|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
BASKETBALL(johny bravo)
Chapter 1 http://www.tristancafe.com/forum/192186
Chapter 2 http://www.tristancafe.com/forum/192275 Chapter 3 http://www.tristancafe.com/forum/192370 Chapter 4 http://www.tristancafe.com/forum/192473 Chapter 5 http://www.tristancafe.com/forum/192575 Chapter 6 http://www.tristancafe.com/forum/192767 Chapter 7 http://www.tristancafe.com/forum/192857 Chapter 8 http://www.tristancafe.com/forum/193048 Chapter 9 "Ang buhay ko ay parang basketball, maraming offensive fouls" Kalahating oras na akong nakaupo habang nakangangang pinanunuod ang mga nagtatry out sa basketball. Gusto ng pumalakpak ng puso ko sa mga mala Jordan na lay out nila. pero syempre pigil pa din ang emosyon ko. Hindi sila dapat makahalata na bilib na bilib ako sa kanila. Baka bigla silang mag freak out at mapagbintangan pa akong pinagnanasahan ang mga muscles nilang look a like ni Johny Bravo. Ang ilan nagmamantika pa, ang ilan naman sobra na sa laki halos matakpan na ang ring. Bigla kong itinaas ang sleeve ng tshirt ko. Tiningnan ko ang muscles ko. Napalunok ako ng makita na parang naipit lang ng buntot ng daga ang pumipitik sa braso ko. Madami daming fit n right pa pala ang iinumin ko. Hindi pa tumatalab ang mga minola oil na pinaglalalagay ko sa katawan. Pero balang araw mga dragon na ang maghahabolan sa braso ko kapag iangat ko ang sleeve ng t-shirt ko. Mahihiya ng humarap si Johny Bravo sakin kapag naaccomplish ko na ang built na pinagpapantasyahan ng mga katulong ng kapitbahay namin. Habang kung anu-anong himala ang pumapasok sa utak ko bigla akong nataranta ng biglang may bumatok sakin. “miggyboy ano ready ka na bang maging junior ko?” mayabang na pagkakasabi ni Joshua “ah, hindi ko alam kung san ako magsisimula” mahina kong sabi “alam mo bang hindi mo na kailangang dumaan ng try out? Magtratrain ka lang ng isang taon tapos next year, varsitarian ka na. Ganyan ako kalakas kay coach” pagmamalaki ni Joshua “ta-talaga? Hindi mo ako niloloko, totoo yan ha? Wala ng bawian. Masama akong mafrustrate. Binibitin ko ang sarili ko sa kisame kapag nakakaramdam ako ng disappointment” pabiro kong sabi “itaga mo yan sa ulo ng nanay mo miggyboy. Kung ako sayo magcecelebrate na ako ngayon pa lang. tumawag ka na nga banda at umorder ka na ng lechon” pagbibida ni Joshua. Biglang ipinasa sakin ni Joahua ang bola, halos mawasak ang dibdib ko sa sobrang lakas ng pagkakabato. 10 seconds na lang…9,8,7,6,5,4,3,2,1 eeeeeeennnnkkkkk. Red eagle wins malakas na pagkakasabi ng commentator. Halos hindi pa ako makarecover sa bilis ng pangyayari. Naramdaman ko na lang binubuhat na ako ng mga team mates ko. Ang sarap ng pakiramdam ng nasa taas tapos nakikita mo ang mga tao sa paligid mo na tuwang tuwa sa accomplishment mo. Ang sarap pakinggan ang hiyawan ng mga tao, lalo na kapag pangalan mo ang sinisigaw nila. Para kang hero. Halo halo ang sigaw ng mga tao sa court. Ibat ibang boses ang naririnig ko, may mga maninipis na boses, may mga tili na galling sa bading, may mga desperadang nagrerecite ng mga phone numbers nila. Walang sinabi ngayon ang kamao ni Pakman sa husay ko sa paglalaro ng basketball. Ganito pala ang buhay ng isang star player. Anytime pwede kang magkaroon ng sampung girlfriends. Pero syempre isang tao lang ang dahilan ng lahat ng ito. At sya lang ang babaeng gusto kong idate. Nang mangawit na ang mga team mates ko, ibinaba na rin nila ako. Sa wakas makakaupo na rin ako. Bigla kasi akong nahilo. Hanggang ngayon may phobia pa rin ako sa heights. Hindi ko na naovercome yun. Naupo ako sa bench. Habang inaayos ko ang mga gamit ko bigla kong naisip. Ang bilis ng pangyayari. Parang kailan lang, dinuduraan ako ng mga babae kapag nakikita nila akong dumadaan, ngayon para silang asong naglalaway at tumatahol kapag nakikindatan ko. Isang taon na rin pala ang nakaraan. Varsitarian na ako. Miyembro na rin ako ng APO. Kung dati ako ang inuutusan para magrap at sumayaw ng hiphop habang nakabarong, ngayon isa na ako sa mga nag uutos. Isa na ako sa mga isnusumpa ng mga nagtatangkang pumasok sa fraternity namin. Para sa kanila wala na rin akong pinagkaiba sa mga kontrabida sa sine. Palabas na ako ng court ng biglang may humila sakin. Paglingon ko, napangiti ako ng makita ko ang pamilyar na mukha. Si Nikka. “nice game and nice abs” sabay hipo sa katawan ko “hindi kita nakita kanina, lingon ako ng lingon, san ba kayo nakapwesto?” nakikiliting tanong ko “sa dulo na kami umupo kasi late kami pumasok, wala ng natirang lugar samin. Naunahan kami ng mga bading mong fans eh” pabiro nyang sabi “did you enjoyed watching the game?” flirt kong pagkakasabi. Sa loob kasi ng isang taon na master ko na ang pagfliflirt kapag kausap ko si Nikka. “I loved it. Nakakagigil kaya ang mga 3 points mo” ganti nya “dahil pinanuod mo ang game namin. Let me treat you out for a dinner” pasimpleng pagyaya ko “are you asking me out for a date?” paninigurado nya “yes Nikka” confident kong sabi. Hindi na kasi ako marunong mautal ngayon. Hindi pa kami masyadong nakakalayo sa covered court ng marinig kong may sumisigaw ng pangalan ko. “MIGGYBOY” pahingal na sabi ng babae sa likuran ko. Kasunod nya ay dalawang lalakeng parang bodyguard nya kung bumuntot sa kanya. “Paula, anong kailangan mo?” gulat kong sabi “icocongratulate ka lang namin. Ang galling mo” masayang sabi ni Paula Ilang segundo pa, nahabol na rin sya nila Marco at Rex. Wala pa ring nagbago sa kanila. Isang taon na ang nakaraan, naipit pa rin sila sa mundo ng mga lolo nila. MAKALUMA. “miggyboy ibang iba ka na. grabe ang galling mo” sabay na sabi nila Rex at Marco habang hawak hawak ang banner na ginawa nila para sakin. “nanuod din pala kayo” maikli kong sabi Pagkatapos nun, bigla akong hinila ni Nikka. Pabulong nyang sinabi na “you’ve already escaped with those 1970’s shadows. Common migz. You don’t need them”. Wala akong nagawa kundi ang magpahila sa kanya. Pero sumunod pa rin si Paula. May iaabot sana sya ng biglang tinabig ni Nikka ang kamay nya. Nalaglag ang mga gamit ni Paula. Agad kong napansin ang old notebook nya. Nabigla ako ng makita ang nakasulat sa loob. Dadamputin ko na sana pero naunahan ako ni Nikka. “this is such a big revelation. FLAMES. Miguel Nino Tan and Paula Esparagoza” sa pinakamalakas nyang tawa Bago pa nya nasabi ang resulta, nagawa ng agawin ni Marco ang notebook. Lumapit si Nikka kay Paula. Super close sila ng oras na yun. Halos wala ng hangin ang makadaan. “if I were you, I would stop my fantasy. Look at you, no one will fall for you” pang iinsulto nya “tara na Nikka” pagyayaya ko Ilang inches na ang layo namin ng biglang may kumalabit sakin. Paglingon ko. BLAGGGGG. Sapul ang cute and tantalizing eyes ko. Hindi ako nakailag. Naitattoo na ni Marco ang kamao nya sa mata ko. Ang ganda ng pagkakaengrave. “para kay Paula yan. Anung klaseng halimaw ka. Ni hindi mo maipagtanggol ang kaibigan mo sa she-devil na kasama mo. Magparetoke ka man ng mukha, si MIGGYBOY ka pa din” pasinghal na sabi ni Marco(parang linya lang sa movie ang binitawan nyang salita) Magsasalita pa sana si Nikka pero hinawakan ko na ang kamay nya. Pinisil ko para ipaalam na inaawat ko sya. Nakatsansing ako sa pagkakataong yun. Parang nawala ang hapdi ng mata ko. Napalitan ng kilig. Umuwi muna ako sa bahay para magpalit ng damit. Pagpasok ko sa kwarto, pabagsak kong inihiga ang sarili ko. Habang nakatitig ako sa kisame, nagflaflashback pa rin ang mga eksena kanina. Pang award. Hindi ko alam ang naramdaman ko ng basahin ni Nikka ang nakasulat sa notebook ni Paula. Namula ako. Naramdaman ko yun. Hindi ko alam na matagal na pala akong pinagnanasaan ni Paula. Nagulat ako. Hindi ko naman talaga alam na may ganun syang feelings para sakin. Manhid lang siguro ako, o naramdaman ko pero binalewala ko dahil wala akong gusto sa kanya. Alin man sa dalawa. Alam ko mali ako ng hindi ko sya ipinagtanggol kanina. Habang paulit ulit na nagboubounce back ang mga pangyayari, hindi ko maalis sa sarili ko ang mainis. Ilang oras na pala akong nakahiga at nag iisip. Muntik na akong mahulog sa kama sa biglang pagtunog ng telepono. KRRRRRRRINNGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG GGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG ----itutuloy Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Tiningnan ko ang muscles ko. Napalunok ako ng makita na parang naipit lang ng buntot ng daga ang pumipitik sa braso ko
![]() my hidden desire pala sayo si paula ![]()
nakakainis si nikka...
maganda din yan si paula pag naayusan ![]()
Chapter 10 http://www.tristancafe.com/forum/193425
Chapter 11 http://www.tristancafe.com/forum/193539 :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories yhantot, abbygail1987, ellainedatu13, kropek49, mhelaisky, sundaythefifth, neon25, Eurekasixteen, geminier, mitch2d2003, quteco, Mackaroo, mydaime, sEmAj_0711, aimz_mhie34, anonsenselove, ms_cullen, and 58 guests |