Dear Manay Letty...
Our very own advice column by the inimitable Manay Letty! Laugh your heads off as she dishes out her own unique and endearing brand of naughty humor, giving wicked advice after wicked advice to our gullible letter-writers. Remember those JAPAN (Just Always Pray At Night) and ITALY (I Trust And Love You) acronyms? Well, Manay Letty has lots more of those to impart to our advice-seekers.


I'm back my Dear Readers! Na-miss nyo ba ang kagandahan ko? Medyo matagal akong nawala dahil nagbakasyon ako sa isang mountain resort sa Australia kasama ang lahat ng miyembro ng The Hunks at PowerBoys, pati na din ang Turvey Twins at ang buong male cast ng "Tabing Ilog", at doon ay gumawa kami ng isang private home video na aking pinamagatang "Pwe! I Love You...", na kung inyong babasahin out loud ay dapat may action ng ganito: "(padura ang pagsabi ng) Pwe! (sabay tanggal ng buhok sa bibig at sabay ngiti, tsaka mo sabihin as sweetly as you can ang) I Love You..." Sige subukan mong gawin, Dear Reader. Hindi mo na-gets? Huwag ka nang magtaka dahil engot ka talaga. (Dear Readers, nais kong ipaalam sa inyo na hindi totoong si Pops Fernandez ang kasama ni papa Brad Turvey sa Australia, cover-up lang namin yun para hindi ako mahuli ng aking bagong kasintahan na si Totoy Mola Tiramisu.)

By the way my Adoring Public, sana ay napagpasensyahan nyo ang balahura kong sister na si Ate Pekta na panandaliang pumalit sa akin dito, ikinagagalak kong ipaalam sa inyo na nagbalik na sya sa Basilan upang magpa-kidnap sa Abu Sayyaf dahil nabalitaan nyang pinagsasamantalahan ng mga tulisan ang pagkababae ng kanilang mga kinikidnap. My Dear Ate Pekta na ubod ng kire, nais kong sabihin sa 'yo na delikado yang ginagawa mo dahil hindi ka naman isang ganap na babae, so paano ka pagsasamantalahan ng mga tulisan? Hindi ka pa man din naghuhugas ng juwet...yaaaak! Dyosko nahawa na yata ako sa kabalahuraan ni Ate Impakta. O sya sasagutin ko na nga lang ang mga walang-kwenta nyong liham...

Dear Manay Letty,

May napakalaking suliranin po ako at kailangan ko ang inyong payo. Ako po ay 26 years old, single, gwapito, at happily bading. Yes Dear Manay Letty, berde po ang aking dugo. Nguni't hindi ko po mapagtapat ang aking kajoklaan sa aking mga peyrents, bagama't alam kong matagal na silang may hinala, lalo na't sa edad kong ito ay ni minsa'y hindi pa ako nakapag-uwi sa bahay ng girlfriend, at sa halip ay puro ang aking mga lalaking "bestfriends" ang kanilang nakikilala. Nung minsan nga ay nagtanong si inay kung bakit buwan-buwan daw yata ay iba ang aking "bestfriend", at sinabi ko na lang na "Mother, friendly lang talaga ko."

Nguni't kamakailan ay nagulo ang aking mundo. Nitong mga nagdaang araw ay may masugid na pinapareha ang aking mga magulang sa akin, isang babaeng nag-ngangalang Lumeng. Yes Dear Manay Letty, pinipilit nila akong i-match sa isang-Omegash, I think I'm gonna puke--babae! Maganda at mabait naman si Lumeng, at sa katunayan ay aktibo sya sa aming simbahan, nguni't ang type ko talaga ay ang kuya nyang si Leandro. Kahapon, dahil sa sobrang pangungulit ni Inay ay pumayag akong makipag-date kay Lumeng, mabigat man sa aking damdamin. Sa sabado na po ang aming date at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Okay lang ba kung makeup-an ko na lang sya at ayusan ng buhok? Hindi kasi maganda ang hairstyle nya at hindi pa sya mahusay manamit, palagi syang naka-green pero mas bagay sa kanya ang color mauve. Yes Dear Manay Letty, bading talaga ko kaya alam ko ang color mauve.

Maghihintay po ako ng inyong maipapayo habang pinapraktis ko ang dance steps ng Asereje.

Jimmy by day, Jessica by night     

********************

Dear Jimmy by day, Jessica by night, Charing forever,

Unang-una, nais kong sabihin sayo na bilib ako sa kalandian mong baklita ka. Buwan-buwan ay iba ang inuuwi mong lalake sa inyo? Makating bruha...kala mo inggit ako? Binisita yata ako kahapon ng buong basketball team ng Ateneo at La Salle sa aking mansion sa barangay Forbes Park, kung saan pinalaro nila sa akin ang kanilang balls. Basketball balls ha? Dear Readers, huwag madumi ang isip.

