|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Weekly Routine
“I guess 5 is the new 3.” Unang bungad sa akin ni Mike. Na-late kasi ako ng gising at traffic pa papunta dito. Ngiti na lang ang naisagot ko. Naglakad kami papuntang ticket booth.
“So what movie this time? Siguro naman nakapili ka na ng movie...” Banat ko sa kanya. Tatawa kami. Fight on what movie to watch. Magtatalo sa kung anong snack ang bibilihin. Panonoorin ang movie. Tutuloy sa apartment niya. Have sex. The usual routine. Except today, it’s different. We’ve been doing this for 2 months now. Matagal na siyang single at matagal na rin akong nage-experiment. Siguro nga nadala na rin ako sa mga lalakeng gumago sa akin. So for now, play mode muna ako. Pero sa mga nangyayari sa amin I couldn’t help but think kung ano ba talaga ang relasyon namin. We are good friends. Nag-oopen up ako sa kanya and he does the same. We go on “dates” kahit na hindi ko siya boyfriend. Pero di ko alam kung anong naramdaman ko nung minsan may nakwento siya about a girl he met. Pinakilala daw ng co-worker niya. Cute naman daw, mabait, at mukhang may gusto sa kanya. Well, ano pa ba ang ire-react ko kundi, “Wow, bulag ba yang kausap mo?” Pero deep inside Ewan ko. There’s something about his kiss and the way his touch feels. Parang nawawala ako sa sarili ko. I could stay lost in this moment, forever. Alam ko, it’s cheesy pero ganun ang nararamdaman ko. He would look into my eyes and I feel like I could just melt. Nawawala lahat ng worries ko, natutunaw lahat pagod ko. I could fall for him... After ng weekly routine, hinatid na niya ako sa bahay. Walang goodbye kiss, after all, what happens in the bedroom, stays in the bedroom. “Next week ulit?” tanong ko habang pababa ng kotse. “I don’t think so. I’m meeting up with Jen.” Nagpaalam na kami sa isa’t-isa. Ngunit nanatili pa rin sa isip ko ang sinabi niya... I’m meeting up with Jen... Napabuntong-hininga na lang ako. Alam ko na kung ano itong nararamdaman ko. Hinampas ko ang sarili ko sa mukha. Hanna, hindi ka pwedeng ma-in love sa kanya! Hinding, hinding HINDI!!! Lumipas ang dalawang linggo, wala kaming masyadong communication. Pag nagte-text siya, maikli na lang ang reply ko. Pag tumatawag siya, di ko na lang sinasagot. Ang excuse ko palagi ay busy ako. Kahit na iniiwasan ko siya, hindi ko maiwasan na isip siya. Nahuli na rin niya ako ng pinuntahan niya ako sa trabaho. “What are you doing here?” pabulong kong tanong sa kanya. “Sa tagal ba naman nating hindi nagkita ‘yan lang ang isasalubong mo sa akin?” tumawa siya at niyakap na lang ako. Naamoy ko na naman ang cologne niya. I miss those nights that we shared together. Snap out of it! “Wow, mukhang masaya ka ata. May milagro bang nangyari?” nagbitaw ako ng pilit na ngiti. Parang alam ko na kung ano ang ibabalita niya. “Sinagot na ako ni Jen! Ang bagal ko talaga. Dapat dati ko pa siya niligawan pero...” hindi ko na narinig ang iba pa niyang sinabi. Umiwas na lang ako ng tingin. Ang tanging sagot ko lang sa kanya ay, “Congrats, I’m happy for you.”
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Ganun.. Sige po Thanks! Post ka po ulit ng ibang story mo..
![]()
awts!!!! an tsakit aman ateh... ayoko ng ganun,,, inlove ka pala eh why didnt you tell him...
![]()
part II!!!!! part 2!!!!! part 2!!!! hehehe bitin ang lola mo eh plsssssssssss.........
macqueen042006
•reply
Nov-13-09@10:52AM
Tama po sila Part two...
Walang bitinan..KASi mahirap kapag nabibitin
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories mahal80, itadakemasu, babytaz_0124, 2late, hydy, ellainedatu13, zurfc, and 52 guests |