tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
BURNT (1st Story) [Ash 3, 4, 5, & 6]
posted by (Feb 08, 2010 @ 8:25PM) views: 199
ASH 3: ANIELLE


Grabe talaga 'tong babaeng 'to. Napakasuplada. Curious lang naman ako ah. Kailangan ba lahat ng itanong ko, sagutin n'ya rin ng tanong. Batuhin ko 'to eh. Gamitin ko na kaya ang charisma ng isang...HEART THROB?

"Miss, sa'n ka ba nakatira?"

"Bakit gusto mong malaman?" sabi ko na ng aba sasagutin din n'ya ko ng tanong! Kelangan sumagot ako ng tama kung ayaw kong marinig ang favorite answer n'ya.

"Curious lang kasi ako. Ngayon lang kita nakita eh."

"'Di ba nagkita na tayo kahapon?" napaka talaga nito!

"Oo nga pala noh... Curious lang kasi ako...KAHAPON lang kasi kita nakita eh..." Ayan! Masaya ka na?

"E ano naman? May problema ba do'n?"

"Wala namang probl--" wrong answer!

"Wala naman pala eh!" aargh! Sobra na 'to!

Talagang 'di maiiwasang mapunta sa WALA ang usapan. O ano, Leigh? Nasa'n na ang charisma ng isang HEART THROB na sinasabi mo? Mukhang 'di umubra ah! Pero easy ka lang, you're just being friendly lang naman eh. Wala namang masama do'n. Try another line na lang.

"Miss...aah..." ano? Ubos na ba? "...ang ganda ng buhok mo..." ano bang nasabi ko, baka isipin n'ya bading ako...Gusto mo kulutan kita?

"Bakit inggit ka?" tamo sinabihan ka pang inggit!

"Hindi, sinasabi ko lang naman."

Totoo namang maganda ang buhok n'ya. wala naman na kasi akong masabi sa babaeng 'to. Hmm?...

Aba, chismosong mga 'to. Nakatingin ba naman sa 'min 'yung mga naglalaro. Bakit kaya hindi na lang nila intindhin ang laro nila. maituloy na nga ang...huh?...Nasa'n na s'ya? Ang bilis naman mawala no'n. 'Di ko man lang napansin. Makauwi na nga lang muna. Medyo tumataas nanaman ang araw pati pressure ng dugo ko.

Pagpasok ko ng bahay, sinalubong nanaman ako ni Mommy. Aba, nandito na pala s'ya.

"O sa'n ka nanaman galing?"

"Sa court po. Maglalaro po sana ako, kaya lang marami pong tao. Mommy, sa'n nga pala kayo galing?"

"Sa groceries, namili lang"

"Namili? Wala naman 'yung mga binili n'yo ah."

"Sira! Nakaayos na sa lalagyan!"

Kakaiba talagang pamilya. Tanungin daw ba ng ganun ang nanay.

"Kwart mo? Nilinis mo na ba?" nanaman?

"Opo!"

Kasi naman, may kaya naman kami, ayaw pang kumuha ng katulong. Ako pa tuloy ang naglilinis ng kwarto ko. E 'di sana din 'pag umaalis si Mommy, hindi nagmumukhang nasusunog ang bahay sa pagluluto ni Daddy.

"Mabuti 'yun para matuto ka sa gawaing bahay!" yan ang sabi sa 'kin nila Mommy at Daddy nung sinabi kong kumuha ng katulong. Ang tamad ko talga.

Umakyat ako ng kwarto ko at binuksan ang T.V. ko at PS2. Sinara ko ang mga blinds at bintana para dumilim at binuksan ko ang aircon para maganda ang setting. Wow, ready na ang lahat para sa FATAL FRAME.

'Pag wala kasi ako sa court, it's either, naglalaro ako ng Dota or Fatal Frame. Kung Fatal Frame ang lalaruin ko, ginagawa kong madilim ang kwarto kahit may araw. Horror game kasi 'yun at pangit laruin 'pag maliwanag. Sabi Daddy sa 'kin nung minsang nanood s'ya sa 'kin.

"Anak, buti hindi ka inaatake sa puso sa larong 'yan." nagulat kasi s'ya sa mga multo.

Oo nga pala, Fatal Frame is about sa mga multo , not monsters, spirits po. Camera ang gamit para patayin sila. Nagugulat din naman ako minsan pero so far 'di naman ako nagkaroon ng heart disease. Pangatlo na ngang Fatal Frame 'to eh. 'Yung 'The Tormented', about 'to sa babaeng nananaginip tapos dun s'ya inaatake ng spirits sa dream n'ya. Okay, that's too much na!

'Kring...Kring...Kring...Yes! Kurosawa speaking!'

May tumatawag dun sa nilalaro ko. May naalala ako nun...Parang may dapat akong tawagan...Napatingin ako sa study table ko...Napatitig ako sa picture n'ya. Oh my! Baka naghihintay s'ya...

Dali-dali naman akong bumaba sa living room at kinuha ang phone. Nakita ako ni Daddy, nanonood s'ya ng T.V.

"Ops! Ano nanamang gagawin mo sa phone?"

"Dad, I need to call her."

"Okay, okay, sige basta 'wag naman telebabad! Okay?"

"Yes, Dad!"

Nagdial ako sa phone...Busy... Ano ba naman 'to? Sino kayang gumagamit ng phone nila? Ok dial again...Yes! Nagring din...

"Hello" Sumagot din s'ya.

"Hello Anielle, sorry ngayon lang ako napatawag huh. Kauuwi ko lang kasi eh!" alibi nanaman.

"Hello sino ba 'to?"

"Ako 'to si Leigh!"

"Hello, ano ba? Bakit 'di ka nagsasalita?"

Huh? Ano daw yun?

"Anielle, 'di mo ba 'ko naririnig?" Obvious ba?

"Hello, ano ba? 'Wag kang tatawag dito kung manloloko ka lang huh?"

Binaba na n'ya ang phone...Hmmm...


Bakit kaya 'di ako marinig ng girlfriend ko?




ASH 4: THE OTHER SIDE


Baka nagkaroon lang ng interferance sa line kaya 'di n'ya ko narinig. Tawagan ko nga ulet!

Ring...Ring....May sumagot ulet!

"Hello?" medyo inis na ata s'ya ah.

"Hello? Naririnig mo ba 'ko?" sana lang, sana lang.

"Hello? Ano ba? 'Di ba sabi ko 'wag kang tatawag?"

Binagsakan ulit ako. Baka 'tong phone ang may problema. Aha, tawagan ko na lang si bestfriend. Kring...Kring...

"Hello?"

"Oi ako 'to?" Ganyan talaga ang sinasabi ko 'pag tinatawagan ko s'ya, kaya alam na n'ya agad na ako 'yun.

"Hello? Sino ba 'to?"

'Di rin ako marinig?

"Hoy, ano ka ba? Ako 'to si Leigh"

Hanggang sa nainis si Happy. Hindi n'ya 'ko narinig. (Sigh!) Matanong nga 'tong si Daddy.

"Dad,sira 'ata 'tong phone"

"Ayan, kakatelebabad mo! Ano na namang problema?"

"'Di ako marinig ng mga tinatawagan ko eh."

"Baka mouthpiece lang 'yan. Ako na lang bahala mamaya."

Mamaya? Baka magtampo na sa 'kin ang Anielle ko. Sige na nga. Baka magalit pa sa 'kin 'tong tatay ko 'pag kinulit ko pa. Ayaw pa man din nito naiistorbo sa panonood.

Makaakyat na nga lang sa kwarto at itetext ko na lang...ah! Tatawag na lang ako, postpaid naman ako eh.

Toot...toot...

'Your number cannot be completed if dialed. Please check the number and dial again.'

