tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Love & Intimacy
Love Amidst a Trial
posted by (Feb 09, 2010 @ 8:40PM) views: 299
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paanong nabago ng isang lindol ang pagtingin ko sa buhay, pag-ibig at kamatayan.


Ako si Marco Gonzales, 37, may asawa. Weeks ago, OFW pa ako. Pero ngayon, hindi ko alam kung isang bagong bayani pa rin akong maitututring. Kasulukuyan pa rin naman akong nasa Haiti.

Nilisan ko ang aking disente at magandang trabaho dahil na rin sa kagimbal-gimbal na lindol na yumanig hindi lang sa bansang ito kundi pati na rin sa ibang lugar sa mundo. Isang lindol na kumitil sa libo-libong mga inosenteng bata, isang pangyayaring tuluyan nang pumutol sa maiksing buhay na nalalabi sa mga maraming matatanda. Isang sakuna na nagkait ng magandang pangarap sa nakararaming middle-aged na tulad ko na patuloy na kumakayod-marino para mabuhay ang sarili at ang minamahal na pamilya. Isang hindi inaasahang kaganapang naghiwalay sa mga magkasintahang tunay na nagmamahalan.

Isa ako sa hindi na mabilang na naapektuhan ng lindol na rumagasa sa malaking bahagi ng Haiti. Noong kasagsagan ng lindol, hindi ko alam kung paano ko maililigtas ang sarili ko. Prinoblema ko rin ang magiging kaligtasan ng mga tao sa loob ng apartment na tinutuluyan ko. Narinig ko ang mga sigaw ng mga batang sobra ang takot sa pangyayari, ang ungol ng mga ina na waring si Sisa na hindi magkandaugaga sa paghahanap sa mga nawawalang anak.

Nakita ko sa mga taong ito ang mag-ina ko. Ang isang taong gulang kong anak na sa larawan ko pa lang nasisilayan. Ang aking asawa, ang aking Elena na tanging pinakamamahal ko. Tulad ng mga bata sa apartment, takot rin ako. Pinilit kong labanan to. Kinailangan kong tatagan ang loob ko para sa maisalba ang mga bata at babae sa apartment.

Sa tulong na rin ng pananalig sa Maykapal, nagawa ko. Nagtagumpay ako. Nailigtas ko lahat ng bata at babae sa tinutuluyan bago tuluyang gumuho ito.

Akala ko ay wala ng problema. pero nagkamali ako. May nakalimutan ako. Ang matandang mag-asawa sa kabilang kwarto. Ang nagsilbing mga magulang ko sa Haiti. Sina Nanay Koring at Tatay Tomas. Galit na galit ako sa sarili ko. Alam ko na hindi ko na kakayanin pang patawarin ang sarili sa hindi pagsagip sa mag-asawa.

Ninais kong bumalik sa gumuhong gusali. Pero pinigilan nila ako. Wala na rin akong madaanan para makapasok pa.

Sa loob ng ilang araw, sa isang evacuation center kami tumuloy. Ilang araw na rin akong walang tulog, walang pahinga. Sa ikatlong araw sa evacuation center, sandaling iniwan ko iyon para bumalik sa gumuhong apartment. Pagdating ko ron, marami ng tao ang nagtutulong-tulong para bungkalin ang nasirang gusali. Tumulong na rin ako.

Pagkatanggal sa isang malaking tipak ng bato, nagulat ako sa nakita. Maraming pananaw ko sa buhay ang nabago, sa pag-ibig, sa kamatayan.

Siguro nga kahit kamatayan, hindi kayang paghiwalayin ang mga totoong namamahalan.

Tumambad sa aking harapan ang wala ng buhay na katawan ng mag-asawa. Magkasalikop ang mga kamay nila. may mga tuyong rosas sa pagitan nila.

Sa nakita ko, naisip ko na hindi rin pala masama ang mamatay. Basta alam mong minsan sa buhay mo, nagmahal ka. At minahal ka.

Teka, hanggang dito na lang muna ang kwento ko. Ilang minuto na lang at flight mode na. Pabalik sa Pilipinas, sa mga bisig ng aking minamahal. Desidido na akong harapin ang kamatayan basta kapiling lang sila..

