa mall, napansin mong may mga nakatingin sayo. Ano ang iisipin mo?

a. Kala kaya nila ako si Bakekang?!
b. Bakit kaya? May kulangot ba kong naglalambitin from my nose?!
c. Sabi na nga ba I chose the right outfit kanina, it flatters my body, dami nakakapansin. Ok, walk like a supermodel! Project to the max!
d. Marami na namang nabibighani sa alindog ko. Nakakasawa na ha.

2. Matapos ang isang taon ng pakikipagrelasyon, hiniwalayan ka nya. Iniisip mong:

a. Kala nya naman kung sino syang napaka-perfect! I'm sure marami pa dyang iba na mas higit sa kanya.
b. It's for the best. Hikbi.
c. Na naman, lagi na lang akong sawi. Hindi pa ba sapat yung nagbulag-bulagan ako sa lahat ng pambababae/panlalalake/pambabading nya?
d. Malaking kawalan sa kanya ang pagkawala ng pinakamagandang hayop sa balat ng saging. I'm sure pagsisisihan nya 'to ng malaki balang araw.

3. Running ka for promotion sa trabaho, subalit biglang ang kalaban mo ang nakuha. Ano ang nasa isip mo?

a. Maghintay lang sila. Balang araw ako ang magmamay-ari ng kumpanyang ito.
b. I'm a looooooser.
c. Better luck next time na lang, ganyan talaga ang buhay.
d. I'm sure niluto ang results.

4. Pag may bumati sayo ng "Uy you look good today!" ano ang reaksyon mo?

a. Uy sobra ka naman! Thanks ha! *sabay blush*
b. Ano kaya kailangan nito sakin at binobola-bola ako?
c. Correction please: I look great today. I always look good naman eh.
d. Tell me something I don't know.

5. Kung may pwede kang baguhin sa itsura mo, ano ito?

a. Babawasan ko ng kaunti ang kagwapuhan/kagandahan ko. Para naman di ako masyadong pansinin.
b. Kulay ng nail polish ko sa toe nails. I like everything else about myself.
c. I need to lose/gain a little weight. And siguro mag-ayos-ayos lang more often.
d. Ang tanong: ano ba ang ayaw kong baguhin sa itsura ko? I swear kung marami lang akong pera eh nagpa-total makeover na ko kay Doktora Belo.

6. Ano ang top 3 qualities mo?

a. Too many to mention. Kulang ang provided space for my answer.
b. Beauty, brains, and humility.
c. I'm mabait, friendly, and sabi ng iba cute naman daw!
d. Uhm... I'm matiisin, mapagtiis, at... sobrang mapagtiis. Tagal ko na tinitiis ang mga kapintasan ko!

7. Sa scale na 1 to 10, ano ang rating mo sa sarili mo?

a. 8 - May pimple kasi ako today e.
b. 2 - Kala nyo zero bibigay ko sa sarili ko noh? Sobra kayo, kahit ganito ko, tao din naman ako! (Biglang may sumigaw, "Hindi halata!")
c. 6 - Simple pero rock!
d. Ang baba naman ng scale. I will be so underrated for a 10.

8. Niyaya ka ng syota mo na gumimik sa isang sikat na club. Knowing na maraming gorgeous people dun, ano ang sasabihin mo?

a. Unang una, wala akong honey. Pangalawa, baka di ako papasukin sa sosyaling club dahil mukha akong timang.
b. Honey, nahihilo ko... masakit tyan ko... masakit paa ko... sa McDo na lang tayo gumimik.
c. Honey, magbihis ka naman ng mas maayos. Baka magmukha kang alalay ko.
d. Tara na Honey... nag-aantay na dun ang mga sasamba sa akin.

9. Ilan ang pictures mo sa friendster profile mo?

a. Ang dami ngang nagme-message sakin sa friendster na ang ganda/gwapo ko daw sa mga pictures ko. Kaso nga lang, ang hindi nila alam, hindi ako yung nasa photos.
b. Less than 30 lang, yung mga memorable photos ko lang at mga masayang group pictures.
c. Hindi ko naman sinagad yung maximum 50 pictures. 49 lang ang na-upload ko. (Mga studio shots pa yun ha!)
d. Ilang beses ko na ngang sinulatan ang may-ari ng friendster na mag-increase ng maximum photos allowed! Hindi sapat ang 50 photos para idisplay ang kagwapuhan/kagandahan ko sa cyberspace!

10. Naglalakad ka kasama ang mga friends mo sa isang park, ng mapansin mong may cutie na nakatingin sa inyo and smiled in your direction. Anong iisipin mo?

a. Wish ko lang sakin sya nag-smile.
b. For sure sakin sya nag-smile. Eh mukha ko lang mga alalay ang mga friends ko eh.
c. Dalawang bagay lang yan: either isa sa mga friends ko ang nginitian nya, o sakin sya nakatingin at natawa sya sa itsura ko.
d. Most probably sakin sya nag-smile. Pero just to be sure, itutulak ko sa halamanan yung friend ko na may itsura din, para siguradong sakin lang mafocus ang attention ni cutie.