Huh? Ano 'to? Bakit gano'n? Voice mail ba 'yun? 'Di ba 'Please speak after the tone' 'yun? Tanga! Ibig sabihin 'di na active ang line n'ya. Paano naman mangyayari 'yun? Last time lang katext ko s'ya noh...Redial kaya?

Toot...toot...toot...Low bat? Aargh... Kapag minamalas ka talaga oh...

Gabi na pala...Maisave na nga lang 'tong laro ko, kanina pa naka-pause eh.

Sa sobrang inis ko napahiga na lang ako sa kama ko. Sino ba namang 'di maiinis? Humahaba na ang Ash Chapter na 'to nang dahil lang sa pagtawag ko kay Anielle. Haay, siguro miss ko lang s'ya. I can't belive na 5 months na kami. 6 na sa 13th of April. Huh? Malapit na pala 'yun. 1 week na lang. Ilang araw pa lang kaming 'di nakikita pero parang taon na ah...

***

"Anielle, ano bang ginagawa natin dito?"

"Wala lang, gusto lang kitang makasama, mamimiss kasi kita."

"Bakit naman mamimiss mo 'ko, eh kahit naman sa college dadalawin pa din kita palagi."

"Alam ko naman 'yun, kaya lang...parang mamimiss talaga kita."

Narinig ko nanaman ang pinto kong kumakalabog. Hay naku, si Mommy nanaman. Istorbo talaga. Napanaginipan ko pa man din si Anielle ko. Pero parang ang lungkot n'ya.

"Oi Leigh, tanghali na...Bumangon ka na d'yan!"

Ano ba naman 'tong si Mommy, panira na nga ng panaginip, panira pa ng momentum.

"Opo nandyan na! Gising na po ako, kaya 'wag n'yo nang wasakin 'yung pinto ko."

"Dalian mo at aalis pa kami ng Daddy mo!"

Aalis? Wow ayos 'yun ah. I'm free nanaman! Bigla naman akong napabangon at nilabas ko si Mommy.

"Mommy, anong oras kayo babalik?"

"'Di ko sigurado, bakit?"

"Wala naman po. Gagabihin ba kayo ng uwi?"

"Baka. Kaya kung nagugutom ka ikaw na lang ang magluto d'yan."

Nung nakaalis naman sila Mommy at Daddy, ang bilis kong naghanda ng sarili ko para gumala. Nung ready na 'ko, lumabas na 'ko ng bahay at napatingin nanaman ako sa kabilang bahay sa other side of the world.

"May tao ba talaga dito?" bukas kasi ang gate.

Na-tempt naman akong lumapit at pumasok ako sa gate. Dahan-dahan, baka kasi may makakita...hmmm...maraming tuyong dahon na galing sa puno ng mangga. Alam n'yo 'yung parang sa mga haunted house. Parang wala namang nakatira dito. Tahimik masyado, nakakabingi. Curious talaga ko kung may tao na dito. May kalakihan din ang bahay na 'to. Sumilip ako sa bintana sa front door, wala namang tao pero may gamit. Biglang...

"Hoy, magnanakaw ka noh!"

Excuse me, magnanakaw sa umaga? Grabe at bihis na bihis pa. Teka sino ba 'tong mamang ito? 'Di ko s'ya napansin ah.

"Uh, hindi po, nagtataka lang po kasi ako kung may tao na dito."

"Nakikita mo naman na may tao na dito. Isang taon na kami dito."

Isang taon? Ang tagal ko na dito wala man lang akong nakikitang tao dito. Teka...baka haunted house nga 'to at isa sa mga multo ang mamang ito. Hindi, dapat nakakatakot ang hitsura nito, 'di ba?

"Ah pasensya na po kayo, hindi ko po talaga alam."

"O sige...taga -saan ka ba iho?"

"D'yan po sa tapat. Ako nga po pala si Leigh."

"Dante, Mang Dante na lang."

"Pasensya na po talaga, Mang Dante."

