tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
sikret lablayp (true story)
posted by (Nov 11, 2009 @ 6:31PM) views: 239
May gusto akong i-share, pero sa atin lang toh ah. Tungkol ito sa aking love story, na hindi pa-tweetums, and yet, extremely far from usapang tragic, melodramatic, and sci-fi action na may boogoom-boogoom at tugsha-tugsha sa musical scoring. Ang tampok sa love story ko ay ang best friend kong si Jay and yours truly.

Ang buhay ko dati, unexciting. Walang ka-latuy-latoy. Ordinary pa sa ordinary. Gusto ko na laging naka-organize ang lahat, at gusto ko rin na gumagawa ako ng bagay according to my plans. Futuristic kasi ako. Pero minsan di maiiwasan na may biglang susulpot sa buhay mo. May mga twists and turns pa pala na biglang eeksena para ma-prolong pa ang exposure.

It’s been roughly 3 years since Jay and I became the best of friends. Nakilala ko siya when I held a hand on my cousin’s project (magkaklase kasi sila). Eventually, we became friends hanggang sa naging close kami. Totoo pala ang kasabihan na “opposites attract” kasi I’m timid, introvert, and reserved. While he, on the other hand, is sociable, chatty, and vigorous. It’s fairly like a combination of two contrasting personas. At hayun… nagclick kami. Possible din kaya na ma-develop na parang film?

Jay and I share the same interest kaya lagi kaming magkasama. Madalas na may natututunan ako pag kasama ko siya. Lagi rin akong may self-discoveries na nagagawa. Hindi ko inasahang may isang bagay akong matututunan sa kanya at may madidiskubre ako sa sarili ko na di ko alam kung dapat ko bang pagsisihan o hindi.

Kasama ko siya sa sala with our other friends para sa isang inuman session. After several bottles of beer, nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa sofa. We’re all having a good time sa kakatawa, hanggang sa tumayo sila Kaye, Mhai, at Lee para bumili pa ng maiinom. Naiwan kaming dalawa ni Jay na magkasama sa sala. I could see his face na tinatamaan ng ilaw galing sa lampshade. Ewan ko, pero dun ko lang narealize sa scenery na yun na maganda pala ang silhouette nya. Maganda rin ang ilong at lips nya. Naputol ang pagpapantasya ko sa kanya nung bigla siyang nagsalita.

“Itatanong ko lang, how many times have you been in a relationship?” tanong nya.

“Ako ba? Twice or thrice? I don’t know, hindi naman yun ganun ka-significant kasi I haven’t been serious.” Sabi ko.

“Aba, salawahan ka pala.”

“Hindi naman siguro sa salawahan, sadya lang talaga na wala pa yung katapat ko.”

“Lalim naman nun.”

“Sus, wala ngang depth eh.”

“Anong depth yan ha? Aba, iba na yan ah. Baka kailangan nyo ng privacy? Sabat ni kaye.

“Andyan ka na pala, nasaan na yung iba?” Iniba ko ang topic.

“Hay, andun sila sa fishball stand, nagtutusok-tusok. Sabi naman nya.

Maya-maya, dumating na sila at nagproceed na kami ulit sa inuman. We were all wasted kaya nauwi kami sa nonsense na usapan, at nasa akin napunta ang tuksuhan. I’m on the spot! : c o n f u s e d : 

“Alam nyo ba, yang sila Jay eh may pa-depth-depth pa yang silang dalawa, ang intimate nila kanina, akala mo eh bumubuo ng love story. Haha!” sumbong ni Kaye. Nagtawanan kaming lahat, pero di ko inasahan ang mga sumunod na eksena. Nice, may thrill na noh? : r a z z : 

“Well I guess, we deserve to be intimate for we are a happy couple.” Sabi ni Jay sabay akbay sa akin.

“Teka nga, spare me with your pranks dude, nasusuya ako eh. Haha!” sabi ko.

