Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Forum Index Board - Category: Love & Intimacy
SULAT NG MAGULANG SA ANAK
posted by (Feb 24, 2010 @ 9:35AM) views: 2166
ITO PO ANG TANUNG ANU ANG GAGAWIN MO PAGSAKALI NANAY O TATAY MO ANG SUMULAT NG SULAT NA YAN? AT BAKIT MAY MGA ANAK NA PINAPABAYAAN NILA ANG KANILANG MAGULANG?AT TAMA BA ANG KASABIHAN NA WALANG MAKATITIS NA MAGULANG SA KANILANG ANAK PERO ANG ANAK AY KAYANG TIISIN ANG KANILANG MAGULANG.


Sulat ni Nanay at Tatay


“Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag-kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda. Nagse-self-pity ako tuwing sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng bingi, pakiulit na lang ang sinabi mo o pakisulat na lang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang-plaka. Basta pakinggan mo na lang ako. Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? Kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo ‘yung sasabihin, maghapon kang mangungulit hanggang hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensiyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy-matanda, amoy-lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensiyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin ako.

Kapag may konti kang panahon, magkuwentuhan naman tayo, kahit sandali lang, inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho.

Subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na akong makakuwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kuwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kuwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako’y magkasakit at maratay sa banig ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaang alagaan. Pagpasensiyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana … dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama’t ina…”




MAPAPANOOD PA ITO SA YOUTUBE

SHARE KULANG SA INYO AT REACTION NYO SALAMAT PO

Post a comment [7 comments]
 
newer post:
adik ako bakit ba.
older post:
6ood mOrning! ! ! ! ! !

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
IFUGAO    •reply Feb 24, 2010 @ 9:41 AM
 


moral lesson:

kung gusto nyo umayos ang buhay nyo? sumunod muna kayo sa magulang nyo based on experince... kung may topak ang mga magulang mo at laging abusado abah kalas kana
  allandedomingo    •reply    Feb-24-10@6:34PM
uu nga po thx po
myinsanity    •reply Feb 24, 2010 @ 9:44 AM
 
prettynikx    •reply Feb 24, 2010 @ 12:46 PM
 
shinminah    •reply Feb 24, 2010 @ 12:47 PM
 
chithea    •reply Feb 25, 2010 @ 1:52 PM
 
wondering??
baket nmn yung mga batang kalye na iniwan ng mgulang at hinhyaan na mgutom at mamalimos, kumain ng galing sa basura habang dinadanas ng mga anak yan yung mga nanay o tatay nasa sugalan at nasa inuman..napaka walang kwenta..


isa pa..

baket naman kahit gano ka gago,ka adik,ka walang hiya ng isang anak,khit gano kamali ang anak pinagtatanggol pa din ng mgulang..hindi ngsasawa ang mga magulang na mahalin ang mga anak nila..
  allandedomingo    •reply    Feb-27-10@5:55PM
tama ka po bakit kaya may ganun na mga magulang nasa magulang din kaya bakit nagkakaganon ang isang anak

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
adik ako bakit ba.
older post:
6ood mOrning! ! ! ! ! !
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?