tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Ang prince charming ni Ditas (one)
posted by (Nov 07, 2009 @ 4:16PM) views: 147

Ang prince charming ni Ditas
(The heart's sweet surrender 2)


"You messed up again, Javier! I gave you a chance and you messed it up again!" I looked so stupid just sitting there watching my father yell at me. He looked so angry.

"I'm so sorry, Dad. Gagawan ko na lang ng paraan..." magalang na sagot ko sa kanya, ngunit lalo niyang ikinagalit iyon.

"Paraan?! How could you possibly do that, Javier? The company lost 17 million pesos because of you bad judgements! Dumumi ang pangalan natin sa investors ng dahil sa kagagawan mo! Paano mo iyon gagawan ngh paraan?!" huminga ako ng malalim. The company lost 17 million pesos just because i trusted the wrong people. Its all my fault. Kung pinag-isipan ko lang ng mabuti ang mga desisyon ko, eh di sana hindi nangyari ito. I've been always careful when it comes to my wourk but dammit! I made a mistake... a very big one..

"Kung ang kapatid mo lang ang namamahala sa kompanya natin, hindi mangyayari ito." napangiw ako. My father was playing favorites again. I hate it when he does that. Bigla ay nag-init ang ulo ko. Tinitigan ko ko siya at lumabas mula sa bibig ko ang mga salitang kahit kailan ay hindi ko inaasahang masasabi ko sa kanya.

"Zach doesn't care about the comapny so just put a sock on it, dad! You're favorite son doesn't give a damn about this family!" isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin. Pakiramdam ko ako na ang pinakamasamang tao sa mundo, nagsabi lang naman ako ng totoo ah. Bakit ba ganito ang trato sa akin ng sarili kong ama? Bakit hindi niya ako magawang mahalin katulad ng pagmamahal niya kay Zach?

"You don't have the right to talk to my son like that!" galit na galit na turan niya.

"Anak ninyo rin naman ako ah!" puno ng hinagpis na sabi ko.

"Hindi kita anak, Javier." bigla ay naiusal niya. Natigilan ako, ano bang sinasbi niya?

"Ganyan ba kalaki ang galit mo sa akin para sabihin ninyo iyan?" malungkot na tanong ko. Bigla ay napaupo siya.

"You're mother... she had an affair twenty-eight years ago.. at ikaw... ikaw ang bunga ng pagtataksil ng iyong ina." pakiramdam ko gumuho ang buong mundo ko.Hindi ako anak ng taong itinuring kong ama sa loob ng napaahabang panahon. Lahat ng pagod ko, lahat ng pagsasakripisyo ko para sa pamilyang ito, nauwi sa wal. I'm not my father's son, i'm not a Lundrize. Everything in my life was a lie.

"I'm sorry, Javier..." Now i get it. Now i understand why he treats me that way. I'm not his son... Bunga ako ng kasalanan. Kaya pala kahit anong gawin ko, kahit ipakita ko pa sa kanya kung gaano ako kagaling, wala pa ring saysay.

"Thank you for letting me know about this after twenty-eight years." pagkasabi noon ay tinalikuran ko siya. Nagtungo ako sa aking silid at nagsimulang mag-empake. Aalis ako sa lugar na ito. Lalayo ako sa piling ng mga taong nagsinungaling sa akin sa loob ng napakahabang panahon.

"Javier..." tumigil ako nang marinig ko ang tinig ng aking mama. Lumapit siya sa akin. "Saan ka pupunta?" she asked me. I just looked at her. I continued packing my clothes. Suddenly she hugeed me.

"Javi... please don't go, we can stillm fix this. We can still talk about it." marahang itinulak ko siya.

"Twenty- eight years mama... you lied to me for twenty eight years. sapalagay mo ba makukuha iyon sa isang usapan lamang?" bigla ay naiyak siya... napangiwi ako. It pains me to see her this way.

"I'm so sorry, Javi.. i was waiting for the right time." napailing ako.

"You had all the chance, mother. Twenty-eight years, you had every chance. But still you chose to lie to me." pagkasabi noon ay isinara ko ang maleta at nagtulou-tuloy akong lumabas ng silid. Kailangan kong umalis. I have to find the missing part of myself. Hindi ko man alam kung saan ako pupunta..bahala na... Bahala na sa akin ng pagkakataon. Ang mahalaga, makaalis ako sa lugar na ito.


