|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Still. Untitled 4 and 5 :D
Unang Kabanata - http://www.tristancafe.com/forum/192652 Ikalawang kabanata - http://www.tristancafe.com/forum/192719 Ikatlong Kabanata - http://www.tristancafe.com/forum/192853 Dahil po matagal ako bago nag-update. Dalawang kabanata na kaagad. magtyaga ho sana kayo sa pagbabasa. Ikaapat na Kabanata – 10 minutes. 5 pm na ng hapon. Isang subject na lang uwian na ako. Gusto ko ng magpahinga. Nakakapagod ang araw na ito. Marami pa akong nalalamang mga bagay bagay na hindi ko pa kayang harapin. Nasisiguro ko na hindi titigil ang mga kaibigan ko sa pagpilit hanggang hindi ako pumapayag na sumama sa kanila mamayang gabi. Gusto kong umuwi na at magtago. Bakit ba bumalik pa siya? Anong balak niyang palabasin at inimbita pa niya ako? Yay. Sumasakit ang cerebellum ko sa kakaisip. Last subject na, Philippine History. Hindi ko rin alam bakit may subject kaming ganito. Nakakaluka na ang pagmememorize ng mga dates. Kesyo kung kelan namatay o ipinanganak ang ganitong bayani. Isang semester lang naman. Sabagay. Isa pa mahal ko naman ang inang bayan ko. Katabi ko sa upuan si Jaffee. Ewan ko ba kung bakit laging magkatabi kami. Ayos na rin. Pampatanggal ko siya ng antok. Masarap din siyang titigan. Nakakalunod. Jaffee: Sasama ka ba mamayang gabi? Ako: Lubayan niyo na nga ako!.. Hindi ako pupunta.. Nanlalaki pa ang mata ko sa pagsasalita. Jaffee: Bigyan mo nga ako ng limang dahilan kung bakit hindi ka makakapunta mamayang gabi? Ako: Ayoko, Ayoko, Ayoko, Ayoko at Ayoko talaga! Jaffee: Bitter. Haha.. Ako: Bitter na kung bitter.. Basta ayoko.. Natapos rin ang klase. And as usual, Sabay rin kaming umuuwi ni Jaffee. Nakatira kami sa iisang subdivision. Sa katunayan, magkatapat lang bahay namin. His parents and mine are friends, And that summarizes their story. Kadalasan, hindi nagdadala ng sasakyan si Jaffee dahil alam niyang parati akong may dala. Kuripot kasi ang taong yun. Laging nagtitipid. May pinag-iipunan daw siya. Hindi naman niya maamin kung ano yun. Jaffee: Ako na ang magdadrive ha.. Wala akong imik na sumakay sa katabing upuan niya sa unahan. Nakatulala lang ako. Nag-iisip ng bagay na pwedeng isipin. Jaffee: Pwede ba tayong mag-usap ng seryoso..? Kahit 10 minutes lang. Ako: Go.. Your 10 minutes starts now.. Napatingin ako sa kanya. He does seem so serious. Nakakatuwa ang taong ito. Simpleng-simple ng porma pero nalulunod na ako. Naka-red lang siyang polo shirt at jeans. Magaling lang talagang magdala ng damit ang loko. Kung hindi lang talaga ako nakakulong sa kahapon. Tsk. Tsk. Jaffee: Kung ako ang tatanungin mo, Ayoko rin sanang sumama ka mamayang gabi pagpunta kina Theodore.. But I don’t want him to think na after all those years, mahal mo pa rin siya at bitter ka pa rin sa kanya.. Nagsasalita siya ng hindi tumitingin sa akin. Patuloy lang sa pagdadrive. Naaamoy ko na seryoso talaga siya. I should talk seriously too. I don’t want to waste this moment. Bihira lang magseryoso ang mamang ito. Malaman din itong magsalita paminsan-minsan. Ako: Hindi ko na siya mahal.. Yun ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.. Pero bitter pa rin ako.. Ayoko siyang makita.. ayoko siyang makausap.. ayokong marinig ang boses niya.. Ayokong maamoy ang pabango niya.. Ayokong umiyak ulit ng dahil sa kanya.. Lahat ayoko.. Naluluha na ako. Masakit pa rin. I still need time to get over with this bullshit pain. Hindi madaling lumimot. I knew it from the start. Ang hindi ko lang alam ay ganito pala katagal. Jaffee: Yun pala ang limang ‘ayoko’ na sinabi mo kanina.. It only signifies one thing.. You are not yet over him.. Huwag mong pilitin.. lalo ka lang masasaktan.. Tango lang ang isinagot ko. Hindi ko na kaya pang magsalita. 