|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
No Entry: The Love Story of Heart and Cholesterol
Woohoo!
Nakaupdate na rin ako sa wakas! Grabe kasi linggo ko. Jampacked na parang sardinas. Ngayon lang ako nagkaoras at nagkaenerhiya kaya eto na po ang update. Pasensya kung medyo natagalan. Eto past chapters: Chapter 1: Ano pangalan mo? Chapter 2: Rey Limbao Chapter 3: Sinusundan mo ba ako? Chapter 4: Absent si Sungit Chapter 5: The Sweet Melody Chapter 6: Ang Di Nagsaradong Sugat Chapter 7: Sung-dalo to the rescue Chapter 8: Ang cholesterol Chapter 9: Kainan Chapter 10: The First Smile Chapter 11: Ang Mga Katanungan Chapter 12: The Puyat Chronicles (part 1) Chapter 13: The Puyat Chronicles (part 2) Chapter 14 na. Magdamag na nakatulala si Rey sa isang librong kinuha niya galling sa shelves n library. Kumuha siya ng libro na ang title ay “Advanced Calculus” pero hindi rin niya ito iniintindi dahil walang ibang nasa isip niya kundi si Lyn. “Tapos na kaya sila mag-exam? Parang—gusto ko na naman siya makita. Tae naman tong nararamdaman ko, maaga na talaga akong mamatay.”inip na inip na paghihintay ni Rey na matapos ang kalbaryo ng pagkadetain sa library. Malawak ang library ng Santos High. Mayroong limampung mga book shelves na nakatayo sa kahabaan ng malawak na library. May dalawang rows at dalawamput limang columns ang pagkakahanay ng mga bookshelves. Sa gitna ng dalawang rows na ito ay nakahilera ang mga reading tables kung saan nananatili ang mga estudyanteng may mga layunin. At sa kasaysayan ng silid-aklatan ng Santos High, tatlo lang na kaklase ng tao ang nandito. Una ay ang mga estudyanteng ang layunin ay pag-aaral. Pangalawa, ang mga estudyanteng gusto lang maghanap ng tagong lugar para magibigan ng tahimik at walang gulo. At pangatlo, ito ang lugar ng mga pinapalabas sa klase. Ceiling fans lang ang nasa mga kisame ng silid-aklatan kaya sa panahong mainit ay bihira ang tao ditto, dagdag kalbaryo sa mga taong napilitan lang dahil pinalabas ng guro. Komportable si Rey sa mga silid-aklatan, pero sa mga oras na ito, ang pagiging kampante niya sa mga silid-aklatan ay napapalitan ng pagkainis at inip ng paghihintay na matapos na ang parusa sa kanila. Hindi niya kayang maghintay ng ganitong katagal habang iniisip niya si Lyn. Gusto niyang makita ang dalaga Kahit palihim lang. “Naiinip na ako! Gusto ko nang lumabas! Gusto ko na siyang makita! Arghh!”pagkainis ni Rey habang nakatutok sa mga sketch ng parabola. Naiinis pa siya dahil wala siyang makausap. Naiingit siya na nakikita ang mga kaklase niya natahimik na nagkakatuwaan sa isang table, habang siya ay mag-isa limang table ang layo sa table ng mga kaklase niya. “Ano ba kasi ang naisip ko at lumayo pa ako sa kanila? Hindi nga ako mamatay sa sakit sa puso, mamatay ako sa pag-iisip.” Tapos naalala niya ang gabi na nag-usap sila ni Lyn. “Kaya ko kaya pangatawanan ang nasabi ko sa kanya nun? Hindi ko na alam ang pinagsasabi ko ng gabing iyon, nagautomatic fire na lang ang bunganga ko dahil sa kaba. Pero dahil sa kanya, nagkaroon pa ako ng pag-asa na pwede pa akong maging tao. Dahil sa kanya, nagkaroon ako ng buhay. Ay shete, ang corny mo na Rey.” Hindi na niya matiis ang inip. Kukuha na sana siya ng panibagong librong pwede niyangmapagtulalaan habang naghihintay na palabasin na sila sa library, nang may marinig siyang boses ng lalaki sa likod niya. “Rey, Ahm-ahm. Pwedeng