|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
usok
usok ng menthol sa kanto,habang nagpapalipas ng oras..
natuto ng gumamit ng tatlong stik sa isang araw,gawa ng pagpapapaplipas ng kaba at palipasan na rin ng oras ni rey ang pagpapausok,marahil upang matanggal lahat ng mga tensyong nararamdaman niya sa buhay. habang hawak ang health tea,hinihithit ang konting piraso ng pampakalma..pagkatapos ng ilang araw ng pagiging isolated sa isang napakahalagang tao para sa kanya,ngayon,siya'y kakatok muli upang makausap o masilayan man lamang ito,makilala pa kaya siya?o kausapin,pagkatapos ng lahat lahat? matagal din,mga apat na araw ang nakakalipas ng sila'y nagkalabuan.mukhang isa lang ang hahantungan nito,make or break? nasa kanyang mga kamay ang paraan upang mabalik o dlli kaya'y tapusin ang lahat lahat..masakit man kailangan niyang maging matatag,malaki na siya at kailangang humarap sa mga katotohanan ng buhay,ng sa ganun di siya maiwan. "mahal na mahal ko siya" sabay iling at nahihilakbot kung ano ang magiging kahiinatnan ng lahat.kabado ngunit pinaiiral ang pagiging kalmado,kahit nasa bingit na ng alanganin ang lahat...magpapakatatag siya,gaya ng isang puno sa tuyot na disyerto.kailangang maging handa. "shooo,huh di ako makaalis dito,paano ko ito sisismulan upang maayus?ate isa pa nga po,menthol ulit,pasindi na rin po" habang hinihithit ang huling hits sa yosing hawak. di kawasay pumasok sa isip niya ang lahat ng nasabi ng kanyang mahal...masakit,napakasakit,at kung ang ibang tao marahil ang mapagsasabihan nito ay,madudurog ang puso sa maririnig,maaring matiisin lang talaga siya,ganun lang,mula noon. "bakit,naisip mo din ba ako gaya ng pag isip mo sa sarili mo?para kang bata,akala mo ikaw lang ang nasasaktan?bakit ako?mula simula,di mo ba alam?" gunita niya sa mga narinig. matatag siya sa kahit anong panunumbat,parte ng pagiging matiisin,mas pinili na lang niyang lumuha sa harap niya,kahit na ang pag iyak ay tanda ng kahinaan,nagawa niya ito upang di umarte lang kundi yun na lang talagang maisasagot niya sa dalaga. "ate health tea ulit,magkano?pabili pa ng isa" nauhaw na paghingi ni rey sa tindera. "flavor?" tanong nito sa kanya. "grapes na lang po,saka isa pa,isa pang menthol" hirit niya ulit. "nakakatatlo ka na?ang lakas mo sa sigarilyo?magkakasakit ka niyan?" paalala ng tindera. "ah balewala po yan,ok lang po ako" sabay ubo,pagpapakitang hindi na maayus ang kalagayan ng baga. pagkaubos ng iniinom,nagsindi,humithit at inubos ang hawak ng madalian...kailangan na niyang kumilos,kundi mahuhuli siya't maiiwan..ULIT naglakad sa kalye at ng makarating sa kanto ng marigold,napahinto saglit at nag isip kung anong sasabihing pambati sa sinumang magbubukas sa kanya. "tao po?,tao po?"mahina at pakatok katok ni rey. apat na ulit ngunitwala pa rin,marahil tulog ang nasa isip niya. "baka tulog na naman siya?hay,maghihintay na lang muna ako dito,sana may yosi pa" ngunit alam niyang bawal iyon,lalo na kung makikita niya ito sa kanya mismo. kalahating oras,nagdesisyon siyang kumatok ulit.. "tao po?tao po?" na may mas malakas ng pagkatok upang sapat na mirinig ng tao sa loob. at ilang minuto,pinagbuksan na siya.. naaninag niya agad ang kanyang mahal.. may ngiti sa kanyang labi at ang lahat ay kaba na.. dahil na rin sa mga inaasahan niyang maaring mangyari.. kinakabahan siya,ayaw niyang humantong doon ang lahat.. "pasok." wika nito sa kanya. alangan man,pumasok siyang punom puno ng kaba,hawak ang brownies sa likod ng bag,haharapin niya ang mangyayari sa isang mainit na hapon ng linggo.. "Kayo na po ang bahala" pagpapasa Diyos ni rey,sabay pasok sa pintuan ng desisyon,pananariwa't paghusga.. mahal niya siya,mahal na mahal..ang tanging dahilan niya kung bakit siya nandoon..ang direksyon na kanyang tatahakin ngayon ay tila usok ng menthol na walang kasiguruhan,ngunit may kutob siyang maganda ang magiging kahihinatnan ng lahat..gaya ng usok na patungo sa isang direksyon..PATAAS "gusto kitang makita,akala ko di mo na ako papayagang makapasyal dito" sabay upo sa sofa,at humingang malalim,eto na siya,kailangan niyang maging isang lalaki sa kanyang mahal at patunayan ang kanyang hangarin.. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories |