tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Tristancafe Halo-Halo
Ang AROGANTENG GWARDIYA ng GREENHILLS COURT CONDO
posted by (Nov 03, 2009 @ 5:30PM) views: 207
ANG GWARDIYA NG GREENHILLS COURT CONDO sa ANNAPOLIS GREENHILLS
October 6, 2009 bago mag alas onse ng gabi ay naisipan kong magpunta sa Ton Ton Massage para sana magpa foot massage. Medyo marami pa ding tao sa may Annapolis St. kaya wala akong maparadahan. Nagbakasakali akong magparada sa tapat mismo ng Greenhills Court Condo kaya lang ay may isang espasyong bakante na naka reserve pala sa nail shop na located din doon. Hindi pa ako bumaba ng sasakyan at nag-intay intay pa din ako. Hinahanap ko sana yung gwardiya ng building para sana matanong kung saan ako pwede pang magparada na di naman kalayuan sa building. Napuna ko lang na nandun pala siya naka pwesto sa mismong “security desk” niya at may kausap sa telepono. Mga 25 mins din akong nagintay at sa loob ng pagiintay na yun eh pinapanood ko lang yung gwardiya habang nakikipagusap sa telepono. Lumabas ang isang staff ng tonton para sabihin na wala na ngang parking. Bumaba na din ako para sabihin na lang na magiintay na din lang ako hanggang may mabakante kasi nga di ko matanong yung gwardiya kasi nga eh nasa telepono. Nagpapaalam na ako sa staff ng tonton nang biglang lumapit yung gwardiya at nagtaas ng boses at sinabing ‘wala kang pakialam kung matagal ako sa telepono – wala nang parking at wala kang pakialam sa pagtetelepono ko!!” May kagaspangan ang gwardiya ng Greenhills Court Condo!!! Tinitingnan ko sana ang name plate niya at kung anong security agency siya – kaso eh patuloy ang pagtataas niya ng boses kaya umalis na din lang ako ng tuluyan dahil sa LABIS NA KAGASPANGAN NG PAGUUGALI NG GWARDIYA NILA. Mahirap makipagtalo pa o makipag paliwanagan kung ganyang uri naman ang makakausap mo. Mahirap nang
Ewan ko naman kung bakit ganon ang asta ng gwardiyang yun. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang pangalan niya. Sinubukan kong tawagan ng ilang ulit ang tonton massage at ang sabi ng nakasagot ay hindi nila maaaring ibigay ang pangalan ng security guard pati ang security agency dahil ayaw nilang madamay. Madamay saan? Tinatanong ko lang para matawagan ang mismong ahensya ng gwardiyang yan para kahit papaano eh masabihan sa kanyang asta. Isa ding napuna ko sa bihis ng “magaspang na gwardiya” ng Greenhills Court Condo ay ang hindi niya ay ang hindi pagkakasara ng “upper three buttons” ng uniform niya.
Nakasaad ba sa security handbook nila ang pagtataglay ng kagandahang asal? Nakasaad din kaya sa handbook na dapat ay presentable ang bihis ng gwardiya nila? Nakasaad din ba sa security handbook ang pagbabawal ng pagtetelebabad?
NAGTATANONG LANG…………………

Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
newbie!
older post:
baket?

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
binsoy18    •reply Nov 4, 2009 @ 9:44 AM
 
you should report it to his agency. maybe you sounded so rude that hurt the guard's ego causing him to confront you.
frann17    •reply Nov 4, 2009 @ 3:01 PM
 
ayy grabe naman yun si manong gardo kala mo naman kung sino...

balikan mo na lang dun tapos tanungin mo ang name nya..

ganon kasi ang ginawa ko mejo magkaiba nga lang ang nangyari satin
watchful_eye    •reply Nov 4, 2009 @ 3:23 PM
 
hi binsoy. actually, i don't think i was rude... in the first place i was talking with the staff of the foot massage place telling her that i cannot ask the guard where to park because he (the guard) was on phone. That was the time when the guard said "wala kang pakialam sa pagtetelepono ko". The tonton staff and even the owner of tonton apologized saying that that guard was really arrogant.

I tried calling tonton massage to get the name of the guard and the agency - ang sabi lang nila eh "ayaw naming madamay dahil matapang yang guard na yan".

there are times kasi na talagang may matatapang and should i say na mayayabang na guards... lalo na kung may baril na hawak.

frann -yup babalikan ko pa din yun. para lang medyo maliwanagan kasi mahirap na baka ang akala niya eh kung sino na siya
  frann17    •reply    Nov-4-09@3:30PM
tama yan..
may mali din naman dun sa tonton massage.. alam na pala nilang arrogant yun guard ehh tapos tinotolerate pa nila : x 
  binsoy18    •reply    Nov-4-09@4:18PM
i see, then you need to get his name and agency, and its weird why would the staff be scared of the guard? like they're protecting him of some sort. anyway, one ground you can use against him is the phone usage. if it wasn't an official duty call then you can use that against him and you could also address the rude treatment that you got from him. that is BS if he can do that to a customer what more for the employee's of that establishment.
freedertjosh    •reply Nov 4, 2009 @ 5:30 PM
 
Many of the guards have no GMRC : n o t w o r t h y : 
SNiPeR303    •reply Nov 7, 2009 @ 6:59 PM
 
isumbong mo sa bitag, imbestigador, xXx. at kung saan saan pa..

mdmi tlgang gnyang gwardya..
Free2BEMe    •reply Nov 9, 2009 @ 2:45 PM
 
Grabe naman yang guard na yan. ibang klase din sa kayabangan. buti na din na hindi ka na nakipagtalo.. kasi yung pinsan ko years ago sa Veteran's Hospital eh binaril ng gwardiya ng dahil lang sa carpass. Palabas na yung pinsan ko sa veterans hospital then hindi niya makita yung carpass niya. so nag present siya ng ID - yun pala eh napasiksik yung carpass sa dashboard niya... so nakita nung guard. sumigaw na yung guard saying "gago ka pala eh nandun lang sa dashboard mo" ayun nagumpisa ang argument then one thing lead to another.. my cousin ended up shot and dead. Yung security guard was charged and tried in court. finally after years of waiting eh nakakulong na din ang gagong guard.
  supremo    •reply    Nov-17-09@6:28AM
kaya tama lang na pwede mag armas ang sibilyan dahil na rin sa ugali ng mga armado na yan.. para match ang laban me baril sya me baril ka rin.. : t a m a : 
littlemsfrustration    •reply Nov 9, 2009 @ 2:48 PM
 
ako din lagi may nakakaaway na guard. hahahah! XD

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
newbie!
older post:
baket?
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Who do you turn to when the only person
in the world that can stop you from crying,
is exactly the one making you cry?

You need to be logged in to Facebook