makitabi muna?”sabi ng boses sa likod ni Rey. Nagulat si Rey. Matagal na simula ng huling may lumapit sa kanya, at nagtataka siya kung ano ang trip nitong tao sa likod niya kaya hindi na lang niya pinansin. “Ayoko nang gumawa ng kung ano pang ikakasira ng natitira kong saya. Wala ka naming kailangan sa akin kaya hahayaan kita diyan.” Nagsalita uli ang lalaki, “Naisip ko lng naman na wala kang kausap diyan. Eh total, lagi naman akong walang kausap, baka pwede tayong sabay tumulala diyan sa librong hawak mo. Pero kung ayaw mo, okay lang. Basta marinig kong sinabi mo.” Nagtataka na si Rey kung sino tong taong to, akala niya na pagdinedma niya ay aalis to. Pero hindi, nandito pa rin ito kahit anong sabihin niya. Nang hindi na niya mapigilan, lumingon siya. “Sige. Umupo ka na diyan.”sabi ni Rey na naninibago sa ginagawa niya. Si Raffy pala ang nasa likod isang kaklase ni Rey na kasama sa mga walang compass. Wala naman itong sinabi, nakatulala lang naman din siya sa binabasa ni Rey. Makatapos ng ilang minuto, nagsalita na rin ito. “Naisip ko kasi na naiinip ka na diyan. Pilit mo kasing nilalayo sarili mo eh.”deretsong sabi ni Raffy. “Ano sinasabi nito?”pagtataka ni Rey. “Bakit? Buhay ko to. Ikaw rin naman, palaging walang kausap ah. Hindi naman kita pinakikialaman.” Napangiti si Raffy. “Iba sitwasyon mo sa akin. Talunan ako. Ikaw naman hindi. Sinasabi ko sayo Rey, alam ko kung paano mag-isa. Huwag mong sayangin oras mo. Hindi mo kailangan maging ganyan.” Natamaan si Rey na parang may sibat na deretsong tumusok sa kalagitnaan ng puso niya. Naramdaman niya na may bigat sa mata niya, pero hindi niya ito nailabas. Wala naman siyang nasabi at nanahimik na lang. “Bakit mo sinasabi sa akin to?”tanong ni Rey. “Ewan. Basta.”sagot ni Raffy. Nag-iba siya ng topic. “Nakita kita kanina.” “Ano? Nakita saan? Hindi mo ba ako nakikita ngayon?”pilosopong sabi ni Rey. “Nakita kita. Kanina. Nung nahulog ang compass mo.” “Nakita niya yun? Pano nangyari yun? Patay, may makakaalam pa ata. Per.o..” Namumula si Rey dahil sa pagkahiya, sinubukan niyang itago ang nararamdaman niya. Pero sadyang mapangobserba ang kaklase niyang ito. “Huwag kang mag-alala. Wala akong pagsasabihan. ”sabi niya at nagpauloy sa isang tanong. “Nga pala. Hindi ka ata nakabusangot ngayon? Hindi kaya dahil to kay— Lyn?“ “Ano? Ano? Kanino?”tanong ni Rey na napaghahalataan ang naramdaman. “Kaya pala sila nagtitinginan. Ganun na bangkaprominente ang simangot ko para mahalata agad na naglaho. Lyn kasi eh, shemay. Nakakabaliw. Gusto ko nang lumabas!” “Oi oi. Wag kang masyadong magpahalata Rey. Natatawa naman ako sayo. Okay ka naman pala eh, ikaw lang kasi ang lalayolayo.” “Sabi ko nga. Buhay ko to.”matigas pa rin na pagsusuplado ni Rey kahit nahihirapan na siyang gawin ito. Nakita ni Rey ang papalapit na anino galling sa pintuan ng silid-aklatan. Lumabas ang matangkad na pigura ni Mr. Ilagan at humarap sa mga estudyante. “Mga pasaway. I hope this would be a lesson. Next time, ayoko ng malalaman na hindi niyo nakuha ang requirements na hinahanap ko. Is that understood?” “Yes sir.”matamlay na sabi ng mga estudyanteng inip na inip na. Si Rey naman ay nandun pa rin sa kinatatayuan niya at nakatutok pa rin sa libro na wala namn siyang naintindihan. “Class, pwede na kayong maglunch. I know nakakagutom dito. You can go now.” “Yes! Makikita ko na siya!”tuwang-tuwa na sabi ni