tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
No Entry: The Love Story of Heart and Cholesterol
posted by (Oct 31, 2009 @ 11:40PM) views: 190
Update na naman.

Dalang na masyado ng updates ko.

Dami kasi masyadong kaekekan ang senior eh. Medyo nagigipit lang. Buti naisingit ko tong chapter na to.

Dun sa mga naguguluhan kung bakit nawawala sakit ni Rey. May dahilan yun, wag kayong mag-alala.

Sabihin niyo kung panget storya ko ah. Para mapapalitan ko na nung panibago kong storya. Tinatrayouts ko lang naman lahat ng storya ko para sa approval ng readers.

Pero kung mabsa mo to. Salamat.

Anyways, to na pala yung past chapters.

Chapter 1: Ano pangalan mo?
Chapter 2: Rey Limbao
Chapter 3: Sinusundan mo ba ako?
Chapter 4: Absent si Sungit
Chapter 5: The Sweet Melody
Chapter 6: Ang Di Nagsaradong Sugat
Chapter 7: Sung-dalo to the rescue
Chapter 8: Ang cholesterol
Chapter 9: Kainan
Chapter 10: The First Smile

To na chapter 11.

--------------------------- ----------------------------------- -----


Chapter 11: Ang mga katanungan

Sakto na pagkatapos magkausap nila Rey at Lyn ay lumabas na rin ang kanilang magulang na napagod na rin magchika. Nadatnan sila ni Ruby sa may hagdan na nakaupo na magkatabi at walang sinasabi.

“Aisus kayong dalawang bata kayo oh. Ngayon pa niyo kasi naisipang mag-usap kung kalian pauwi na tayo.”sabay ngiting pagnutya at tumingin kay jen na katabi niya.

“Oo nga naman bebeng. Naabala pa ata naming kayo.”tapos smug at tawanan silang dalawa ng mama ni Rey.

Napatingin naman si Lyn na may mukha ng inis. “Ma! Manahimik ka nga. Kalokohan mo talaga oh. Sige na nga Rey, uwi na kayo. Gabi na rin oh. Kita kits na lang sa school bukas.”sabi niya kay Rey.

“Ahm. Sige.”mahinang saghot ni Rey na balik hiya na naman. Umamba na siyang aalis.

“Oo nga Rey anak. Gabi na, bukas na lang kayo magkita ni Lyn.”tapos bumaling kay Jen. “Eh pano ba mare. Mauna na kami. Goodnight.”

“Ay sige mare. Ingat sa daan ah. Magandang gabi.”sabay kaway sa kanila na papaalis na.

Nung nakalayo na sila Rey at Ruby, kinausap ni Lyn ang mama niya. “kaw talaga Ma. Puro ka talaga kalokohan. Sa harap pa talaga ni Rey ah? Pasaway ka talagang ina. Goodnight na nga.”tapos humalik sa mama niya.

“Hahaha! Bebeng talaga. Eh kung di ko pa kayo ginulo di ka pa lalayo sa inuupuan niya. Goodnight din bebeng.”pang-aasar niya at humalik din kay Lyn. Umakyat na si Lyn sa kwarto niya at inayos na ang kanyang mga gamit para sa school bukas.

Subalit hindi niya maiayos ang pagsasalansan niya ng libro sa bag niya dahil parang rugby na nakadikit sa utak niya ang mukha ni Rey.

Grabe. Bakit biglang nagbago ugali nun? Hindi naman pala siya ganong.. ka-sungit. Naguguluhan talaga ako sa kanya.”pagtataka ni Lyn habang hinahanap ang KAWIL book niya na kung sansan na napunta.

Shet. Ang gwapo gwapo pala nung lalakeng yun.”tapos matutulala na naman si Lyn sa sahigan. Nagugulantang siya sa sarili niya kasi hindi naman siya ganito mag-isip. Sinampal niya ang sarili niya. “Lyn! Wag mong sabihing inlab ka dun sa sungit na yun?

Gusto niyang pilitin na hindi isipin si Rey. Ayaw niyang isipin na pwedeng mahalin niya si sungit kahit di pa niya ito ganong kilala. Ngunit gano mang pagtatapon ng mga imahe ni Rey sa isip niya, ayaw pa rin matanggal ang nakaglueng ngiti ni Rey sa utak niya. Nagsimula na siyang humiga at matulog at nasabik sa darating na kinabukasan sa hindi niya alam na kadahilanan.

--------------------------------
Pauwi sila Rey...