________


Javier Santos... iyon daw ang pangalan ng bagong sulpot na emleyado ni tatay sa patisan. Tahimik na pinagmasdan ko siya. May kung anong kakaiba sa lalaking iyon. Hindi ko lang alam kung ano pero may kakaiba sa kanya. Isang buwan na ang nakalipas nang biglang sumulpot ang Javier na iyon dito sa San Lorenzo. Gabi noon at umuulan ng dumating si Tatay kasama ang lalaking iyon. Ang sabi ni tatay, utang niya daw sa Javier na iyon ang buhay niya dahil tinulungan siya nito noong may magtangkang mang-hold up sa kanya. Wala daw matuluyan si Javier, kaya ayun, bilang ganti, inalok ni Tatay ng matitirhan si Javier, at binigyan niya pa ito ng trabaho sa patisan.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa Javier na iyon, kaya lang kasi, masyado siyang tahimik, kaya nakakaduda. Kakaiba talaga siya. Ang tanging alam ko lang sa kanya, siya si Javier Santos, dating security guard sa Maynila at nasesante dahil pumalpak sa pagbabantay ng ATM machine at napadpad siya dito sa San Lorenzo.

"Bonita..." hinatak ko ang damit niya." Tingnan mo si Javier. Wala ka bang napapansin sa kanya?" tanong ko sa pinsan ko habang pinag-iigi ko ang pagtatago sa likod ng mga kahon ng patis. Maya-maya ay humagikgik ito.

"Oo nga pinsan... lalong gumagwapo si papa Javier..." malanding sagot nito. Napailing ako. Hindi naman gwapo si Javier. Malaki lang ang katawan niya. Nagsusumigaw ang mga muscles nito sa braso. At ayon na rin kay Bonita, may abs daw si Javier...

"Ano ka ba? Tumigil ka nga dyan, Bon... Ang landi-landi mo." napailing siya.

"Hay naku, Ditas... aminin mo na kasi, may pagnanasa ka din diyan kay Papa Javier." nanalaki ang mga mata ko. Ako?! Si Ditas Madlang-Awa? May crush sa Javier na iyon? Hindi no! Hindi kahit kailan! Hindi naman sa minamaliit ko si Javier pero gusto ko naman iyong taong may maipagmamalaki sa buhay... hindi ganoon si Javier... Gusto ko ng lalaking may magandang traaho at iyong kaya akong suportahan...at sa tingin ko kahit isa doon ay wala sa kanya.

"Anong ginagawa ninyo diyan?" napatayo ako ng marinig ko ng boses ng Tatay. Ngumiti ako sa kanya.

"Hi Tay! Bye Tay!" sinabayan ko ng pagtalikod ang mga salitang iyon. Mabilis na nilakd ko ang daan patungo sa hagda... bumaba ako.. ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakita kami ni Tatay! Baka isipin niya may gusto ako kay Javier kaya ako nagtatago sa likod ng mga kahon. Ehh.... wala naman akongh gusto sa kanya.

"Hindi ko siya type...ahhhhhhh!" bigla ay nasigaw ako... namail ako ng tapak at nagtuloy-tuloy ako pababa... napapikit ako ng mariin.... bakit ba naman kasi hidi nila pinpunasan agad ang hagdan kapag nabasa eh? Nanalangin ako kay bro... sana hindi una ang mukha ko pagsalpak ko sa sahig... sayang iyon.,.. sabi ni Lindy... iyong kaibigang bading ni Bonita, maganda daw ako... at kung totoo man iyon, sayang naman... Ayoko pang mamatay...

Laking gulat ko ng may isang mainit na palad ang humawak sa balikat ko, pagkatapos y pinangko ako... dahan-dahang dumilat ako... natagpuan ko ang sarili kong nakatitig sa itim na itim na mata ni Javier.

"Ayos ka lang ba?" malumanay na tanong niya... Hindi kaagad ako nakasagot. Nakatitig lamang ako sa mukha ni Javier. Maganda ang hugis ng kanyang mga mata, napakatangos rin ng ilong niya... at ang mga labi niya, kulay red... parang lips ni Snow white... Bigla ko tuloy naisip... masarap kayang humalik si Javier? ang ganda kasi ng labi niya...parang ang sarap halikan..

"Ditas..." bumuka ang mga labi niya... bigla ay napailing ako. Bakit ba ako nag-iisp ng ganoon? Hindi ko nga type si Javier diba? Ano namang pakialam ko kung masarap siya humalik o hindi?