"Ayos lang 'yon." Sus! Ayos lang naman pala eh!

"Sige po pala, aalis na po ako"

Umalis na din ako. That was so close. Buti hindi pulis ang nakakita sa 'kin. Pero napaisip ako dun ah...


one year na sila dun? SILA?




ASH 5: ROAM


Sila? Ibig sabihin may kasama pa si Mang Dante doon? Hmmm... isang taon? Bakit 'di ko man lang sila napansin dun sa loob ng isang taon? Hala! Mumu! Hay ewan!

'Di ko napansin nandito na pala ako sa waiting shed...Hmmm...may mga nakatambay din pala dito. May magkaibigan na panay ang dada.

"--- alam mo 'yun, he's so gwapo...Makalaglag panty!" sabi nung isang babae.
Napatingin naman ako sa paanan n'ya baka nalaglag nga.

"Ha? Gano'n? Gusto ko s'yang mameet!"

Bakit? Para malaglag din 'yung sa 'yo? Iba talaga 'tong mga babaeng 'to. May PDA pa dito.

"Honey, sige na you hold my hand na. Para sweet 'di ba?"

Napatingin naman ako sa paligid at baka langgamin sila.

"Okay..." Sus chansing ka naman!

'Yung isang mataba naman panay ang kain, 'kala mo bibitayin na bukas. Ang tagal naman kasi ng jeep dito. Kasi naman matagal pa 'ko ibibili ng kotse.

After 10 minutes, may dumating din. Hay makakasakay na din...Paunahin ko na muna 'tong mga 'to.

"Lima pa! Lima pa!" sabi nung driver.

Lima? E anim kami. Aargh! Mukhang nagkamali akong paunahin 'tong mga 'to ah! Ako tuloy ang maiiwan. Ok lang 'yan Leigh, pasasaan ba't makakasakay ka din.

Tamo, ayan na may parating...

Broom!...

Puno!?! Antay ulet! Ayan na ulet!...

Broom!...

Yes! May bumaba...pinauna ko muna 'yung bababa. Nung pasakay na 'ko...

Broom!...

Ha? Hindi pa ko nakakahawak sa jeep umalis na. Walanghiyang 'yun! May galit 'ata sa 'kin ang mundo. Muntik pa 'kong tuluyan. No choice na 'ko...I have to walk...walk home! Sira na lakad ko. Punta na lang ako sa court.

Sobrang init na ng araw. 'Di ko na nga napapansin 'yung mga nakakasalubong ko. Nung marating ko ang court. Hmm...sino nga ba 'yun?...si Andrew...Nag-iisa lang s'ya. Nakaupo lang sa bench at may isa pa....si...Happy...naglalaro s'ya...pero mukhang aalis na kasi nung huling shoot n'ya, kinuha na n'ya 'yung bola n'ya at tumigil na. Lalapit sana ako kaya lang umalis na eh... napansin naman 'ata ako ni andrew. tinawag n'ya ko.

"Leigh, tara dito tayo!"

Lumapit naman ako.

"Ang tagal ko nang nag-iintay dito ng pwedeng makausap."

"Bestfriend ko 'yung nandito kanina, nakita mo ba?"

"Ah 'yun ba, bestfriend mo pala s'ya."

"Oo, kaya lang medyo 'di na kami nag-uusap ngayon eh...Ewan ko ba mukhang malungkot s'ya this past few days."

"Baka problemado."

Bigla namang may narinig nanaman akong sumisigaw at asong kumakahol. Napalingon nanaman ako dun at 'di ako nagkamali...si Miss! Hinahabol nanaman ng aso...

"Drew, d'yan ka muna ha, aalis lang a---"

Nasaan nanaman 'yun? May sa demonyo 'ata 'yun ah. Teka si Miss. Ha?

Aba, tumapang 'ata s'ya ngayon! Binato ba naman 'yung aso. Ayun! Umalis na 'yung aso. Lumapit ako sa kanya.

"Habulin ka talaga ng aso..."

"Ikaw nanaman?"

"Yeah of course, ang sarap bang makipaghabulan sa aso?"

"Pakialam mo?"

"Gusto ko lang!..."

"Wala ka ba talagang alam gawin kundi makialam at manira ng araw ng iba?"

"Excuse me, ikaw lang naman ang sumisira sa araw mo...Miss!"

"Aaaah! Makaalis na nga dito!!!"

Sumunod naman ako sa kanya. Pero ang totoo eh bibili lang naman ako sa tindahan. Banda dun kasi 'yung tindahan sa dadaanan n'ya.

"Bakit ka sumusunod sa 'kin?"

"Feeling ka! 'Kala mo sa 'kin, stalker? Pupunta lang po ako sa tindahan."

Binilisan naman n'ya 'yung lakad n'ya. Nagulat na lang ako nung makita kong naglabas s'ya ng sigarilyo at nagsindi. God! nagyoyosi s'ya? Kababaeng tao! Talo pa 'ko nito ah. Nung makarating ako ng tindahan, nakita kong sarado pala. Ang malas talaga ng araw eh!...Bigla ko na lang narinig si Miss...

"Bakit ba? Baka gusto mong sapakin kita!"

"Suplada mo naman, Miss. Baka gusto mo rin ng kiss!"

Bigla naman n'yang sinapak 'yung lalaking nambastos sa kanya! Wow, astigin pala 'tong babaeng 'to. Akalain mong nananapak pala 'to. Parang Avril Lavigne nga ang dating nito ah. Pareho pa ng porma at buhok.

Parang natakot tuloy ako sa kanya. Hindi ko pala dapat asarin 'to ng basta-basta! Napatingin naman s'ya sa 'kin.

"Ano? Gusto mong matulad sa kanya?"

Yabang! If I know 'pag itinapat kita sa aso, tatakbo ka na!

"Miss may aso sa likod mo!" sabi ko sa kanya.

Bigla na lang tumili at nagtatakbo. Narinig ko naman 'yung mga taong naroon na nagsabi ng...

"Baliw'ata 'yung babaeng 'yun"

"Oo nga, bigla na lang nagtitili at tumakbo."

Tawa lang ako ng tawa no'n. Aso lang pala katapat n'ya eh. Dumiretso na rin ako pauwi, medyo boring na kasi at wala na 'kong magawa sa labas. Maglalaro na lang ako ng Fatal Frame.

Maya-maya, dumating na rin sila Mommy at Daddy. Buti na lang pala umuwi ako ng maaga. Kung hindi...alam n'yo na.

'Di na 'ko lumabas ng bahay nung araw na 'yun. Hanggang sa dalawin ulit ako ni antok...ang sweet talaga nitong si antok...'di ako nakakalimutan.


***


Maganda naman ang gising ko ngayon araw na 'to. Wala naman masamang panaginip. I think everything will be alright today. Mas maaga akong nagising kina Mommy kaya naisipan kong magjogging.

Nung medyo malayu-layo na ang nararating ko, may nakasabay ako...mas mabilis tumakbo at hinahabol ng aso...Ano ba naman 'yan...agang-aga. Part of her daily routine na n'ya 'ata 'to...


Well, sino pa bang tinutukoy ko...




ASH 6: ALICE


Syempre si Miss. Pero this time, may kasama s'yang bata. Takbo sila ng takbo. nakita ko 'yung humahabol sa kanila. Malaking dobberman. Oh no! It's no ordinary dog. Kaya sobrang bilis ng takbo nila. LBC to the rescue.

Nung malapit na sila humarang ako dun sa aso at sinaway.

"Shoo!...Shoo!..."

Bigla na lang napatigil 'yung aso at nagtatakbo palayo.

Bumaling naman ako kay Miss.

"I think I deserve a thank you!"

"Hmp! Ok, thank you, masaya ka na!"

"Nope, one more thing..."

"Ano na naman?"

