Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Forum Index Board - Category: Poetry & Short Stories
One Month
posted by (Aug 06, 2012 @ 11:21PM) views: 373
Play nyo lang po yung music hanggang sa matapos nyo ang pagreread. -----> "Kiss the rain"
nasa last part yata. I don't know. hindi ako masyadong active sa dito eh


---------------------------------------- -------------------------------





"REBOUND?!!"

"parang ganun na nga,pumayag ka na kasi. Pagseselosin lang naman natin sya eh"

"Ayoko nga! Dadamay mo pa ako sa mga kalokohan mo!"





Ako si Ella. College na ako, pero hanggang ngayon nangangarap parin ako na sana may lalaki ng magpapabago sa tibok ng puso ko.





Palagi na lang kasing sya ang tinitibok nito.




Ewan ko nga ba, walang kasawa-sawa itong puso ko. Patuloy parin sa pagmamahal sa kanya, kahit na palagi namang nasasaktan.




"One month lang Ella, please!"





Sya si Renz, Bestfriend ko. Since Gradeschool magbestfriend na kami. At noon pa lang, Mahal ko na siya.




Oo. Mahal ko ang Bestfriend ko.




Kaso,ayokong malaman nya.




Baka magbago sya.




Baka layuan nya ako.




Baka,isang araw wala na sya sa tabi ko.




At ayokong mangyari yun.



Okay, na rin naman siguro ako sa ganito.




Kahit papaano alam kong mahalaga ako para sa kanya.





Kahit alam kong magkaiba ang 'Mahal sa 'Mahalaga.




"okay.One month lang ah?"

"Oo!YES! Thank you Ella, bestfriend talaga kita"



at yinakap nya ako ng mahigpit.





Napapayag na naman nya ako sa mga kalokohan nya.

Hayst.

Ang eng-eng talaga ng puso ko. Hindi man lang kayang tanggihan ang mga gusto nya. Kahit naman alam nyang sa huli masasaktan at masasaktan parin sya.


Ano na naman ba itong pinasok ko?!!






Tama nga bang pumayag akong maging 'REBOUND nya?











------------


First Week ng pagpapanggap namin?

Ayun,naging maayos naman.
Pinakilala nya na nga ako bilang Official New Girlfriend nya.

"hoy!umayos kayo ah. Ayokong nakikitang lumalapit kayo sa Girlfriend ko!"

"okay!chillax dude! Nakikipagkaibigan lang eh.Hindi naman namin aagawin sayo si Ella. HAHA!"




Hindi ko maiwasan ang pamumula ng mukha ko. Lalo na sa tuwing sinasabi nya sa iba na Girlfriend nya ako. Pakiramdam ko kasi, totoo ng Girlfriend nya na ako.


Hindi na rin nagulat ang iba ng malamang kami na. Madalas narin kasi kaming tuksuhin sa pagiging magbestfriend namin. BAGAY daw kasi kami.




'Sana nga eh.' yan ang lagi kong sambit sa isipan.




Pero malabo yun.




Alam kong hindi mangyayari yun.


"Girlfriend,akin na kamay mo"

"ha?bakit?wala naman sya ah"

"hahaha!kelangan ba andyan sya? Malay mo hindi natin mapansin. Dapat lagi tayong handa."




hindi pa man ako nakakasagot,ay kinuha narin nya ang kamay ko.

Naiilang parin ako sa tuwing hinahawakan nya ang kamay ko. Para kasing may kung anong kuryente akong nararamdaman.


At nakakailang din kapag tinatawag nya akong 'Girlfriend. Hindi kasi ako sanay. Masyado tuloy akong kinikilig. Pakiramdam ko nga, nagtatatalon ang puso ko sa sobrang saya kapag tinatawag nya akong ganun. :''>




------------
Second Week



"huy,Girlfriend date tayo"

"DATE?!! Bakit? Hindi naman totoong tayo diba?"

"sus.ito naman.kahit na, magdate parin tayo! Malay mo makita nya tayo habang nagdadate di ba? Haha!"

at ano pa nga ba magagawa ko. Hindi ko naman sya matanggihan sa mga plano nya.



Napadalas ang pagdadate namin. Nahihiya na nga ako kasi sya laging gumagastos. Pero sabi nya naman okay lang daw. Dapat daw kasi isipin kong totoong boyfriend ko sya,para hindi narin daw ako mailang. Saka,plano daw nya ito kaya dapat treat nya ako.






"Girlfriend, thanks sa time ah.bukas ulit date tayo,haha! GoodNight. I love you!"
at hinalikan nya ako sa may noo ko.


Dug.dug.dug.dug

"s-sige. G-good night rin B-boyfriend. Ingat ka."
nauutal kong sabi. Pakiramdam ko sasabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito.


Muli syang lumapit sakin.


