tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Northern Light 27.1
posted by (Oct 25, 2009 @ 1:24AM) views: 164


Dispensa kay Karura-kun sa sobrang delay. Medyo busy sa Mafia Wars Ha! Ha! Ha! Ha!






Ending Poll: http://poll.pollcode.com/cXDv

Chapter 1, 2, & 3 - http://www.tristancafe.com/forum/153988
Chapter 4,5 - http://www.tristancafe.com/forum/154178
Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078
Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213
Chapter 8 & 9 - http://www.tristancafe.com/forum/154321
Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367
Chapter 11 & 12 - http://www.tristancafe.com/forum/151607
Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077
Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471
Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/153773
Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/154135
Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/154660
Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/154984


Part Two

Chapter 19
Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/155835
Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/156507

Chapter 20 - http://www.tristancafe.com/forum/157283
Chapter 21 - http://www.tristancafe.com/forum/157983
Chapter 22
Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/158570
Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/158832
Part 3 - http://www.tristancafe.com/forum/159298
Part 4 - http://www.tristancafe.com/forum/159922

Chapter 23
Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/160401
Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/160946

Chapter 24
Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/161994
Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/175918

chapter 25
Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/176849
Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/177270

Chapter 26
Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/179074
Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/180848
Part 3 - http://www.tristancafe.com/forum/180993
Part 4 - http://www.tristancafe.com/forum/182758








Nilapitan ni Alfredo si Rei at tinapik siya sa balikat para aluin ito: ‘Ayos na Rei wala na siya. Tumayo ka na halika…’

‘T-totoo…?’ Nanginginig pa rin niyang paniniguro rito.

‘Oo… Kaya halika na…’ Saka ngumiti rito. Sumunod naman ito.

‘Pero paano mo naman nasiguro na talagang wala na ang espiritu sa loob?’ Muling pag-ungkat ni Warren.

‘Buweno… sabihin na lang nating… nakausap ko siya.’ Matipid niyang tugon.

‘You mean you talked out to him to leave us alone and left? Is that it?’

‘Kung yun tingin mo gano’n na nga siguro ‘yon. Pero huwag na kayong mag-alala pa, dahil alam kong hindi na siya babalik…’

‘W-well… if you insist…’
‘Maybe it’s true.’ Sabad naman ni Annie sa dalawa. ‘I don’t sense that perilous aura anymore. I’d say you’re really an excellent negotiator Alfred!’

‘So, ano na’ng plano ngayon?’ Untag naman ni Chito.

‘Sisimulan na natin ang pag-iimbestiga sa loob. Ako ang maghahanap sa may anteroom habang kayong lahat naman sa main room. Sabihan niyo lang ang bawat isa kung sakaling may mahanap kayong kakaiba.’

‘Count me out!’ Agad tanggi ni Rei sa suhestiyon ni Alfredo. ‘That room still creeps me out! I’ll just wait here!’

‘Gano’n ba? Okey! Pero mag-ingat ka baka lumipat lang yung mumo ng kuwarto o baka saniban ka pa!’ Pananakot naman niya rito.

‘Grr! Oo na, oo na! papasok na! Talagang tablado ka na sa aking kalbo ka!’

‘That’s not even a funny joke.’ Mahinang sambit naman ni Warren.



Chapter 27
Riddle of the Stars (Part 1)


Sinimulang siyasatin nina Alfredo at ng iba ang loob ng Scorpio Room, nag-iisang naghahanap si Alfredo sa anteroom habang ang lahat ay nasa pangunahing kuwarto. Sa anteroom halos walang mga gamit at muwebles na naka-display maliban sa isang puno ng makapal na alikabok na wall cabinet na sisidlan ng mga imahen ng santo at isang malaking pedestal malapit sa pinto papasok. Binuksan ni Alfredo ang cabinet, nabahin pa siya sa pagtabon sa kanya ng makapal na alikabok pagbukas pa lamang niya nito, binusisi niya ang loob, pati ang mga imahen isa-isa ngunit wala siyang nakitang kakaiba. Sunod naman niyang pinagdiskitahan ang mga drawers, sa unang drawer ay puro mga walang lamang botelya, binuksan niya ang mga iyon isa-isa at inamoy. Pawang mga pabango ang karamihan sa mga iyon maliban sa isa na natukoy niya sa amoy na ammonium cyanide na maaaring siyang ginamit ni Febronia upang magpatiwakal. Kinuha niya iyon at ibinulsa para itapon. Sa ikalawang drawer ay may ilang kuwaderno siyang nakita, binuklat niya iyon isa-isa at binasa, mga notes sa liksyon sa eskuwela ang pawang laman. Wala na siyang iba pang nakita sa natitirang mga drawers. Sinubukan namang tumingin sa ilalim ng wall cabinet si Alfredo at doon tila may naaninag siyang kung anong nakadikit sa pader kaya maingat niyang inurong ang wall cabinet para makita ang bagay na iyon na nakadikit sa pader. Isa iyong maliit na piraso ng papel na nakatupi ng dalawang ulit. Nang bulatlatin niya ang papel may mga kakaibang phrases na nakasulat roon:

“The Ramble Twins Crab Liverish;
Scaly Scorpions Are Good Water Fish.”

Napakunot noo siya sa nilalaman ng papel, minabuti niyang ibulsa sa kanyang polo shirt ang note. Sunod naman niyang ibinaling ang tingin sa malaking pedestal malapit sa pinto, sa malapitan isa iyong malaking pedestal na may pigura ng isang alakdan na maaaring ginawa bilang simbolo ng kuwarto, pinagpag niya nang bahagya ang alikabok na bumabalot rito at sinuri. Napansin niyang tila may maliit na di pangkaraniwang puwang sa pedestal na hugis bilog pagkat anumang hihip niya rito’y tila hindi nawawala ang alikabok at tila bumabaon pa ito. Marahan niyang diniinan ang parting iyon na may puwang at lumubog iyon at nahulog sa loob, kinuha niya ang bilog na bagay sa loob ng pedestal, na isang maliit na bagay na yari sa clay. May napansin siyang mga salitang nakaukit rito:

“Ang bawat araw, may kanya-kanyang kuwento
Sapagkat ang buhay ay puno ng kuwento
Sa bawat araw may nabubuong kuwento
Ngunit walang mabubuong kuwento
Kung hindi bukas ang iyong puso.”

‘Katulad ito ng riddle na sinabi ng lolo ni Febronia na nakatala sa diary… Ano kayang ibig sabihin nito?’ Mahina niyang sabi. Bukod rito’y napansin niyang nabubuksan pala ito sa gitna, binuksan niya iyon at may nakita siyang maliit na salamin sa loob, na tila isang reflector. Maya-maya pa tinapik siya sa likod ni Warren upang usisain:

‘Kumusta ang paghahanap mo Alfred? Did you find anything interesting?’

‘Meron. Itong maliit na crest na nakita kong nakapasak sa pedestal malapit sa pinto. May riddle na nakasulat rito na katulad ng nakatala sa diary ni Febronia, bukod ro’n may laman rin siyang maliit na reflector sa loob. Oo nga pala, bago ko pa natuklasan ito dito may nakita rin akong maliit na note na nakadikit sa likod ng wall cabinet pero hindi ko maintindihan ang mga nakasulat. Mukha rin siyang riddle. Heto tingnan mo.’ Iniabot ang maliit na papel kay Warren. Mataman namang binasa ni Warren ang note.

‘Hindi ito riddle Alfred kundi isang mnemonic.’

‘Mnemonic? Ng alin?’

‘Kung hindi ako nagkakamali mnemonic ito ng 12 zodiacs. Minsan ko nang nabasa ito sa libro noon nung high school pa ako sa subject naming English Literature. Sa bawat syllable ng bawat word nire-represent nito ang 12 zodiacs, halimbawa ay itong word na “ramble,” kung isi-syllabicate mo ito mabubuo ang dalawang zodiacs na Aries at Taurus from the syllable “ram” at “ble.”’ I-iyun nga lang medyo matagal-tagal ko na ring inaral yang mnemonic ng 12 zodiacs kaya nakalimutan ko na ‘yung iba.’
‘Itatago ko na rin ‘to at baka kailanganin pa natin sa imbestigasyon natin. Maiba nga pala ako Warren, itong Scorpio pedestal, may ganito rin bang pedestal na nandito sa mansion?’

Binalingan naman ng tingin ni Warren ang tinutukoy na pedestal ni Alfredo: ‘I’m not sure pero parang may ganyang pedestal rin sa loob ng kuwarto ko sa Libra room… iba kasi ang figure na nakapatong sa pedestal na ‘yan kumpara sa nasa kuwarto ko e.’

‘Puwede ko bang makita ang pedestal na ‘yun na sinasabi mo?’