Tungkol sa date nyo ni Lumeng sa sabado, ang maipapayo ko ay magsuot ka ng isang pabulosang gown sa date nyo. Yung fully-beaded, made of tulle and organza, tapos may shoulder-length satin gloves. Kung sa tingin mo ay mala-Melanie Marquez ang beauty mo ay ilusyonada ka. Taray ko no? Syempre maganda ko. As I was saying, kung mala-Melanie Marquez ang beauty mo at kaya mong i-pull-off ang mga outrageous combinations ay samahan mo na din ng fedora hat at feather boa. Para maging mas maganda ka kay Lumeng sa date nyo. So mapapahiya siya. Ma-iinsecure sya at sya na ang aayaw. O kung maganda naman ang figure mo, pwede ka din mag-tube with matching hawaiian grass skirt and 6-inches na pink bakya. O diba bongga?

At para tumigil na ang iyong mga mahaderang magulang sa pag-setup sa 'yo sa mga babae, ganito ang gawin mo: Umuwi ka sa inyo na suot-suot pa din ang bongga mong outfit, pero magsuot ka ng mahabang trenchcoat para matakpan ito. O kung wala kang trenchcoat, dahil sino nga naman ba ang may trenchcoat dito sa pilipinas, pwede din na magbalabal ka na lang ng kumot over your beautiful gown or tube. Maghanda ka din ng isang pirasong candy, pwede na mentos. Pagkatapos ay gisingin mo ang iyong itay at inay at bigla mong isubo ang mentos at sumigaw ka ng "Darna!" sabay tanggal sa trenchcoat/kumot na suot mo upang ipakita sa kanila ang iyong tunay na kagandahan. O diba panalo?

Marahil sa simula ay majombags ka ng tatay mo, pero hindi magtatagal at matutuwa din ang peyrents mo sa kabadingan mo, lalo na kapag naturuan mo ang iyong inay ng tamang color coordination at ng proper way ng pag-mix-and-match ng clothes, at kapag naturuan mo ang iyong itay ng dance steps ng "Cheeky Song". Cheeky, cheeky!

Ang iyong "food for thought" ay bagay na bagay sa 'yo, dahil kung sakaling maka-date mo si Leandro at magpunta kayo sa motel, tiyak ito ang mabibigkas nya:
P.E.R.U. - Putangina, Etits Rin Urs?!

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Dear Manay Letty,

Mang-aagaw! Ahas! Daig mo pa si Regine nang agawin nya si Ariel kay Gelli! Nagtapat na sa akin ang aking kasintahang si Carlos Miguel, kaya daw sya nanlalamig sa aming samahan nitong mga nakaraang araw ay dahil may iba na raw syang nahanap... at ikaw daw iyon, malanding putatching! Ano ba ang pinakain mo kay Carlos Miguel at naakit mo sya? Paano na lang ang aking umaapoy na damdamin? Mahirap pa man din maghanap ng boypren ngayon. Hmp! Pag nakita kita aahitin ko lahat ng buhok mo sa katawan!

Rosa Camilla     

********************

Dear Rosa Camilla,

Dyosko naman kasi Grandma, sa edad nyong yan dapat hindi na kayo lumalandi! Tanggapin nyo na ang katotohanan na amoy lupa na kayo my Dear Granny, maghapon na ngang nagkakalkal ng lupa ang inyong hardinerong si Carlos Miguel, syempre ang gusto nya namang makasama sa gabi ay ang isang bata't sariwa na tulad ko. At huwag nyo nang itanong kung ano ang pinakain ko sa kanya kung kaya't nabighani sya sa akin, tiyak na hindi nyo lang magugustuhan ang sagot. Dear Readers, again, huwag bastos ang isip, at baka patatakan ko kayo ng X-rating kay tita Manoling Morato.

And GrannyGoose, as a rule of thumb, kung hanggang tuhod nyo na ang boobs nyo, talagang mahihirapan na nga kayong maghanap ng boyfriend. Pagtiyagan nyo na si Grandpa, at patawarin nyo na sya ng hatawin nya ng walis tingting ang inyong...uhm, pinaka-tatago-tago dahil napagkamalan nyang isang malaking gagamba. Kayo naman kasi eh, ibili nyo na si lolo ng eyeglasses.

One last thing, beloved Grandmother, hindi nyo na kailangang ahitin ang lahat ng buhok sa aking katawan dahil nagawa na iyon ni Carlos Miguel, nung isang araw kasi ay naglaro kami, sya ang hardinero at ako ang kanyang hardin, ahihihi...

Hay naku, sumulat na dito si Itay, si Inay, si Kuya, pati na si Yaya Mitring, at ngayon naman si Lola, baka sa susunod ay may sumulat dito at sabihing anak ko sya...

Kung gusto mo talagang makahanap ng kakangkangan, makamundong Grandma, pumunta ka na lang sa:
S.I.N.G.A.P.O.R.E. - Sex Is Needed; Gals Are Priceless; Orgies R Excellent.

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Dear Manay Letty,

Sampung taon na po ang lumipas nung last time na nakita ko ang inay. Sabi ni lola nasa manila na daw sya, at maraming tao daw ang may kilala sa kanya. Ang tawag daw nang maraming fans nya sa kanya ay Letty. Nay uwi ka na.