10 minutes is over. Pero nagpatuloy pa rin siya. Jaffee: Don’t be a coward Istine.. Iiyak mo.. Andito lang ako oh.. Hindi ko naman ipagdadamot ang balikat ko kung talagang kailangang kailangan mo na ng masasandalan. Kaya nga ako nagwowork-out para patibayin pa ito. He paused, smile then look at me. Jaffee: I hate it when you are acting like this. And even though you have all the reasons not to come tonight, you should still see it for yourself. Kung anong mararamdaman mo kapag kaharap mo na siya. Sooner or later magkakaharap din kayo. Mas ayos siguro na mapraktis mo ng nasa paligid mo siya. Hindi tayo magtatagal. Hindi kita iiwan. Promise. Ako: Pero.. Jaffee: Wala ng pero-pero.. Bumaba ka na. Andito na tayo.. Sabi ko na nga ba. Ang traydor na ito. Kaya pala ang tagal tagal ng biyahe. Wala na akong magagawa. Andito na kami. Haharapin ko na lang siguro ito. Tama naman si Jaffee, sooner or later magkakaharap din kami. I should build resistance para hindi ako magbreak-down kapag nagkita kami. Dalawang malalim na buntong hininga at bumaba na rin ako ng kotse. Gusto ko na namang magteleport. Act naturally Istine. Jaffee: I can’t believe you are really shaking. Ganyang- ganyan ka nung debut mo last year.. Relax.. Ako: Hindi ko mapigilan e. Breathe.. Breathe.. Breathe.. Paulit-ulit kong sinasabi habang papasok kami sa gate ng bahay nila Theodore. Teka nga.. Bakit.. Ikalimang Kabanata – He’s back. Nakapagtataka. Akala ko ba party itong pupuntahan namin? Bakit parang wala namang tao. Lalo tuloy akong kinakabahan, Baka isa itong set-up. Huwag naman sana. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Hindi ko na namalayan na nakahawak na pala ako sa kamay ni Jaffee. Nakakatense kasi e. Jaffe: Ehem.. Ehem.. Bago kumatok sa pinto, Nagkunwaring nauubo ang loko at tumingin sa kamay niyang hawak-hawak ko pa rin. Agad ko namang binitiwan ito. Baka sabihin niya chinachansingan ko siya. Makapal pa naman ang mukha nito. Ako: Natetense ako e. Sorry.. Jaffee: Natetense? Ang sabihin mo gusto mo lang talaga akong chansingan! Sabi ko na nga ba. Ang kapal talaga ng mukha. Mala-encyclopedia na ang kapal. Kumatok na nga si Jaffee habang ngingisi-ngisi sa akin. Feeling talaga! Si Claire ang nagbukas ng pinto. Nauna pa pala sila sa amin. Hindi na ako magtataka. Pinanganak naman siyang early bird. Nakauniform pa rin si Claire, Siguro ay galing pa rin siya sa school. Claire: Hi Jaf.. Jaffee: Kanina ka pa? Si Mikel? Ako: Hi Claire.. Claire: Dumating ka! Praise the Lord!.. Nasa loob na sila.. Dumating din ang kambal.. Ang galing naman.. Marmi tayo.. Tara na. Ngiting-ngiti si Claire. Nagyakap kami at sinabayan niya ako paglalakad papasok sa bahay nila Theodore. Nilampasan namin ang living room at nagtuloy kami sa dining area. Parang hindi ako makahinga. Okupado na ni Mikel ang isang upuan sa dining table. Katabi niya ang kambal na sina Zar at Zap. Mukhang nagkakasarapan na ang kwentuhan at kainan. Late na rin pala ang dating namin. Claire: Guys.. Jaffee and Istine are here.. Nakahabol pa sila.. Mikel: Akala ko hindi na talaga kayo dadating at iindiyanin niyo na kami.. Nasa taas lang si Theodore, Kinukuha mga pasalubong natin.. Tumayo ang kambal at hinalikan ako sa magkabilang pisngi. Nagkamayan naman sila ni Jaffee. Zap: Kumusta ang prinsesa namin? Lalo kang gumaganda ah.. Zar: Oo nga.. I agree.. Ako: Kayo ang kumusta? Hindi pa rin kayo nagbabago. Mga bolero pa rin kayo. Jaffee: Mamaya na ang kumustahan. Maupo na muna tayo.. Ganito ang line-up ng pagkakaupo namin. Isang mahabang dining table ang meron. Sa kanan ay si Jaffee, ako at si Zap. Sa kaliwa naman ay si Mikel, Claire at Zar. Kung makikita