|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
No Entry: The Love Story of Heart and Cholesterol
Update uli.
Kung naiklian kayo dun sa huling chapter, hinabaan ko na to. Hindi ko na papahabain. To nga pala past chapters. Chapter 1: Ano pangalan mo? Chapter 2: Rey Limbao Chapter 3: Sinusundan mo ba ako? Chapter 4: Absent si Sungit Chapter 5: The Sweet Melody Chapter 6: Ang Di Nagsaradong Sugat Chapter 7: Sung-dalo to the rescue Chapter 8: Ang cholesterol Chapter 9: Kainan Chapter 10: The First Smile Chapter 11: Ang Mga Katanungan Chapter 12: The Puyat Chronicles (part 1) Chapter 13 na. Dalawang oras lang ang itinagal ni Rey sa kama. Alam niya na may pasok pa siya kaya tumayo agad siya kahit ang katawan niya ay umaangal na. Walang pake si Rey, may dahilan naman siya para gumising kahit anong antok. At walang makapagpapabago nun. Unang dahilan. May test sila sa Physics. Kahit papaano, gusto niyang magtino ngayong year dahil pinabayaan niya ang pag-aaral niya last year. Pangalawang dahilan. Mood niya lang talaga ang nagpapasok sa kanya. Ang daming nangyari kagabi na masyadong kakaiba para sa kanya na masasayang kung itutulog lang. Matatabunan ang puyat pag nakangiti ang pagod na mata. Pangatlo. Gusto niyang makita si Lyn. Pag baba niya ay nakahanda na ang umagahan na inihanda ng kanya mommy. Antok pa siya, antok na antok pero hindi naman siya nagmamadali kasi maaga naman siya nagigising, hindi niya napansin ang oras. Ang mama niya ay nasa hapag at naglalagay ng pinggan. “O anak, gising ka na pala. Bakit nakalugmo ang mata mo? Napuyat ka ba?” Tumango si Rey bilang pagsangayon. “Puyat na puyat ako. Pero ayos lang. Papasok pa rin ako. Gustong kong baguhin ang sinira kong buhay. Eh. Ayoko ng mag-emo. Pero paano pag bumalik ang sakit na iyon? Hayy. Buhay.”isip ni Rey na naalala ang sakit tuwing tinatangka niya na maging masaya muli. Kahit hindi niya naramdaman ang sakit na dapat ay naramdaman niya, hindi pa rin siya kampante na tuluyan na nga siyang magaling. “Anak. Kung nag-aalala ka sa sakit mo, wag mo hayaang sirain ang araw mo. Magpapacheckup tayo sa cardiologist mo. Malalaman natin ang kondisyon mo. Pero alalahanin mo to. Whatever the diagnosis of the doctor, hindi kita pipigilan sa gusto mong mangyari sa buhay mo. Susuportahan na kita.”sabi ng mama niya at pumunta na sa kusina pagkatapos ihain ang mga plato. Si Rey naman sumaya sa sinabi ng mama niya. Pero kahit sinabi ng mama niya iyon, hindi pa rin siya naliwanagan. “Paano kung malaman ko na hindi pa rin pala nawawala ang sakit ko? Mas pipiliin ko ba ang kasiyahan ko kaysa sa buhay ko? Ano? Ano Rey!?”litong pag-iisip at pagtatanong ni Rey sa sarili. Pinagpasiyahan na lang niya na malaman na lang muna ang desisyon ng doctor. Naisip niya muli si Lyn na pawing nakalimutan ang pagkalito niya. Pumunta siya sa kusina pagkatapos kumain at yumakap sa mama niya na handang maging malungkot para sa kasiyahan ng kanyang anak. “Ma, I love you. Salamat po.”sabi ni Rey sa mama niya habang niyayakap ito. Matagal niyang hindi ito nagawa at namiss niyang maging anak sa ina niya. “Mahal din kita anak.”sabi ni Ruby na