tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
i'm online
posted by (Nov 10, 2009 @ 9:05PM) views: 226
Ang liwanag na nagmumula sa monitor ng computer ang nagsisilbing ilaw sa kwarto ni Geraldine. Hating gabi na, bagamat nakahiga sa kama ay nanatiling gising ang ulirat ng babae. Nangalay na ang cursor sa pagkindat pero hindi pa rin tinapunan ng pansin ng dalaga. Nagdurugo ang kanyang puso. Gusto niyang isigaw ang lahat ng nararamdaman.

Idinuyan ng musika ang luhaang puso. Pinawi ng pandalian ang kalungkutang bumabalot sa kaluluwa. Pilit iwinaksi ang guhit na sumira sa magandang larawan ng alaala. Iniwan na siya ni Vince. Si Vince, ng lalaking nangako sa kanya ng habang buhay na kaligayahan at nagsilbing sandalan sa lahat ng kabiguan.

Tumayo siya mula sa higaan. Humarap sa kanina pang naiinip na computer. Sinimulang itype ang kanyang username na pink_illusion at ang password sa yahoo messenger. Lumulundag-lundag pa ang icon ng messenger na tila nang-aasar sa isang may labis na kalungkutan.

Hindi pa man siya nakapagtype ay nagsimula ng pumatak ang luha ni Geraldine. Online si Vince subalit hindi siya pinapansin. Walang tugon sa ilang beses niyang pagmamakaawang kausapin siya.

Early last year nang maglabas ng sama ng loob si Geraldine sa unang pagkabigo sa pag-ibig. Pero hindi sa isang kaibigan kundi sa isang forum site. Gusto niyang malaman ang magiging opinyon ng iba sa kanyang karanasan. May mga nagcomment na parang ayaw ipabasa dahil sa sobrang arte ng pagkakatype. Meron naman nagmala-DJ sa radyo sa sobrang haba ng payo. Hanggang sa isang lalaking may 3rd_psych na username ang nagbigay ng nakakatawa ngunit makabuluhang payo. Naging mahaba ang kanilang usapan hanggang sa mauwi sa palitan ng ym id dahil sa mabilis na pagkalagayan ng loob. It was a rainbow after the heavy storm for Geraldine.


They became friends, bestbuds and bff for some. Matapos ang ilang buwan, nabuo ang mga pangarap, ang pag-ibig at ang pangakong susungkitin ang buwan at mga tala. They decided to see each other. Masaya, puno ng pag-ibig. Kakaiba si Vince, hindi siya nauubusan ng paraan para mapatawa si Geraldine. Isang totoong gentleman.

Text, chat, call lahat na yata pati mental telepathy ay ginamit na nila para makapag-usap. Words of love, pick-up lines at buhay buhay ang madalas na usapan. Walang humpas ang kasiyahan. Parang naulit lang ang nauna niyang pag-ibig.

August 27, 2009, first year anniversary, tutuparin ni Geraldine ang kanyang pangako kay Vince. Mapusok na isinuko ni Geraldine ang kanyang pagkatao. Ibinigay ang sarili sa taong pinakamamahal. Halata sa kanilang mata ang labis na pagmamahal. Parang asong ulo na nilamon ng lalaki ang napanuksong hubog na katawan ng babae. Tila piratang sumugod sa barko at angkinin ang lahat ng yaman.

Pumatak ang luha ni Geraldine. Isang linggo na siyang hindi kinakausap ni Vince. Muling ibabahahagi Geraldine ang kanyang pagkabigo sa pag-ibig. Magiging matalino na siya sa susunod. Hindi na maniniwala sa mga pangako. Handa na niyang i-post ang kanyang pagkabigo sa forum subalit isang pamilyar na username ang may may blockbuster na kwento. Kwento ng pagpaparaos 3rd_psych sa isang babae.

Idinuyan ng musika ang sugatan puso. Pinawi ng bahagya ang lungkot na bumabalot sa kaluluwa.


http://natuyongtintangbolpen.blogspot.com/
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
sikret lablayp (true story)
older post:
I versus YOU = I love YOU [_tsapter09_]

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
______    •reply Nov 10, 2009 @ 9:05 PM
 
walang kadugtong : s m i l e : 
perfectworld    •reply Nov 10, 2009 @ 9:20 PM
 
: x  ang boba naman : x 

pero thats life ... maraming naboboba dahil sa pusok ng pag-ibig : h m m : 
  panjo    •reply    Nov-11-09@7:41PM
nangyayari kaya yan sa L&I : l o l : 
kaezy    •reply Nov 10, 2009 @ 9:34 PM
 
: h m m :  : h m m :  learn fom experience,..wag maxado padala sa mga taong mabulaklak ang dila : x 
  panjo    •reply    Nov-11-09@7:42PM
experience mo? : n a u g h t y : 
  kaezy    •reply    Nov-11-09@10:34PM
wenk hndi aah..di pa ako engot pra pdala sa mga mabubulaklak na dila..dumating ako sa age ko na toh na whole as in whole pa din..kasi di palagi puso pinapairal dapt gumamit ng utak! : n a u g h t y : 
cie_aun    •reply Nov 10, 2009 @ 10:34 PM
 
kea nga mag-ingat sa chatrum.., dameng manloloko talga., sadyang my mga taong hustler na sa pkkipagbolahan, ang term ata nila dun eh MALE CHAUVINISTIC PIGS!!
awts!! bato2 sa langit,, ang tamaan, TATAMAAN TALGA! : c h e e r : 
  panjo    •reply    Nov-11-09@7:42PM
aray : l o l : 
macqueen042006    •reply Nov 11, 2009 @ 10:36 AM
 
Hay kaya dapat mag-ingat.. Kahit pa sabihin ng lalaki ang lahat ng mabubulaklak na salita, magbigay ng regalo at gawing mabulaklak ang mundo mo..magmula sa rosas,tulip,jasmin,gumamela, sampaguita at kahit pa tsitsaron bulaklak ang ibigay sayo..wag mo isusuko...
day sabi ng matatanda wag mo isusuko ang bataan..unless amerikano yan..hahaha : r o l l : 
Pero dapat maging matalino.. wag papadala sa mainit na usapan.. kaya dapat magbaon lagi ng yelo..
  panjo    •reply    Nov-11-09@7:43PM
haha natawa naman ako.. pwede pala sa kano.. : D 
deneali    •reply Nov 11, 2009 @ 11:53 AM
 
nabitin nmn ako : ? 

nagpapatunay yan na maraming manloloko sa mundo: t a k a s : 
  panjo    •reply    Nov-11-09@7:43PM
ewan ko ba. kahit ako nabitin : l o l : 
geminier    •reply Nov 11, 2009 @ 1:23 PM
 
: x  : x  bwisit na lalake vince yan..

dpat sa kanya : s h o o t : 
  panjo    •reply    Nov-11-09@7:43PM
puso mo.. kwento lang yan. : s m i l e : 
______    •reply Nov 12, 2009 @ 8:15 AM
 
may tinamaan kaya : l o l : 
  macqueen042006    •reply    Nov-12-09@11:59AM
hI! good day! Naku sigurado dami tinamaan..jan.. Lunch time.....MAkakabasa na ulit ako.
jewel_emerald    •reply Nov 12, 2009 @ 5:25 PM
 
nakakainis talagayang vince na yan!!!!!!!!!! : x  : x 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
sikret lablayp (true story)
older post:
I versus YOU = I love YOU [_tsapter09_]
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Sometimes, only one person is missing, but the world seems so... EMPTY.

You need to be logged in to Facebook