niyo kapag nanunuod ng mga movies, ang padre de pamilya ay laging sa pinakadulong silya umuupo. Doon ang silyang inireserba namin para kay Theodore. Sa totoo lang, kinakabahan pa rin ako. I’m trying to stir up conversations para mabawasan naman ang tension na nararamdaman ko. Pero wala e. Mix emotions. Hindi ko lang alam kung anong mararamdaman ko kapag nasa harap ko na siya. Baka bigla na lang akong manghimatay. Naman! Jaffee: Saan na ba kayo naglalagi ngayon Zap? Hindi man lang kayo nagpaparamdam. Buti pa ang mga patay.. Zap: Galing kaming Cebu recently. May nakilalang chik itong si Zar, Stoking kami ngayon.. Zar: Huwag mo ngang baliktarin ang mga pangyayari.. Chik mo yon.. Hindi ako mahilig sa mapuputi.. Mikel: Hindi ka mahilig sa mapuputi? E bakit niligawan mo dati si Maribelle??? Zar: Hahahaha! Hindi ko niligawan yun ha.. Anak araw yun e. Hinahatid ko lang siya nung 2nd year highschool tau dahil nagpapatulong ako sa kanya sa book report natin.. Jaffee: Lumabas din ang tunay na kulay mo! Haha! Kaya pala lapit ka rin ng lapit kay Laarni dati. Nagpapagawa ka ng research. Palibhasa alam mong patay na patay sayo ang mga babae kaya ginagawa mong taga-gawa ng mga paper works mo. Mikel: Kawawa ang mga babaeng dumaan sa mga kamay mo. Isa kang malaking konsumisyon. Hahaha! Zar: Zap? Hindi mo man lang ba ako ipagtatanggol??? Pinagtutulungan na ako dito oh.. Tawanan na naman. Hindi kami nakikisali ni Claire sa usapan ng mga lalakeng ito. Nakikitawa lang. Kapag talaga nagsama-sama ang mga luko daig pa ang may WORLD WAR, Lahat ng pwedeng sumabog, SASABOG. Last bonding namin ay nung debut ko pa. Kumpleto kami nun, si Theodore lang ang hindi dumating. All in all, 9 kami sa barkada. Ako, Si Jaffee, Mikel, Claire, Zap at Zar, Si Theodore, Si Ninya at si Dirk. Parating wala si Ate Ninya sa mga gatherings dahil busy na siya sa work, siya ang ate ng grupo. Matanda siya sa amin ng apat na taon. Isa siyang flight stewardess at si Dirk naman ay ka-edad lang namin at sa Amerika nag-aaral. Ako: Bakit nga pala wala sina Dirk at ate Ninya? Claire: Asa pa tayo sa presensiya ng mga yon. Masyadong busy sa pagpapayaman.. Zap: May chismis ako. Alam niyo bang mag-aasawa na si ate Ninya..? Biglang nagsalita ang pamilyar na boses na matagal ko ng iwinaksi sa aking isipan. Natigilan ako. Parang lulubog ako sa kinauupuan ko. Relax lang Istine. Theodore: Huwag mo nga kaming igudtaym! Jaffee: Pare.. welcome back. Are you staying here for good? Nagyakapan ang dalawa ni Jaffee. Napatingin siya sa gawi ko. Ngumiti lang ako at nagbeso kami. Kahit labag man sa kalooban ko. Alam kong nakatingin silang lahat nung naglapit kami. Hinihintay siguro nila ang magiging reaksyon ko. Buti na lang hindi ako masyadong kinabahan. Relax lang Istine. Theodore: Sana.. Zap: Totoo naman e! Mag-aasawa na talaga siya.. Claire: Hintayin mo munang bigyan tayo ng invitation.. Masyado kang maagang mag-conclude.. Zar: Marami ba yang pasalubong na kinuha mo sa taas at ang tagal-tagal mong kunin? Theodore: Marami nga. Kaya lang wala akong nabili para sa’yo.. Zar: Wala???? Hindi nga??.. Theodore: Biro lang.. Eto na ang shorts ni Kobe na hinihingi mo. May signature pa yan ah. Zar: Wow. Cool. Thanks pare. Pakiss nga.. Puro tawanan lang ng tawanan ang nangyari. Buti na lang at wala silang balak magseryoso. Sana matapos na lang ang gabi na ganito. Mas pabor sa akin yun. Jaffee: ang sa akin? Nasaan? Theodore: Eto na ang Swiss army mong pabango.. Hirap palang hanapin niyan.. Jaffee: Salamat tol.. Wala nga akong mabili dito. Theodore: Zap, eto na ang play station game na hinahanap mo.. Matagal na pala yang out sa market, Binili ko pa sa pamangkin ng friend ko. Ang korny mo tsong! Akala ko pa