Rey. Habang papalabas siya ay naalala niya ang mga sinabi ni Raffy. Napaisip siya, “Pano kaya kung—kung—tama yung sinabi niya? Pero—may sakit ako. Pero ano nga naman ang kinalaman ng sakit ko? At ano nga ba ang dahilan kung bakit ako lumayo sa kanila? Naguguluhan na talaga ako! Ano ba! Shet, hihintayin ko na lang ang sasabihin ng doctor. Huminahon ka Rey. Tutulungan ka ng Diyos.” ---------------------- Sa corridor... “Shet, ang sweet niya na nakakainis. Bakit niya ba ginawa yun?”bulong ni Lyn sa sariling habang tinatahak ag corridor patungo sa canteen. “Lyn! Hintay!”sigaw ng isang babae sa likod ni Lyn. Lumingon si Lyn at nakita si Mary na hapong-hapo na tumatakbo patungo sa kanya. Sumabay ito ng lakad sa kanya ng humihingal. “Lyn. Kala ko ba kukuwento mo sa akin kung bakit ka nalate kanina?” “Ay, wala. Na-ano. Ano. Puyat.”sabi ni Lyn. “Hindi ko puwedeng sabihin kung bakit. Ay ewan, magsisinungaling na lang ako.” “Bakit nga?”tanong pa ni Mary. “Eh, basta. Nag-aral ako.” “Nako Lyn. Maniwala ako sayo. Kailan ka ba nag-aral ng lesson?” “Nag-aral nga sabi.” “Lokohin mo lelang mo.”sabi ni Mary habang nakatitig sa karatulang may “Canteen”. Gutom na si Mary. “Gutom lang yan. Pasok na tayo.”sabi ni Lyn na iniba na ang usapan. Masikip na sa loob ng canteen. Nagdagsaan na ang mga estudyanteng nagrerecess at ang pila ay masikip na. Hindi ito napapansin ni Lyn dahil ang mata niya ay umaaligid sa mga upuan sa paligid ng canteen. Gusto niyang makita si Rey. Malapit na sila sa orderan pero naghahanap pa rin ang mata ni Lyn. Nang makarating sila sa ateng inoorderan hindi narinig ni Lyn ang tinataong nito. “Anong order mo iha?”sabi ng ate sa likod ng counter. Hindi ito narinig ni Lyn dala ng ingay ng paligid at konsentrasyon niya sa paghahanap. Kinalabit siya ni Mary. “Hoy Lyn! Order mo raw! Bilisan mo at gutom na ako.”sabi ni Mary. “Ay—ay.”murmur ng walang malay na si Lyn. “Ano po. Ahhhh. Isang chicken isang kanina isang tubig. Yun lang po.”mabilis na impit ni Lyn at bumalik sa paghahanap kay Rey. Nakita niya ito sa isang sulok ng canteen. Nakaupo siya sa table na pandalawahan, at nakatingin sa labas ng bintana na tila nagbibilang ng ulap. “Ano kaya iniisip nun? Bakit lagi siyang ganun? Hay nako. Magthathankyou ba ako sa kanya. Ay ewan!” Tumungo na si Lyn sa lagi nilang inuupuan ni Mary pag kumain. Hindi niya ginalaw ang kanyang pagkain, patuloy siyang nakatitig kay Rey na hindi mapatid ang pagtutok sa bintana sa labas. Umupo si Mary sa tabi ni Lyn dala-dala ang bandehadong pagkain. Hindi ito napansin ni Lyn. Si Mary naman ay nagtataka sa inaakto ng kaibigan kaya nagpasya siyang pansinin ito. “Hoy Lyn, ang pagkain sa canteen para estudyante, hindi para sa langaw.”pahayag ni Mary habang puno ang bibig. Wala pa ring naririnig si Lyn. Takang-taka na si Mary. “Hoy Lyn, bingi ka na ba ngayon?” Sinundan ni Mary ang tinitignan ni Lyn sa sulok ng canteen. Nangiti ito. Kinalabit niya si Lyn. “Kaya ka pala napuyat.”sabi ni Mary na ang laki ng ngiti. “Ay? Diba nga sabi ko nag-aral ako?”sabi ni Lyn na nakatitig pa rin kay Rey. “Deny ka pa. Hay nako.”nakaisip si Mary ng pang-aasar. “Ang gwapo ni Rey kaninang umaga. Wala siyang simangot.”sabay tingin sa reaksyon ni Lyn. “Oo nga. Sobra. Grabeng gwapo. Hay nako.”pagsang-ayon ni Lyn sa utak niya. “Oo na lang. Sige na. Kumain ka na diyan.”sabi ni Lyn na ang lagkit ng tingin kay Rey. “Hahaha! Binibiro