tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Ang Adventures Ni Bokbok 1 [Repost]
posted by (Feb 03, 2007 @ 11:32AM) views: 504
And sumusunod na kwento ay pawang Parody sa Primetime Series sa Pinas.


-------




Isang araw sa Kadramahan Kingdom.

Ahhhhhhhhhh


ahhhhhhhhhhhhh


Ahhhhhh


AaaaahhhHHHHH!!!


umiiri na ang mahal na reyna, nanganganak na siya.


at doon nga ay isinilang na ang isang sanggol na lalake, isang prinsipe na balang araw ay magmamana ng kaharian ng Kadramahan.



"Anu ang ipapangalan natin sa ating mahal na anak, mahal kong reyna.", tanong ng mahal na hari, habang hawak hawak ang umiiyak na sanggol.

"Tawagin natin siyang Travis. Simula ngayon siya na si Prinsipe Travis"

At ang sanggol ay pinangalanan ngang Travis.




Subalit lingid sa kaalaman ng Hari at Reyna, sa isang madilim na sulok ay may nag-aabang na kapahamakan...


"Lrulrulrulru, lrulrulrulru, mukhang siya na nga ang sanggol na kailangan kong dakipin. Lrulrulrulru.", mahinang boses ni Dugong mula sa isang sulok. At pagkatapos ay nagpakawala ito ng usok mula sa kanyang puwet, at naging madilim sa loob ng silid.


Nang mawala ang usok ay napansin din ng mahal na Reyna at mahal na Hari na nawala na rin ang kanilang anak, ang pinaka-mamahal nilang anak.


"Hindiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!", iyak ng mahal na Reyna, para maramdaman ng mga nagbabasa ang sobrang lungkot nito dahil sa pagkawala ng kanilang mahal na anak.



Samantala sa puso ng gubat.


"Lrulrulrulru, Madam Claudia, heto na po ang sanggol.", at inabot ni Dugong ang sanggol.


"Kung ganun siya pala ang sinasabi sa hula na hahadlang sa akin upang masakop ang Kadramahan Kingdom.", tusong ngiti na sinabi nito. "Kung ganun, gagawin ko siyang alipin dito sa aking mansyon, at para hindi na siya mamukhaan ng kanyang mga magulang, bibigyan ko siya ng isang sumpa... wahahahahaha!!!"

"Lrulrulrulru! Madam ano hong sumpa iyon?", naitanong ng nakukuryos na si Dugong.

"Panoorin mo na lang ang visual effects, andami mo pang tanong jan e, wahahaha!!!"

At isinumpa nga ni Madam Claudia si Travis, pinapangit nito ang kanyang mukha.

"Papalitan ko rin ang iyong pangalan, simula ngayon ay tatawagin ka nang Bakekong dahil sa mukha mong nakakadiri! wahahahaha!!!"

--------


After 10 years.



Matagal nang iniintay ito ni Bakekong, ang pagkakataon na makatakas sa pagmamalupit ni Madam Claudia. Wala si Madam sa mansyon noong araw na iyon, at pinakain naman niya si Dugong ng isang basong betchin para makatulog.

Palabas na siya ng gate, nang may tumawag sa kanyang isang batang babae, isang kuba.

"Hoy, san ka pupunta? Diba sabi ni Madam wala daw dapat lumabas sa mansyon niya?", nasabi ng batang babae.

"Wala ka nang pake-alam, basta ako tatakas na ako dito, tsaka sino ka ba ha?", naitanong ni Bakekong sa batang kuba.

Subalit hindi sumagot ang bata.

"Alam ko na, tatawagin nalang kitang Poknat!", nasabi ni Bakekong.

"Bakit naman Poknat ang itatawag mo sa akin?"

"Kasi masyado naman obvious kung Kuba ang itawag ko sayo diba... kaya Poknat nalang, hindi pa mapanglait, diba?", paliwanang ni Bakekong.

"Ah ganun pala ha. Sige, Bokbok ang itatawag ko sayo."

"Bakit naman Bokbok?", naitanong ni Bakekong.

"Kasi parang binubukbuk ang mukha mo sa panget e.", pang-aasar ng batang kuba.


"Tama na nga itong asaran natin Poknat, mabuti pa sumama ka sa akin, tumakas tayo!", pagyayaya ni Bakekong.

"Pero, baka magalit sa atin si Madam Claudia.", tila kinakabahang nasabi ng kuba.

"Wag kang mag-alala, kung makakatakas tayo, hindi na natin kailangang matakot kay Madam. Kaya tara na."

Palabas na sana ang dalawa nang biglang may humarang sa kanila. Si Dugong.

"Lrulrulrulru! San kayo pupunta ha... Hindi kayo makakatakas!"

Agad na kumilos ang kuba at kinagat sa kamay si Dugong, "Ahhhhhhh!!!", naisigaw nito sa sakit.

"Sige Bokbok, tumakas ka na, umalis ka na dito.", umiiyak na nasabi ni Poknat. "Umalis ka na."

Naiyak, subalit tumakbo na rin papalayo si Bakekong. "Pangako babalikan kita Poknat."

"Sige Bokbok, maghihintay ako sa iyo."

[kumanta na si Gary V. ng Sana'y Maulit Muli Theme Song]

At nawala na sa harap nila si Bakekong, "Lrulrulrulru, naku Fatima malalagot ka kay Madam pag nalaman niya ito.", pananakot ni Dugong sa kampanerang kuba.




Tumakbo ng tumakbo si Bakekong sa gubat, ni hindi alam kung saan papunta, basta nais lang niyang makalayo sa kalupitan ni Madam.

Hanggang makaramdam ito ng gutom, subalit walang prutas sa paligid, mabuti na lamang at may nakita siyang isang ibon, isang kwago. Agad siyang kumuha ng bato, at sinapol ang kwago, tinamaan ito, at nagkaroon ng crispilicious na hapunan ang bata.