Papalakad na si Rey at ang mama niya pauwi sa bahay nila galing sa bahay nila Lyn. Parang bulag si Rey na nakatingin sa baba na ang isip ay nasa kalawakan kaya ilang beses siyang nabangga sa mga nakaparadang sasakyan ay nakatirik na poste. Tinignan naman siya ni Ruby na nagtataka sa kilos ng anak.

“Anak? Ayos ka lang ba? Nakakailang poste ng meralco na rin ang nababangga mo.”hayag ni Ruby na bumagal ng unti sa paglalakad.

Wala narinig si Rey at nakatutok na sa isang batong sinisipa-sipa niya habang naglalakad.

“Rey!”tawag ng mama niya.

“Ay ma.. Pasensya na. Ano po yun?”sagot ni Rey na parang nagising sa pagkakatulog.

“Are you fine anak? Balisa ka ata.”

“ah. Wala ma. Uhm, about dun sa sinabi mo kanina? I’ve thought about it—“

“Wag mo na alalahanin yun anak. Okay na ako sa kung ano desisyon mo. I just want to ask you something.”sabi ni Ruby na tumigil para bumwelo. Nagpatuloy siya, “Didn’t you feel anything back there when you were with her?”

Napatigil si Rey. Napaisip siya bigla ng may kagulatan. “Oo nga noh. I didn’t feel anything? Hindi ko napansin.. Ano, bigla na lang nawala?” tapos sumagot sa tanong ng mama niya. “I don’t know mommy. A—ano nangyari sa akin?”

“Talaga? Wala kang naramdaman? “tanong ni Ruby na napatigil ng tumigil si Rey.

Nakahawak si Rey sa kaliwa niyang dibdib. Nasa mukha niya ang mukha ng pagkagulat. “Wala akong naramdaman?”paulit-ulit niyang tanong sa sarili niya. Tapos may nadagdag pa sa isip niya, “Pano nangyari yun?

“Rey. Are you sure you are not feeling anything?”tanong niya nang malapit na sila sa bahay habang nakatingin sa anak niya na balisa pa rin na naglalakad.

“I’m sure ma. It—disappeared. Ma, naguguluhan ako.”sabi ni rey sa mama niya.

“Do you want to have a checkup sa doctor? I’ll appoint you kung kailan mo gusto.”alok ni Ruby na nakarating na sa loob ng bahay. Kasunod naman si Rey sa likod.

Hindi nakasagot si Rey at dumeretso na lang sa kwarto niya.

God loves you anak. I’m sorry again.”pahabol ni Ruby sa kanyang utak ng papaakyat na si Rey.

----------------------
Sa kwarto ni Rey...

Kinuha ni Rey ang sipilyo niya at naglinis ng ipin. Dalawa ang tanong na dumadaloy sa utak niya ngayon. Kung bakit nawala ang sakit na naramdaman niya. At kung ano ang ginagawa ni Lyn ngayon.

Kanina habang naglalakad. Walang ibang nasa isip niya kundi si Lyn na nakalinta sa lahat ng pakiramdam niya. Lahat ng tunog na marinig niya ay boses ni Lyn, lahat ng makita niya ay parang mata ni Lyn na nakatitig sa mata niya. Pati ang sakit niya ay nakalimutan na niya dahil sa kakaisip sa babaeng dapat ay nagdulot na ng atake sa kanya ngayon.

Nahalata lang niya ang pagkawala ng sakit na iyon ng mapuna ng mommy niya. Nagulat siya dahil sa tagal ba naman niyang nandun katabi ni Lyn ay hindi man lang siya nakaramdam ng kung anong kiliti o kirot sa dibdib niya na malamang ay inatake na siya marinig niya lang ang tinig ni Lyn. Pero wala. Wala ni isa.

Ganun na lang ba yun Rey? Babalik ka na naman sa pagsubok na magmahal? Ano papatayin mo ang sarili mo? Pero—Pero, hindi ko na alam! Ano na gagawin ko!? Pinagbigyan na ako ni mommy, pero isipin ko pa rin ang sarili ko. Peste naman kasi tong sakit na to eh!”gulong gulo na pag-iisip ni Rey na hindi maintindihan ang mga pangyayari.

Siguro nga ay kailangan ko nang mag-pa check up. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin. Hindi ko na alam.”pag-isip niya habang nakatingin sa kisame habang nakahiga sa kama niya pagkatapos niyang magsipilyo. Dahil dun, tinanggal na niya sa isip niya ang pagtataka kung bakit hindi siya nakaramdam ng sakit. Bumalik na naman sa isip niya si Lyn.