“O sige nga Jay, kung kayo nga talaga eh magkiss kayo. Dali, fun-fun lang. no malice.” Panghahamon ni Lee. Biglang dumikit sa akin si Jay at kiniss nya ako. Natameme kaming lahat. Si Jay ang first kiss ko sa *censored*


==========


Ilang linggo pagkatapos ng incident na yun eh naiwan akong stranded. Tapos na nya akong halikan, but I felt that Jay left me with questions about myself and my feelings for him. Paanong nangyari na I was entirely shaken with his kiss? Bakit sa kiss na yun eh nalagyan ko ng malisya ang lahat sa amin? Bakit biglang may na-awaken na feelings sa puso ko? At bakit… bakit ko nga ba tinatanong ang sarili ko ng paulit-ulit? Nakakabobo ha.

Nakakasama ko pa rin siya, at pinipilit kong maging kasing ordinary at platonic ang lahat gaya ng dati. Pero iba talaga ang kamandag ni kumag, kasi nananaig talaga ang pagnanasa ko sa kanya.

Hiding what I feel for him seems to be all right at first, but it felt so tiring and frustrating after a while. Maraming beses ko ng pinagbalakang umamin sa kanya, kaso napapaatras ako kasi maraming pwedeng magbago pag ginawa ko yun. Higit pa sa magkapatid ang turingan namin, and I don’t want to ruin everything. I am the one who’s responsible for my feelings, so I should not brag him in. Kaya matapos ang ilang linggo na pagmumuni-muni, na-realize na that the best thing to do is to stay silent. Ang drama… hindi bagay sa akin. Wahhh! ~x(

“Hoy, naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?” tanong ni jay.

“Ha, ano ulit yun?” sabi ko.

“Yan ang hirap sa’yo eh, sampung minuto na akong nagmo-monologue pero di ka pala nakikinig. Nakakasama ka ng loob.”

“Grabe ka naman Jay, napakasensitive mo. Ano ba yun?” Tanong ko.

“Kasi ganito yun, may gusto ako. Dati kasi, plain na kaibigan lang ang turing ko sa kanya, but not until nag-inuman tayo kay la Lee nung nakaraan.” *ehem*

“Ahh. Isa pala sa atin noh?” usyoso ko.

“Oo eh. Gusto ko siya, kaso mukhang unaware siya eh. Natatakot akong magconfess kasi baka magalit siya. I know na sobrang pinapahalagahan nya ang friendship namin kaya baka mauwi lang ang lahat sa wala.” Explain naman niya. Natigilan ako. Halos parehas pala kami ng kinakatakot. Hay buhay…

“So anong dapat kong gawin?” tanong nya.

“Weigh things first. Play it cool muna, pag-aralan mo munang maigi ang sarili mo. Pangit gumawa ng move pag di ka sigurado. Parang chess kasi yan. Touch move- walang bawian.” Payo ko.

“Ahh. Ganun… okay sige. Salamat.”


==========


New Year’s Eve. Magkakasama kaming lahat sa bahay. On a round table, magkakatabi kami habang naglalaro ng spin-the-bottle. Dedma lang kami sa usok at ingay ng paputok. Naturo ang bote kay Jay, at si Lee ang magbibigay ng killer question. I didn’t expect na maii-starstruck kami (lalo na ako) sa mga sumunod na pangyayari.

“Lee, friends tayo di ba? Don’t be too hard on me ah!” sabi ni Jay.

“No, don’t worry dude, easy-easy lang toh. So, what’s your biggest revelation ngayong taon?” tanong ni Lee. Inabangan ko ang sagot nya. Napangiti siya bigla.

“Well… ahmmm… siguro it’s time na rin para malaman nyong lahat. Kaye and I are…” pambibitin nya.

“Are what? Tanong ni mhai.

“Kami na.” sabi ng nagblush na si Kaye.*ARAY! sapul ako. Hindi man lang ako nakailag. Tagos sa bones.*

“Really?! Wow! Congrats! Kelan pa naging kayo? Kwento nyo naman!”