"Your name, Miss...Mahirap kasing makipag-usap sa 'di mo alam ang pangalan..."

"E 'di 'wag kang makipag-usap para hindi ka mahirapan."

Napansin ko naman 'yung kasama n'yang bata. Parang nagtataka siguro kung magkakilala kami ni Miss. Ano n'ya kaya 'tong batang 'to.

"Kapatid mo?"

"Oo, bakit? If you don't mind, aalis na kami!...Jake, tara na!..."

Buti pa 'yung kapatid n'ya alam ko na pangalan.

Nung umalis sila narinig ko pa 'yung kapatid n'yang nagtanong sa kanya.

"Ate sino 'yung kausap mo kanina?"

"Wala!...Impakto lang 'yun!"

Impakto daw! Nun ko lang narinig na may tumawag sa 'kin ng Impakto. Samantalangnung highschool, panay ang tawag sa 'kin ng...

'Leigh ang gwapo-gwapo mo!'

pero 'di ko naman sila pinapansin.

'Kala naman nitong babaeng 'to kung sino s'yang maganda! Kung sa bagay, maganda nga s'ya, pero suplada at habulin ng aso.

Medyo malayo na rin ang narating kosa pagjojogging. Naisipan ko namang umuwi muna saglit...Alam n'yo na ang daily habit. Kukunin ko lang naman ang bola ko.

Umuwi muna ako saglit. Buti na lang maganda rin ang gising ni Mommy at nakalabas ako ng matiwasay. pagdating ko sa court. Hmmm...

Napansin ko lang, mukhang napapadalas ah...nandito nanaman 'to. Nagshu-shooting din s'ya ah. Lumapit ako.

"Hi Miss!"

"Stalker ka talaga. ba't ka nanaman nandito?"

"Bakit sa 'yo ba 'tong court?"

"Hindi! Sabi ko kung bakit ka nandito, hindi ko sinabi na sa 'kin 'tong court." Oo nga naman.

"Maglalaro."

"Makaalis na nga dito!"

Aha, may naisip ako...

"Uhmm, Miss laro tayo?"

"Hmm? Ayoko nga!!!"

"Bakit natatakot ka bang matalo?"

"Hindi noh!... O sige anong laro, One on One?"

"Hindi! Tutal may bola ka naman...Shooting tayo!"

"Shooting lang pala eh!"

"Paunahang maka-twenty points. Alternate. Ako mauna."

"O sige!"

"Pero 'pag ako nanalo, ibibigay mo sa 'kin name mo!"

"Ayoko nga! bakit ibibigay ko sa 'yo?"

"Bakit? Sigurado ka bang ako mananalo?"

"O sige nga. Pero 'pag ako nanalo..."

"Ano?"

"Saka ko na lang sasabihin 'pag nanalo na 'ko, baka kasi 'di ka pumayag eh..."

Ano kayang iniisip nito. Mukhang may binabalak 'to ah.

"O sige!" sigurado namang ako mananalo eh. Babae lang 'yan.

Nauna na nga ako at s'yempre dahil player ako, shoot! Siya naman...aba! Shoot din! Chamba!

"Aba, ang galing chumamba..."

"Tingnan natin" mukhang confident s'ya.

Next shot, ok nice. 2 points na 'ko. tumingin ako sa kanya na may halong pagyayabang.

Next shot naman n'ya. Oops! sablay! Panalo na 'ko. Wala naman s'yang reaksyon.

"Pa'no ba 'yan panalo na 'ko!" sabay bato ko ng bola ko at shumoot kahit 'di ako nakatingin.

"Kaya mo 'yun?"

No reaction pa din s'ya pero nung next shot n'ya, shoot! Ringless. Ayos 'yun ah!

Shoot naman lahat ng mga sumunod naming shot hanggang mag-10-9 ang score. 10 ako, 9 s'ya. Ok, my turn...siguradong talo na s'ya dahil hindi sumasablay ang --- oops! Sablay! Anakanams! Malas! Magta-tie pa tuloy...Hmp! 'Di naman n'ya mashu-shoot 'yang next shot.

"Aba, shoot..." nasabi ko na lang.

19-19 na ang score...Aargh tie na! It's my turn na...YES! Shoot!

"Ok ako naman!.."

"Hep! Panalo na 'ko!"

"Huh? anong panalo, 'di ba dapat may next shot pa?"

"May usapan ba tayong gano'n? 'Di ba paunahan lang!"

"Ang daya mo! Kaya pala sabi mo mauna ka!"

"Pumayag ka naman 'di ba?"

"Madaya ka! Hindi ako tutupad sa usapan!"

"Hindi kita dinaya noh!" totoo naman eh...Inuto lang kita at nagpauto ka naman. Yihay!

"Ikaw nga madaya, hindi ka tutupad sa usapan!"

"O sige na, ibibigay ko na pangalan ko. nag babaw lang naman ng hiling mo eh..."

Mababaw daw, eh ayaw n'ya ngang ibigay dati.

"Ok let's make it formal...Miss, what's your name?"

Ngumiti naman s'ya pero alam kong plastic...

"Alice..."

Alice pala! Hmmm...

"Nice to meet you Alice, ako nga pala si Leigh."

In-offer ko naman 'yung kamay ko, para nga may pagkaformal kahit mukhang simple lang.

Makikipagkamay na sana s'ya kaya lang natigilan s'ya nung may tumawag ng...


"Ate Eunice, nasa'n ka na ba?" si Jake, 'yung kapatid n'ya.
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Almost Lover
older post:
Still. Untitled 4 and 5 :D

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
leigh013    •reply Feb 8, 2010 @ 8:29 PM
 
ay nalimutan kong ilagay 'yung mga previous chaps para sa mga new readers kung sakali...

eto nga pala 'yun...

ASH ZERO
http://www.tristancafe.com/forum/193127
ASH 1 & 2
http://www.tristancafe.com/forum/193221

kaya pala ako nagpost ng mahaba para ma-iadjust ko 'yung oras ng pagpopost ku...masyado kasing gabi...kaya yung 5 & 6 para bukas sana...thanks sa mga nagbabasa...
ellainedatu13    •reply Feb 8, 2010 @ 9:27 PM
 
hula ko patay na si leigh..watda..

tapos may third eye si alice...

ewan ko lang kung bakit ganun mga magulang nia oh pati sila patay na rin..o baka naman imagination lang ni leigh na nandun mga magulang nia..

anyway...maganda naman po kahit na mejo..walang pa suspense effect..
  leigh013    •reply    Feb-9-10@9:06PM
thanks for reading...hehe...sige tingnan natin kung tama ka...ehehe...
jewel_emerald    •reply Feb 8, 2010 @ 10:29 PM
 
hahhahaha...maganda naman................tnx for d long update!
  leigh013    •reply    Feb-9-10@9:08PM
prefer nyu po ba yung ganyan kahaba?...ehehe...baka kasi di ku ma-meet yung ganyan kahaba pag nagtagal...hehe...
  jewel_emerald    •reply    Feb-9-10@9:18PM
hahahha...ok lhng nmn....khit d ganyan khaba...bsta wag masyado maikli...^^
kreite07    •reply Feb 10, 2010 @ 8:45 AM
 
Yep... I tink he's a ghost.. Gud 1... 1yr n ung neighbour ndi p alm.. Pede b nmn un... Cguro s sunog nmtay.. Gwa nung s unng chpter.. : e s e p : 
leigh013    •reply Feb 10, 2010 @ 1:34 PM
 
napost ko na 'yung next update...maraming salamat sa pagsubaybay...

eto po 'yung link...

http://www.tristancafe.com/forum/193439

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Almost Lover
older post:
Still. Untitled 4 and 5 :D
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Love cures people, the ones who receive love and the ones who give it, too.

--Karl A Menninger

You need to be logged in to Facebook