Saya naman.”Pagkatapos ng isang taon, ngayon na lang uli siya nakaramdam ng saya. Ngumiti siyang mag-isa. “Ibang klase talaga siya. Napabalik niya ang ngiti na nawala na sa akin. She is so damn beautiful. Wahh! Rey! Mabbaaliw ka nan. Matulog ka na!

Matutulog na dapat siya. Tinakpan niya ng kumot ang sarili at sinubukang ilubog sa unan ang lahat ng alaala ng gabing ito. Pinikit niya ang mata niya. Mga ilang minuto din niyang subukang ipikit ang mata niya. Pero walang nakapagpatulog sa kanya.

Mga ilang oras na ang nakaraan. Maka-sandaang beses na siyang paikot ikot sa kama at patagilid tagilid. Kahit ilang pikit ay walang magawa. Kahit anong dilim ng kwarto niya, liwanag pa rin ang nakikita niya, pikit man o dilat. Ang liwanag ng mga titig ni Lyn ang pumapaligid sa lahat ng patunguhan ng mata ni Rey.

Mga alas tres na nun ng napagpasyahan ni Rey na tumayo. Buhay na buhay pa rin ang diwa niya kahit medaling araw na. Dahil di siya makatulog, hinugot na lang niya uli ang saxophone at nagpasyang tumambay muna sa Eden para magpalamig at magpaantok. Eto rin ang dati na niyang nakasanayan nung hindi pa niya natutuklasan ang sakit niya. Sa pag tuwing siya ay hindi makatulog sa kakaisip, pumupunta siya sa Eden at nagpapatugtog para dalawin siya ng antok.

Lumabas siya sa bahay niya ng tahimik. Kinandado niya ang gate ng tahimik para di makabulabog sa mga kapit bahay.

Nakarating siya sa Eden, tinungo niya ang lihim na lagusan na siya na lng ang nakakaalam sa buong mundo. Hindi na niya binuksan ang ilaw sa hardin dahil sa paningin niya ay puro liwanag na ang nakikita niya. Hinigop niya muna ang hangin ng Eden at nag-isip.

Pasensya na ah. Matagal ko kayong hindi nadalaw dati. Hindi ko lang talaga kinaya ang mga nakraang nagdaan eh. Sige, patutugtugan ko na lang kayo ngayon. Yung huli ko kasing tugtog dito malungkot eh. Ewan ko ba, ngayon biglang nawala. Nakakapagtaka nga eh. Siguro naging daan na rin para makarating uli ako dito. Namiss ko kayo ah.”sabay tingin sa mga bulaklak na bumubulusak pa rin. “Para matulungan niyo na rin ako mag-isip.

Tumayo uli siya sa plataporma. Nagsimula na naman siyang umihip ng mga notang napakatamis. Tila nagsasayawan ang mga puti at pulang mga bulaklak ng Eden sa bawat sugway ng mga nota na nanggaling sa intrumentong gamay na gamay ni Rey.

Lumuha na naman si Rey. Pero hindi luha ng lungkot, kundi luha ng saya. Hindi lang talaga siya makapaniwala sa mga nangyari ngayong gabi. Ang kaduda-dudang pagkawala ng nararamdamn niyang sakit. Ang malagkit na titig ni Lyn. Hindi niya makakalimutan ang gabing ito.

Natapos siyang tumugtog dahil may dumapo na naman na eroplano sa paanan niya. Binuksan niya ito at binasa ang nakasulat.

Nakakabitin naman!
Isa pa.
Hindi ako makatulog ngayon eh.


Nagtaka naman si Rey kung sino iyon at tinangka sana tignan kung sino ang nasa kabilang bakod. Pero napagdesisyunan na lang niya na tumugtog pa. Pero bago siya uli tumugtog ng panibagong tunog, kumuha siya ng ballpen na nasa bulsa niya at sumulat din.

May tao pala diyan.
Hindi rin kasi ako makatulog eh.
Samahan mo muna ako ah?
”sulat ni Rey.

Binato niya ang eroplano sa kabilang bakod at nag-isip ng magandang tugtog na ialay. Pero bago niya pa maitugtog ay may naglanding na naman na eroplano galing sa kabilang bakod.

Sige ba.
Magdamayan na lang ang mga walang tulog.
Sige, bilis! T
ugtog ka na!
”sabi sa sulat.

Napangiti naman si Rey dito. Inalala niya ang isa sa mga pinaka magandang tugtog sa saxophone na natutunan niya sa pakikinig kay Kenny G.