naman mala-resident evil yang game na kinaadikan mo. HARVEST MOON! Pagtatanim at pag-aani pala yan. Mikel: Hahaha! Malupit ang taste mo pareng Zap.. Pang kindergarten yang laro na yan e. Zap: Walang basagan ng trip! Hahaha! Buti nakahanap ka.. Salamat.. Theodore: Mikel.. matutuwa ka sa nakuha ko para sa’yo pare.. Mikel: Napapirmahan mo kay Tiger Woods????? Theodore: yep! Eto.. Bola ng golf ang hiningi ni Mikel. Wala akong natatandaan na hiningi ko sakanya. Hindi ko nga alam na umalis siya. Hindi ko kasalanan yon! Hindi ko rin sinagot o binasa man lang ang mga emails niya, tawag, sulat. Malamang walang pasalubong sa akin. Care ko! Hindi naman ako mahilig sa mga pasalubong. Theodore: Sa mga babae naman tayo.. Ang pasalubong ko kay Claire ay.. ten-teren.. Claire: Waaaaaaaa!!! Paano mo nalaman na gusto ko ng collection ng book ni Nicholas Sparks? Thank you.. Thank you.. Theodore: May pakpak ang balita.. Ngayon ko lang ulit nakita ang mga ngiting yon. Nakakabitter! Tumingin siya sa akin. Parang nagtatanong ang mga tingin. Oo! Hindi pa kita napapatawad! Lahat naman ay busy sa mga natanggap nilang pasalubong. Siguro nga wala siyang nabili para sa akin. Mas ayos yun, Hindi namin kailangang maglapit muli. Maya-maya pa ay lumapit sa akin si Theodore at iniabot ang isang maliit na box. Hindi ko inaasahan yon kaya medyo nagulat ako. Ano ito? Peace offering? Manigas ka! Theodore: For you.. Open it. Sana magustuhan mo. Lumapit sa akin si Claire at pinipilit akong buksan ang kahon. Ayoko! Kung maaari lang ibalik ito, Nagawa ko na. Ayoko namang masabihang bastos. Masama ring tumanggi sa mga biyaya. Hindi ngayon ang tamang panahon para maginarte. Lahat sila nakaabang sa kung anong laman nito. Baka insekto ito ah.Takot ako sa gagamba! Ngumiti ako at binuksan ko ang box. Nagulat ako sa laman ng box. Butterfly earings.. Ako: Thank you.. Claire: It’s pretty.. Nakakatuwa naman. Wala akong maramdamang inis o ano. Does this mean I’m really over him? Sana nga. Hindi pa rin pala niya nakakalimutan na mahilig ako sa paru-paro. Hindi mo ako madadala sa pasalubong! You bet! Napatingin ako sa gawi ni Jaffee. Wala siyang reaksyon. Ngumiti rin siya nung nakita niyang nakatingin ako. Parang sinasabi niya sa ngiti niya na ‘Just go on with the flow..’ Theodore: Lian.. Nagustuhan mo ba? Tango lang ang isinagot ko sa kanya. Isang tipid na ngiti at nagsimula na naman ang asaran. Nagkumustahan at nagkwentuhan ang barkada tungkol sa mga bagay-bagay. Nawala ang tensyon na nararamdaman ko. Tama siguro ang naging desisyon ko na sumama ngayong gabi. At ginawa naman ni Jaffee ang ipinangako niya. Hindi niya ako iniwan at lage lang siyang nasa tabi ko. Mala-body guard. Tinawag niya akong Lian. Siya lang ang tumatawag sa akin sa pangalang iyon, Maliban sa mga magulang ko. Hindi naman ako naapektuhan. At bakit ako magpapa-apekto? Matagal ng tapos yun. We have our own lives. Tama si Claire, hindi ko nga dapat takbuhan ang gabing ito, at least ngayon alam ko na ang pakiramdam kapag kaharap siya. Nakakailang pero masasanay rin siguro ako. Hindi ko rin alam.. ----------------------------------- --- yan lang ho nakayanan ng powers ko. ![]() Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
i-critisize mko ah. Yung tipong masasampal ako sa icocoment mo. Gusto ko yung hindi naman maganda ang comment.
![]()
Ayaw nga gumana ng ibang font style. ewan ko. palpak ata HTML ko. 4th year highschool pa kse yun e.
![]()
ate gem! ate den! ate iane! ate gelene!
AALIS na ako. ![]() ingaaaaaaaaaaat. ![]() BEHAVE. ![]()
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories deadpool2010, passw_retrieve, elric17, coffee_girl, brutaLG, JaySyn26, rubikx888, butterfly20, and 51 guests |