"sabi ko 'I love you. Wala man lang bang 'I love you too."
sabi nya na may halong pagtatampo ang boses.




Dug.dug.dug.dug




Gulat na gulat naman akong napatitig sa kanya.




Pinagmamasdan lang nya ako habang hinihintay ang sasabihin ko.




Bakit?




Bakit nya ito ginagawa? Bakit nya sinasabi sakin ito?

Lalo lang nyang pinalala ang nararamdaman ko.


Lalo lang nya akong pinapaasa.







Lalo lang akong nasasaktan.





"I love you too"
mahina kong sabi.

Nakita ko naman ang agad na pagngiti nya. At saka sya muling nagpaalam.


Dug.dug.dug.dug.





Sana totoo na lang kasi ang lahat ng ito. :/





--------------------
Third Week


Ganun parin,patuloy parin ang plano namin. Ginagawa namin yung mga usual stuffs na ginagawa ng mga magboyfriend at girlfriend. Dates, Holding hands, hatid sundo, tawagan, yung mga ganung bagay. Mas lalo kaming naging malapit sa isa't isa. Halos sa buong araw kami lang ang magkasama.Pakiramdam ko nga kami na talaga. Ni minsan din kasi hindi nya naiparamdam sakin na joke lang ang lahat ng ito.




Natutuwa nga ako, sa paggising ko sa umaga message nya kaagad ang nababasa ko.


|From: Boyfriend ko?
..'Good Morning Girlfriend ko! ..Bangon ka na dyan. Kita tayo mamaya ah. I love you! |


Pero kaagad rin naman nawawala ang ngiti sa labi ko. Bigla nalang may tutulong luha sa mga mata ko.



Ang lahat nga pala ng ito ay pagpapanggap lamang.



Ganito rin siguro ginagawa nya sa mga naging Girlfriends nya kaya sanay na sanay na sya.




'I love you'




Sana nga, totoo nalang naMahal niya ako.




Sana, ako na lang kasi ang Mahal nya.


------------------




Maraming natutuwa at kinikilig sa relasyon namin. Hinihiling nila na sana magtagal pa kami. Na sana kami na lang hanggang sa huli. Lagi rin nilang sinasabing pagsuotin ako ng helmet dahil baka raw ako mauntog. Nakikitawa na lang ako. Pero, sa loob-loob ko, gusto kong sabihin na




'hindi nga nya ako makuhang mahalin'





Ang galing din namin magpanggap nuh. Halos lahat na paniwala namin. At ito na nga, ilang araw na lamang balik magBestfriends na lang kami ulit.




Ang sakit-sakit isipin na matatapos na ang saglit na kasiyahan ko. Ang bilis-bilis, bakit ganun? Hindi ba pwedeng humingi ng extension. Paextend lang ng kahit kaunti.




Masaya ako na kahit papaano, naranasan kong maging kami. Na naramdaman kong mahal nya ako, kahit hindi naman. Ito na nga yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Hindi ko ito makakalimutan. Dahil alam kong hindi na ito mauulit pa.




"Girlfriend, pa'no ba yan, last day na natin"

"oo nga eh. Palpak naman ang plano mo. Wala namang nangyari"


naglalakad kami ngayon sa may park. Sulitin daw namin ang huling araw naming magkasama, bilang 'KAMI'. O.A nuh? Parang hindi na kami magkakasama bukas. Eh ang pinagkaiba lang naman nun, Bestfriend na lang nya ako pagkatapos ng araw na ito.




"huy, hindi ah. May magandang nangyari. Ang saya nga eh. Atleast,nalaman ko ang totoo."

"ang alin? Na hindi ka na nya babalikan?HAHAHA!"
pagbibiro ko sa kanya.




Bakit hindi na lang kasi ako? :/






"hindi yun"


Napahinto naman ako sa paglalakad at napatingin sa kanya ng hawakan nya ang kamay ko.




"Ella, hindi naman talaga iyon ang plano ko kaya ginawa ko itong pagkukunwari natin."


nakatingin lamang ako sakanya. nanatili akong tahimik habang hinihintay ang susunod nyang sasabihin.




"tinotoo ko ang lahat. Inisip ko na Girlfriend na kita, na mahal mo rin ako. Ipinaramdam ko kung gaano kita kamahal Ella. Hindi ko talaga maintindihan ang nararamdaman ko para sayo. Siguro nga kaya wala akong sineseryosong babae dahil narin sayo, ikaw lang ang sinisigaw nito. Alam ko noon pa ito,pero gusto kong baliwalain dahil baka kapag pinagpatuloy ko, baka iwasan mo ako. Baka tuluyan kang mawala sakin.."







Napatulala na lamang ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Totoo na ba talaga ang lahat ng ito?