Salamat kina Nanay at Tatay.

www.shambolicamalgam.wordpress.com
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Quote from ME.
older post:
my love, my song!

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
shambolicamalgam    •reply Feb 9, 2010 @ 8:43 PM
 
hala. nagkamali ako ng post. dapat sa poetry and fiction to. tsk.

yae na nga : l o l :  >
shambolicamalgam    •reply Feb 9, 2010 @ 8:43 PM
 
poetry and short stories pala : ( 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@8:47PM
hindi ko madelete. : (  ilipat ko sana ng categ eh : ( 
  prettynikx    •reply    Feb-9-10@8:50PM
di mo talaga sya madedelete.


ililipat na lang ni admin yan : w i n k : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@8:52PM
ganun ba? thanks : w i n k : 
  prettynikx    •reply    Feb-9-10@8:52PM
welcome : b l u s h : 
  littlemsfrustration    •reply    Feb-9-10@8:50PM
lagot ka. hahhahahah! joke lang! : p 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@8:52PM
hahaha. : l o l : 
  chiz_mozo    •reply    Feb-9-10@10:08PM
may tanong lang ako dala mo ba yun pc mo ng ginagawa mo yan kwento mo?tanong lang : w i n k : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:10PM
naku. hindi po. bakit po? : l o l : 
prettynikx    •reply Feb 9, 2010 @ 8:49 PM
 
awts.. : ( 

great story : ( 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@8:53PM
thanks po. try nyo po i-visit yung blogsite ko.. may mas okay pa po dyan : l o l : 

salamat ulet : w i n k : 
  prettynikx    •reply    Feb-9-10@8:54PM
okay. : w i n k : 



salamat din : s m i l e : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@8:59PM
: w i n k :  : g r i n : 
  chiz_mozo    •reply    Feb-9-10@10:13PM
ah so you mean to say kasama pala sa nailigtas mo yun pc hehehehehehe......pero sad to say kahit man dito nakakaawa talaga yun mga nangyari dyan may phobia nga ako sa lindol if you remember nun gumuho ang hyyath hotel sa baguio nasa school ako nun eh : s m i l e : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:15PM
work of fiction lang po yan. gumawa lang po ako story out of that catastrophe.. : g r i n : 

ganun? hindi naman kayo ganun naapektuhan nung lindol?
sweetsexyTiN    •reply Feb 9, 2010 @ 9:05 PM
 
: b o o k : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@9:20PM
: g r i n : 
aidenjoyce    •reply Feb 9, 2010 @ 9:27 PM
 
ang ganda : n o t w o r t h y : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@9:44PM
uy. ate. thanks : g r i n : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@10:11PM
wag mo nmn ako iate : (  : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:13PM
bawal ba? : ? 

: l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@10:15PM
indi nmn : r o l l :  pero dumdami ng nag aate skin d2 eh feel ko tuloy super tanda na ako : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:16PM
ok lang yan : l o l :  //
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@10:17PM
aiden na lng : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:17PM
ok. aiden. : g r i n : 
arnie34    •reply Feb 9, 2010 @ 9:41 PM
 
haba ahhh: b o o k : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@9:44PM
: g r i n :  v
  arnie34    •reply    Feb-9-10@10:13PM
: l o l : 
aidenjoyce    •reply Feb 9, 2010 @ 10:18 PM
 
thanks : l o l :  bakit mga 15 ka lng ba or 19 : ?  : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:19PM
17 pa lang : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@10:20PM
damnit: r o l l : bat nga
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@10:21PM
bata***
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:21PM
hehe. napagkakamalan nga ako ng ibang matanda na gawa ng posts ko : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@10:24PM
honga: r o l l :  old soul : ?  : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:25PM
awts. : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@10:25PM
kala ko early 20's ka na : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:27PM
nyek. : l o l :  . sana nga eh. gusto ko na magtrabaho. : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@10:30PM
i've been working since i was 16: r o l l :  : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:32PM
oh? galing naman : g r i n :  hindi ko kasi kaya pagsabayin studies tsaka work eh, dagdag pa ang katamaran : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@10:35PM
sinabi mo pa nakakatamad

fully book ako this week: ) )


nakakapagod : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:51PM
hahaha. sobra talagang nakakatamd. : l o l :  ayoko na nga mag-aral eh : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@10:54PM
: l o l :  yeah ako rin tinatamad midterms namin this week : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:56PM
semi-finals naman namin next week : l o l : 

intrams kami ngyn.