yumayakap din sa anak. Namiss niya ang anak niya dahil matagal nilang hindi nagawa ang ganito. Niyakap niya ng napakahigpit ang anak at humalik sa noo nito. “Anak, may pasok ka pa. Sige na, set off for school. See you later sa clinic ng doctor mo okay? I love you anak.” Bago lumabas ay naghilamos muna si Rey para matanggal ang manaka-nakang pag-atake ng puyat na mata. Paglabas ay okay na siya, kahit may hilong umaaligid sa ulo niya. “Ano ba yan. Nahihilo pa rin ako. Hirap naman magpuyat. Pero okay lang, Masaya naman. Ang saya saya.”pagkatuwa ni Rey na nag-alala na naman sa kundisyon niya. Pabagobago na lang ang isip niya. “Pero paano ka magiging masaya? Rey! Hindi ka pa magaling! Wag kang magpapadala sa mga nangyari kagabi. Ang gulo ko!”isip ni Rey habang naglalakad. Pero wala na, nakipagkaibigan na siya kay Lyn. Gusto na lang niya na makabawi. At alamin kung paano siya lalapit kay Lyn. Kahit nakapagusap na sila ay may parte pa rin sa kanya na nahihiya sa mga nagawa niya sa dalaga. Sinumpa niya ang sakit niya pero nakalimutan ito ng makarating siya sa sakayan ng dyip. May babaeng pumara ng dyip nangmalapit na si Rey. Pumara din agad si Rey para makasakay agad sa dyip. May nauna sa kanya sa harap ng dyip kaya may halong inis ang pagkakasakay niya. “Sayang naman. Hindi ako makakaupo sa paborito kong pwesto. Okay na to. Harap pa rin naman eh. Ang immature naman ng iniisip ko. Hayy.” Napansin niya na parang lasing ang ulo ng katabi niya. Sinilip niya ito sa salamin at nagulat sa nakita niya. Katabi niya si Lyn. Biglang kumabog ang dibdib ni Rey. Hindi siya handa at hindi niya alam kung may sasabihin ba siya kay Lyn o wala. Basta ang alam niya nakatabi siya sa kaniya at dapat may masabi man lang siya. Babati sana siya ng good morning sa kanya at tinignan niya ito. “Good morn—“putol na sabi ni Rey ng makita niya si Lyn na tulog pala. Nanahimik na lang siya dahil nakita niyang tulog pala si Lyn. “Tulog pala siya. Hindi ko na lang guguluhin.”isip ni Rey. Pero sa dahilan na hindi niya alam, kahit tulog si Lyn ,may kabog pa rin sa dibdib niya na hindi niya matanggal. “Pang-asar naman tong babaeng to. Hay nako. Ang ganda mo talaga. Ang cute mo pa matulog. Nakanganga."natutuwa siya kay Lyn. Sa gitna ng pagkatuwa niya ay kinakabahan pa rin siya. "Kinakabahan talaga ako. Pero bakit nga ba ako kinakabahan? Katabi ko lang naman eh. Shet! Ang ganda mo talaga.” Ngayon ay hindi na nakatingin si Rey sa salamin. Deretso na siyang nakatingin kay Lyn at pinapanood itong matulog. Napansin niyang may pawis na tumutulo sa noo ni Lyn. Hindi namalayan ni rey na kumukuha na siya ng panyo para ipunas ng dahan-dahan sa noo ni Lyn. Tinanggal niya ang isang tigib ng buhok sa mukha ni Lyn at nasilip pa niya na mas maganda ang mukha ni Lyn na parang baby matulog. “Itigil mo na yang kakatingin sa kanya. Baka matunaw na sa tingin mo Rey!”pagpigil ni Rey sa sarili at nagtataka na naman kung bakit wala siyang nararamdaman na sakit sa dibdib niya. Pero parang isang plakang sira dahil paulitulit niya paring sinusulyapan ang mukha ni Lyn na nakahimbing sa tabi niya. Nakakalimutan na naman niya