Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Forum Index Board - Category: Poetry & Short Stories
"I am so happy for you, Karla!"
Bungad sa akin ni Ryan matapos kong lumabas sa kwarto para ipakita sa kanya ang result. Yinakap niya ako ng mahigpit. Pinunasan ang mukha kong basang basa na sa luha. Inayos ang buhok kong gulung-gulo na sa pagkalito nitong mga nagdaang araw. At sa pagkakataong iyon na yinakap niya ko, dun ko napatunayang isa siyang totoong kaibigan.
Alam ko ang ibig niyang sabihin sa sinabi niyang yon. Kaya nga kahit dumadanak ako ng luha habang siya naman ay tuwang tuwa sa nakita niya, masaya ako na isa siya sa mga taong nasa tabi ko ngayon na maiiyakan ko lalo na sa panahong akala ko nag-iisa ako.
Umiyak ako sa kadahilanang hindi ko matanggap ang nakita ko. Gusto kong itapon ang hawak ko matapos kong makita ang nag iisang pulang guhit dito. Bakit nga ba ako humahagulgol kung alam ko namang ikagaganda ito ng buhay ko? Masaya ako tulad ng saya na nararamdaman ni Ryan, maging ng mga iba ko pang kaibigan nang mabalitaan nilang lahat ang totoo. Pero matapos kong makita ang katotohanang ikinatuwa nilang lahat, hindi ko mapigilan ang sarili kong humagulgol sa magkahalong lungkot at saya.
Kung alam ko namang ikaaayos ito ng buhay ko, para saan pa at bakit ako umiiyak?
Makalipas ang ilang buwan, hawak ko na ulit siya ngayon. Nakakatuwa na ang isang bagay na iniyakan ko noon ay nginingitian ko na ngayon. Isang bagay na nagbigay sa akin ng matinding aral. Isang patunay na lahat ng negatibong pangyayari sa buhay ay may kapalit na positibong bagay.
Bago pa mangyari ang lahat ng ito, halos dalawang linggo ako sa loob ng sarili kong kwarto na aakalain mong bodega sa sobrang gulo. Nakita ko ang sarili kong nakahiga sa lapag, nanghihina, at sa loob ng dalawang linggo ay parang bukal kung lumuha.
Hindi ko kayang harapin ang katotohanang hawak ko ngayon nung mga panahong iyon. Dala narin ng pangungutya ng mga mapanghusgang mata at mga bibig na walang alam sa sinasalita. Nagkulong ako sa kwarto para mag-ipon ng lakas ng loob. Alam ko na sa mga susunod na araw, lalabas ako ng kwarto upang harapin at tanggapin ang lahat ng totoo. At sa dalawang linggong iyon, wala akong ibang sinabi kundi... "Panginoon, tulungan niyo 'ko".
Hindi ko ugaling magdasal lalo na kapag may pinagdadaanan ako. Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi napakasuwail kong nilalang. Marami akong pagkakamali noon. Kung tatawagin ko Siya ngayon, parang ang kapal naman ng mukha ko. Bakit sa mga ganitong pagkakataon lang ako nakakaalala? Maraming tao sa mundo ang mas higit na kailangan Siya. Sa dami ng tinutulungan niya, nakakahiya naman kung iistorbohin ko pa Siya.
Pero dumating sa puntong wala na talaga akong matakbuhan. Wala ang taong una kong inaasahan na magiging nandyan para sa tabi ko. Hindi ko magawang tawagan ang mga kaibigan ko at mga kamag-anak ko dahil alam kong magagalit sila kapag nalaman nila ang totoo. Kaya kahit na pinipilit kong maging matapang para sa sarili ko, alam ko, hindi ko makakaya ang lahat ng ito kung wala ang tulong Niya.
"Lord, I need your help!"
Kahit lumuluha at nanghihina, paulit- ulit ko itong sinisigaw sa isip ko. Sa unang pagkakataon, dun ko naranasan ang taimtim na pagdarasal at matinding pangangailangan sa Kanya. Isang bagay na hindi ko pa nagagawa sa buong buhay ko. Na kahit lumaki ako sa relihiyosong pamilya, hindi ko man lang magawang alalahanin Siya.
***
Naglakas loob akong harapin ang kung anumang itatakda sa akin ng tadhana. Bahala na kahit lumaki siyang iniwan ng ama. May mabuo man o wala, paninindigan ko. Sa tulong Niya, alam kong makakaya ko.
***
"I am so happy for you Karla! God gave you a second chance."
Lumuha ako sa dahilang wala na akong panghahawakan pa. Sa isang pulang guhit na nasaksihan ko, alam kong tuluyan nang mapuputol ang tatlong taon naming ugnayan na kusang loob niyang tinalikuran. Alam kong wala nang dahilan para kausapin ko pa siya. Mawawala na siya nang tuluyan.
***
Ilang buwan narin ang nagdaan matapos ang pangyayaring 'yon. Masakit parin kahit papano, pero sa tulong Niya unti-unti nang naghihilom ang sugat ko. Natutunan kong maghintay sa tamang panahon habang buo ang tiwala ko sa Kanya na sa mga darating na araw, magiging maayos ang din ang lahat.
***
Kung nakaabot ka sa pagbabasa hanggang dito, salamat sa pagtitiyaga sa kwento ko. Ako nga pala si Karla. Isang legal researcher sa mataas na hukuman. 'Matapang' daw ang ibig sabihin ng pangalan ko. Kahit naging mahirap sa umpisa, pinilit kong hanapin ang dahilan ng lahat ng ito.
Sa mapanghusgang lipunan, maaaring madumi na nga ako. Pero para sa Kanya na marunong tumanggap sa lahat ng pagkakamali ko, alam kong hindi doon nasusukat ang pagkatao ko.
Dalawang option lang ang binigay sa akin ng karanasang yon. Ang takasan ang problema sa pamamagitan ng isang pulang guhit na tatapos sa lahat, o ang tanggapin at harapin ang mga positibong bagay na nakatago sa one red line.
| newer post: damn your EYES!!! _ 1 | older post: the froggie prince |
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with 
:: leave a comment
You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account?
Register for free
Register for free
| newer post: damn your EYES!!! _ 1 | older post: the froggie prince |
last 10 comments
in this category:
in this category:
categories:
Love & IntimacyLifestyle & Entertainment
Politics & Issues
Poetry & Short Stories
Random Thoughts
Forwarded Thingies
Patawa Ka Talaga
Tristancafe Musikahan
Careers & Work Stuff
School Matters
Technology & Internet
Classifieds & Advertisements
Barangay Tristan
Site Announcements
anyD,
and 32 guests & hidden members
Search the forums