Umihip na naman siya ng hangin at tumugtog ng isang napakadulas na melodiya na parang sibat kung tumagos sa puso. Ang tunog ay napakamalambing na kahit ang asong ulol ay mapapa-amo kung marinig ang tono. Binigay niya ang lahat ng kaya niyang ilabas. Namiss niya rin ang maging tao. Ang maging normal na tao sa pamamagitan ng mga ganitong maliliit na bagay na ilang taon niya ring hindi nagawa.

At ang mas lalo niyang namiss ay ang kaalaman na may taong nakikinig sa kanya. Nabuhay siyang mag-isa sa loob ng isang taon. Sapat na iyon para sayangin ang mga magagandang alaala na dapat ay naani niya. Gusto niyang maging tao uli. Gusto niyang maging normal. At sa kanyang palagay, unti-unti na itong pinagbibigyan ng Diyos.

Natapos na naman ang tinugtog niya. Mga ilang segundo pa ay may dumapo na naman na eroplano sa may paanan niya.

Ibang klase ka ah.
Ang galing naman ng mga pinapatugtog mo.
Balak mo atang sayangin yan sa pagtatago mo diyan sa lungga mo. : ) 


Nagsulat si Rey. “Buti naman nagustuhan mo.
Wala lang, Masaya kasi ako ngayon.
Napakasaya.


Binato niya muli ang eroplano. Maya-maya lumipad na naman pabalik ang eroplano.

Nako, parehas pala tayo.
Ang saya ko rin ngayon.
Parehas din pala tayong hindi makatulog sa saya.
Tama ba?
Hahaha!


Kaya nga eh. 
Salamat sa pakikinig ah.
Matagal ding walang nakikinig sa akin.



Sus wala iyon.
Kung ganyan ka ba naman lagi magpatugtog,
ako lagi ang fan mo.


Salamat naman.
Ui, madaling araw na.
Wala ka bang plano matulog?


Sa huling pagkakataon, bumalik uli ang eroplanong papel.

Oo nga no.
May pasok pa ako.
Pano ba yan.
Salamat sa gabi ah.
Sana maabutan pa kita dito sa susunod.
Sige, goodnight Mr. Melody. Makatulog ka na rin sana. 
”sabi sa huling eroplano.

Pagkabasa ni rey ay may nanaig na pag-iisip sa kanya na mas mabuti kung mas mapapasalamatan niya ang misteryosong nagpapalipad ng sulat galing sa kabilang bakod. Dali-dalian siyang tumakbo papalabas sa Eden.

Subalit wala ng tao dun paglabas niya.
--------------------------- ---------------------


Ayun. natapos na rin.

Sabihin lang kung wala ng kwenta yung storya ah.

Nasingit ko lang kasi tong isang to eh.

Anyways, salamat sa pagtiyatiyaga sa kakaunti kong effort.

Salamat ng marami.
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Novel.?>
older post:
AVON - by kara_krus

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
perfectworld    •reply Nov 1, 2009 @ 12:19 AM
 
waaa bat kc di pa naabutan : x 
lonely_carlisle    •reply Nov 1, 2009 @ 1:22 PM
 
ang tagal kong hinintay to!
hehe
update na ulit!
: g r i n : 
  inkwayrer    •reply    Nov-2-09@2:43AM
Naks. Hinihintay niyo pala yung storya.

Salamat! : n o t w o r t h y : 
littlemsfrustration    •reply Nov 1, 2009 @ 10:16 PM
 
anu ba. tagal tagal ko kayang hinintay update mo! wag mong palitan!!! XD HAHAHA!
  inkwayrer    •reply    Nov-2-09@2:43AM
Nyay. Nagbabasa ka pala nito.

Silent reader. Ngayon lang kita nakita nagcomment eh.

Hehe.

Salamat sa pagbabasa!
joyah03    •reply Nov 2, 2009 @ 10:23 PM
 
Thanks po otor! Ngayon lang ako nagcomment kasi binasa ko pa simula Tsapter 1 matagal na kasi ako di bumisita dito sa tcaf eh madalas puro facebook hehe! Next na po...tc!
macqueen042006    •reply Nov 3, 2009 @ 10:14 AM
 
Paganda n ng paganda otor.. Tuloy mo lang po. Sana po wag masyadong matagal..ang update.

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Novel.?>
older post:
AVON - by kara_krus
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Love is that condition in which the happiness of another person is essential to your own.

--Robert Heinlein

You need to be logged in to Facebook