(Ang Inyong Anak) Letoy     

********************

Dear Letoy,

Uy right on cue ka ha. Aba ambisyosong 'to, ako pa ang napiling maging nanay. In the first place, my dear Letoy, hindi pa ako nape-preggy dahil bawal sa contract ko with Mother Lily ang magka-anak ako, madi-disillusion daw ang libo-libong mga fans kong kalalakihan na ang tanging pantasya sa buhay ay ang makapiling ako sa isang gabi ng kamunduhan.

In the second place, kilala ko kung sino ang nag-setup sa 'yo para sulatan ako at sabihing ako ang iyong ina: walang iba kundi ang iyong amang si Dodong (na ang pag-pronounce sa pangalan nya ay "Dudung"), na aking naging dating kalaguyo. Dodong, siguro'y ito na ang tamang panahon para malaman mo ang katotohanan: iniwan kita noon dahil isa kang tatanga-tangang nilalang. Naaalala mo ng ibili kita ng elevator shoes dati (dahil pandak ka), at nagalit ka sa akin at sinabi mong ayaw mong isuot yun dahil magastos sa kuryente, at paano na lang pag-nagbrownout? Dyosko, hindi talaga nakayanan ng powers ko ang katangahan mo...

Para sa inyong mag-ama, dahil nauubusan na ko ng mga "nuggets of wisdom", ito na lang ang sa inyo:
K.O.R.E.A. - Keep Optimistic Regardless of Every Adversity.

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Dear Manay Letty,

Ikaw ba yung nasa picture sa itaas? Matanda ka na pala...

Jimvo     

********************

Dear Jimvo,

Putang-ina mo rin.

For you, Jimvo:
H.O.L.L.A.N.D. - Hope Our Love Lasts And Never Dies.

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Dear Manay Letty,

Hindi pa po ako nagkaka-boyfriend. Tag-ulan na naman at malamig ang mga gabi, masarap sanang may katabi sa kama upang ako'y yakapin at pag-initin ang aking katawan. Ano po ang dapat kong gawin?

p.s. Pls. see my attached photo, maybe you can set me up with someone.

Eba     

********************

Dear Eba,

Nais kitang pasalamatan sa pagpapadala mo ng iyong litrato dahil nabigyan mo ako ng napakabisang paraan ng pagda-diet. Kailangan ko lang tignan ang picture mo bago ako kumain at agad akong nawawalan ng gana, leche ka.

Dyosko nagtaka pa ang pantasyadorang haliparot kung bakit hindi sya magka-boyfriend. Wala bang salamin sa bahay nyo, o baka naman nababasag lang pag humaharap ang mala-Medusa mong kagandahan? Dapat ngayon pa lang ay tanggapin mo na ang kalagayan mong yan dahil sinisiguro ko sa 'yong pang-habangbuhay na yan. Mabuti na lang at hindi mo kamuka ang kauna-unahang Eba sa lupa, dahil kung nagkataon ay tiyak na hindi nagkagusto si Adan kay Eba at wala tayong lahat dito sa mundo. Okay lang sana kung ikaw lang ang wala, naku ang saya-saya nun diba? By the way Eba, bakit hindi ka magpalit ng pangalan, feeling ko kasi mas nababagay sa 'yo ang pangalang Ebak. Tutal malapit din naman ang tunog.

Set you up with with someone? Kung gusto mo ay ire-refer kita kay Madam Rosa, pwede ka nya sigurong maihanap ng boyfriend na naangkop sa 'yo, balita ko kasi ay kaya nyang bumuhay ng bangkay...

Eba, para sa iyo at sa iyong magiging "Night Of The Living Dead" na partner, ito ang banggitin nyo sa isa't-isa:
M.A.L.A.B.O.N. - May A Lasting Affair Be Ours Now.

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Ikaw ba ay nalulungkot, nababalisa, walang magawa sa buhay mo?
Humingi na ng payo kay Manay Letty!
Click here to send her an email!

MANAY LETTY'S NOTE: Dear Readers, ako at sampu ng aking mga kaibigan...ay labing-isa. Ang witty ko, no? Anyway as I was saying, ako at sampu ng aking mga kaibigan ay nagbabakasyon ngayon dito sa... teka, hindi ko na lang sasabihin kung saan at baka sundan pa ako dito ni Bukopie Vanilla MilkShake (hindi mo kilala kung sino si Bukopie Vanilla MilkShake? Pwes manigas ka.) Sadya ko syang hindi isinama dito dahil kasama ko ngayon ang aking kalaguyo, na itatago ko na lang sa pangalang Leche Flan Cheesecake, with cherry on top. Anyway again, I've enlisted the help of my dearest sister, si Ate Pekta (na nung maliliit pa lang kami ay tinatawag kong Ate Impakta), para maging guest columnist dito while I'm away. O sya, magpapakasaya muna ako dito...pearly shell, down the ocean...

Dear Manay Letty,

i have some question for you and i hope you can help me. well before i begin im leaving in the U.S. right now and the mean topic of this letter is this i really miss my friends in the philippines and especially the person i loved the most, but its impossible if he still love me though. so i dont have to tell you how did i get here or about my life, cause its miserable and nothing to tell about it.

r. thomas     

********************

Dear r. thomas,

Una sa lahat, proud na proud ang lola mo na malaman na hanggang sa US eh kilala ang iyong yours truly, ang taray di ba?

