|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Love & Intimacy
ako at ang mrt
lagi akong sumasakay sa mrt. kaya araw araw madami akong nasasagap na chismis pero mas madami pa din yung mga karanasang pwede kong maimbak sa baul. yung tipong pwede kong isama kapag kinakalabit na ko ni bro para sumama sa kanya para maghasik ng kabutihan sa taas (charaaan)kapag araw araw ka palang nasa istasyon ng tren, araw araw kang makakapulot ng mga moral lessons. sa kasalukuyan may lima na akong naipon: una-hindi pala masarap sa pakiramdam kapag sinisiksik mo ang sarili mo para lang magkasya ka sa loob ng tren. nakakaawa ding tingnan na namimilipit ka na para lang makapasok samantalang meron namang dadating na maluwag na tren. yun nga lang malalate ka ng ilang oras. kaya naisip ko, hindi pala ganun kahalaga ang oras kung ang kapalit naman ng masasayang na sandali ay ginhawa ng yong pakiramdam. nakakatawa pala na may mga taong pilit sinisiksik ang sarili nila sa taong hindi naman sila kayang yakapin para hindi sila bumagsak. kaya ako di bale ng malate wag lang maipit. pangalawa-nakakadistruct pala kapag sisksikan tapos may katabi ka pang nag aalaga ng pet sa buhok. mawawalan ka ng concentration at kahit sobrang lakas mo pwede ka pa ring matumba. one time kasi yung katabi ko yung pet nya aliw na aliw mamasyal, kitang kita ko na naglalakad sya na para lang syang nasa luneta, kaya yun sa sobrang distruction hindi ko napaghandaan ang pagpreno. dahil dito nalaman ko na hindi lahat ng maliliit mahina. may angkin din silang kakaibang lakas. kaya simula noon tinigilan ko na ang pagbubully sa ofismate kong 4'11. pangatlo-nakakainis pala kapag punuan na at pawis na pawis na yung lahat tapos may bigla na lang maglalabas ng sama ng loob. nakakamatay pala ang ganung sitwasyon. naisip ko tuloy na may tama pala talagang oras kung kailan ka lang magpapaputok. lahat pala ng bagay may right timing. pang apat-badtrip pala kapag nagmamadali ka na tapos bigla kang maiiwan ng tren. yung mga tipong todo takbo ka na tapos hindi ka aabot. dahil dito kaya ako naniwala na totoo pala talagang nakakabadtrip kapag naiiwan. lalo na kapag sa tingin mo ginawa mo naman ang lahat. mga dramang tinimbang ka ngunit kulang. panglima-ito ang pinakagusto ko. mas maganda pala kapag bumibili ka ng stored value. kasi kapag boni to ayala lang ang byahe mo laging may matitirang piso at sa halagang ito pwede kang sumakay ng tren papunta sa pinakamalayong istasyon. dito ko lubos naisip na kung may pagkakataon kang maglakbay ng kalahati lang ang babayaran mo o wala pa nga sa kalahati, mas maganda kung sa pinakamalayo ka hihinto. parang mga broken hearted lang, kapag nasaktan ka tapos may chance ka na magmove on pilitin mong humakbang ng sobrang layo, yung tipong kahit noo mo hindi na makikita. at sabi nga ni eminem "if you had one chance, one opportunity to seize everything you wanted, would you capture it or let it slip?" dahil sa mga nadadampot ko sa mrt. tingin ko araw araw na talaga akong sasakay dito...malay mo bigla kong marealize na hindi pala lahat ng taong namimiss mo... NAMIMISS KA RIN Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
habaaaaa
![]()
souldagger24
•reply
Nov-5-09@11:37AM
summary ba?
basta merong isang member ng tcaf na tamad mag basa, natagpuang duguan at may lunoklunok na granada
langya ka! nilait mo n lahat ng pasahero pati ung ofismate mo dinamay mo pa? ![]()
souldagger24
•reply
Nov-5-09@11:35AM
hihi..