"Ibaba mo nga ako." asik ko sa kanya. Agad naman akong ibinababa ni Javier. Tiningan ko siya... noon ko lang napansin na wala pala siiyang suot na tshirt... at tama si Bonita... may abs nga siya... Pinilit ko ang mga mata kong tumingin sa mukha ni Javier.

"Aalis na ako." pagkasabi noon ay tumalikod na ako, pero tila yata nananadya ang mga sahig at hagdan ngayon. May kung anong madulas na namaman akong natapakan.

"Syete!" bigla ay sigaw ko. Muli ay sinalo ako ni Javier.

"Ano ba iyang mata mo? sago?" natatawang biro niya. Napahawak ako sa braso niya. Infainess... matigas ang mga braso ni Javier... bigla ay kinilabutan ako. Bakit ba ako nag-iisip ng mga bagay na ganito?

"Wala kang paki sa mata ko. Bitawan mo ako." pagkasabi noon ay binitiwan niya ako. Sumadlak ako sa lupa. naiinis na tumingin ako sa kanya.

"Bakit mo ako binitawan?!" nanlalaki ang mga mata ko.

"Sabi mo bitawan kita. Bahala ka na nga diyan." pagkasabi noon ay tumalikod siya. Naiwan akong nakasadlak sa lupa. Sinundan ko ng tingin si Javier habang papalayo siya... kakaiba ang kaba sa dibdib ko... at bakit ba umaakto ako na para bang ngayon lang ako nakakita ng lalaki? Pero tulad nga ng sinabi ko, may kakaiba sa Javier na iyon ... at alam ko na yata kung ano... masyado siyang gwapo pra maging isang hamak na kargador lamang ng patis.....


----tobecont----



Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
CRAZY 4 U
older post:
* Fish and Crackers (one shot)

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
hiling_ni_akane    •reply Nov 7, 2009 @ 4:22 PM
 
hi there pipol!
missed me? (yabang!)
i miss you ol...
haha..


New story!
sana magustuhan ninyo
kasi kung hindi..
haha..
hindi ako mag-uupdate..
heheh..
salamat po..

comments ah..
violent man..
o hindi..
tanggap ko.. : c o o l : 
salamat!
  tearsofakane    •reply    Nov-7-09@6:14PM
nakalimutan kong ishare...
nakita ko ung HALE kagabi..
nahawakan ko ung kamay ni champ..
haha : k i s s : 
  iane    •reply    Nov-8-09@11:32AM
namiss kita!! (pahabol lng po) : g r i n : 
jean26    •reply Nov 7, 2009 @ 7:56 PM
 
`wow!

`season 2? : l o l : 

`tnx a lot otor!

`susubaybayan ko ulit toh.

`galing mo tlga! : g a l e n g : 

`hehe.

`sna everyday ka mgupdate. : l o l : 
perfectworld    •reply Nov 7, 2009 @ 8:14 PM
 
wow d2 n cya....
d2 na rin me...
: b u r l e s k : 
SoBeR_14    •reply Nov 7, 2009 @ 8:31 PM
 
waw.. new storii.. susubaybayan ko to.. : g r i n :  : g r i n : 
  SoBeR_14    •reply    Nov-7-09@8:35PM
next agad.. haha.. : n o t w o r t h y :  : n o t w o r t h y : 
iane    •reply Nov 8, 2009 @ 11:32 AM
 
wew!! my new stori na nman c otor..

ang daya mo... : (  nahawakan mo c champ, lagot ka kay bianca king..haha : l o l : 

namiss kita otor...

kakainis kc ung om ko di gumagana kaya laging late ako nakakapag basa ng mga update mo

ayan bye bye na po...

: s m i l e :  : s m i l e : 
macqueen042006    •reply Nov 9, 2009 @ 12:37 PM
 
Hi po! Ang masasabi ko lang next chapter na po...Please
kaezy    •reply Nov 9, 2009 @ 11:35 PM
 
weeeeeee..otor hello! si javier naman ang bida ngayon?? hehehehe galing naman..sana may updates ka din kay zach at audri ha?? : k i s s : 
  macqueen042006    •reply    Nov-10-09@11:35AM
Oo nga para makita din namin un after ng ending nila..HEhehe. GAnda kaya nun..
reign07    •reply Nov 10, 2009 @ 10:57 PM
 
: b o o k : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
CRAZY 4 U
older post:
* Fish and Crackers (one shot)
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
All thoughts, all passions, all delights Whatever stirs this mortal frame All are but ministers of Love And feed His sacred flame.

--Samuel Taylor Coleridge

You need to be logged in to Facebook