ka lang eh. Makakain na nga.” Tapos sumubo ng malaking serving ng Kanin na may fried chicken. Nakokonsiyensiya talaga si Lyn sa ginawa niyang paggamit sa gamit ni Rey, habang yung lalake ay wala. Gusto niyang magpasalamat. Ang tanong. “Papaano?”tanong ni Lyn sa sarili. “baka, taboy lang uli ako nun. Pero sabi naman niya friends na kami eh. Argh! Pupunta ba ako dun o hindi?” Nag desisyun na si Lyn. Naisip niya na nakakalungkot ang pagiging Rey dahil palaging ganun ang ginagawa niya. Total, naging magkaibigan na raw sila kuno. Wala na sigurong masama kung lalapit siya. At kung sa bagay. Gusto rin naman niya. “Gusto kong itigil na niya ang kakaganyan niya. Bahala na.” Buo na ang pasya ni Lyn. Umamba na siya patayo, at hinawakan ang tray ng pagkain niya. “O, san ka pupunta Lyn?”tanong ni Mary habang pagkababa ng ininom ng tubig. “Basta, kumain ka na lang diyan.”sabi ni Lyn na tumungo sa isang sulok ng canteen. -------------------- Sa upuan ni Rey... May dalawang pusa sa itaas ng pader sa labas ng bintanan kung saan nakatingin si Rey. Ang dalawang pusa ay nagkakamutan, nagbubulyawan, naghahabulan. Mukhang masaya ang mga pusa. Kanina pa sila pinapanood ni Rey. “Buti pa sila. May kasama, may kausap. May saya. Bakit ako? Hindi ba pwede? Wala ba akong pagkakataon na magin katulad nila. Ang makaramdam ng ibang pakiramdam pwera sa pag-iisa. Tama nga siguro ang sinabi ni Raffy.Na sinasayang ko lang oras o buhay ko sa kakaganito ko. Ano nga bang napapala ko sa paglayo? Ewan! Kahit ano naman gawin ko sira na pangalan ko sa kanila. Baka pati kay Lyn. Ano bang buhay to!? Kainis.” Nawala ang tingin ni rey sa mga pusang nasa labas dahil ang mga ito ay tumalon na sa kabilang bakod. Napalingon naman siya sa mga estudyante na masayang nakikipagusap sa mga kapwa kaklase. “Kailan ko kaya maibabalik ang ganyan. Kailan pa kaya?” Habang tinitignan ang ibang estudyanteng nagkakatuwaan, natuon ang pansin niya sa isang taong papalapit sa may sulok na inuupuan niya. Si Lyn. Si Lyn ay papalapit sa upuan niya. ---------------------------- Sa isang table... Nagtataka na ang mga mag-aaral na nakakita kay Lyn na papunta kay Rey. Walang lumalapit dito, pero sa nakikita nila, hindi magkakamali na kay Rey papunta si Lyn. Nagtinginan ang mga sigang lalake sa isang parte ng canteen. Inaasar nila si Athur, ang lalakeng nangbulyo nung unang araw ni Lyn. “Bading ka pala Arthur eh! Nauunahan ka na ni Limbabo oh!”sabi ng isang lalaki. “oo nga. Shete, si rey pa nilalapitan. Ikaw kaya? Hahaha!” Nag-iinit na ang ulo ni Arthur. “Tangina niyo. Sige, tuturuan natin ng leksyon yan si Limbabo sa uwian.” ------------------------- Si Lyn naman ay biglang dinaga ng napatingin si rey sa kanya. Bigla tuloy umurong ang determinasyon niya. “Tae, kaya ko ba to? Bakit ko ba kasi ginawa to? Argh! Hindi ko na ako mababalik. Kailangan panindigan mo tong gagawin mo Lyn. Shemay naman talaga oh.” Malapit na siya sa kinaroroonan ni Rey. ------------------------------ Naninigas ang katawan ni Rey. Nang makita niyang bigla si Lyn na papalapit sa kanya. Bigla siyang nabato at naguluhan. “Papalapit siya! May sasabihin ba siya? Ako, may sasabihin ba ako? Ano pumasok sa isip nun at bigla-biglaan na lang pumupunta dito? Anong gagawin ko!?” Nakarating si Lyn sa table ni Rey. Walang sinasabi ang lalake at kunwaring nakalayong tingin. “Sabi na nga ba eh. Baka itaboy pa ako nito. Bakit ko ba