Pangalawa sa lahat, hindi ako naniniwala na taga-U.S. ka, punyeta ka. May pa-Ingles Ingles ka pang nalalaman eh daig mo pa ang bisayang hilaw na kaluluwas lang sa Maynila kung mag-spokening dollar ka. Kung ako ikaw (na hindi ever man mangyayari) maghahanap na lang ako ng trabaho para naman maiahon mo sa kadukhaan ang pamilya mo sa probinsya. Wag mo na ring isipin ang mga kaibigan mo dahil malamang eh nagpapa-fiesta na sila doon at nawalan sila ng isang salot sa baranggay. At saka pwede ba? Tigilan mo na yang kaka-ilusyon mo na naghihintay pa ang mahal mo doon. For sure, may asawa't anak na ang tarantadong yon at malaki pa ang tiyan nun kesa sa isang nagdadalang-tao sa kakalaklak ng gin at gold eagle beer. Mamulat ka sa katotohanan. Itigil mo na yang kakapanggap mo't baka hindi ako makatiis na ipabaril ka.

lovelots and kisses,     
Ate Pekta          



Dear Manay Letty,

ang problema ko po ay ang kulugo ko sa aking mga kamay. ako po ay may asawang tao at parate po niya akong binubuska.. ang tawag po nya sa kin ay.. "mr. cool ! " as in mr. coolugo....... alaskado po ako parate ano po ang inyong maipapayo? ngapala po, hindi naman sya makati or what pero hindi lang sya kanais nais tignan... mahal ko po ang asawa ko pero sa katutukso nya sakin nabubuset na ako sa kanya at minsan ay napipikon na ako... ano kaya ang pede kong pangganti ng panunukso sa kanya?

Mr. Cool     

********************

Dear Mr. Cool,

Ano ka ba naman, kuya? Di ba ang tagal-tagal ko nang sinabi sayo na ipatingin mo na yan sa doktor? Buti na lang lumayas na ako sa bahay at baka mahawa pa ako nyan. Eeewww.. kadiri! Bago ko nga pala makalimutan, kamusta na pala ang mahal kong hipag? Buhay pa ba si Ate Carlota? Sana naman eh hindi mo na sya binubugbog tuwing inaasar ka nyang "Mr. Cool". Truth hurts naman talaga eh. Learn to accept your shortcomings kahit hugis bilog yang kulugo mo at iba ang maikli sayo (oy... aminin!) Listen to me, kuya ha? Para magka-anak naman kayo ni Carlota. Ilang beses na ba syang nahuhulog sa hagdan at nakukunan dahil sa pambubugbog mo? Sige ka, baka hindi yan makapagtiis at ipa-salvage ang beauty mo. O sige na at ibababad ko pa ang mga kamay ko sa alcohol dahil baka contaminated ng mga kulugo germs itong liham na ipinadala mo. Eeewww...

PS. Patawarin mo na si Ate Carlota. Ako naman ang nag-utos na tuksuhin ka nyang Mr.Cool eh. Ganti ko lang naman yon sa pagtawag mo sa saken na Mr. Big Bang noong mga bata pa tayo. Akala ko kasi dahil sa Big Bang chololate bar na kinahiligan ko noong mga araw na yon. Mr. Cloud 9 pa nga ang codename ko sayo noon diba? Ahihihi. Huli na nang nalaman ko na may putok pala ako, walang hiya ka. Inabuso mo ang innocence ko. Lintik lang ang walang ganti! Bwahahahaha.

PPS. Mabango na ako ngayon, anong say mo? May kulugo ka pa rin. Bwahahahaha.

hugs and kisses,     
Ate Pekta          



Dear Manay Letty,

hi tita, isa ako sa mga taga hanga mo. Totoo ba pag inlove ka ay magkakapimples ka? Pag daw kumain ka ng mani ay titigyawatin ka ba sa mani? thanks a lot but not house & lot...

FAT GIRLS     

********************

Dear FAT GIRLS,

Ayon sa aking matinding pagsasaliksik na ginawa ko kani-kanina lang, hindi iyan totoo. Gawa-gawa lang yan ng mga babae na kagaya mong namumutok-mutok na ang katawan sa sobrang katabaan at tinalo pa ang tatlong poste ng Meralco na pinagtabi-tabi sa laki ng kaha upang matakpan ang katotohanan na ang pimples ay dulot ng sobrang mantika sa katawan, ilusyonada! Mag-exercise ka nga bruha para hindi na madagdagan ang sangkaterbang tigidig dyan sa mukha mo. Kaloka ka ha. Aanhin ko naman 'tong picture mo na kasama dito sa liham? Pampabigat lang 'to ng envelope eh. Nagbayad ka tuloy ng extra.