"Ella, Mahal na mahal kita. Pwede bang totohanin na natin ito? Yung wala ng limitations. Pwede ba maging tayo?"




Napaluha na lamang ako sa mga narinig ko.




Mahal nya ako?






Tuwang-tuwa akong marinig galing sa kanya. Sa sobrang kasiyahan ko wala akong masabi. Hindi ko ineexpect na mangyayari ang lahat ng ito.




Parang kailan lang magbestfriend lang 'kami, na nagpanggap bilang 'kami at eto ngayon magiging 'kami. (^_^)




Hindi pa rin ako makapaniwala. Iniintay ko ang pagtunog ng alarm clock,pero wala. Hindi nga talaga ako na naginip.


"o-kay lang. A-alam ko na kahit hindi mo sagutin. Nagbakasakali lang naman ako na baka Mahal mo rin ako"
Iniwas nya ang tingin nya sakin. Pero kitang-kita ko pa rin ang luhang malapit ng pumatak sa mga mata nya.


"G-gusto ko lang din ipaalam sayo na Mahal na mahal kita"

at dumaloy na nga ang luha sa kanyang mga mata.


Nagkakamali ka renz. Mahal din kita! Mahal na mahal!


"Renz..m-..RENZ!!!!!"
hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla syang tumakbo papalayo sakin.










.





.















At ang sumunod na nangyari ang nagpaginbal sa aking buhay. Ang nagpadurog sa puso ko.




.









.



Hindi kalayuan sakin, rinig na rinig ko ang tunog ng pagbangga ng kotse. Kitang-kita ko kung paano sya tumalsik sa kotse.






Tumakbo ako papunta sa mga nagdagsaang tao.




"kawawa naman yung lalaki."

"yung bata kasi biglang tumawid"

"Nagawa nyang iligtas ang bata. Ngunit hindi nya nagawang makaligtas."






kung anu-ano ang naririnig ko. Pero hindi ko na lang pinansin. Patuloy ako sa pagsusumiksik.




"padaan po! Excuse me po!"


sigaw ko habang patuloy parin ako sa pagluha.





Hindi pwede.



Hindi mangyayari ang sinasabi nila.






Lalo akong napaluha ng makita ko syang nakahiga sa kalsada. Duguan. Walang malay.




Hindi maaari! Hindi ito totoo! Panaginip lang ang lahat ng ito.!




"Renz.. Mahal kita.. Mahal na mahal! Gumising ka, please!"


yinakap ko siya habang patuloy ko iyong isinisigaw.





'Wag mo akong iiwan, Renz ..... Mahal kita'










pero huli na ang lahat.




Hindi ko man lang nagawang ipaalam kung gaano ko sya kamahal.









FEBRUARY 08,2012. First Monthsary namin. At ang huling araw na nakasama ko sya.


Ang 'Bestfriend ko







at ang lalaking MAHAL ko.







---------------------------------------- ---------------------------------------- ---------------------------------------- --------------



*END



Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong "TRUE STORY" toh?











syempre hindi kayo naniwala.ang korni naman. choss lang yan. ahaha!

'Thanks for reading. sana po nagustuhan nyo.korni ng end.



♥Dreamer∞
http://www.wattpad.com/4838192-one-month-one-shot

Post a comment [6 comments]
 
newer post:
Something Simple (Part 1)
older post:
PUSANINANA

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
clare01p    •reply Aug 7, 2012 @ 5:42 AM
 
Ang ganda kso sobrang nkkalungkot nmn


kna


Sna gnwa mo tong mini-series...
  justmyself    •reply    Aug-9-12@11:11PM
` yay! thank you po. thank you at nagustuhan mo. I hope mabasa mo rin yung iba kong story.
22bentedos    •reply Aug 7, 2012 @ 9:58 AM
 
Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong "TRUE STORY" toh?


talagang dehins. parang oa naman nung ending.. lage nalang ganun.. hahabulin ng babae ang lalake tpos ayuun nasagasaan ng bike PATAY!

pero okay naman nung story.. naalala ko yung nirebound ko sa hs at nagkagusto ako saknya.
  justmyself    •reply    Aug-9-12@11:17PM
..`Ahahahaha! I know. kaya nga sabi ko ang corny naman kung ganun. Mwahahaha! wala lang po kasi akong maisip na end. ang korni ko nuh. but honestly, some part sa last ay totoo. Thanks po for reading.

by the way, yung last na sinabi mo. so, naging totoo yung relationship nyo? alululu.
aidle    •reply Aug 7, 2012 @ 11:28 AM
 
ayos na sana kaya lang paktay si guy
  justmyself    •reply    Aug-9-12@11:19PM
....` ahaha! dapat po kasi happy ending yan, kaso hindi ko alam kung bakit nabago nung tinype ko. naging corny tuloy.

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Something Simple (Part 1)
older post:
PUSANINANA
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?