naman kasi to ginawa? Shemay, wala na. Tutuloy ko na.” Nilapag ni Lyn ang tray ng pagkain niya sa table ni Rey. Umupo siya sa tunggaling upuan na katapat ni Rey. “Hoy, sung. Paupo dito ah.”sabi ni Lyn. Walang maisip sabihin si Rey. “May upuan ka naman dun ah. Bakit dito ka pa?” Naalala ni Lyn ang linya ni Rey na ginamit sa kanya. Ngumiti ito at nagsalita, “Inaangkin mo na ba ang mga table ng school. Ay! Wait, tignan ko kung nasan pangalan mo dito sa inupuan ko.” “Pilosopo.”sabi ni Rey. “bakit ba ang sungit ko sa kanya? Ito na lang ba ang alam kong gawin. Ano nang iisipin nito, wlaang katotohanan yung sinabi ko nung isang araw? Ano ba Rey! Wag kang maging ganyan sa kanya.”isip ni Rey habang kunwaring nagsusungit-sungitan. Tumawa si Lyn. “Hahaha! Huwag kang nang magsungit Rey, hindi na bagay sayo. Paupo lang naman eh,saka lunch ko naman ang kakainin ko at hindi ikaw. So, pwede na ba akong makiupo katabi mo Mr. Rey Limbao?”tapos ng beutiful eyes na parang nagmamakawa. “Buti na lang. Ano ba kasing pagsasalita ginagawa ko? Buti na lang ganyan siya. Hayy. Ang bait pala niya talaga. Nagsisisi na ako sa pinaggagawa ko sa kanya. Ang lakas lang mang-asar ng gaga. Hay nako. Pasalamat siya maganda siya.” “Bahala ka.”sabi ni rey na kunwari’y masungit pa rin. “To oh, sungit. Tatabi lang naman ako sayo kumain.” “Nandiyan ka na nga eh. Dami mo pa sinasabi.” “Sungit mo talaga. Kala ko pa naman okay na tayo tulad nung isang araw. O baka nahihiya ka lang sa akin kaya gumaganyan ka?” Mukhang nahahalata na talaga si Rey. Hindi na siya pwedeng magsungit-sungitan. Total, napapagod na rin siya sa kakaganito niya. “hindi ako nahihiya noh. Kumain ka na nga.” Tapos sumubo uli ng pagkain. “Bakit ka ba dito umupo? Kasama mo naman si Mary dun sa isang table eh.” “eh sa gusto ko nga dito eh. Mayroon ba talagang pangalang “Rey” na nakalagay sa inuupuan ko?” kunwari si Lyn na tumingin-tingin sa paligid ng upuan para inisin si Rey. “Sige na sige na! Kulit nito. Diyan ka na kung gusto mo.” “Hahaha! Ang cute mo naman mainis.”sabi ni Lyn na napagtripang kurutin si Rey sa pisngi. Wala na ang hiya ni Lyn. Natutuwa na siya kay Rey. Sumiklab ang dugo ni Rey sa hawak ni Lyn sa pisngi niya. “Ang sarap humawak ng kamay niya. Patay tayo dito. Literal na patay.” Si Lyn naman na nag-eenjoy ay nabibighani sa natural na pagkamailap ni Rey. “Ang cute niya naman talaga mainis. Hahaha! Gwapo gwapo pa talaga niya. Mukhang mapapadalas ang upo ko dito ah.” “Umupo lang naman talaga ako dito kasi gusto ko lang mag thank you dun sa kanina.”sabi ni Lyn. “Kanina? Saan?”tanong naman ni Rey na nagmamaang—maangan. “Kunwari ka pa eh. Yung sa compass. Deny ka pa, parang di obvious. Huwag mo na lang gagawin yun ah, nakokonsiyensiya ako eh. Saka sa susunod kung may ipapahiram ka, wag mo nang ihulog, pwede mo naming iabot. Napapaghalataan tuloy na nahihiya ka sakin.” “ Piling mo. At para san ako mahihiya sayo?”napangiti si Rey dahil totoo nga naman ang sinasabi ni Lyn. “Ang hirap magsinungaling sa babaeng to.” Nagsalita si Rey, “Ay yun ba. Eh, madali lang naman akong makakabawi sa exam. Ikaw lang inaalala ko,” Napabigla si Lyn. “Ako inalala niya?...” “…kasi baka mahirapan kang humabol. Ayoko namang maiwan ka sa school year, baka di ka maggradweyt. Kawawa ka naman.”pang-aasar ni Rey na biro pala ang layunin at hindi ang pagiging cheesy. “Yabang mo ah! Porke matalino eh. Masoli na nga