ang pag-aalala sa sakit niya ng makita ang mukha ng dalaga. “Nakakabaliw naman masyado to!”sigaw ng utak ni Rey. Lumiko ang dyip. Dahil sa paglikong ito, ang natutulog na ulo ni Lyn ay nalipat ng side patungo sa side ni Rey. Magkatabi sila sa harap kaya magkalapit na magkalapit lang lang. Walang kamalay-malay si Lyn at nalapat ang ulo niya sa balikat ni Rey. Ilalayo niya sana ang ulo ni Lyn na nakapatong sa balikat niya, pero naninigas ang katawan ni Rey. Para siyang kinuryente ng silya elektrika ng maramdaman ang ulong nakapatong sa balikat niya. Nagugulantang si Rey sa bigat ang ulo ni Lyn na walang kinalaman sa bigat, talagang ang kaba niya lang ang humihila at nagpapabigat sa ulo ni Lyn. Ang buhok ng babae ay nararamdaman ni Rey sa kanyang braso dahil sa lambot na to. Hindi siya makagalaw kasi baka magising niya ito at makita siya. Baka magalit pa ito sa kanya. "Ano bang kinakaba ko dito? At bakit siya magagalit? Wag kang praning Rey. Pero--Pero. Hindi pa rin ako makagalaw." Sinubukan naman niyang magpakalma ng sarili dahil ang dibdib niya ay parang tambol na ginagamit sa cheering competition sa sobrang lakas. “Hinahon lang. Wag ka masyadong kabahan. Nakapatong lang ang balikat niya. Walang mangyayari. Huwag kang maparanoid. Hinahaon lang. Hinahon.”pagkalma ni Rey sa sarili. “Nakapat-pat-patong lang yan.” Mukhang mabibigo na naman siya. Nagbago na naman ng posisyon si Lyn at humawak sa braso ni Rey . Niyakap nito na parang batang tulog ang braso ni Rey. Inakala niya sigurong tanday na unan ang braso ni Rey. “Grabe naman tong babaeng to. Pinapakaba talaga ako eh. Akala ba niya tanday tong braso ko? Hala, baka magising siya. Bakit nga ba hindi ito magising sa pagkakatulog? Nasa dyip ang sarap ng tulog. Pero okay na to, ang sarap naman niya yumakap eh. Kahit sa braso lang! Sana magtagal pa to. Wag ka lang magigising! Please lang!”isip ni Rey. “Ang malabot niyang buhok na parang humihilot sa braso ko. Ang balat niya na nakadampi sa balat ko. And nakakagigil niyang pisngi na nakadikit sa balikat ko. Ang init ng pagkakalapit niya sa akin. Ibang-iba talaga siya. Shet, nakakainlove talaga.”paghanga ni Rey sa katabi niya. Pero nagpigil muna siya, “Rey. Hindi mo pa alam kung magaling ka na. Wag kang mag-assume! Wag kang mangarap!” Nagugulantang si Rey dahil ang pakiramdam niya ay nag-iiba. Ang pakiramdama na hindi niya naramdaman smula ng umalis si Milly. Iba ito. Ibang iba. Namalayan niya ang kamay ni Lyn na nahulog sa may kamay niya. Naninigas ang kamay niya at nanlalamig na siya habang ang loob niya ay tumatalon sa magkahalong pagkasabik at kaba. Para ng electric train ang daloy ng dugo ni Rey. Namumula na ang mukha niya na parang kamatis na kakahinog lang. Kahit kinakabahan, masaya pa rin siya kasi hindi siya nakaramdam ng kahit anong katulad ng isang yakap ng babae pwera sa kanyang ina. At kahit tulog lang si Lyn, nasisiyahan pa rin siya. Malapit na sila sa Santos High. Hindi pa nagbabayad si Rey kaya dahan dahan siyang kumapa ng barya para ibayad sa manong drayber. Ang para sa kanya lang sana ang dudukutin niya. Pero naramdaman niya ang babaeng nakapatong