tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
No Entry: The Love Story of Heart and Cholesterol
posted by (Nov 04, 2009 @ 2:58AM) views: 193
Eto update na uli.

At least may naisisingit pa ako ket minsan. Hehe.

Eto past chapters.
Chapter 1: Ano pangalan mo?
Chapter 2: Rey Limbao
Chapter 3: Sinusundan mo ba ako?
Chapter 4: Absent si Sungit
Chapter 5: The Sweet Melody
Chapter 6: Ang Di Nagsaradong Sugat
Chapter 7: Sung-dalo to the rescue
Chapter 8: Ang cholesterol
Chapter 9: Kainan
Chapter 10: The First Smile
Chapter 11: Ang mga katanungan

Chapter 12 na.

--------------------------- ----------------------------

Chapter 12: The Puyat Chronicles (part 1)


Kape. Kape talaga ang bagay na inaasam-asam ni Lyn ng gisingin siya ng mama niya mula sa maikli niyang pagkakahimbing. Late na pala siya.

“Bebeng! Hala ka! Alasais imedya na! May klase ka pa ng alasiete!”gising ng mama ni Lyn sa kanya.

Wala pa ring galaw si Lyn. Malamang nasa kalawakan ang pinanggalingan ni Lyn kaya naglalakabay pa, isip ng mama niya. Nag-isip na lang ang mama niya ng strategy para gisingin si Lyn.

“Bebeng. Si Rey hinihintay ka sa baba.”hayag ng mama niya na nag-tunog seryoso.

Biglang tumayo si Lyn na parang naalimpungatan. “Sino? Si Rey nandiyan?”

“Victim! Hahaha! Caught in the act ka na bebeng! Wag ka ng magkakaila.”

“hah? Hah? Ano na nangyayari ma?” napatingin siya sa wall clock na tumitiktak sa may pader na walang pakialam sa paligid niya. 6:36 AM.

“Alas sais imedya na!? Late na ako! Ma bakit hindi mo ako ginising!?”tanong ni Lyn na walang malay.

“hay nako talaga bebeng! Magmadali ka na nga, magkakalahating oras na akong nanggigising sayo eh. Maligo ka na. Dali at kakain ka pa!”

Hindi naman kailangang gisingin si Lyn. Madalas ay nagigising na siya kaagad-agad unang tunog pa lang ng alarm clock. Nalate lang siya ng gising ngayon dahil napuyat siya kagabi.

Takte! Si rey kasi eh! Hindi ako pinatulog kagabi!.”pagkainis niya habang nagtatali na ng buhok na hindi magkaugaga sa kung ano ang uunahing gawin.

---------------------------
Kagabi...

Napuyat siya dahil hindi siya makatulog kagabi. Isip siya ng isip sa mga pangyayari ng gabing iyon kaya dilat na dilat ang mata niya. Ilang beses rin siyang bumaba sa bahay at uminom ng tubig, uminom ng gatas at uminom ng neozef kahit wala naman siyang sipon para lang antukin siya. Pero wala. Walang epekto kahit ano man gawin niya. Babalik at babalik din ang mata niyang dilat sa night light na parang diwata na naligaw sa gitna ng lagusang madilim.

Lumabas siya sa bahay niya at nagpasya magpahangin. Narinig niya ang tugtog na narinig niya nung isang araw. Yung tunog ng nakakainlab na instrument na galing sa kabilang bakod. Napansin niya na iba na ang tema ng kanta at nabuhayan siya ng loob kahit parang siya lang taong buhay sa oras na yon. Dala-dala niya pa rin ang sketchbook niya at gumawa ng eroplano.

Nakausap niya sa eroplano ang misteryosong tao na nagpapatugtog sa kabilang bakod. Natutuwa siya kasi sumagot ito sa binato niyang eroplano. At ang ganda pala ng handwriting. Dahil nandun na siya, nagrequest na lang siya ng kanta hanggang sa magreply uli ang lalake na madaling araw na pala masyado. Dun lang naalala ni Lyn na masyado na pala siyang nanatiling gising. Tapos umuwi na siya. Pagkarating niya ay ang linaw linaw ng utak niya na parang kalmadong tubig na hindi matinag sa pagkatahimik. Nakahimbing siya dahil sa tugtog na nagpakalma sa kanya. Masarap na sana ang panaginip niya dahil dun, 100 siya sa test sa logarithms. Ang saya na sana niya ng narinig niya ang boses ng nanay niya.

-------------------------------

….rey..hinihintay..baba”ri nig ni Lyn na parang lamok na nawawala agad sa panrinig. Nagising siya sa pagkarinig ng pangalan ni Rey.

At ayun na nga. Si Lyn ngayon ay tumatakbo na sa hagdan na parang batang magfifieldtrip, ang problema, late na siya. Kape lang ang kailangan niya, hindi na siya kakain.

Sa sobrang pagmamadali niya, puro powder na lang ng kape ang nalagay na at walang ng creamer at asukal. Black coffee kumbaga. Ininom niya itong nagmamadali at nagpaalam na sa magulang.

Paglabas niya ng bahay ay nanlulumo na ang katawan niya. Hindi umepekto ang kape. Puno pa rin siya ng antok. Habang naghihintay siya ng dyip, ilang beses siyang napapikit at nalagpasan ang maluwag na dyip. Nang makabalik siya sa kamalayan ay agad siyang pumara ng syip na halatang masikip na sa likod.

Umagang-umaga pa ah! Bat andaming tao ngayon? Ngayon, san na ako sasakay?

Sumakay siya sa harap ng dyip dahil wala siyang masakyan sa likod. Pagpasok niya ay may kasabay naman din niya halos na sumakay din sa harap. Hindi naman napansin ni Lyn kung sino ang tao o kung may tao ba dahil sa sobrang pagkaantok niya. Magbabayad na sana siya ng pamasahe sa dyip ng di niya mamalayan na nakatulog na siya ng walang kamalay-malay.

----------------------------------- ----
Santos High...

Maya-maya ay nahalata niya na may nagalaw sa ulo niya at nakita na niya ang Santos High na nakatigil na ang dyip.

“Neng. Gising ka na. Nandito ka na sa bababaan mo.”sabi ng dryber na kinakalabit si Lyn sa pagkatulog nito.

“Ay.. Ayy”hindi makapagsalita ng hindi pa orientadong si Lyn. Mga ilang segundo pa ay namalayan na niya ang paligid. “Ay, oo nga po. Pasensya na po, napuyat po kasi ako sa project.”sabi ni Lyn na nagpapalusot. “Ay manong. Bayad ko nga po pala.”sabay kapa sa coin purse niya na wala pala dun sa bulsa niya.

Naiwan ko sa bahay!? Patay! Hala, kakamadali ko kasi eh! Pano na to. Kailangan ko ng himala! Wala akong pambayad sa dyip. Nakakahiya!

“Ano kamo iha? Bayad?”tanong nung dryaber. “Wala ka ng babayaran, binayaran na nung nobyo mo kanina na katabi mo. Iniwan ka na nga eh. Nag-away ba kayo nun? Ay sige bumaba ka na. May pasahero pa ako.”

Bumaba si Lyn ng gulo ang utak. Napatigil muna siya sa may sidewalk habang nag-iisip sa sinabi nung manong drayber. “Nobyo? Ano sinasabi nun? Wala naman ako kasama kanina ah. Wala namang nagbabayad ng pamasahe ko.”tapos naalala ni Lyn na tulog pala siya sa dyip. “Unless? Ay. Hindi ko nahalata, may tao pala dun. Sino kaya yun? Ay ewan, basta ang mahalaga nakababa na ako. Nakalibre ako ngayon ah! Hahaha!”tapos natingin siya sa electronic watch niya. 7:14 AM. “Ay shemay. Late na pala talaga ako. Makapasok na nga.”sabay harorot sa gitna ng daan at tumawid tungo sa school niya.