Tungkol naman sa second question mo, hindi ko na tuloy maialis sa isipan ko na bobita kang talaga at wala nang pag-asang umunlad pa ang mundo mo. Baket, kamo?! Leche ka. Kelan ka ba nakarinig na merong mga lalaking hindi kumakain ng hotdog, longganisa, sausage, talong, upo, saging, at itlog dahil ayaw nilang magkatigyawat sa kanilang uhm... well... hotdog, longganisa, sausage, talong, upo, saging, at itlog? Use your coconut shell naman noh!

PS. Applicable din 'to sa bibingka, kalamay, pinya, durian, siopao, monay, tahong, papaya, melon at kung anu-ano pang mabibilog na prutas meron sa palengke. Huwag ka na ring susulat dito, lintek ka. Pinapataas mo ang dugo ko.

sumasaiyo,   
Ate Pekta     



Dear Manay Letty,

Nalilito lang ako: pwede bang mag-softdrinks kapag coffee break?

Iya     

********************

Dear Iya,

If I didn't know better, iisipin kong ikaw si Fat Girls na ni-banned ko nang sumulat sa column na 'to. Pilosopang futah. Siguro noong nagpaulan ang Diyos ng katangahan eh hindi nagbukas ang payong nyong dalawa. Dyosko, pero dahil sa mabait ako at first and last time mo na itong susulat sakin (banned ka na rin bruha!), sasagutin ko ang tanong mo: hindi pedeng mag-softdrinks tuwing coffee break! NAMPUTSA! May narinig ka na bang nag-candy lang tuwing yosi break?! O kaya nag-breAKFAST TUWING LUNCH BREAK?! KUNG GANON DIN LANG NAMAN, EH DI SANA MERON NANG CANDY BREAK, SOFTDRINKS BREAK, AT BREAKFAST BREAK NOH!! ANAK NG PATING! GINAGALIT MO AKO EH! SUNTUKAN NA LANG TAYO! ANO? HA? HA? !@#$%

Mamatay ako nang maaga sa mga katulad mo eh. Wag ka nang susulat uli dito at tiyak, hahanapin kita at ipapakain ko sayo sulat mo. Leche!

nagmamahal ng lubusan,   
Ate Pekta              



Dear Manay Letty,

Huhuhu. Natuklasan ko kamakailan lang na bading pala ang boypren kong si Bogart, nahuli ko siyang kasama ang bespren nya sa kama, at ang masakit pa nito ay si Bogart pa ang...paano ko ba sasabihin ito...ang boypren ko pang si Bogart ang nakatuwad! Masakit. Napakasakit. Ano ang aking gagawin?

Baldo     

********************

Dear Baldo,

Damuho ka! Bading ka rin pala. Buti na lang at maikli lang ang liham mo't hindi ako napagod basahin. Anong napasakit ang pinagsasasabi mo? Sanay ka na doon di ba? 'Tong baklitang 'to. Kung alam ko lang eh, mas maluwag pa sa rubber band ang behind mo sa kaka-pahada mo. Daig mo pa ang masokistang nagpapalatigo tuwing Mahal na Araw kung sakit ang pag-uusapan. Rumampa ka na lang dyan sa Recto o sa Circle at for sure, makakalimutan mo na si Bogart dearest mo. Kung gusto mo eh mag-stroll ka sa Malate o makipag-SEB kung kani-kanino para ma-ease ang dalamhati kuno na nararamdaman mo. Ingat lang ha at baka kung anu-anong sakit din ang dumapo sayo, at hindi ito kagaya ng sakit na kinasanayan mo kay Bogart at kung kani-kaninong lalaki sa buhay mo, futah ka. O sige hanggang dito na lang at makikipagkita pa ako sa textmate kong si CutieBogart2003 eh. Balitaan mo na lang ako ha?

sumasaiyo,   
Ate Pekta     



Ikaw ba ay nalulungkot, nababalisa, walang magawa sa buhay mo?
Humingi na ng payo kay Manay Letty!
Click here to send her an email!

Salamat ng marami Ate Pekta! Sana ay maging guest columnist ka ulit namin dito in the near future. Oo nga pala, "I love you" daw sabi ni Nei...

Here are the old "Dear Manay Letty" letters...

Dear Daughter Dearest,

Medyo mabagal akong magsulat ngayon dahil alam ko na mabagal kang magbasa. Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang bagong bili na bahay pero hindi ko maibibigay sa iyo ang address dahil dinala ng dating nakatira ang number para daw hindi na sila magpapalit ng address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila. Dalawang beses lang umulan sa linggong ito, tatlong araw noong una at apat na araw naman nung pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad ng nabili kong shampoo dahil ayaw bumula. Nakasulat kasi sa labas ay FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa tindahan at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok sa bahay dahil ayaw bumukas ang padlock. Nakasulat kasi ay YALE, aba eh namalat na ako sa kakasigaw ay hindi pa din bumubukas.

Mayroon nga pala akong nabili dito na magandang jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko na sa iyo sa DHL, medyo mahal daw dahil mabigat ang mga butones kaya ang ginawa ko ay tinanggal ko na lang ang mga butones at inilagay ko sa mga bulsa. Ikabit mo na lang pagdating diyan.

Nagpadala na din ako ng tseke para sa mga nasalanta ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto kong maging anonymous donor.