sa balikat niya at nagpasyang bayaran na rin ang pamasahe nito bilang pagpapaumanhin sa mga nagawa nito. Kahit hindi niya alam. “Manong, bayad. Dalawang Santos High.” Sabay bigay ng barya na sapat para sa dalawang tao. “Nako. Ang magsyota talaga ngayon oh.”isip ng manong drayber na kanina pa nanonood kay Rey at Lyn. Naninibago si Rey sa pagsasabi ng “dalawa”. Ang tagal niyang hindi nasasabi iyon. Matagal na matagal na. Ang sarap masabi muli. Nang oras na iyon, sumaboy sa isip niya ang pagnanasang magkaroon pa ng panibagong tao sa buhay niya. Naputol ang pag-iisip niya ng matanawa niya ang Santos High. Nagulantang siya nang maramdaman niya na gumagalaw ang ulo ni Lyn na parang nagigising na. Nang malapit na malapit na sila sa Santos High, pumara na agad si Rey at pagkatigil ay nilipat lang ang ulo ni Lyn at dali-daliang lumabas para hindi siya makita. Nakapasok na siya sa school ng makita niyang papalabas na si Lyn. Kailangan makarating siya sa room bago pa siya madatnan ni Lyn. Nagtaka na naman ang manong drayber. “Iba na talaga ang mga magsyosyota ngayon. Ang gulo ng mga trip nila ah.Hay nako. Magising na nga tong isang to.” Ginsing niya ang nahihimbing na si Lyn. Habang ginagawa ng drayber ito. Nasa loob na si Rey ng eskwela. “Nako. Late na pala ako!”gulat ni Rey pagkakita sa relo niya. 7:10. Sabay karipas ng takbo tungo sa room ng section nila. -------------------------------- Seniors room... “Ayun. Papasok na si sir. Kailangan makahabol na ako.” Nagmamadali na si Rey. Nahahapo na siya dahil halos nagdash na siya sa buong school patungo sa klase niya. Buti na lang at papasok pa lang si Sir Ilagan na may dalang isang bandehadong test paper sa Calculus. Nakita siya ni Mr. Ilagan at binati ito. “O, Mr. Limbao. Buti naman umabot ka pa. Get inside, may ieexplain ako.” “Yes sir.”mahinang sagot ni Rey. Umupo siya sa upuan niya sa likod. Nagtitinginan ang mga kaklase niya sa kanya, mas lalo na ang mga babae. Nagtataka siya dahil hindi naman sila ganito makatingin. May naisip tuloy siyang dahilan kung bakit. Una, baka dahil ngayon lang siya nalate pumasok. O pangalawa, may tsismis na naman tungkol sa kanya. Kung ang pangalawa man ang dahilan, sanay na siya. Simula ng pagsususungit niya ng labag sa loob niya, tinatanggap na lang niya ang mga tsismis na napapatungkol sa kanya. Hindi na niya inalala ang mga dahilan na ito at nag-alala na lang kay Lyn. “Lagot si Lyn. Malalate siya. Kasi, bakit di ko pa siya ginising kanina. Baka matagalan pa siya ngayon, parang kilometro pa naman ang entrance ng school ditto sa building namin. Umabot sana siya.”pag-aalala niya para kay Lyn na wala pa ring senyales na malapit na. Hinanda na lang niya ang compass na kailangan nila para sa exam nila ngayon sa Calculus. Pinag-aralan niya mabuti ang leksiyon nila ngayon dahil gusto niyang bumawi sa mga naibaba niya nung nakaraang taon. Gusto niyang bumalik man lang sa pagiging isa sa mga magagaling sa klase. Kahit sa ganun na lamang ay may maidagdag siya sa bilang na pwedeng niyang ikasaya. “Sana puwedeng idagdag si Lyn? Pero malabo. Malabo. Ayoko lang umasa. Ayoko lang talaga.” “Class. Are