goodluck sayo : g r i n : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@10:58PM
: l o l :  nice intrams lang klase: r o l l : 

thanks : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:03PM
haha.. kaya nga eh. sulitin ang bakasyon(?) : l o l : 

no problem : g r i n : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@11:06PM
ilang araw : ?  : l o l :  wla ka bang sinalihan na games? : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:08PM
scrabble lang. bukas pa ang laban : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@11:09PM
weh : r o l l :  may scrabble ba pag intrams? : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:12PM
merun : l o l :  sa badminton sana ako. nalimutan ko magtry-out : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@11:15PM
ngaun ko lng yan nalaman: r o l l :  lam ko chess meron: r o l l :  adik baka meron rin damathlol


: r o l l :  ok rin badminton : l o l : sayang di ka nakatry out
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:18PM
wala namang dama. pero merung games of the general. board game rin. plano ko rin yung salihan : l o l : 

nagkasakit ako nung try-out eh. sayang. tsk : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@11:20PM
anong school yan makapagenroll nga: r o l l :  wla kming games of the general noon ah: r o l l : 


sayang nga...di ka siguro uminom ng clusivol : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:22PM
lyceum. sa laguna. : g r i n : 

hindi nga ako nagclusivol : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@11:23PM
: l o l :  anlau : r o l l : 

yan ksi next time mag clusivol ka : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:24PM
hahaha.. oo nga : l o l : 
chiz_mozo    •reply Feb 9, 2010 @ 10:18 PM
 
apektado nga ako kasi pag umuuga ang kama ko kala ko lindol na wwaaaaaaaahhhhhhhhhhh : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:20PM
ganun ba? hala. i-overcome mo na yan : l o l : 
coly_12    •reply Feb 9, 2010 @ 10:22 PM
 
: s m i l e :  greatstory.............
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@10:24PM
thanks po. sana po mabasa nyo rin yung iba sa blog ko. : n a u g h t y : 
ipisnapisak    •reply Feb 9, 2010 @ 11:12 PM
 
Si panjo ka din ba? : ? 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:13PM
Hindi po. Pero, magkalapit lang kami ng tirahan : l o l : 
  ipisnapisak    •reply    Feb-9-10@11:15PM
oo nga. iba pala blog. may tanong sana ako sa pc.
taga rosario naman ako.
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:19PM
sa PC? naku, wala ako alam dun. : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:13PM
kababayan ko sya : g r i n : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@11:14PM
magkababayan rin tau : c h e e r : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:17PM
hala. oo nga. nabasa ko sa profile mo : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@11:18PM
: ?  : l o l :  wla nmn nakalagay : ?  : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:20PM
naku. hindi ako nagbabasa. akala ko ay si ipis pa rin ang nagcocomment : l o l :  >
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@11:20PM
ah : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:22PM
haha. and adik ko : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@11:23PM
: l o l :  konti lng umaamin nian : n o t w o r t h y : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:25PM
aw : l o l : 
  aidenjoyce    •reply    Feb-9-10@11:26PM
: l o l :  good for you : l o l : 

anyway ... i need to go kailangan ko na mag aral : r o l l : 


p.s you have a gift ..ganda ng posts mo

pps.. nice chatting with you

: r o l l :  manalo ka sana sa scrabble : l o l :  itripple word score mo sila
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:26PM
teka. logout muna ako. hindi pa pala ako nagdidinner : l o l : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-9-10@11:27PM
haha.. sige. gudnyt rin. gudlak let sa exam. thanks sa compliment : l o l : 

sana nga manalo ako. : l o l : 

gudnyt na rin..
iM_urZ    •reply Feb 10, 2010 @ 2:02 AM
 
: d e a d n a n a : 
  shambolicamalgam    •reply    Feb-10-10@9:05AM
: g r i n : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Quote from ME.
older post:
my love, my song!
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Keep everything open. The pores of your skin. The door of your heart. Your eyes, as with joy you walk into the landscapes of love.

--Danton Remoto

You need to be logged in to Facebook