hayaan mo na yung ofismate ko. hindi naman marunong magtristan yun. hindi nya malalaman
bad ka. nyway, when i was studying in manila, lrt is my daily ride going to school, often i'll end up rubbing elbows with weird people. and if im getting lucky i'll end up seating with cute girls. ![]()
binsoy18
•reply
Nov-5-09@11:52AM
maybe.. there's one incident where the train was too crowded and what happened is i failed to make my out so i ended up in the next station and walked all the way back.
souldagger24
•reply
Nov-5-09@11:53AM
same here, but most of the times i ended up yelling with people who have been blocking my way
binsoy18
•reply
Nov-5-09@11:56AM
for a female like you i could just imagine what's going through your mind while trying to make your way out.
souldagger24
•reply
Nov-5-09@11:58AM
simple...
kailangan kong lunukin ang bato ni darna para maihagis ko yung mga taong bara ng bara
binsoy18
•reply
Nov-5-09@12:09PM
i've also experienced when there's no more space and you couldn't move. its like living in a sardine's can. i can even feel the air breath out of the guy behind me going through my neck, thats how close we were. and fuck! i felt something down there rubbing my ass. goddamit! silahis ata un!
Ang galing ng mga lessons na natutunan mo sa MRT, aggree ako diyan,sa pagmamahal talaga pag pinilit mong magsumiksik at kumapit sa kabila ng alam mong dapat ka ng lumayo at wala ka ng makapitan, darating ang panahon makakabitaw ka din, lahat pa naipusta mo na at wala ng natira sa yo. Pero maiba tayo babawan natin ang lesson, natutunan ko na pag sumiksik ka sa MRT, at babae ka, magugulat ka nalang, kung bakit ang mga kalalakihan diyan, pag nasa likuran mo, parang mga holdaper, laging may tinututok sa likuran mo, kaya sa mga babae wag ng sumiksik kung ayaw maholdap.
![]()
souldagger24
•reply
Nov-5-09@11:51AM
tama nga ako, ang makakaappreciate lang ng sinulat ko eh yung mga taong medyo problemado lalo na sa luvlife.
luvlife luvlife luvlife nga pla, oo nga yan pala yung pang anim: kapag sasakay ka ng mrt dapat lagi kang alerto. laging anjan ang posibilidad na manakawan, kaya kung ayaw mong manakawan, yakapin mo ang mga bagay na importante sayo.
aw..
hindi pa daw ako nakaranas sumakay ng MRT.. ![]()
souldagger24
•reply
Nov-5-09@11:55AM
itry mo sumakay ng mrt matutuwa ka sa mga amoy dun tapos magagalit ka sa mga nanunulak
Ibang holdap ang tinutukoy ko, yung mga holdaper na kinikiskis ang patalim na walang talim sa likuran ng kababaihan, yon ang dapat isa pang iwasan.
![]()
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:00PM
hihi..medyo sensored. kalimutan na lang nating nagkausap tayo ha?
tnx for reading this trash
I don't think my comment is a trash, bilang nakakatandang ina na mag babaeng anak, dapat lang na umiwas ang mga babae sa mga sitwasyong tunay na nangyayari sa MRT di ba? Yon lang ang point ko and I'm not refering sa nakawan sa MRT, so I clarified things. Ang sa akin ay malasakit sa kababaihan natin.
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:24PM
nyenye.
misinterpreted i actually like your comment... ang sabi ko po salamat sa pagbasa ng sinulat ko kahit na mukhang basura.sutil lang po ako pero sobra ang pag galang ko sa feeling ng iba. lalo na kapag mas matanda sa akin. salamat nay
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:29PM
sorry po talaga kung namisinterpret nyo yung sinabi ko sa taas.