Ang kapatid mo nga palang si Jude ay may trabaho na dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa Memorial Park, okey naman ang kita, above minimum ang sahod.

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na lang ng madalas.

Nagmamahal for life,     
Mommy Dearest      

P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay naisara ko na ang envelope.

********************

Dear Mommy Dearest,

Utang na loob naman Inay, bakit naman wala pa ring kupas ang inyong katangahan? Kaya naman dalawang beses na inaatake sa puso si Itay dahil sa konsumisyon sa inyo eh. Tulad ng tinitigan nyo ng isang oras yung karton ng orange juice dahil nakasulat dun "concentrate", o nung sinabi nyo na puno na yung sinehan dahil nakasulat sa may pintuan "pull". Dyosko, mabuti na lang at ang kagandahan ko lang ang namana ko sa inyo.

Para sa iyo, Mommy Dearest (at kailan pa nga pala kayo nagpalit ng pangalan from "Inay" to "Mommy Dearest"?):
M.A.N.I.L.A. - May All Nights Inspire Love Always.

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Dear Manay Letty,

Mayroon akong dalawang katanungan na kung inyong masasagot ay makatutulong sa nakararami, at sa katunayan ay maaari pang makapagdulot ng world peace. Una: Ang kikiam ba ay kiki sa umaga? At pangalawa: Ang uod ba pag namatay ay inuuod din? I thanks for you!

Thin Girl     

********************

Dear Thin Girl,

Bago ko sagutin ang iyong mga tanong, gusto ko munang i-address ang ating Dear Readers, especially ang mga hindi taga-Pilipinas na hindi bihasa sa "textese" (rhymes with "chinese"), ang unique language ng mga pinoys na ginagamit sa texting: usually ginagamit ang "am" or "pm" instead na "morning" o "evening" para mas maiksi i-type, for example: "gud am HoneyBunny!" o "gud pm my sweet LecheFlan Cupcake!". Kaya ang question ng ating mahaderang letter-writer ay kung: "kiki" + "am" = "kiki sa umaga"? Actually hindi din ako sure sa sagot kaya tinanong ko ang isa kong kaibigan na lalaki. Ang sabi niya ay "yes" daw ang sagot dahil pareho lang naman daw ang lasa nun. Ang reaction naman ng inyong asumptionistang lola (meaning ako, gaga!): "YUCK! YUCKADIRI! YUCKADIRI TO DEATH!"

Para naman sa 2nd question mo, Thin Girl: malalaman lang natin ang sagot dyan pag pumanaw ka na, dahil sigurado akong mukha ka namang uod. By the way, alam mo bang magiging bastos ang pangalan mo kapag si German Moreno ang nag-pronounce dahil "tingle" ang lalabas? Wala lang, FYI lang...o sya, heto ang iyong food for thought:
C.A.N.A.D.A. - Cute And Naughty Action Develops Attraction.

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Itong susunod na liham ay hindi talaga para sa "Dear Manay Letty" kundi para talaga ito sa aking friend at sa friend nating lahat dito sa TristanCafe, si Tristan. Totoo itong letter na 'to, believe it or else. Uulitin ko, ACTUAL LETTER ITO PARA KAY TRISTAN. Naaliw ako ng husto dito kaya ako, ang inyong ever-beautiful Dear Manay Letty, ang sasagot...

Hi Tristan. Good and you make another new website that is cooler and neater. But my only criticism to your website is that, it has a lot of grammar error that has need to be correct. Tristan, this is a website and not just mail or something that where you can use fragment sentences or something like that. since this is a Website, you must be careful to your words, your verbs, your sentence structure because their are thousands of people or so are visiting this Filipino website. At isa pa, kung ang mga grammar mo dito sa website mo ay hindi pa rin magbabago, what would i highly recommend to you is that you better remove this website here because ang kalalabasan tuloy niyan ay magiging kahiyahiya lang ang mga pilipino. Oh, Tristan i do not know how could i help you to correct your grammar but what can i suggest for you is to read a grammar books - just like constructing sentences book.

Gemini     

********************

Dear Gemini,

My gas! Did you sure? What does your proof? You're cannot be seriousness! I'm really embarassment at that criticize, so these is my comments at you:
P.A.S.I.G! - Please Always Say I'm Gorgeous!

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Dear Manay Letty,

Letty, anak, ikaw ba yan? Dalaga ka na pala. Natatandan mo ba ako? Si yaya Mitring mo 'to...natatandaan mo nung bata ka pa, hinuhugasan ko pa ang singit mo? Miss na miss na kita. Sana dumalaw ka naman dito sa Basilan para sa fiesta. Sige iha, wag ka sana magbago ha, sana ikaw pa din ang mahal kong Lettygirl.

Yaya Mitring     

********************

Dear Yaya Mitring,

Kamusta ka na? Natatandaan talaga kita, ikaw yung nagnakaw sa amin bago ka umalis, impakta ka. Kamusta na pala si Loring, yung anak mo na kalaro ko noong araw? Napatawad niya na ba ako sa paghulog ko sa kanya sa bangin noong mga dalagita pa kami, at nung itinulak ko siya sa ilog na may mga buwaya? Wala naman akong masamang hangarin sa kanya noon, hindi ko naman siya sinisisi sa pag-akit niya sa aking kasintahan ng mga panahong yun. At pakisabi sa panganay nyong si Tonton, ang aking pers lab: salamat sa mga matamis na alaala. Sana naman ay tuli na siya ngayon.