11. Kapag may picture-taking, alam mo ba ang best angle mo, so you'll look your best in photos?

a. Best angle ko? Kapag nakatalikod.
b. Pose kung pose! Wapakels sa angle-angle na yan!
c. I'm gorgeous kahit saang angle. And I always standout in group photos.
d. I've taken hundreds of pictures of myself with my cellphone/digicam to determine my best angle. At para lalong lumutang ang kagandahan/kagwapuhan ko, lagi akong tumatabi sa panget sa mga group pictures.

12. My looks are:

a. Pang-Hollywood
b. Pang-Starstruck
c. Pang-PinoyBigBrother, jologs edition
d. Pang-Halloween

13. Madalas akong nayayayang:

a. Makipag-sex (makamandag ako)
b. Makipag-date (haba talaga ng buhok ko)
c. Magkape (Para ata kabahan ako sa mga sinasabi ko)
d. Magpakamatay (Bakit laging ako?!?)

14. Matapos ang unang date, di ka na ulit tinawagan ng ka-date mo na sobrang crush mo. Ano ang gagawin mo?

a. Pagmumunihang mabuti kung ano ang ginawa kong mali. Nangulangot ba ko sa harap nya? Napautot? Saan, saan ako nagkamali?
b. He/she is not worthy of me anyway. Malamang wala sya sa wastong pag-iisip.
c. Tatawagan ko at ako mismo ang magyayaya ng second date. Medyo pakipot pa kasi ko nung first date kaya siguro hindi sya masyado nabighani, pero this time, ilalabas ko na ang lahat ng alindog ko. Todo na 'to!
d. Di na ko magtataka. At least naka-date ko sya, kahit ako lahat ang nagbayad.

15. Naghahanda ka para sa job interview. Bago ka umalis ng bahay, ito ang unang gagawin mo:

a. Mag-iisip ng magandang isasagot at magpapraktis ng best smile ko in front of the mirror. If I can't win the interviewer with my brains, I'll win him/her with my charms!
b. Mag-oorder ng cake for my celebration party. I'm sure I'll get the job.
c. Maghahanda na ng mga excuses na sasabihin sa pamilya ko, kasi malabo naman akong matanggap. Sana lang hindi na maulit yung sinagot ko dati sa isang job interview na "My best asset is my fleasing fersonality."
d. Magdadala ng extra resume. Maganda ang katabing opisina. Just in case.

16. Sa beach ang company/school outing nyo. Ano ang gagawin mo?

a. I'll buy the skimpiest trunks/2-piece I can find. And if I really get in the mood, baka mag-"no piece" na lang ako! Maglaway sila sa pagnanasa sa sexylicious bod ko!
b. I'll just wear a nice bathing suit / swimming trunks, nothing too revealing. Mas sexy kasi pag may konting mystery.
c. Join ako, pero kung magsiswimming man ako, I'll wear a shirt over my swimming attire.
d. "Di ako makakasama e, may ubo ako. *cough* *cough*"

17. Ano para sayo ang college?

a. My Mr/Ms University chance. I'm a sure winner there! Also, my chance to make tambay with the beautiful people and make lait the uncool people.
b. Pagkakataon para magpa-cute sa mga boys/girls and make pasikat to my classmates.
c. Para mag-aral, ano pa ba.
d. Continuation ng pambubully sa akin since grade school years.

18. Paggising sa umaga at pagharap sa salamin, ano ang sinasabi mo sa sarili mo?

a. "Pa-autograph naman. You're too hot!"
b. "Good morning pretty face."
c. Wala. Hindi ko naman kinakausap ang sarili ko. Normal ako eh.
d. Bawal ang salamin sa bahay.

19. Pag nagkakaroon ka ng problema, ano ang iniisip mo?

a. Bring it on! I can handle anything. I'm brilliant.
b. No big deal, lahat naman ng tao may problema. (Hhmmm kanino ko kaya pwede ipasa o isisi 'tong problemang 'to?)
c. Problema na naman?! Anyway, with support from my family and friends, kaya ko 'to.
d. Sanay na ko. Pagharap ko pa lang sa salamin, malaki na problema ko e.

20. Makalipas ang dalawampung taon, single ka pa rin. Ano ang nasa isip mo?

a. Wala pang nilalang ang worthy na makapag-gagarahe sa akin.
b. Choice ko to eh. Sarap yatang maglumandi! (Now saan kaya ako pwedeng maghanap ng pwedeng mapang-asawa? Quick, habang may asim pa ko!)
c. Darating din yan balang araw. I don't look for love, I'll let love find me.
d. Hindi epektibo lahat ng pang-gagayuma ko. Leche, laki na ng nagagastos ko ah!


Share this quiz! (facebook, email, twitter, etc)
| More