tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Careers & Work Stuff
more time with you..
posted by (Oct 23, 2009 @ 9:06PM) views: 75


Nakita at nakasama kitang muli pero hindi sapat ang mga sandaling yun upang makontento ako at maisip ko na hindi ka na muling babalik sa akin. Kung mahal lang, hindi mo makukwestyon ang nadarama ko. Hindi sasapat ang salitang mahal para sa damdamin na nasa akin ngayon.

Ninais ko sana na makasama ka, yung isang araw na wala tayong gagawin kundi maging masaya. Yung tipong parang sa atin lang ang mundo. Yun di ko iisipin kung anuman ang pwedeng mangyari pagkatapos nun kase ang gusto ko lang ay i-savor yung pagkakataon na makasama ka. Siguro nga imposible na pero baka naman pwede pa.

Hindi ko talaga alam kung ano ang nasa isip mo. Di ko rin alam kung ano ang nararamdaman mo, aware lang ako sa feelings ko at mga iniisip ko. Syempre dahil nakita nagulo na naman ang balance ng isip ko, mabuti pa siguro yung mga time na di kita nakikita or nararamdaman na nasa paligid lang kase nababaliw ako kakaisip ng paraan para makita ka at makasama ka ng mas matagal.

Ilang beses ko nang sinabi sa aking sarili na kailangan na kaitang kalimutan, Pero hindi ko talaga magawa. Pero salamat sa huling masayang alala na ipinadama mo sa akin. Yung pagsama mo lang sa akin para bumili ng pasalubong ay talagang nagpataba ng puso ko, yung pag-uusap natin sa loob ng fx, yung pagiging malambing mo sa akin, yun ang mga huling masasayang alaala na nasa akin ngayon na hindi ko alam kung mauulit pa ulit.

Anuman ang sabihin ng iba, anuman ang nararamdaman mo ngayon, maski na ginawa mo lang yun para sumaya ako, maraming salamat kase naranasan ko ulit na maging masaya, parang kahit na akyatin ko ang lahat ng landslide sa Baguio at Benguet ay ok lang basta andun ka na sasamahan ako kahit ilang saglit lang, pero sana naman hindi yun ang last time na magkakasama tayo.





Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
KUMITA SA BLOG
older post:
Want Free Stuffs? (this is not a joke)

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
rhozza    •reply Oct 23, 2009 @ 9:07 PM
 
maling post, paano po itransfer ito sa love and intimacy category?

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
KUMITA SA BLOG
older post:
Want Free Stuffs? (this is not a joke)
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Love has nothing to do with what you are expecting to get - only with what you are expecting to give - which is everything.

--Katherine Hepburn

You need to be logged in to Facebook