you ready for the exam? O gusto niyo muna ng refresher at baka puro DOTA lang ang laman ng utak niyo ngayon?”tanong ni Mr. Ilagan sa klase. “Yes sir! Kailangang kailangan po namin! Mahirap magsolve ng equation ng circle pag ang build ni Jahrakal ang nasa utak!”sigaw ni Manny na nagbibiro. Nagtawanan naman ang klase. Talaga nga naming mapagbiro tong si Manny. Sa isang banda ay may itsura din. Pero natatabunan na ng pagiging maloko niya. “Sabi mo yan Manny eh. Sige, ikaw unang sasagot sa itatanong ko.”sabay take-up sa boad ng isang equation tapos aalamin ang radius. “Si sir naman. Di mabiro, sabi ko ngang ang DOTA ay masama sa bata. Hindi nga ako naggaganyan eh.”tapos tumingin sa board na sinusulat ni Mr. Ilagan. Nagmumukha siyang batang ngayon lang natuto ng alpabeto dahil ang mukha niya ay puno ng walang kaalaman at kawalang ideya sa ginagawa ni Mr. Ilagan sa board. “Si Manny talaga.”natutuwang pag-iisip ni Rey. Namiss niya na talaga tong bestfriend niya. Kung pwede nga lang siya lapitan. Kung pwede lang. Sa pag-iwan niya ba naman sa kanya nung nakaraang taon. Hindi na niya alam kung ano ang iisipin ng kaibigan niyang ito sa kanya. “Miss ko na si Bestfriend. Sana ngayon kaming dalawa na ang nagtatawanan. Kungdi ba naman sa pesteng sakit na ito eh.Pesteng buhay. Ay, nasan na nga pala si Lyn?”nagtatakang tanong niya sa sarili. Mga ilang pagtiktak ng orasan ang lumipas ng nasilay na si Lyn na tumatakbo sa corridor. Hapong-hapo at parang wala sa sarili. “Oh? Ms. Guevarra. Bakit ngayon ka lang dumating? Late ka na.”pahayag ni Sir Ilagan kay Lyn na hapo pa rin. “Sir. Sorry po. Ahm-Ah-ahm ano po. Napuyat lang po ako kagabi. Pasensya na po talaga.”pagpapaumanhin ni Lyn. “Hay nako Lyn. Sana huli na iyan. Take your seat.”utos ni Sir Ilagan. Sumunod naman si Lyn. Umupo na si Lyn sa upuan katabi ni Rey. Sa una ay napapansin ni Rey na katinginan ni Lyn si Mary na nasa bandang gitna. Hindi na nama mapakali si Rey. “Hindi ko man lang siya babatiin? Maggoogoodmorning? Maghehello? Magsasalita ba ako? Eh, baka mahalata ng klase na nagkausap na kami. Hindi pa ako handa dun. Kailangan magpakatahimik muna ako. Maninibago sila.”tuloy tuloy na pag-iisip ni Rey. Maya-maya ay naramdaman niya ang tingin ni Lyn na nakatitig sa kanya. Nag-iinit ang katawan niya. Hindi siya makagalaw, ni hindi siya makaiba ng tingin. Tinutukan na lang niya ang sinasabi ni Mr. Ilagan para mawala ang pagkabahala. “Class. Let’s start our Long Quiz. Tandaan niyo ah. Ang walang compass ay hindi pwedeng makapagexam. Ilang beses ko ng pinaalala yan.”pahayag ni Mr. Ilagan na hinahanda na ang mga test paper sa Calculus. Nilabas ni Rey ang compass niya. Inihanda na rin niya ang lahat ng ballpen at liquid paper na kailangan niya. Handa na siyang pumasa sa exam na ito. Nang may mahalata siya na hindi mapakali si Lyn. Kahit hindi siya direktang nakatingin dito, nahahalata niya sa gilid ng kanyang mata ang pagkamagalaw ni Lyn ng tinanong ni Sir Ilagan ang compass. Gusto ni Rey na tumulong sa kung anong paraan, pero hindi mababali ang mga rules ni Mr. Ilagan. Wala siyang maisip na gagawin. Wala naman siyang extra