Para sa iyo, Yaya Mitring:
K.E.N.Y.A. - Keep Everything Nice Yet Arousing.
Para kay Loring, na nawa ay nakakalakad na ulit:
F.R.A.N.C.E. - Friendships Remain And Never Can End.
At kay Tonton, who still brings a twinkle to my eyes:
C.H.I.N.A. - Come Here...I Need Affection.

P.S. Taga South of France ako noh! Anong Basilan ang sinasabi mo dyan...sa ganda at sosyal kong 'to...

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Dear Manay Letty,

Ako po ay 19 years old na pero hindi ko pa rin po alam kung totoo ba yung sinasabi nilang pag malaki ung paa nug lalaki malaki rin daw yung kwan nya. Ang size ng paa ko sa U.K. eh 9 1/2.

Jack Stevens     

********************

Dear Jack Stevens,

Hindi ko din alam kung totoo nga ang kasabihang iyan, pero ikinagagalak kong sabihin sa iyo na may isang paraan para natin matiyak ang kasagutan sa iyong tanong. Kailangan mong magpunta sa akin para masukat ko mismo ang iyong, uhm...pagkalalaki. Don't worry, I'll be gentle. Tsaka it's for the sake of art and the sake of science, malaki ang maitutulong ng ating gagawing, uhm...experiment sa ikauunlad ng Pilipinas. Maghubo para sa bayan! O diba ang ganda ng battlecry mo? 9 1/2 kamo ang size ng paa mo? Ngayon pa lang ay ipinagdarasal ko na na sana'y totoo nga ang kasabihan.

Para sa iyo, Jack Stevens, dahil 19 years old ka lang, virgin at spring chicken (pero not for long), dalawa ang para sa iyo:
T.O.N.D.O. - Tonight's Our Night, Dearest One.
At kapag kasinglaki nga ng iyong paa ang iyong, uhm...uhm...o sya sige na nga ang iyong talong, schlong, longanisa, whatever, ito ang aking masasabi:
I.N.D.I.A! - I Nearly Died In Adoration!

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Dear Manay Letty,

May ihihingi akong payo sa iyo kaya sana mabigyan mo ako ng magandang sagot sa problema ko. Simple lang naman eh. Naguguluhan lang kasi ako - Ang fish ball ba ay bayag ng isda?

O sige hanggang sa muli!

Doc Trina     

********************

Dear Doc Trina,

Napaghahalata sa tanong mo na isa kang malaswang babae, at wala kang nasasa-isip kung hindi mga itlog ng lalake. Malamang isa kang pokpok. Gayun pa man ay sasagutin ko ang iyong katanungan, dahil mukhang tatanga-tanga ka talaga. Para sa iyong kaalaman, ang fish ball ay hindi bayag ng isda.

Sana ay naliwanagan ka sa aking sagot, at aasahan ko ang iyong muling pagsulat. Para sa iyo, Doc Trina:
Y.E.M.E.N. - Yugyugan Every Morning, Every Night.

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Dear Manay Letty,

Isa akong 38-years old na babae, single at mayaman. Pagkatapos ng mahabang panahong tigang, may nanliligaw ulit sa akin ngayon, si Romy. Mukha naman siyang mabait pero hindi ko siya masyadong gusto dahil, uhm, pangit siya. Ngunit sa edad kong ito, nais ko na sanang makapag-asawa, at baka si Romy na ang last chance ko. Ano ang aking dapat gawin?

Jogalyn     

********************

Dear Jogalyn,

Huwag ka nang mag-inarte at sigurado akong hindi ka naman kagandahan. Pangalan mo pa lang jologs na jologs na. Magpasalamat ka na lang at may gusto pang pumatol sa 'yo kahit guranggutan ka na. Anyway, hindi mo dapat isipin na si Romy na ang last chance mo para lumagay sa tahimik, Jogalyn. Dahil hindi ka naman papakasalan nun, pera mo lang ang habol niya at iiwanan ka din balang-araw. Huwag ka nang mag-ilusyon na makapag-aasawa ka pa at dapat ngayon pa lang ay tanggapin mo na na tatanda kang dalaga habangbuhay.

Sana ay napaligaya ka ng aking tugon sa iyong problema. Para sa iyo, Jogalyn:
B.A.L.I.W.A.G. - Beauty And Love I Will Always Give.

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Dear Manay Letty,

Isa akong gwapong chickboy at dalawa ang aking girlfriends. Minsan ay nagkasabay sila sa isang lugar di ko kasi alam. Tuloy inaaway nila ako ngayon at gusto ng makipag-break. Kaya nga kailangan ko ang iyong tulong.

Edgar     

********************

Dear Edgar,

Walang kwenta ang liham mo kaya ayokong sagutin. Huwag ka ng susulat ulit dito at inaaksaya mo lang ang panahon ko, leche ka.