‘Sige, sumunod ka sa ‘kin…’

Pagpasok sa Libra Anteroom, nasa gayun ding posisyon sa may pinto nakita ni Alfredo ang pedestal, na pareho ng laki at taas ng sa Scorpio Room.
‘Ngayon alam ko na… bawat kuwarto na nagre-represent sa bawat zodiac ay may ganito ring pedestal na sumisimbolo rito.’

‘Seems like it. Hindi kasi namin gaanong ni-renovate ang mga kuwarto para i-preserve ang natural beauty ng mansyon kaya siguro hindi ko na rin napansin ang mga pedestals sa bawat anteroom ng kuwarto, kaya posibleng may secret patches rin ang mga pedestals na ‘yan.’

‘Tama. May ganoon ring puwang dito sa pedestal ng Libra… pero hindi katulad sa Scorpio room, iba ang hugis ng patch na ito… at ano naman itong patch na tila walang laman?’

‘Beats me. Subukan mo rin kayang diinan?’

Diniinan rin ni Alfredo ang patch ngunit laking pagtataka niya pagkat kahit anong diin niya rito’y hindi ito matinag-tinag.
‘Mukhang may ibang bagay tayong dapat ilagay para makuha ang nasa loob. Marahil isang susi o kahit ano pa mang bagay. Wala ba kayong kakaibang bagay na naitatago dito sa mansyon na posible nating magamit?’

‘I don’t think so. Bukod sa mga ilang susi ng mga kuwarto at ilang lumang kagamitan wala naman kaming kakaibang bagay na nahanap dito sa loob ng mansyon. Actually ‘yang maliit na crest at reflector ang mga kauna-unahang kakaibang bagay na nahanap sa loob ng mansyong ito.’

‘Kung gano’n natitiyak kong may iba pang pedestal na katulad nito sa mansyon tama ba?’

‘Oo. Sa Taurus Room may ganoon ngang pedestal akong nakikita, hindi ko iyon makaliligtaan dahil iyon lang ang kaisa-isang structure na itinira namin sa dating kuwadra ng kabayo.’
‘Kung gano’n busisiin na rin natin ‘yon, at kung puwede pati ‘yon iba pa na nakakalat sa iba pang kuwarto.’

Paalis na sana ang dalawa papuntang Taurus Room nang tawagin sila nina Rei.

‘Silly guys, nandito lang pala kayo, akala ko kung ano na’ng nangyari sa inyo! Don’t leave us like that!’ Sabi niya sa bahagyang nanginginig na boses bunga marahil ng trauma sa nangyaring kababalaghan kanina.

‘N-naku pasensya na kayo Rei, sa sobrang abala namin ni Warren hindi na namin kayo naabisuhan. Buweno, may nahanap ba kayong kahina-hinala?’

‘Iyon na nga sana ang gagawin namin kung hindi ka lang biglang umalis. Anyway, about the thing we found… you know… it really bothers me…’ Nanghihilakbot ang tinig niyang sabi.

‘Ano ba ‘yong bagay na nahanap ninyo? Pakita nga?’

Iniabot ni Annie kay Alfredo ang isang katamtaman ang isang lumang litrato: ‘Nakita namin ‘yan sa loob ng cover ng grand piano… at alam mo kahit ako tila kinilabutan na hindi ko maintindihan nung makita ko ‘yan…’

Sandali pa siyang napatingin kay Annie sa pagtataka bago niya tinanggap ang litrato. Ngunit nang makita na niya iyo’y nagimbal siya, sa puntong muntik na niyang mabitiwan ang kanyang hawak. Bigla’y gumapang sa buo niyang katawan ang di maipaliwanag na kaba. Halos hindi siya natitinag sa kanyang kinatatayuan habang nakapinid lang ang kanyang paningin sa sketch.
‘Unbelievable…’ Nagitlang sambit niya: ‘There are some things that are a little bit off, but it’s no doubt… ikaw ‘yan Alfredo… at si Jillia… b-but how…?’




To Be Continued...









Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
No Entry: The Love Story of Heart and Cholesterol
older post:
Let Me LLOVE YOU

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
ceezzanesz    •reply Oct 25, 2009 @ 5:16 AM
 
:basa: sa wakas..
  ceezzanesz    •reply    Oct-25-09@5:16AM
ay book ngah pla un d2.. : l o l : 

: b o o k :  : b o o k :  : b o o k : 
ceezzanesz    •reply Oct 25, 2009 @ 5:24 AM
 
aush.. : r a z z : 

bitin otor..
pero atleast may update.. : b l u s h : 
tnx poh ng bongga.. : k i s s : 

ikw ngah yan alfred.. : l o l : 
  resemblance    •reply    Oct-26-09@12:49AM
: l o l : 
karura_kun    •reply Oct 25, 2009 @ 11:25 AM
 
yezzz!!! tenchu kuya res^^
ako rin nman eh..busy rin sa mafia : n a u g h t y : 
  karura_kun    •reply    Oct-25-09@4:17PM
hayy...salamat nabasa ko na ren.. : b l u s h : 
nakz nman kuya res bitin nnman pala : l o l : 

ung update ha : n a u g h t y :  i-post asap : g r i n : 
  resemblance    •reply    Oct-25-09@9:32PM
sige pag naka-level up na ko : l o l : 
  karura_kun    •reply    Nov-4-09@8:45AM
: l o l :  cge cge wait ko ulet : n a u g h t y : 
abbygail1987    •reply Oct 26, 2009 @ 7:13 PM
 
at last nag update din. anyways thanks medyo bitin. sana nay kasunod agad.

Thanksssssssssssssssssss...
  resemblance    •reply    Oct-28-09@12:38AM
I'll try : l o l :  salamat sa read!
reign07    •reply Oct 27, 2009 @ 4:42 AM
 
tagal neto ahh----

buti naman naisipan nyo pong iapdate---


bitin nga lang ulet : ( 
  resemblance    •reply    Oct-28-09@12:33AM
nasa part na kasi ako ng detective work kaya dapat mas maging maingat ako sa pagsusulat ng mga details unlike dati. kaya kung matagal noon baka mas matagal pa akong mag-update ngayon. : l o l :  pero sana basahin niyo pa din till the end. : g r i n :  salamat sa read.
  reign07    •reply    Oct-28-09@1:02AM
ay ganun pla un---


ok--- geh--- cguro naman buhay pa ako nun at ang tcaf bago mag -end and stori di ba--- lolsss


jejeje

geh wait na lang po ako ng update
  resemblance    •reply    Oct-28-09@1:23AM
oo naman. siguro mga hanggang first quarter ng 2010 tapos ko na tong Northern Light 1. : l o l : 
idolkosisir2    •reply Oct 28, 2009 @ 1:03 AM
 
Pareng ressssssss!!!!! : w i n k :  : w i n k : 
  resemblance    •reply    Oct-28-09@1:20AM
nakita ko yung post mo about sa book. naka-post ba run sa site yung raw copy ng idol ko si sir? interesado lang akong basahin kahit yung raw lang muna kasi ala pa akong perang pambili. : g r i n : 
  idolkosisir2    •reply    Nov-3-09@1:49AM
Nandoon sa review niya? Ibig mo bang sabihin sa raw ay yung summary? Heto yung link ng review nung forumist sa filipinowriter.com -
http://www.filipinowriter.com/idol-ko-si-sir-0
  resemblance    •reply    Nov-4-09@3:50AM
ang ibig kong sabihin yung dati mo nang nai-post na kopya ng idol ko si sir na hindi pa edited... puwede ba? : g r i n : 
  idolkosisir2    •reply    Nov-5-09@2:03AM
ah... : ( 

nandoon sa -
htpp://www.michaelsshadesofblue.blo gspot.com
: r a z z : 
  idolkosisir2    •reply    Nov-5-09@2:10AM
ay naghiwalay yung blogspot.com : ( 
  resemblance    •reply    Nov-5-09@2:22AM
salamat sir salamat : g r i n : 
Polar22    •reply Oct 28, 2009 @ 2:01 AM
 
kua res..kelan sunod na update? : ?  : c r y : 
  resemblance    •reply    Oct-28-09@6:14PM
patience is a virtue. malapit na. konting tiis pa : l o l : 
  Polar22    •reply    Nov-5-09@3:47AM
ang tagal kua! : c r y : 
  resemblance    •reply    Nov-5-09@6:30PM
medyo nahihirapan kasi ako sa ideas ko eh... : g r i n :  tiis pa ng konti ok?

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
No Entry: The Love Story of Heart and Cholesterol
older post:
Let Me LLOVE YOU
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Come live in my heart, and pay no rent.
--Samuel Lover

You need to be logged in to Facebook