Si Kaye daw. Pakiramdam ko eh biglang nagcrack ang lupa at nilamon akong bigla ng walang kaabog-abog. Napunta ang spotlight kay Jay at kaye, kaya walang nakapansin na umalis ako sa over sa kilig na eksenang yun. Para akong lumulutang sa ere. Si Kaye pala ang gusto nya, pero bakit di ko agad na-sense? Kunsabagay… bagay naman sila kaya masaya na rin ako kahit paano. Ay teka… shit… naiiyak ako. : c r y : 

May nakapagsabi sa akin that love is sacrifice. Yung tipong basta masaya siya, carry lang kahit masaktan ka. Yun din yung tipo na bigay ka ng bigay kahit wala kang natatanggap. Yan ang kadalasang perception nila. Ang martir ng dating noh? Para kang successor nila Rizal, Bonifacio, at iba pa. ang galing-galing! : w i n k : 

Pero para sa akin, di dapat ganun. Sa love, dapat laging give and take. Hindi pwedeng isang side lang ang nagbibigay, at iisa lang din ang laging tumatanggap. Pag nagbigay ka, dapat lang na kahit paano eh may matanggap ka. Ika nga ni John Locke, a person must surrender some of his rights para makakuha ka ng panibagong right. Ganun yun, nagbibigay ka ng bahagi ng sarili mo sa isang tao, at ang taong yun ang magfi-fill ng espasyo o bahagi na nawala sa sarili mo. In the end, you will be a better person, molded by the compassionate and delicate hands of love. Amen.

Bakit ko ba nasabi yun? Wala lang… na-share ko lang para kahit paano eh magkaroon ng konting lalim at sense ang love story ko.


==========


Hindi ko namalayan na mabilis na palang lumipas ang mga segundo, minuto, oras, araw, linggo, buwan, at taon. Ganun pala yun, pag nadiskaril ang riles sa tren ng buhay mo, mahihinto ka pala talaga at di mo na namamalayang umuusad na pala ang panahon. I know na hindi ito ang ending na ginusto ko. Hindi ito ang mga plano kong mangyari. At mas lalong hindi ko iniisip na ganito ang kahihinatnan ng love story ko. I wasn’t expecting na mafo-fall ako sa best friend ko at one time in my life. Kahit di ko na sabihin ang tunay kong nararamdaman, as long as he’s my friend… okay na rin siguro.

Andito ako ngayon sa tapat ng simbahan. Dito si Jay bininyagan… at dito rin siya…

“Tara na, andyan na yung bridal car.” Tawag sa akin ni jay.

“O sige, susunod na ako.” sabi ko habang papalapit sa kanya.

Ayan ang secret ko, wag mong pagsasabi ha? By the way, I’m Francis. And si Jay… si Jay ang sikret lablayp ko. : n a u g h t y : 


Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
I versus YOU = I love YOU [_tsapter10_]
older post:
i'm online

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
macqueen042006    •reply Nov 12, 2009 @ 9:58 AM
 
Huh! una anko.. Grabe ang sweet.. ganda otor ah. napeke ako dun..SAbi ko panaman nakakarelate ako.. ikaw otor ha : n a u g h t y : 
edukada0789    •reply Nov 12, 2009 @ 8:16 PM
 
haha. thanks. :-)
i wrote that last year pa, dedicated to my bestfriend. yun nga lang, straight girl ako at sya naman eh straight boy.
macqueen042006    •reply Nov 13, 2009 @ 10:24 AM
 
Naku nakakrelate talaga ako jan kasi nainlove din ako sa bestfiend ko.. KAya lang nagpari sya..
Anyway may dumating naman po akong bagong lovelife.. For lifetime na..
ren_ai    •reply Nov 14, 2009 @ 9:30 PM
 
mejo di ko nagets, si otor ba ay babae? bkt francis name nya? waa mejo naguluhan lang aq ng konti. : ? 
  edukada0789    •reply    Nov-17-09@2:33PM
babae si owtor. :-)
para di malaman ng best friend ko na para sa kanya yung story, iniba ko yung gender ng mga characters para safe. : w i n k : 
  ren_ai    •reply    Nov-17-09@3:30PM
ah hehe sorry : )  gets ko na hehe
bhebhe_pukz16    •reply Nov 17, 2009 @ 5:01 PM
 
ah...mejo naguluhan aq dun ha..pero ok naman may proper explanation...lungkot nga lang ng ending..coz i expect ikaw ang mahal nya..hindi pla...anyway that ok thers some destined 4 u...

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
I versus YOU = I love YOU [_tsapter10_]
older post:
i'm online
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
We are each of us angels with only one wing. And we can only fly embracing each other.

--Luciano de Crescenzo

You need to be logged in to Facebook