Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Forum Index Board - Category: Poetry & Short Stories
Tukso 250 Words
posted by (Apr 20, 2012 @ 5:15AM) views: 241
Ang pag-iwas sa tukso ang pinaka-importanteng bilin ng aking magulang. Hindi naman daw masama, pero mas maganda nang umiwas. Ibahin mo ang girlfriend kong si Grace. Sya pa ang nagturo sakin ng mga bagay, na hindi ko inaasahang hahanap hanapin ko.

“Hinay hinay lang, para kang mauubusan” natatawa nyang sabi.

“Mahirap mabitin, masakit sa ano..” pilosopo kong sagot.

Halinhinan kaming nagsasalo sa init na dala ng kakaibang ligaya. Apat lang naman ang sulok ng kwarto, pero parang naging sampu nung napamura sya sa sarap. Hindi ko maitago ang tuwa sa bawat pagbaba at pagtaas ng aking ulo. Kahit pa manhid na ang ilang parte ng katawan, basta ma-satisfy lang saming ginagawa. Parehas kaming hingal noong nagkaubusan na ng malalanghap na hangin.

“Solve ka ba? Kapag gusto mo pa magsabi ka lang” wika nya.

“Kailan ulit natin gagawin ito?” tanong ko, habang nagpupunas ng pawisang noo, batok, at dibdib.

“Ano pa? Eh di kapag nagpadala na parents mo” tipid nyang sagot.

“Matatagalan pa yun. Pwede bang bukas?” pangungulit ko.

“Bawal nang libre! Ano ka sinuswerte?”

Tumayo sya at tinakip sa pawisan nyang katawan ang twalya. Doon ko lang naramdaman ang kakaibang sensation. Pumutok na ang tama. Nagtayuan na ang aking anit. Puti ang aking dila. Sumapi na ang kaluluwang nagbibigay ng kakaibang lakas.

“Sunod ka ha!” malambing nyang tinig, bago tuluyang pumasok ng banyo.

Hinipan ko ang kandila na may naglalarong apoy, na syang tumutupok sa demonyong nag-anyong bato. May init na hindi nakakapaso, ngunit may usok na sumisira ng pagkatao.

-end

www.modernong-pluma.blogspot.com
Post a comment [6 comments]
 
newer post:
funny short film 04e " Zac Efron "
older post:
the lover - so fiction

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
anyD    •reply Apr 20, 2012 @ 10:01 AM
 
ice102    •reply Apr 20, 2012 @ 4:35 PM
 
nice one.
Amphie    •reply Apr 20, 2012 @ 6:00 PM
 
bhebhe_pukz16    •reply Apr 21, 2012 @ 11:21 AM
 
  Amphie    •reply    Apr-22-12@1:44AM
tomorrow    •reply Jun 27, 2012 @ 12:31 PM
 



:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
funny short film 04e " Zac Efron "
older post:
the lover - so fiction
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?