Nakarating na si Lyn sa classroom niya. Nadatnan niya na nagsisimula na ang klase sa Physics at mukhang may naisulat na si sir sa board. Napatingin naman ang buong klase ng makita si Lyn sa may pinto na parang batang hapong-hapo sa maghapong paglalaro.

“Oh? Ms. Guevarra. Bakit ngayon ka lang dumating? Late ka na.”pahayag ni Sir Ilagan kay Lyn na hapo pa rin.

“Sir. Sorry po. Ahm-Ah-ahm ano po. Napuyat lang po ako kagabi. Pasensya na po talaga.”pagpapaumanhin ni Lyn.

“hay nako Lyn. Sana huli na iyan. Take your seat.”utos ni sir at umupo naman si Lyn na parang asong sumunod sa utos ng amo. Kinakabahan si Lyn. Nahihiya siya sa pagkalate niya.

Napatingin naman si Mary sa kanya at nagtinginan sila. Sa mata ni Mary nagtatanong siya, “Bakit ka nalate? Ano nangyari?

Sumagot naman si Lyn ng tingin. “Basta.

Sumagot naman si Mary sa mata uli. “Kwento mo na lang mamaya.”tapos tumingin na sa sinasabi ni Sir Ilagan.

Napansin naman ni Lyn na ang katabi niya na si Rey ay hindi nakasungit ngayon. Ganun pa rin ang posisyon niya pero wala ang busangot. Ibang-iba talaga siya pag nakasimangot at naka-NR. Nadadala si Lyn sa kakatingin sa kanya kaya hindi niya napapansin na may sinasabi si sir.

“Class. Let’s start our Long Quiz. Tandaan niyo ah. Ang walang compass ay hindi pwedeng makapagexam. Ilang beses ko ng pinaalala yan.”pahayag ni Mr. Ilagan na hinahanda na ang mga test paper sa Calculus.

Narinig iyon ni Lyn. “Shet. Wala akong protactor. Patay! Paano ako makakapagexam nito? Ang malas naman ng araw na ito. Lord, kailangan ko talaga ng himala!”pakiusap ni Lyn sa Diyos na sinusuyod na ang buong paligid para makakita ng protactor na nakakalat. Wala.

“Class, before I give the exam. Raise ang kamay ng mga walang protactor. Dun muna kayo sa library. Kailangan niyo sumunod sa mga rules ko, kakailanganin niyo yan na training sa college.”

Kinakabahan na talaga si Lyn. Walang nagtataas ng kamay sa mga kaklase niya. “Lagot na ako. Nakakahiya na talaga! Bakit ba ganito? Wahhhhhhhhhhhhh!

Itataas na sana niya ang kamay niya ng may marinig siyang mahinang kalansing sa sahig. Tinignan niya ito at may nakita siyang nahulog! Napatingin siya sa pinanggalingan nito at nakita niya na nanggaling ito sa table ni Rey. May nahulog na compass.

Yumuko siya para kuhain ito pero habang dinadampot niya pa ang compass ay narinig niya ang buo pero mahinang boses ni Rey.

“Sir. Wala po akong protactor.”sabi ni Rey at walang ano-ano ay tumayo sa table at lumabas na sa classroom.

Nagulat si Lyn. “Baliw ba yung lalaking yun? Nahulog niya kaya compass niya! O kaya?”isip ni Lyn na nagtataka. “Pinagbigyan niya lang ako? Shet, nakakakonsensiya naman to. Gagamitin ko ba ito o hindi? Ano ba trip nun ni Rey at bigla na lang naghuhulog ng compass?”pagdidilemma niya dahil nahihiya siyang gumamit ng gamit na hindi sa kanya.

“Si Mr. Limbao lang ang walang compass? Walang gustong dumagdag? Wag niyong akalain na hindi ko kayo ichecheck isa-isa. Malalaman ko kung meron o wala kayong compass. Now, sino pang walang compass dito?”

