Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Forum Index Board - Category: Poetry & Short Stories
Ang sweet sweet daw namin. Para daw kaming si Karen at Ryan ng PBB.
Nakaupo kami sa pwestong pilit naming inaangkin sa pantry. Tipong walang pwedeng umupo kundi kami lang. Hinihimay ko yung ulam nyang bangus para di sya matinik. Tahimik lang kami habang pinakikinggan yung kwentuhan ng mga officemates namin sa bandang harapan. Naririnig ko sila habang nagtatawanan. Nakikita ko din ang mga expression sa mukha nila. Ang iba kinikilig. Ang iba naman parang naaasar. Ang iba parang insecure. Kami ang kanin at ulam nila.
Sabi ng officemate kong retarded, wala na daw syang makikitang mas sweet samin. Kasi nung last weekend daw nakita nya kaming nagsusubuan sa isang Japanese restaurant. Ang cute cute daw naming tingnan sa malayo. Tinatapik tapik pa nga daw ako ng mga kamay ni Aria sa likod sa tuwing ngunguya ako. Tapos hahawiin ko naman ang buhok nya sa tuwing mahahanginan ito. Ang sarap sarap daw naming i-video.
Narinig ko ding sumabat yung katabi ko sa production floor. Sabi nya kami daw ang pinaka astig na couple. Kasi kahit daw subsob kami sa trabaho, may panahon pa rin kaming magrelax at maglaro ng air soft war game tuwing linggo. Para daw kaming mga artista sa TV. Parang shooting lang na kailangang protektahan ni action star ang kanyang leading lady. Yung tipong tinutugis kami ng dalawampung goons at sampu sampung bala ang lumilipad pero naka holding hands pa rin habang tumatakbo.
Bukod daw sa pagiging astig namin, athletic din kami. Work life balance ika nga. Kahit daw sa court makikita pa rin yung sweetness namin. Tipong imbes na ihahagis ko yung bola, eh iaabot ko na lang sa takot na baka masaktan sya. Ideal daw kaming tingnan habang naglalaro ng basketball. Sa tuwing aagawin mo daw ang bola sakin, di mo maiwasang yumakap. Ang ending mabibitawan ko ang bola. Mananalo ka. Ganito naman ang kwento ni Philip.
Jackpot daw ako sayo. Kasi romantic ka masyado. May one time daw na nakita ka nila sa flower shop. Huling huli ka daw ni Joan na nagpapadeliver ng isang dosenang puting bulaklak para sakin. Inggit na inggit daw ang boyfriend nya. Buti pa daw ako, nakakareceive ng bulaklak galing sa babae. Ako na daw ang pinaka poging lalaki sa mundo. Ikaw na alayan ng mga bulaklak.
Yumuko ako. Bigla akong nahiya.
Halos hindi ko malunok yung kinakain kong pork chop. Tinitigan ko si Aria. Maluluha luha sya.
Alam naming parehong hindi ako ang lalaking tinutukoy nila.
Wasak na wasak ako ng araw na marinig ko sa ibang mga tao kung gaano sila ka sweet, habang nanunuod lang ako ng popeye. Kumakain ng popcorn. Walang kamalay malay.
May iba pala sya.
At ang sweet sweet pa nila.
Nakaramdam ako ng selos. Bigla kong nasabi sa kanya “sana ako na lang ang pangalawa”.
| newer post: Vonggang Paglalakbay sa Earth | older post: second chance |
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with 
:: leave a comment
You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account?
Register for free
Register for free
| newer post: Vonggang Paglalakbay sa Earth | older post: second chance |
last 10 comments
in this category:
in this category:
categories:
Love & IntimacyLifestyle & Entertainment
Politics & Issues
Poetry & Short Stories
Random Thoughts
Forwarded Thingies
Patawa Ka Talaga
Tristancafe Musikahan
Careers & Work Stuff
School Matters
Technology & Internet
Classifieds & Advertisements
Barangay Tristan
Site Announcements
Search the forums
