frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
TristanCafe Filipino Online Quizzes
Love, personality, and lifestyle funny quizzes that deal with all things pinoy. All original. All free.
Anong klaseng ka-date ka? (What kind of a date are you?)
Are you a good date or bad date? Do you make a hot impression? Answer our fun and sexy online quiz and find out just how "date material" you REALLY are!
Share this quiz! (facebook, email, twitter, etc)
| More

1. Ikaw ay naghahanap ng ka-date for Valentine's, saan ka unang maghahanap?

a. Di ko kelangan maghanap, marami akong manliligaw noh.
b. Sa phone book ng cell ko. I have a boytoy/girltoy collection.
c. I'll call my ex... sana maulit muli.
d. I'll post my number sa lahat ng classified ads, internet, bus, isama mo na pati restrooms.

2. On your very first date, ano ang isusuot mo?

a. Gusto ko formal para disente.
b. Kelangan ba may damit?
c. Itatanong ko sa ka-date ko kung anong isusuot nya, tapos ganung style din isusuot ko para terno kami. Diba ang cute!
d. Kahit ano, basta dapat signature! Para alam nyang mamahalin ang taste ko! Gustong mga brands ay Kelvin's Kline, Bucci, Louis Bitong, at Lacoste, yung may logo ng tiger. Tsaka Bunny Jeans.

3. Kung ikaw ang magpaplano ng first date, saan kayo pupunta?

a. Dinner lang, pero magyayaya akong coffee after, and maybe a movie, kung sakaling ok kasama.
b. Anywhere private... o sige kahit sa dilim na lang kung walang budget.
c. Kahit anong love story na sine, who knows baka ma-in love sya agad sa kin after the movie.
d. Sa sosyaling mall. Baka kasi bigla nya kong ibili ng regalo eh.

4. Anong rituals ang ginagawa mo bago ka lumabas with a date?

a. Spray lang ng perfume. I let my natural beauty take control. Ganda ng Lola mo!
b. Spray din ng perfume... pero including "sa banda doon". Who knows baka may umamoy.
c. Spray din ng perfume... pero I will find out first kung ano yung favorite perfume nya sa mga ex nya.
d. Ako, spray ng special perfume... yung galing Siquijor, para siguradong epektib. Mapapasailalim ko sya sa aking "magic spell"!

5. Ano ang inaalam mo tungkol sa lalaki/babae na makaka-date mo before the actual date?

a. What's he's/she's like as a steady partner -- para malaman ko if I wanna be with him/her.
b. Madali yan... for me size matters. Ang laswa mo naman mag-isip... I meant height.
c. Kung ano ang mga paborito nya. Tapos I'll wear his/her favorite color, order his/her favorite food, etc.
d. Kung san nakatira, san nagtatrabaho, magkano income, magkano savings, kanino nakapangalan ang insurance, at kung ilan ang kotse.

6. Pag tinanong ka ng ka-date mo, "Anong gusto mong gawin?"

a. "I'm hungry. Kain tayo?"
b. "Ligaya ang itawag mo sa akin."
c. "Anything you want. Basta I just wanna be with you, chuva chuchu!"
d. "Nakaplano na ang next 4 hours and 22 minutes na gagawin natin. May plano ka bang baguhin? Ngayon pa lang sabihin mo na."

7. Pag sinabi ng ka-date mo, "Mahilig ako manuod ng sine, lagi kasi namin yan ginagawa ng ex ko." Pano ka magrereact?

a. Ah talaga?" Smile then deadma and look far far away.
b. "Ako rin! dami ko na ngang nagawa sa sinehan e. Gusto mo i-try?"
c. "Awww, that's sweet. Take me there naman, too."
d. "Pwes, wala na kayo. Kaya simula ngayon, wala nang sine sine sa date natin. Intiendes?"

8. Ano ang magandang topic for conversation during a dinner date?

a. Hobbies, motto in life, definition of love, first crush, kung kaya pa pati na rin dedication... in short slumbook!
b. Op kors the 3-letter word. Clue: it starts with an "S" and ends with an "X"
c. I won't talk. I'll just look at his/her eyes the whooooooole time. Para bagang na-starstruck.
d. Cellphones, designer clothes, expensive gadgets, etc. In short, medyo magpaparinig na ko ng nga bagay na gusto kong ipabili sa kanya.

9. Oras na para umorder ng kakainin during dinner date. Ano ang o-orderin mo?

a. Nothing too fancy, at yung hindi messy kainin. Syempre dapat maintain ang poise while eating.
b. Hot and spicy. Spicy foods have aphrodisiacs. It gets you in the mood for lovin, beybeh.
c. Kung ano order nya, yun din sa kin... kelangan pareho kami ng order para bagay.
d. Yung pinakamahal sa menu, kahit di ko alam i-pronounce. Tapos isa pa nun for takeout. Syempre sya magbabayad.

10. Pag tinanong ka ng kasama mo over leche flan after dinner, "So, how come you're single?". Ano ang isasagot mo?

a. "I've been a busy person e, but now I'm starting to find time na. How about you?"
b. "Ang liit nya kasi e. Di ako ma-satisfy." O ang mga green-minded ulit dyan, height pa din ang tinutukoy ko ha. Charing!
c. "Stop asking that na. Promise, before the night ends magkarelasyon na tayo."
d. "Ewan ko ba. After ko makipag-date lagi ng unreachable number nila. Order pa tayo!"