Edgar, dahil ang sabi mo ay gwapo ka, at mahilig si Manay Letty sa gwapo, ito ang para sa iyo:
P.H.I.L.I.P.P.I.N.E.S. - Pumping Hot...I Love It! Please, Please...I Need Erotic Stimulation!

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Dear Manay Letty,

Nais kong ikuwento sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi.

Hindi ko kayang makalimutan kahit anong bahagi ng gabing iyon. Malakas ang ulan noon. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang ako sa loob ng aking kuwarto.

Narinig ko si Itay na kumakatok sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pinto ay sinabi niya na kailangan daw naming magusap. Pinapasok ko naman po siya dahil ama ko po siya.

Nagulat na lamang ako nang isarado at ikinandado niya ang pinto. Hinawakan ni Itay ang braso ko. Napasigaw ako, sabi ko "ITAY huwag, anak mo ako!".

Ngunit hindi tumigil ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang kanyang ginawa. Pumikit na lamang ako dahil sa ayaw kong makita ang mukha nang aking tatay sa kababuyan na kanyang ginagawa. Naririnig ko si Inay na binubulabog ang pinto. Sumisigaw na, "Hayop ka wag mong gawin yan sa anak mo!" Ngunit wala pa rin. Ipinaubaya ko na lamang ang sarili ko sa Diyos.

Pagkalagpas ng ilang sandali ay natapos din ang aking Itay. Nang humarap ako sa salamin ay nagulat ako sa aking nakita.

Magaling naman pala mag-make-up si Itay. Noong gabi na iyon ay nagladlad ng kapa si Itay. Natuwa ako at mahusay ang kanyang ginawa. Naisip ko na matutuwa ang aking boyfriend dahil sa ganda ko. Nagyakapan kami doon at nag-iyakan.

Masaya na kami ngayon at walang problema.

Badong     

********************

Dear Badong,

Wala akong masabi sa liham mo kundi...PANALO!!!

Para sa iyo, Badong:
B.U.R.M.A. - Between Us, Remember Me Always.

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Dear Manay Letty,

Mayroon akong anak na ubod ng landi. Mas makati pa sa higad ang hitad, wala nang pinatawad, pati mga magbabalut pinapatulan. Kung minsan nga'y nahuhuli ko pa sa may gulayan sa aming bakuran, kasama ang mga tanim naming talong at upo. Hindi ko na alam ang gagawin sa haliparot kong anak, hiyang-hiya na ako sa ibang tao.

Desperate     

********************

Dear Desperate,

Itay naman sabi nang huwag na kayong susulat dito eh! Malaki na ako, hayaan nyo na ako sa gusto ko sa buhay. Matipuno naman yung mga magbabalut sa atin, tsaka friends lang kami nun. Namatay na nga pala si Tiya Dely, hayun successful naman ang libing. Kamusta na si Inay? Utang na loob patigilin nyo na sa pag-aararo si Inay.

Para sa iyo, Itay:
P.E.R.U. - Phorget Everyone... Remember Us.
At pakisabi kay Daniel, yung magtataho sa atin:
P.A.R.A.N.A.Q.U.E. - Please Always Remain Adorable, Nice And Quiet Under Ecstacy.

Nagmamahal forever,     
Manay Letty          



Bago ako magwakas, dear readers, may gusto akong i-share sa inyong lahat, isang kwentong mapupulutan nyo ng aral. Ilang taon na ang nakalilipas, noong bata't sariwa pa ako, sumali ako sa "Reyna Ng Bocaue" beauty pageant. Lettygirl pa ang tawag sa akin noon. Ganito ang nangyari...

Host: How are you, Lettygirl?
Lettygirl: How are you too!
Host: Ok. So Lettygirl, here's your question: What do you think is your best feature?
Lettygirl:(all smiles and poise na poise) Well I think that my best ficture is my graduation ficture! I thank you!
(Ayun awa ng Diyos talo si Manay Letty...)



Hanggang dito na lamang po sa linggong ito, because I'm tired and I'm pretty. Sana ay antabayanan niyo ang mga susunod pang liham na aming ilalathala dito. Nawa'y magpatuloy ang inyong pagdulog at pagsulat sa...Dear Manay Letty.

Ngunit bago ako magpaalam, nais ko sanang mag-iwan ng isang munting mensahe hindi lamang para sa lahat ng mga masugid na sumusubaybay sa Dear Manay Letty, kundi pati na din para sa aking sarili at sa aking One and Only, na itatago ko na lang sa pangalang BukoPie Vanilla Milkshake.

So, para sa inyo, dear readers:
L.I.B.Y.A. - Love Is Beautiful; You Also.

Para naman sa akin:
P.A.S.A.Y. - Pretty And Sexy Are You.

Heto pa isa, para din sa akin:
E.G.Y.P.T. - Everything's Great, You Pretty Thing!

At para kay BukoPie Vanilla Milkshake:
I.M.U.S. - I Miss U, Sweetheart.

Ito po ang inyong Manay Letty na nagpapaalam at nagsasabing...
Remember, there's a Manay Letty inside every one of us!