tong compass mo. Sus.”inis na sabi ni Lyn. Kinapa niya ang compass na ibinulsa niya kanina pagkatapos ng exam. Iniabot niya ito kay Rey. “Oh. Eto na.” “Galit agad. Mas asar talo ka pala eh.” Pang-aasar pa ni Rey. “At ang cute niya rin maasar. Makuha na nga tong compass ko.” Hinablot ni Rey ang iniabot ni Lyn na compass. Pero mukhang nasobrahan at nahawakan na naman niya ang kamay ng dalaga. Napatulala na naman siya. Sumiklab ang tibok ng puso at ang katawan ay nag-init. Si Lyn din ay natutulala. Nagkatinginan lang sila katulad ng pagkatulala nilang dalawa nung pumunta si Rey sa bahay nila. Nag-isip si Lyn ng paraan dahil baka hindi niya matanggal ang titig at hawak niya kay Rey. “Hoy Rey. Sabi ko ang kuhain mo yung compass. Hindi yung kamay ko.”sabi ni Lyn na ginalaw ang kamay para gisingin ang nahuhumaling na kaluluwa ni Rey. “Ay.”impit ni Rey at hinila ng madalian ang compass. “Natutulala na naman ako. Kasi naman eh, ang sarap hawakan ng kamay niya. Nakakahumaling. Gashong naman. Nakakahiya ginagawa ko.” Natutuwa si Lyn kaya inasar niya si Rey uli, “May gusto ka siguro sa akin.”sabi ni Lyn. “Sa bagay, ako rin naman eh. May gusto sayo.”isip ni Lyn. “Ang feeling mo naman. Ikain mo na yan. Gutom ka lang. sa lahat ng babae dito, sa iyo ako HULING magkakagusto.”pagkatapos ay sumubo ng nga pagkain. “May gusto nga ako sayo. Hay nako. Nakaramdam na naman ako ng pagkatorpe. Huwag mun ako gagawa ng kung anong galaw. Magpapacheck-up muna ako. Pero kayanin ko pa kaya hintayin ang resulta? Baka di ako makapagpigil.” “Hahaha! Eh bakit ka namumula? Hahaha! Ang cute mo talaga. Sige po, kakain na nga po ako. Hahaha!” Ngumiti si Rey. Napapasaya siya ni Lyn. Kahit sandali pa lang sila nagkakilala, puro saya ang nadala niya. Hindi na niya napigilan ang sarili at ngumiti. Kahit inaasar siya nito ngayon. mala-langit pa rin ang pakiramdam niya. “Ang hirap salubungin ng simangot ang ganitong kagandang babae. Ano ba to. Inlove na ba talaga ako?” Nanahimik na silang dalawa at nagpatuloy na lang kumain. Wala na silang sinabi. Paminsan-minsan ay ngumiti na lang si Lyn habang pasilip-silip kay Rey na pilit ilayo ang mata sa kanya. Napaisip si Rey at natingin kay Lyn na seryoso nang kumakain. “Oo nga. Inlove na ako. Inlove na inlove.” At nagring na ang bell na hudyat na tapos na ang lunch, na tapos na ang panandaliang langit ni Rey katabi si Lyn. Okay lang ba yung haba? Boring tong chapter na to. Nahihirapan ako pumiga ng mga ideya ngayon eh. Buti na lang medyo napahaba ko pa ket papaano. Pasensya na kung medyo matagal update. Next time na lang uli yung next. Koment lang kayo ah. Maraming salamat sa pagtiyatiyaga sa kakaunti kong effort. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
![]()
kaezy
•reply
Nov-14-09@2:01AM
aus aah..bumawi ka ang haba ngaun eh..aus nman ung story kakatuwa ung dalawa..^_^
sana nman wag bugbugin ng bad boys si rey!!
jewel_emerald
•reply
Nov-14-09@7:55AM
ou nga eh...maganda pa rin..at saka indi naman boring ah....basta update na poh....^_^
Antagal ng update ssssoobbbbrraa!
pero love it pa rin! hahahha! ![]()
hahaha!! may update na ulet!!
aus nga eh!! hehe.. update nalang ulet.. ![]()
Hello! NAbasa ko na po to last saturday nyt..now lang ang comment..hehehe..masyadong delayed ang reaction ko noh?
Ganda naman po.. NExt na po.. :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories amazingboy, and 43 guests |