tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
SUNSET - CHAPTER 2
posted by (Feb 07, 2010 @ 9:12PM) views: 215


Chapter 1



Chapter 2


Alexandra...ikaw na ba yan? Tanong ng matandang babae.

Ma Alex po, binuo mo na naman ang pangalan ko. padabog na sabi ni Alex

Pigil sa pagtawa ang lalake sa narinig.

Alexandra pala ha, babaeng babae ang pangalan lalake naman kung umasta. Pabulong na sabi ng lalake.

Hoy tumigil ka dyan sa kakabulong mo gusto mo ba makagamit ng phone o gusto mo itapon kita sa labas.

Sabi ko nga highblood ka na naman.

Ayan ang phone gamitin mo na umalis ka na lang pagkatapos mo dyan, may gagawin pa ako.

Iniwan ni Alex ang lalake sa sala.
Tapos na gumamit ng phone ang lalake ng biglang lumabas mula sa kusina ang mama ni Alex.

Good afternoon po. Magalang na bati ng binata.

Good afternoon din iho, hindi man lang sinabi ni Alexandra na may bisita sya, nakapaghanda sana ako ng meryenda.

Wala po yun maam, tsaka di naman po ako bisita ng anak nyo nakigamit lang ako ng phone. Tanong lang po, anak nyo po ba talaga yun? ang sungit kasi. Sabay tawa.

Naku iho ganun talaga yun, pero mabait na bata yun.
Saglit ano nga pala pangalan mo?

Macky po.

Mahaba ang napagkwentuhan ni Macky at mama ni Alex.

Si Macky - nagtatrabaho sa Maynila at naisip magbakasyon ng isang buwan sa pinsan nya kung saan malapit sa lugar nila Alex.

Si Alex - misteryosa mahilig mag isa. Pero hindi naman sya emo.

Bigla pinutol ni Macky ang kwentuhan nila ng mama ni Alex.

Tita, kailangan ko na po umalis, asan na po yung anak nyong amasona?Magpapaalam lang ako.

Malamang andun na naman yun sa may tabing dagat, puntahan mo na lang.

Sige po, salamat ulit.

Sa may tabing dagat tahimik na nakaupo si Alex sa buhanginan habang nakatingin sa paglubog ng araw ng biglang….

Hoy Alexandra!!!...sabay tapik ni Macky sa sumbero ni Alex.

Kung makatapik ka parang close tayo ah.

Close na tayo diba ngayon lang ehehe. Pang inis na tawa ni Macky.

Di ko nga alam pangalan mo tapos sasabihin mong close tayo.

Style mo gusto mo lang malaman name ko ahaha..

Ang kapal mo, umuwi ka na nga bayad na ako sa atraso ko.

Biglang inabot ni Macky ang kamay nya kay Alex.

Macky nga pala. Ayan close tau.

Tiningnan lamang ni Alex ang kamay ni Macky at ibinaling ang atensyon sa araw. Patuloy sa pag usisa si Macky.

Ano ba ginagawa mo dito may ritual ka ba? Baka naman kulto ka? Pabiro neto.


Pero di umiimik sa Alex sa halip pimikit eto. Natahimik si Macky at humiga na lamang sa buhanginan. Nang biglang may batong tumama sa mukha ni Macky.

Ay putek, nanaginip na ako na nirarape ako ni Jessica Alba istorbo naman. Amasona ka talaga.

Hoy Boy Sira hindi ako yun, kung ako may gawa nun malamang bukas ka na magigising.

Bago pa ulit magtalo ang dalawa….

Insan Macky. Sambit ng lalake mula sa likuran.

Napatingin ang dalawa at napatayo sa kinakaupuan.

Uy Insan sa wakas dumating ka din, akala ko di mo na ako madadatnan ng buhay dito. sabay tingin kay Alex.

Buti buhay ka pa. biro ng pinsan ni Macky.
Bago tayo umalis baka gusto mo ako pakilala dyan sa kasama mo.

Sigurado ka insan?

Sige na naman insan.

Sabi mo yan, Nga pala si Amasongang itim este si Alexandra, Alexandra pinsan ko si Louie.

Nakipagkamay si Louie kay Alex at hindi naman tumanggi ang dalaga.

Alex na lang. Sambit neto.

Tingnan mo tong taong to ako nakikipagkamay ako kanina ayaw tapos yung pinsan ko ilang minuto mo lang nakilala pumayag ka na agad.

Madumi kasi yang kamay mo.

Biglang napatingin si Macky sa mga kamay nya.

Loko to ah hindi naman madumi ang kamay ko. Bulong neto sa sarili.

Halika ka na pinsan inaantay ka na nila mama sa bahay.
Pasenysa ka na Alex sa pinsan ko ha .Wika ni Louie

Muntik na maubos pasensya ko dyan sa pinsan mo sige iuwi mo na yan.

Mamimiss mo ako sige ka ahaha..Alis na kami Alexandra Salamat. Pabiro ni Macky.

Nang gabi ding yun hindi makatulog si Macky, hindi nya malaman kung namamahay ba sya kaya di nya magawang matulog. Pero may isang taong di mawala sa isip nya si Alex.

Habang si Alex ay mahimbing na natutulog nagising eto sa tunog ng cellphone nya.

Sino ba tong gabing gabi na kung magtxt. Inis na sabi ni Alex.

Binasa ni Alex ang laman ng text message.

Hi miss can you be my textmate?
unknown

Hoy kung ayaw mo matulog magpatulog ka, at wala akong naaalala na ipinost ko ang number ko sa poste ng meralco kaya di ko malaman kung sang lupalop mo nakuha yang number ko. Goodbye.
reply ni Alex.


Ilang minuto lang may nagtext ulit.


Ahaha talaga naman pati sa text amasonang amasona.unknown


Hay naku, ikaw pala yan boy sira, wala na akong atraso sayo ha ano na nman problema mo? Nga pla paano mo nalaman number ko?
reply ni Alex.

Wala gusto lang kitang inisin at mukhang mission accomplished ako ahaha .Hiningi ko sa mama mo. reply ni Macky

Ah ewan ko sayo sira ka talaga. Alex

Goodnight amasona. Macky.

Nakatulugan na ni Macky ang pag aantay sa text ni Alex.

-----: w i n k y : 
end of chapter 2


Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
"Tashing" Sosme, Palaka!
older post:
Ang Snow at si Lolo Amboy

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
cRuSh_kitA08    •reply Feb 7, 2010 @ 9:49 PM
 
nakatawa ung reply nia... : l o l : 
yasmin13    •reply Feb 18, 2010 @ 4:15 AM
 
hahaha.enjoy nman ang story na toh : p 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
"Tashing" Sosme, Palaka!
older post:
Ang Snow at si Lolo Amboy
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
For love, indeed, is not just a welter of feelings, or a rush of desire. When the fires have cooled down and only the embers remain, what then? There should be a deep attachment to the other, while at the same time an expansion of the self. There should be deeper intimacy, but beyond all these, there should be spiritual growth between the lovers.

--Danton Remoto