Malapit na niyang ma-ubos ang kanyang dinner ng may marinig siyang isang batang lalaki na sumisigaw. "Pagaspas! Yuhu! Pagaspas, asan ka na?"

At laking gulat ni Bakekong nang makita niya ang isang batang may pakpak sa likod. Isang Mulawin. Dati ay nababasa lang niya sa komiks ang mga Mulawin, subalit totoo pala ang mga ito.

"WaaaaaH!!! Anong ginawa mo kay Pagaspas? Bakit mo siya inihaw? Siya ang dakilang alalay ko, paano na ako ngayon nito!", laking gulat rin ng batang ibon, nang makita niya si Pagaspas ay ginawang hapunan.

"Naku pasensya na, akala ko kasi isang wild animal lang siya. Pasensya na, hindi ko alam na alalay mo pala ang kwago na iyon. Pero bilang ganti, hayaan mong ako na lang ang maging alalay mo, ang magsilbi mong alagad.", pagpepresenta ni Bakekong.

Dahil sa wala na ring choice ang batang-ibon, tinanggap na rin niya ang offer ni Bakekong.

"Ako nga pala si Aguiluz, sige, tara umalis na tayo dito... kailangan ko nang umuwi sa Avila, hinahanap na ako ni Ama."

At lumipad na silang dalawa, buhat-buhat ni Aguiluz si Bakeks.

Mula sa malayo ay natanaw ni Bakekong ang Avila, wala siyang kamalay-malay na malapit nang mabago ang kanyang kapalaran sa Kaharian na iyon. Isang pag-asa ang nag-iintay sa kanya. At isang tadhana ang malapit nang magsimula.

Abangan.
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Best Of My Love
older post:
Mga Primetime Bida

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
ela_musika    •reply Feb 3, 2007 @ 11:39 AM
 
: c o o l : 
  kuligma    •reply    Feb-4-07@2:43AM
: c o o l : 
zimple    •reply Feb 3, 2007 @ 1:14 PM
 
naks ha...ang haba pala, pero sana kung madami pang episode na susunod eh sana binreak down mo, kc ang dami nang nangyari sa pers episode eh...un' ay suggestion lang naman..hehehe..pero galing...ano ung "Lrulrulrulru"? anong klaseng sound epeks yan? d ko kc getz eh...peace! : r a z z : 
  kuligma    •reply    Feb-4-07@2:34AM
ah yung Lrulrulru, yun kasi yung sound na ginagawa ni Dugong sa serye na Marina, siguro di mo pa yun napapanood... : g r i n : 
  zimple    •reply    Feb-4-07@6:38PM
ahh un pala un'..aihihihi..di ko nga napanood un'! pero ang cute ng sound epeks ha.. : r a z z : 
angelz_24    •reply Feb 3, 2007 @ 4:44 PM
 
: l o l : 

ok ah

: n o t w o r t h y : 
  kuligma    •reply    Feb-4-07@2:34AM
salamat pow : n o t w o r t h y : 
combat    •reply Feb 3, 2007 @ 8:47 PM
 
ang ganda!!!!

ano na ung next episode???



: n a u g h t y : 
: n o t w o r t h y : 
: c o o l : 
  kuligma    •reply    Feb-4-07@2:35AM
mamya baka gawin ko... hehehe : g r i n : 
iLUVtoLUVuFAITHFULLY    •reply Feb 3, 2007 @ 9:44 PM
 
: l o l :  : l o l :  : l o l : 




OMg sakit ng tyan kew! Next pa! : l o l : 
  kuligma    •reply    Feb-4-07@2:35AM
oki oki, next next : g r i n : 
sybil_dibs    •reply Feb 4, 2007 @ 12:56 AM
 
: r o l l : : r o l l : 

pinagsama-sama weh... hangkulet: r o l l : 
  kuligma    •reply    Feb-4-07@2:35AM
ehehehehehhe : l o l : 
praning_atthedisco    •reply Feb 4, 2007 @ 1:13 AM
 
kahayupan: r o l l : 
ang kulet: r o l l : : r o l l : : r o l l : 
  kuligma    •reply    Feb-4-07@2:36AM
: l o l :  : l o l :  : l o l : 
schokolinchen_ovrc    •reply Feb 4, 2007 @ 2:39 AM
 
ahhh ohhhhhhhhh

nNGAnganak lng pla...!!!
: l o l :  : l o l : 
  kuligma    •reply    Feb-4-07@2:42AM
ehehehhehe, OA ba yung pag-iri? : g r i n : 
easle    •reply Feb 4, 2007 @ 2:42 AM
 
: r o l l :  : r o l l : 

holy kaw... : l o l : 
  kuligma    •reply    Feb-4-07@2:43AM
chicken ala king : l o l : 
  easle    •reply    Feb-4-07@2:47AM
: l o l : 

ay danun... : l o l : 

cool...
xcited nako.. : n a u g h t y : 
  kuligma    •reply    Feb-4-07@2:48AM
cge po, gawin ko mamya yung next installment : n a u g h t y : 
  easle    •reply    Feb-4-07@2:49AM
cool..cool..
cge po.. : n a u g h t y : 
lovely_che05    •reply Mar 9, 2007 @ 3:49 AM
 
: s m i l e :  : g r i n :  ; )  : b l u s h :  : c h e e r :  : c h e e r :  : c h e e r :  : c h e e r : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Best Of My Love
older post:
Mga Primetime Bida
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Put love first. Entertain thoughts that give life And when a thought or resentment, or hurt, or fear comes your way, have another thought that is more powerful -- a thought that is love.

--Mary Manin Morrissey

You need to be logged in to Facebook