11. Nababato ka na sa boredom sa ka-date mo ng may dumaang cute, charming at ringless na waiter/waitress. Ano ang gagawin mo?

a. Tatapusin ko yung date ko, then will remember na babalik ako sa restaurant na 'to next week... alone.
b. Tatanong ko sa date ko, "na-try mo na threesome?"
c. Tatawagin ko yung waiter/waitress and say, "Hi, can I order? I'll have one blueberry cheesecake with YOU on top."
d. Pagtya-tyagaan ko na lang yung ka-date ko, kahit boring eh naka-BMW naman.

12. E kung walang cute na waiter/waitress tapos bored ka pa rin sa mga kinukwento ng ka-date mo tungkol sa ginawa nya nung kinder sya, ano ang gagawin mo?

a. Ngingitian ko na lang sya tapos ngingiti ako ulit pag nag smile back sya.
b. Magrerequest ako sa DJ ng restaurant to play the song, "Let's Talk About Sex, Baby." Tapos, I'll tell him/her, "That's your cue!"
c. Konting tyaga, bihira lang ako magkanilaga.
d. Sasabihin ko "Flis, i-stop me! (translation: utang na loob, tigilan ako!)"

13. Sobrang ang gwapo/ganda ng ka-date mo, masayang kasama, at masarap kausap while you're having dinner. Nang biglang nag ring ang cellphone mo. Ano ang gagawin mo?

a. I'll excuse myself and answer it quickly, and if it's not a very important call, I'll end the call promptly. Syempre it's polite to give my date my full attention.
b, I'll look at my phone and see kung sino. Pag yung SOP pal ko, CR muna ko.
c. Sasagutin ko ang telepono and I'll tell my friend out loud, "Ang cute nya gosh! Please spread the word sa lahat ng friendship na ang cute ng ka-date ko at di ko na sya pauuwiin ever!"
d. Sasagutin ko sandali, tapos magpaparinig ako sa ka-date ko, "Grabe lumang model na ang cell ko, sana may magregalo sa akin ng bago."

14. Pagdating ng bill sa restaurant, ano ang gagawin mo?

a. I'll tell my date, I'll pay this time and he/she can pay next time.
b. I'll say, "Sagot mo na to, sagot ko motel."
c. Makikipag-agawan ako sa bill. Kelangan ako magbayad ng lahat. I'm so grateful that my date went out with me.
d. "Excuse me, CR lang ako ha? Sakit kasi ng tyan ko."

15. After the date, ano ang most likely na sasabihin mo?

a. "I had fun. Thanks for taking me out/going out with me."
b. Pano ko makakapagsalita?! I can't talk when my mouth is full.
c. "Can I hug you and kiss you and call you mine forever and ever?"
d. "Anong tapos na? Sabi nga ni Kuya Germs... WALANG TULUGAN!"

16. Ano ang ine-expect mong mangyayari tapos ng date?

a. Warm hug and a short kiss sa cheeks lang.
b. Ine-expect kong "may mangyayari".
c. Loooong hug. Basta iha-hug ko sya ng iha-hug. Pag ayaw nya na, hug ko sya ulit.
d. Tapos ng date, ine-expect kong masasampal ako. Sana isa lang.

17. Matapos ang date, gaano katagal bago mo tawagan ang naka-date mo kung sakaling interesado kang makausap sya?

a. Ano sya sinuswerte? Kelangan ako ang tawagan nya.
b. Pag-uwing pag-uwi... It'll be fun to play with him/her sa phone bago matulog.
c. Pag uwi, paggising, bago maligo, matapos maligo, tuwing bago kumain, tapos kumain, habang nasa trabaho, saka bago matulog.
d. Araw-araw... pag di ko sya makausap, tatawagan ko sa opisina, sa mga kaibigan nya saka hahanapin ko sa nanay at tatay nya.

18. Pag sinabi sayo ng ka-date mo, "let's just be friends." Ano ang reaksyon mo?

a. "Sure, I think you're a nice person."
b. "You mean FUBU? Type na type! Mas ok sa kin sex lang walang commitment."
c. "No, I can't live without you. You are my life, my world, my everything. Ikamamatay ko pag nawala ka."
d. Ipagtitirik ko sya ng itim na kandila sa labas ng bahay nila gabi-gabi.

19. Ano ang best way na sabihin sa ka-date mo na hindi ka na interesadong maka-date sya ulit?

a. "You're sweet and kind. I'm sure you'll find the right person for you. Good luck on your search."
b. Pagbibigyan ko na lang syang gamitin ang alindog ko, pero one time lang ha.
c. Uhm, that has never happened. Laging ako ang ini-isplitan. It's so unfair!
d. "Alam mo kalalabas ko lang sa bilangguan. Nakapatay kasi ako dati, pero pwamis di ko sinasadya."

20. During one of your dinner dates sa bahay mo, bigla kang napa-utot ng malakas! Ano ang gagawin mo?

a. "Oops! Excuse me. Pasensya na, I had beans kasi kaninang lunch eh."
b. "I'm dirty! I'm naughty! I need some spanking!"
c. Kukunin ko ang steak knife sa table at magpapakamatay na ko! Gosh, it's so nakakahiya to death!
d. Titingin ako bigla sa ilalim ng mesa, tapos pagbibintangan ko yung alaga naming aso: "Pssst Blackie! Ano ba, you are so bastos!"


Share this quiz! (facebook, email, twitter, etc)
| More