frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
TristanCafe Filipino Online Quizzes
Love, personality, lifestyle & entertainment quizzes that deal with all things pinoy. All original. All free.
Ambisyoso/Ambisyosa ka ba? (How ambitious are you in life?)
Marami ka bang ambisyon sa buhay? Will you achieve your dreams, or are you just day-dreaming? Answer our fun, funny, and sexy online quiz and find out kung kaya mong abutin ang pangarap na bituin!
Share this quiz! (facebook, email, twitter, etc)
| More

1. Noong bata ka pa, kapag tinatanong ka kung ano ang gusto mo maging paglaki mo, ang lagi mong sagot ay…

a. Maging presidente ng Pilipinas. Idol ko kasi si GMA. Kung saan-saang bansa nakakapaglakwatsa, at isang dinner nya lang ang isang milyon!
b. Maging doktor. Gusto kong gamutin ang mga maysakit.
c. Maging simpleng housewife.
d. Maging pasyente. Para magkaroon naman ng mga trabaho ang mga gustong maging doktor.

2. Kapag nanalo ako ng jackpot prize sa lotto…

a. Bibili ako ng sariling island, kung saan ako ang magiging Hari/Reyna.
b. Magtatayo ako ng sarili kong business at magdo-donate sa charity.
c. Ibo-blow out ko buong barangay.
d. Gigisingin ko ang sarili ko. Nananaginip na naman ako ng gising.

3. Nginitian ka ng campus hearthrob nyo nang makasalubong mo sya sa corridor. Iisipin mo na…

a. Crush ka nya at nagpapacute sya sa yo.
b. Friendly lang sya talaga.
c. Candidate sya for Mr. Popularity kaya kailangan nyang magpa-cute para iboto mo sya.
d. Kamukha mo ang katulong nila kaya nginitian ka nya. Siguro uutusan ka.

4. What is your ultimate dream?

a. Matalbugan si Bill Gates.
b. Mapantayan si Henry Sy.
c. Makainuman si Lucio Tan.
d. Mapunasan ng pawis si John Gokongwei.

5. Maraming nagsasabi na kahawig ko daw si…

a. Cameron Diaz pag front view, Drew Barrimore pag sideview, at Lucy Liu pag top view.
b. Tama na sa akin si Jolina. Cute naman sya diba?
c. Nanay ko.
d. Aso namin.

6. For the nth time, binasted ka ng nililigawan mong muse ng section nyo. Ano ang gagawin mo?

a. Yung muse ng buong campus ang liligawan ko. Siguro hindi sya talaga ang ka-level ko kaya hindi kami bagay.
b. Titigilan ko na ang panliligaw. Baka di lang talaga kami para sa isa't isa.
c. Yung pinaka-chakang classmate na lang ang liligawan ko. Ang importante magka-syota ako.
d. Lulunurin ang sarili sa septic tank. Sadyang hindi para sa akin ang pag-ibig.

7. Kung ikaw ay isang fairy tale character, ikaw si…

a. Snow White. Because I'm the fairest of them all.
b. Rapunzel. Haba ng hair.
c. Sleeping Beauty. Wala akong ibang gagawin kundi matulog habang naghihintay sa prinsipe na hahalik sa akin.
d. Princess Fiona. Pag nagiging ogre sya.

8. Kung makaka-date ko si Johnny Depp…

a. Aarkilahin ko ang buong Boracay at doon kami magpapalipas ng magdamag.
b. Dadalhin ko sya sa isang romantic restaurant.
c. Dadalhin ko sya sa bahay para panoorin namin ang lahat ng movies nya.
d. Ipaglalaba, ipagluluto, ipagpaplantsa at ipagmamanicure ko sya.

9. Kung ikaw ay isang bulaklak, ikaw ay isang…

a. Tulip. Sosy ako eh.
b. Rose. Simple lang ang ganda, pero mabango.
c. Gumamela. You can see it everywhere.
d. Makahiya. Teka, bulaklak nga ba yun?

10. Kung ikaw ay titira sa isang high-rise condominium, gusto mong mag-stay sa…

a. Penthouse. I love seeing the view from the top. Feeling ko akin ang mundo.
b. 12th Floor. I wanted to be somewhere in the middle.
c. Sa Ground Floor. Para madaling puntahan.
d. Sa Basement. Para nakatago.