compass na pwedeng ipahiram. May pumasok sa isip niya. Gusto niyang pumasa. Gusto niyang maging achiever sa klase. Gusto niyang ibalik ang dati niyang katayuan. Pero may mas malaki siyang gusting gawin. Gusto niyang bumawi sa ginawa niya kay Lyn. Sa paningin niya ay masyadong masama ang mga ginawa niya, at wala naman sa katauhan niya ang pambabastos ng babae tulad ng ginawa niya. Gusto niyang bumawi. Pero may mas higit siyang gusto. Gusto niya si Lyn. Kaya parang puso na hindi na kailangan pagalawin para tumibok, walang sabisabi ay tinabig ni Rey ang kanyang compass na ang lakas ay aabot sa kinaroroonan ni Lyn. Nang makita niya na papaabot na si Lyn sa compass na hinulog niya, tinaas niya ang kamay niya. “Sir, wala po akong compass.”maikling niyang sabi. Agad-agad siyang tumayo at dumeretso sa pintuan at tumungo sa library. Habang papunta dun, wala siyang nararamdamng pagkahinayang. Sa totoo nga, ay nakangiti ang puso siya dahil ang sarap ng pakiramdam ng ginawa niya. Babagsak siya sa Long Quiz ngayon sa Calculus. Mawawalan siya ng garde sa araw na ito. Pero hindi mawawala ang pakiramdam na may nagawa siyang para sa taong nagustuhan. Dahil ang tagal na niyang walang ginagawa para sa iba. Sa totoo, napagbigyan niya pa ang sarili niya. “Mapapalitan ko pa ang grade. Sana lang nag-aral siya para hindi saying yung ginawa ko. Hahaha! Nako, Sigurado may kasunod sa aking pupunta sa library neto.”paghula ni Rey kahit walang siyang narirnig na mga taong lumalabas galling sa room nila. Pero totoo nga. Ilang metro paglabas niya, nakasunod na sa kanya ang mga ingay ng mga estudyanteng pabayang walang compass. Ayun. Okay na ba ang haba? Dadalang uli updates ko ah. Hectoc ang week ko eh. Sana maapreciate niyo ang kakaunti kong effort. Maraming salamat sa mga nagtiyagang magbasa. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
KAkakilig ang ginawa ni rey..
GAnda otor.. Sulit.. sa breaktime
Di naman ako makaupdate. Kainis. UPCAT naman titirahin ko!
Henaku. Gusto ko magupdate. Eto na lang muna basahin niyo. http://bukaykay.blogspot.com Desperado ba? Comment ka kung maligaw ka dun ah. Saka pindotin mo yung orange buttong pagpasok mo dun. May topak yung blogspot ko eh.
binasa q mula chapter 1 hangang dito..aww. im craving for more..ayyy.kumpleto araw q ah..ang saya
![]()
tonguetied
•reply
Nov-10-09@6:09PM
ui.mag update kna please please! xD..gusto ka na malaman buong story..hihi
tonguetied
•reply
Nov-10-09@6:44PM
ui.naadik nqu.sobra!!!hahaha.post ka na ulit.cge na..
hihi.lam mu bkt q ngus2han? kc damang dama q bawat eksena..
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77630)Arts & Entertainment(7996) Lifestyle & Culture(3716) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10342) Random Thoughts(11232) Forwarded Thingies(7787) FrendzCorner/ShoutOutz(22950) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1814) School Matters(3618) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4053) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1994) Site Announcements(55) Old Stories (120) AjxXx14, candyyumyum, ms_chabz, sarahllaine, mCdamz, and 28 guests |