tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Ibang pananaw naman sa buhay
posted by (Nov 13, 2009 @ 1:39PM) views: 176
MARAMING pang-araw-araw na sitwasyon ang nakaiirita. Pero hindi ito makaiinis kung ibahin lang ang pananaw sa buhay at tingnan ang positibong mensahe sa kabila ng sitwasyon. Halimbawa:

Magpasalamat: Miski igiit ni misis na puro painit lang ang hapunan, kasi ibig sabihin nu’n ay nasa bahay siya kasama ka. O kung nakatutok lang buong gabi sa TV si mister, dahil ibig sabihin din ay nasa bahay siya imbis na sa bar. O kung umaangal ang anak na pinaghuhugas ng pinggan, dahil nasa bahay din siya at wala sa kalye.

Magpasalamat: Sa ibinabayad na buwis, dahil ibig sa­bi­hin ay may trabaho ka. Sa kalat na lilinisin pagkatapos ng party, dahil pinaligiran ka ng mga kaibigan. Sa pagsikip ng mga damit, dahil ibig sabihi;y kumakain ka nang sapat.

Magpasalamat: Na may aninong tila nagbabantay sa iyong bawat kilos, dahil ibig sabihin ay naaarawan ka. Sa hardin na kailangan na naman damuhan, sa bintanang kailangan punasan, at alulod na dapat kumpunihin, dahil ibig sabihin meron kang tinitirahang bahay.

Magpasalamat: Sa mga naririnig na hinaing tungkol sa gobyerno, dahil ibig sabihi’y may kalayaan kang uma­ngal. Sa parking slot sa kadulu-duluhan ng lote, kasi kaya mong lakarin. At pinagpala pa ng sasakyan. Sa laki ng electricity bill, kasi meron kang ilaw, bentilador at fridge.

Magpasalamat: Sa babae sa likod mo sa simbahan na sintonadong kumanta, dahil ibig sabihin nakakarinig ka. Sa tambak na labahin at plantsahin, dahil meron kang damit. Sa pagod at masakit na muscle pagtapos ng araw, kasi kaya mong magbanat ng buto. Magpasalamat pati sa pes-teng alarm clock sa umaga, dahil ibig sabihin ay buhay ka.

Mabuhay nang lubos, tumawa nang malimit, at mag­mahal nang sagad sa puso

___________________________________ ____________________________
Share ko lang po itong nabasa ko.. sana magustuhan po nyo and sana maging iba na din pananaw nyo..

Thanks po!


Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
TAKIPSILIM
older post:
I versus YOU = I love YOU [_tsapter11_]

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
bukaykay    •reply Nov 13, 2009 @ 3:34 PM
 
I like it. Parang si Bo Sanchez ang nagsasalita.
  kaezy    •reply    Nov-13-09@8:42PM
yeah i agree..with Bo Sanchez's words nakaka inspire talaga..and also eto very eye opening to those people na walang alam kung hindi magreklamo at hindi tinitignan ang bright side ng mga bawat bagay na nka paligid sa kanya
  kaezy    •reply    Nov-13-09@9:23PM
wla kpa update?? kelan kaw mag uupdate ng story mu?? : h m m :  : h m m : 
  macqueen042006    •reply    Nov-16-09@10:13AM
Hi.. Morning! Nun nabasa ko din to nagandahan ako.. nagbibigay kasi sya ng pag-asa dun sa medyo nakukulangan na.. Buti po may update ka na...
______    •reply Nov 20, 2009 @ 12:53 PM
 
very enticing : n a u g h t y : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
TAKIPSILIM
older post:
I versus YOU = I love YOU [_tsapter11_]
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
For love, indeed, is not just a welter of feelings, or a rush of desire. When the fires have cooled down and only the embers remain, what then? There should be a deep attachment to the other, while at the same time an expansion of the self. There should be deeper intimacy, but beyond all these, there should be spiritual growth between the lovers.

--Danton Remoto

You need to be logged in to Facebook