11. What is your favorite song line?

a. "To dream, the impossible dream…"
b. "Mangarap ka, mangarap ka…"
c. "Wish ko lang…"
d. "Langit ka, lupa ako…"

12. Kung naging artista ako, for sure ang makakapartner ko ay si…

a. Brad Pitt. Ako ang papalit kay Angelina Jolie sa sequel ng Mr. & Mrs. Smith.
b. Dingdong Dantes. Pwede ko naman sya maabot, naging ka-loveteam nga sya ni Eugene Domingo eh.
c. Allan K. Kapalit ni Jaya sa "All-Star K'. Para kwela.
d. Arnold Clavio. Kapalit ni Arn-arn. Mukha din naman akong puppet.

13. What is your ideal man/woman?

a. Someone who is rich and famous. Di bale na kung panget. Mapaparetoke naman nya ang mukha nya.
b. Someone who has a good personality. Syempre ang ugali pa rin ang importante.
c. Someone na marunong maglaba, magluto, magplantsa, at magsibak ng kahoy. Para matutulungan namin ang isa't isa.
d. Someone who will love me. Yung matibay ang sikmura.

14. Ano ang gusto mong nakalagay sa pinto ng bahay mo bilang "Welcome Sign"?

a. No ID, No Entry. VIP Entrance Only.
b. Please Come In, We're Open.
c. Barya Lang po sa Umaga.
d. Pusher ang nakatira dito. Alis dyan!

15. Kung ang mga ambisyon mo sa buhay ay isang hayop, ano ito?

a. Monkey-eating Eagle. Mataas ang lipad. At ang sinumang unggoy na hahadlang sa mga pangarap ko eh kakainin ko!
b. Lion. Matapang. Ready to fight.
c. Askal o pusakal. Masarap pampulutan!
d. Pagong. So I can hide under my shell.

16. If I will become the President of the Philippines…

a. Ipagbabawal ko ang corruption sa lahat ng mga government officials. Dapat ako lang!
b. Isusulong ko ang ekonomiya ng Pilipinas. Go Philippines!
c. Gagawin kong Defense Secretary si Anabelle Rama (walang inuurungan), Health Secretary si Dra Vicky Belo, MMDA chairman si Bayani... Agbayani. At higit sa lahat, Executive Secretary si Nora Aunor, dahil kakailanganin ng natin ng Himala pag ako ang naging Pangulo.
d. I will resign immediately.

17. Kung nasa harap mo ang isang salamin, ano ang nakikita mo?

a. Isang dyosa/hari ng kagandahan/kagwapuhan na punong-puno ng alindog.
b. A better version of me. I believe in the power of visualization!
c. Ang sarili ko. Haller?!
d. Sorry di ako tumitingin sa salamin. Nababasag kasi.

18. How do you see yourself 10 years from now?

a. Ako na ang tatawaging "Boss" ng boss ko ngayon. At aalilain ko sya, bwahaha!
b. I'll be starting my own business. Para wala na akong boss.
c. 10 years from now, I'll be 10 years older. At ganun pa din ang trabaho ko, nakaka-survive naman ako kahit papano.
d. Isang busabos. Mawawalan na ko ng trabaho kasi lagi kong pinag-iinit ang ulo ng boss ko.

19. Sa isang contest, ikaw ang dapat tanghaling Big Winner dahil…

a. Nasa akin lahat ng katangian ng isang Big Winner. At kung kinakailangan kong mandaya para manalo, gagawin ko. Sabi sa inyo idol ko si GMA eh!
b. Because I did my very best!
c. Ako lang ang kayang kumain ng buhay na manok at tumawid sa nagbabagang apoy sa Talent Portion.
d. Maghuhuramentado ko pag natalo ko ulit. Lagi na lang akong Big Loser! Bwiset!

20. Ano ang iyong tagline bilang isang ambisyosa/ambisyoso?

a. I'm the King/Queen of the World!
b. Dream. Believe. Survive.
c. Ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig, ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik!
d. Pasan ko ang daigdig.


Share this quiz! (facebook, email, twitter, etc)
| More