|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Love & Intimacy
Bakit ganon?
Nagkahiwalay kami ng mister ko a year ago, di ko tinagalan ang masasakit nyang pananalita.At ang pagbabago ng kanyang ugali at pagwawalang bahala sa akin. Sa totoo lang feeling ko di na ko minamahal, di pa nirerespeto.Napilitan akong hiwalayan siya. Simula naman magkahiwalay kami galit na galit sa akin, at lahat ng pagkakataon ay ginagamit nya para ako ay bwisitin. Minsan umattend kami ng affair sa school ng anak namin, pinagtabi kami ng teacher sa upuan,tumayo siya, ayaw nya daw ako makatabi, at marami pang iba.Ano kaya kinagagalit nya e siya ang maykasalanan ng lahat at ayun sa kanya maluwag sa loob nya ang hiwalayan. Na we weirdohan ako sa kinikilos nya help po.
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
,`talk to him pohh seriousLy...
,`kung ayaw parin niya.....UpaKan mu na ![]()
Guys goes like that when they are bearing something hard... And hindi nya ma-admit na need nya ang tulong mo...
or He really doesnt love you anymore... Gaano katagal na ba kayong kasal?
111reborn
•reply
Nov-5-09@1:46PM
11 years kaming kasal, and you might be right, yun nga inisip ko na wala na siya sigurong love para sa akin, kasi di na talaga kami magkasundo, pero ng iwanan ko, lalong nagalit. Nasa call center siya e, minsan naiisip ko,sa sobra yatang puyat at stress nabago na ugali.Kung may iba naman siyang girl,dapat masaya na siya kasi wala na ko,pero kabaligtaran naging bitter pa.
11 long years at may isa kaming anak.Napakataas ng pride nya actually. Sa bawat pagkakagalit namin noon ako sumusuko, ng huli di ko na sinukuan. Umalis ako tinangay ko anak ko at dinala dito sa US. Pinagtatataka ko lang, I felt like I'm no longer impoertant in his life kaya ako humiwalay, ng hiwalayan ko naman galit sa muindo, lalo na sa akin. Di ba dapat happy na siya?
Iha, PRIDE o PAGKALALAKI nya ang dahilan kung bakit he is acting very strange ... NASAGASAAN mo kc ang kanyang PRIDE .... kaya HINDI nya matanggap na ikaw ang UMAYAW kahit na alam nyang kaya mo yun nagawa ay dahil sa kasalanan nya sayo .... BITTER sya sa naging HIWALAYAN nyo ... dahil HINDI nya inaasahan na IKAW ang unang BIBITAW ... marahil masyado syang naging KAMPANTE at KUMPORTABLE sa relasyon nyo at sa pagmamahal mo sa kanya .... na lagi mo syang uunawain ... na lagi mong tatanggapin ang lahat ng sabihin nya kahit nasasaktan ka ...
Possible din na nagtanim sya ng galit sayo dahil sa feeling nya ay SUMUKO ka agad ng hindi sinusubukan na ipaglaban sa kanya na maayos ang relasyon nyo bilang mag-asawa .... he expected too much love from u kaya di nya matanggap na ganun kadali mong bibitawan ang naging sumpaan nyo ng kayo ay ikinasal ... Ngunit pwede din na kaya sya superbitter ay dahil naging MISERABLE ang buhay nya ng mawala ka at lalong dumoble ang pagiging bitter nya ng makita at madama na u can LIVE ur life without him ... dahil para itong sampal sa kanya ng bonggang-bongga ... I think this is NOT yet the best time para maging maayos ang paghihiwalayan nyo or be in good terms after the break up ... dahil PUNO pa ng galit at hinanakit ang mga puso nyo na syang lumalason sa inyong isipan .... kailangan munang maghilom ang lahat ng sugat upang unti-unting mawala ang sakit at makalimutan ang hirap na pinagdaanan .... Ngunit kailangan nyong manatiling mga magulang ng inyong mga anak ... kaya ipaalala at ipaunawa mo sa kanya na ur kids needs a father and a mother ... HINDI nyo man magawang ibigay ang isang buong pamilya ... at least panatiliin nyo ang pagiging ama at ina sa kanila ... isang ama at ina na HINDI nagbabangayan at nagpaparunggitan ... mahirap pero pwedeng gawin kahit sa harapan man lang ng mga anak nyo ...
111reborn
•reply
Nov-6-09@1:09PM
Maraming salamat sa inyong comment, napakarami kong natutunan. Siguro nga'y di pa talaga panahon para asahan ang mabuting pakikipaq ugnayan sa kanya, dahil sariwa pa nga ang lahat at puro galit pa ang nasa kalooban.Naniniwala ho ako na ang pinagsama ng Diyos di dapat paghiwalayin ng tao, ngunit matagal tagal na rin ho akong nagtiis, bandang huli di ko na nga ho hinanap ang mahalin, respeto man lang sana, kaso wala na rin.Kaya ho ako nakabitaw.Malamang nga rin ho tama kayo
na masyado siyang kumampante, at inisip na habang buhay ang aking lakas na magtiis at magpaka martyr kaya ng makabitaw ako, di nya mapaniwalaan. Ang anak ko na lang ho ang tanging yamang meron ako,kaya pinahihintulutan ko ho ang dati kong asawa na maging ama sa bata, ng sa ganon, di masyadong madama ng bata ang kawalan.Pipilitin ho naming wag mag away lalo't nalalaman ng bata. Ang comment nyo ay nagbigay ng liwanag sa magulo kong isipan.Salamat ng marami
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77652)Arts & Entertainment(7997) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11237) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22951) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4241) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) isabelle08, letitrock18, jgcy1989, xinerous, heartalone, 12111991, bhebhekun, fruitsoda, missinusomuch143, haseyama08, BrokenPromises, cherii1o, aLoneGirL, and 46 guests |