tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Forwarded Thingies
Si DAN
posted by (Jun 23, 2004 @ 5:14PM) views: 1799
Si Dan, taga Bicol:



Dumating si Dan sa Amerika sa tulong ng kanyang kumpare na may kontak na immigration sa Pilipinas. Medyo tagilid ang papeles niya kaya masyado siyang mingat (TNT baga). Ayaw man lang lumabas ng bahay si Dan kung hindi kasama ang kanyang kumpare.



E minsan, nagsawa na ang kanyang kumpare sa kaaalalay sa kanya. “Pareng Dan,” sabi ng kumpareng tinatago ang inis, “Heto ang susi ng kotse at mga credit cards ko. Mag-shopping ka naman sa mall para malibang ka. Kung may problema ka, tawagan mo ako sa telepono. Papasok na ako sa opisina.”



Dahil siguro sa hiya ni Dan, kahit nerbiyos na nerbiyos siya, sinubukan niyang lumabas. Tuwang-tuwa si Dan sa pamamasyal sa mall. Nakapili siya ng mga damit na gusto niya. Ngunit pagdating sa cashier, biglang nataranta at natako si Dan.



Tanong ng cashier, “Visa or Master Card?”



Haripas si Dan palabas dahil sa takot! “Aba, hinahanap ang visa ko! Baka nabisto na ako! Syet!” Sakay kaagad siya sa kanyang kotse.



Harurot . . . .



Kaso, halos wala ng gas ang sasakyan kaya huminto siya sa isang gas station.. Nang maglalagay na siya ng gas, biglang nagsalita ang cashier sa speaker, “Sir, pay first, please.”



“Naku, patay! Papers daw! Hinahanap ang papers ko!”



Nagtatakbo si Dan sa mga eski-eskinita hanggang makakita siya ng pay phone. Patago-tago siyang lumapit sa pay phone.



“(Hingal) Kailangan matawagan . . . ko si kumpare . . . para masundo niya ako rito (hingal).”



Pagtaas niya ng handle ng telepono, narinig niya, “AT&T how can I help you?”



Aba, anak ng putakteh, alam na TNT ako! Buking na ako!”



Pagbaba niya ng telepono, may Amerikanong nakatayo sa likod niya, tanong ba naman, “Are you done?” Napahandusay si Dan sa phone booth, Biglang bulalas, “Buray kan ina!, alam pa ang pangalan ko!”



Nagulat ang tisoy, “Hey, be cool, man!”



“Naku! Alam pa kung taga saan ako!”



“Is that your green car parked in the red zone?”



Hihimatayin na si Danny Boy! “hinahanapan pa ako ng green card” ! ! ! ! !



Kaya sa matinding takot, nagpahuli na lang si Dan. Ngayon si Dan ay nasa Bicol na muli at binansagan na “Dan Balikbayan.”
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
We each have the power to choose...
older post:
PARANG MAY KULANG SA BUHAY KO!

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
thyna    •reply Jun 23, 2004 @ 7:55 PM
 
haha! ano ba yun! shushunga shunga c dan! : n a u g h t y :  pero ang ganda in fairness!
darling21069    •reply Jun 27, 2004 @ 6:51 PM
 
pwede na rin!!!! : l o l : 
jologsky    •reply Jun 29, 2004 @ 9:18 PM
 
sakit tyan ko hinangin hahaha
jhaycee    •reply Jul 1, 2004 @ 10:07 PM
 
sawakas na tawa rin akow ngaun. laki kc problem ko buti n lng nabasa ko story. hahahhahah. : l o l :  : l o l :  : l o l : 
bhe14acer    •reply Mar 1, 2005 @ 7:41 AM
 
: l o l :  : l o l :  : l o l : 
skye    •reply Mar 1, 2005 @ 10:52 AM
 
hahahaha : l o l :  : l o l :  : l o l : 
sha457112    •reply May 25, 2006 @ 3:51 AM
 
so funnnnnnnnyyyyyy!!!!!!hahahaha....k awawa naman kaming mga taga-bicol
rhed    •reply Jun 10, 2006 @ 1:51 AM
 
: l o l : 
shagz18    •reply Jun 10, 2006 @ 2:10 AM
 
: r o l l : 



natuwa ako dun ah!: l o l : 
aizelsantos    •reply Mar 28, 2007 @ 9:49 PM
 
: l o l :  : l o l :  : l o l :  : l o l :  ansaya saya noh?
angelkoi04    •reply Mar 28, 2007 @ 10:08 PM
 
haha... ang tanga nmn nun..... : l o l :  : l o l : 
d2 nlng xa pinas... : n a u g h t y :  : n a u g h t y : 
scandaloza    •reply Apr 4, 2007 @ 7:05 PM
 
haha nkktawa sia ang sh0nga. haha j0ke.

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
We each have the power to choose...
older post:
PARANG MAY KULANG SA BUHAY KO!
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
The magic of first love is our ignorance that it can ever end.

--Benjamin Disraeli

You need to be logged in to Facebook