Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Forum Index Board - Category: Lifestyle & Entertainment
PAGTANAW NG UTANG NA LOOB
posted by (Jun 23, 2011 @ 10:08PM) views: 11765
Likas sa ating mga pinoy ang pag tanaw ng utang na loob. Isang magandang kaugalian, pakikisama at pag titinginan nating mga Pilipino. Nakakatuwa ang mga taong taglay ang ganitong pag-uugali

Ano nga ba itong utang na loob? Paano nga ba ito naging utang at paano binabayaran?

1. Ang utang na loob ay nababanggit ng isang taong nakatanggap ng pag tulong mula sa isang taong nagbigay ng kusang loob na walang hinihinging kapalit. Hindi raw ito kayang bayaran ng salapi at materyal na bagay, pero kaya mo rin namang tumbasan ng pagpapakumbaba at magandang kalooban. Sa aking palagay, kung ako ay nakatanggap ng magandang pag tulong hindi man ako makabayad sa taong nagbigay sa akin ng tulong, sa panahon ng aking pangangailangan, ‘pwede ko rin namang ipagkaloob ang aking kusang loob sa ibang nangangailangan ng wala ring kapalit. Parang ganito, kung ikaw ay marunong tumingin o marunong tumanggap ng kabutihan sa iyong kapwa, nasisiguro kong marunong ka ring mag bigay ng kabutihan mo sa iyong kapwa. Tama ba ako? hehehe! ang hirap ipaliwanang. Magbigay na lang kaya ako ng mga halimbawa.

2. Naka utang ka noon ng konting halaga sa isang tao dahil talagang dumating si kagipitan. Ang halagang yon ay naibalik mo na rin pero ‘sya ang tumulong sa ‘yo para makawala sa tindi ng problemang kinaharap mo nang oras na ‘yon at natulungan ka ‘nya. Nakapag paginhawa sa ‘yo noong nahaharap ka sa matinding suliranin. Diyan lumalabas ang salitang utang na loob.

3. Sa trabaho halimbawa humihingi ka ng tulong sa isang taong alam mong may kakayahang makapag pasok sa isang kumpanya, para sa hinahanap mong trabaho at natulungan ka ‘nya ng hindi rin naman humihingi ng kapalit. Dito lumalabas ang salitang utang na loob. Pero mayroon din namang tao na nais ay itali ka na sa mahabang panahon sa pagkaka utang na loob sa kanya. Minsan nagiging dahilan ito ng hindi magandang pagkakaunawaan. At dahil nga hindi nababayaran ng salapi o materyal na bagay pwede rin namang maging maganda ang samahan kung ang nagka utang na loob ay marunong tumanaw o kaya ay magbayad ng magandang kalooban sa taong nagmagandang loob sa iyo. hehehe! tama baga ere?

Kaya maliit man o malaki ang naging tulong sa atin ay dapat nating ituring na malaking halaga iyon para sa kanila. At lagi nating tatandaan ang lahat ng ating tagumpay na nakamtan sa buhay ay laging may dumamay at tumulong. Kaya kailangan nating TUMANAW NG UTANG NA LOOB.
Post a comment [5 comments]
 
newer post:
The 14 Finalists on Pilipinas Got Talent Season 2
older post:
"Karugtong ng Kahapon ang Kasalukuyan"

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
freedertjosh    •reply Jun 24, 2011 @ 11:10 AM
 
1ST BLOOD
yingying    •reply Jun 26, 2011 @ 10:09 PM
 
tama.
sweetsexyTiN    •reply Jun 27, 2011 @ 11:29 AM
 
dregm    •reply Jun 27, 2011 @ 12:33 PM
 
tnx too
winreigh    •reply Jun 29, 2011 @ 9:49 PM
 
aus.. tomoh ka jan...

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
The 14 Finalists on Pilipinas Got Talent Season 2
older post:
"Karugtong ng Kahapon ang Kasalukuyan"
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?