May mga sampong estudyante ang tumayo kasama si Manny, Arthur, Ana at Raffy at iba pang kaklase ni Lyn.

“Class, lesson para sa inyo yan ah. Kung ano ang instruction ko susundin niyo. Kung gusto niyong magsurvive sa college, kailangan matuto kayong sumunod ng panuto. Okay, get one and pass.”pangaral ni Mr. Ilagan at binigay ang papel sa bawat row.

Parang ang sama ko naman. Kainis naman kasi tong si Rey eh! Masyadong pa-bayani! Martyr masyado.”pagkainis ni Lyn na nakokonsensiya pa rin habang sinosolve kung ano ang radius sa number 1. “Pero infairness. Ang sweet niya ah.”kinikilig na pag-iisip ni Lyn habang nagdrodrowing ng circle gamit ang compass na galing kay Rey.

--------------------------- -----------------------------------


Ayan natapos ko na.

Maikli ba? Parang kulang sa akin eh.

Nagmamadali lang ako kasi ngayon eh.

Salamat sa pagbabasa ng kakaunti kong effort.

Salamat ng marami.
: n o t w o r t h y : 

Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
para kay jean26
older post:
Si Rodel At Ang Aking Pangarap [7]

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
perfectworld    •reply Nov 4, 2009 @ 4:36 AM
 
ikli naman... tsaka d man lng nag-usap sila Rey at Lyn... pero : b l u s h :  : b l u s h :  : b l u s h : 
uttt... c rey may pa ganun-ganun pang nlalaman : k i s s : 
inangsollano08    •reply Nov 4, 2009 @ 11:41 AM
 
nakakabitin naman..,.,.,. : x 

pero ok lang yan

nag-enjoy naman ako sa istorya mo.,..,.,. : n a u g h t y : 
khei_eidha    •reply Nov 4, 2009 @ 3:51 PM
 
: l u v : 
littlemsfrustration    •reply Nov 4, 2009 @ 6:20 PM
 
i heart this. super : ) 
  bukaykay    •reply    Nov-4-09@9:16PM
Naks. Salamat.
  littlemsfrustration    •reply    Nov-4-09@9:25PM
update! haha! : D 
  bukaykay    •reply    Nov-4-09@11:06PM
Wala pa eh.

naka 24 hour cycle pa.

Saka ginagawa ko pa yung 13. Simulan ko na nga.
  littlemsfrustration    •reply    Nov-5-09@7:57AM
hahaha! okaai! : )  we'll just wait. goodluck!
kaezy    •reply Nov 4, 2009 @ 6:53 PM
 
: b l u s h :  : b l u s h :  pasimple si rey eh..hahaha : n a u g h t y : 
jewel_emerald    •reply Nov 4, 2009 @ 9:13 PM
 
wah!!kapagod ah...bnasa q mula chapter 1 hanggang d2..sa wakas natapos q din basahin hnggang d2!!masasab q lhng ang ganda tlaga!! : c h e e r :  : c h e e r :  : c h e e r :  : c h e e r :  : c h e e r :  : l u v :  : l u v :  : l u v :  : l u v :  : l u v : 
  bukaykay    •reply    Nov-4-09@9:17PM
Salamat! Salamat! : n o t w o r t h y :  : b o w : 
joyah03    •reply Nov 5, 2009 @ 1:13 AM
 
Next na po otor...hehehe!
tonguetied    •reply Nov 10, 2009 @ 12:02 AM
 
ang cute naman.super sweet.hihi : ) 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
para kay jean26
older post:
Si Rodel At Ang Aking Pangarap [7]
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Being a surgeon is easy. Just remember to cut, close and suture. But sometimes, you'll encounter a cut that is difficult to heal. Just like love. You can always cut but closure and suturing don't always follow. Thus, causing continuous bleeding.

--Grey's Anatomy

You need to be logged in to Facebook