![]() kailangan ko lang magpaliwanag ngayon kasi ayoko ng may nasasaktang ina..naiisip ko si mama. bigla ko lang namiss. sorry po ulit nay.hehe.. hirap pala maging mabait
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:33PM
inosente ako hindi ko sinasadya yun
bigla akong na sad naisip ko si mama kapag nag eemote. yoko ng may nasasaktang ina.pakain nyo na lang ako sa pating..oki lang
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:35PM
hindi na nagreply si nanay eemail ko na nga lang. di kasi ko mapakali.badtrip.
ANO NNMAN KALOKOHAN YAN
![]()
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:31PM
huli ko na nabasaha ang mensahe mo sa electronic mail ko.haha.at nagsend na rin ako.pakitikom ang bibig mo ha.at wag kang tatawa
SAMA NITO OH. ACO KYA 4'11 LANG. WLA TLGA SA AYOS. TSK.. ![]()
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:41PM
ikaw din 4'11...snow white and the two dwarfs pala ang drama ko...
Di pa masyadong nay, kalalaglag pa lang sa calendaryo, pero nay na nga rin
Actually maganda ang mga pino post mo, for all ages. ![]()
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:40PM
hai salamat nagreply ka na nay. sorry po talaga sa misunderstanding. nashock ako.
medyo nataranta din..nagsend pa ko ng email sainyo..yoko kasi may nalulungkot na nanay. salamat po ulit
CHANGDARA
•reply
Nov-5-09@12:42PM
DAPAT DI NYO NA PO NIREPLAYAN YAN.PRA DI MKATULOG NG ILANG LINGGO
SAYANG..
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:43PM
mas masama ka. hirap na hirap na nga akong magpakabait
![]() ![]() ![]() oist nuh pala kasalanan ko?
CHANGDARA
•reply
Nov-5-09@12:45PM
TINITIRA KITA NG HARAPAN PERO KO TINITIRA MO NG PATALIKOD. OK LNG PGHINALAAN MO KONG ACO SKA C ASARONG ADIIK AY IISA, WALA KONG PAKILAM DUN, PERO UN SBHIN MOAT PAGKALANDAKAN MO N MY KRAS ACO SAYO. PWEDE BA?
GRABE.. GUGUNAW N ATA TLGA MUNDO PG IKW NG-ICP..
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:47PM
ahahaha..affected ang loca. ang sabi ko feeling ko kras nyo akong lahat.ahahahaha..pangit ang wordings mo...
tinitira mo ako ng harapan, tinitira kita ng patalikod. parephrase.hehe
CHANGDARA
•reply
Nov-5-09@12:49PM
oo nga noh? ikaw mga KARUNUNGANG ITIM mo tlga. iba kc nsa icp momxado kang asuL. iniiba m un meaning. wla k tlga sa ayos. tsk
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:50PM
hindi ko iniiba yung meaning...masagwa lang basahin
nakapagbukas ka na ba ng mail mo? may det tret ka dun
geminier
•reply
Nov-5-09@12:46PM
oo nga nay.. naki nay na rin ako..
dapat sa baklang yan binibigyan ng leksyon para magtanda...
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:49PM
shut up pandak
oi ikaw ang testigo ko...ang sabi ko kahapon kras nyo ko lahat di ba di ba diba?
CHANGDARA
•reply
Nov-5-09@12:50PM
cnbi mo lng un un pngalawang reply mo sa mga aso mo . walang vavuyan besfren. wag gnun.
souldagger24
•reply
Nov-5-09@1:03PM
malapit lang isang sakay lang yun eh..nagawi na ako jan dati nung nagaapply ako ng sikyu
geminier
•reply
Nov-5-09@1:02PM
wala daw ako alam jan sa manila.. maliligaw ako jan pero dito hndi..
CHANGDARA
•reply
Nov-5-09@1:06PM
tga san kb bruha ger2? ah. trip ko kc mgaply. sa paranaque un location. nbbored nko mnghula. gusto ko ng real thing
souldagger24
•reply
Nov-5-09@1:08PM
hindi ko na alam kung sino ang kausap mo. jan sa pranaque alam ko meron jang mga bpo..nakalimutan ko yung company eh.basta lapit sa may casino filipino
souldagger24
•reply
Nov-5-09@1:12PM
bagong salta ka ba sa manila?
itour kita sa the fort sa ayala din sa technohub sa moa yan lang ang mga alam ko
souldagger24
•reply
Nov-5-09@1:18PM
hakhak..bayaran mo ang isang araw ko itotour kita.
halfday ako bukas. may interview ako ng hapon.wish me luck.hehe
souldagger24
•reply
Nov-5-09@1:23PM
kelan ba bday mo?sa ayala ang interview ko...
magkakalat na naman ako
souldagger24
•reply
Nov-5-09@12:55PM
hindi basta ang alam ko, lahat kayo may kras sa akin
paalam na.nagpaalam ako ha. hindi ako bastos kagaya nung dalawa jan yan ang sinabi ko..wala akong sinabi na ikaw lang ang my kras sa akin. para kang aning..kras mo siguro talaga ako
souldagger24
•reply
Nov-5-09@1:00PM
bat ka laging highblood? aha aha aha. alam ko na...
kain tayo ng chippy?
souldagger24
•reply
Nov-5-09@1:05PM
para kasing simula nung nagbakasyon ka hindi na bumalik yung dating magulong changdara
ayaw ko magcomment dun sa isang post. respect na lang sa lolo niya.
pero pero pero.. takte.. ang grammar parang income statement na hindi ko mabalance. ![]()
souldagger24
•reply
Nov-5-09@1:11PM
makasalanan.
hindi napupunta sa langit ang mga mapanglait. magcomment ka dun. icorrect mo
CHANGDARA
•reply
Nov-5-09@1:12PM
dun ka sa post nya mgcoment, wag mo xa tirain ng patalikod,wg mo gyahin c besfren soul. pambihira oh,
souldagger24
•reply
Nov-5-09@1:15PM
hindi kita tinitira ng patalikod(hirap irephrase, ganyan na lang)
joke lang yun joke lang joke lang but jokes are halfmeant
CHANGDARA
•reply
Nov-5-09@1:17PM
WALA ! maninira k lang tlga. sakit2 kya nun... tntra mo ng patalikod besfren mo . grabehh..
souldagger24
•reply
Nov-5-09@1:21PM
PATAWAAAAADDDDDDDDDDD..
o ayan may luhod effect pa yan. wag na magalit. malas sa araw yan
souldagger24
•reply
Nov-5-09@1:14PM
shoooooo dun ka magcomment...
lagyan mo ng red line lahat ng makita mong masakit sa mata. mapanglait
iparating mo n lng ang condolence mo sknya.
![]()
souldagger24
•reply
Nov-5-09@1:22PM
ganyan ka magalita kasi hindi mo pa alam ang feeling of loosing of some one
mapanglait
binsoy18
•reply
Nov-5-09@1:24PM
uu nga, baket ikaw ba pag nag loosing of some one ka gs2 mo nilalait ka?
tama. sa buhay/lablyp mas maganda talaga ang "stored value" kasi kapusin ka man, makakarating ka parin sa 'yong pupuntahan ng mura lang.
![]()
souldagger,
i hate you for this, hehe, joke ,, ![]()
souldagger24
•reply
Nov-5-09@4:36PM
hindi mo nanaman naintindihan.
mahaba yan...ayoko magtransalate. baka next pa ko matpos mag english
anonsenselove
•reply
Nov-5-09@4:41PM
yup..
haha. dont worry, no need to translate, hayaan mo nalang.
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77652)Arts & Entertainment(7997) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11237) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22951) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4241) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) dimasaway, haseyama08, aLoneGirL, anonsenselove, diewithme, 12111991, blony, krizes, loveu4ever915, rc_kun, ipaolo33, and 44 guests |