|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
No Entry: The Love Story of Heart and Cholesterol
Sa wakas!!!!
Natapos na rin ang exams. Makakapagupdate na ako. Ayun, sensya na sa isang week din na hindi nagupdate. apatagal nga talaga. Still accepting criticisms ah. Thanks. Comment kayo. Eto nga pala past chapters. Chapter 1: Ano pangalan mo? Chapter 2: Rey Limbao Chapter 3: Sinusundan mo ba ako? Chapter 4: Absent si Sungit Chapter 5: The Sweet Melody Chapter 6: Ang Di Nagsaradong Sugat Chapter 7: Sung-dalo to the rescue Chapter 8: Ang Cholesterol 9th na. “Rey!”sigaw ng kakagising lang na si Lyn galing sa may katagalang paghimbing. Napaupo siya sa may kama niya na parang nagising sa isang napakamasamang panaginip. Para siyang lasing na malakas pa ang hangover dahil ang labo labo ng pang-alala niya sa mga nangyari. Ang tangi niya lang naalala ng mabuti ay ang mukha ni Rey na kung saan siya nakatitig bago siya mahimatay. Malabo pa rin ang utak niya ng makita niya ang oras sa orasan. 7:18 PM. Ilang oras na pala siya nakatulog simula nung uwian niya nang alas dos. Sa labo ng utak niya si rey na lang ang tinangi niyang inisip. “Hindi ako pwedeng magkamali, si Rey yung lalakeng yun. Siya yun. Pero, niligtas niya ako? Niligtas niya ako? Parang hindi kapanipaniwala. Ano nga ba nangyari sa akin?”isip ni Lyn sa pagkagising. Pumihit ang doorknob ng pintuan at pumasok ang isang babae na nanay pala ni Lyn. May hawak siyang basahan at maliit na timbang puno ng maligamgam na tubig na mahahalata dahil may pumapaloot na usok galing sa tubig. Nagulat ang mukha niya ng makita na gising na si Lyn at binaba ang kanyang mga dala at dumretso agad kay Lyn na may mukha ng pag-aalala. “Bebeng! Bakit ka tumayo!? Okay ka na ba? Jusko kang bata ka, kung ano anon a lang pinaggagawa mo at bigla ka na lang hihimatyin sa gitna ng daan. Humiga ka nga.”tuloy tuloy na tanong at pag-aalala ng mama ni Lyn na parang ambulansya ngumewe. “Sus ma. Okay na ako. Ang OA mo naman, wag kayo masyadong mag-alala. Aisus. Walang nangyari sa akin masama. Kita naman oh! I’m alive and kicking!”pagmamalaki ni Lyn. Napasimangot ang mama niya. “Talagang OA! Muntikan ka ba naming mabunggo ng dyip sa gitnan ng daan! Bebeng ilang taon ka ng tumatawid ng daan! Ano ba nangyayari sayo?” “Ma.. Eh basta. Okay na ako, hindi na ako tatawid uli ng daan na ang utak nasa lata ng softdrinks. Okay? Wag ka na lang OA mama, okay na ako promise, kaya di ko na kailangan yang timba at basahan mo ah?”pagsasabi ni Lyn at nagpatuloy sa patanong na tono. “Ma, sino nga ba ang nagdala sa akin pauwi? Wala na ako maalala. Kilala mo naman ako.” “Nako! Tungkol dun. Si Rey naghatid sayo dito. Nakaakay ka sa kamay niya. Kilala ko na siya kasi napag-usapan naming minas an nung sinasabi kong kapitbahay na mabait na nakilala ko. Madalas ko na kausap yung nanay ni Rey pag nasa eskwela kayo.”tumigil siya at parang may naalala na nagpatuloy, “At oo. Pinapunta ko pala sila dito para makasabay man lang natin sa hapunan, gusto ko magpasalamat kay Rey no. Sinabi ko kanina kay Rey yun pero tumatanggi pa. Pinilit ko, sana lang sabihin niya sa mama niya. Kinausap ko mama niya sa telepono kaya sigurado pupunta sila dito.” “Ma!? Bakit ganun!? Niyaya niyo si Rey sa bahay? Ma naman, bat di mo sinabi sa akin?” “Ay? Gigisingin kita? Baliw ka talagang bata ka. Basta pupunta sila dito mamayang alas otso. Tulungan mo ako maghanda ng hapag, total sinabi mo naman na okay ka na. Hahahaha! Magpilit kang okay ka na, ngayon gawain na. Halika na sa baba. Dali!” “Pero ma? Bat niyo niyaya..” “Wala ng angal. Baba na.”sabay labas sa kwarto ang mama niya at bumaba na. “Sa bagay. Gusto ko rin naman magpasalamat sa kanya eh. Mabuti na rin to, baka mawala pa sungit niya.”isip ni Lyn at napangiti ng hindi malamang dahilan. ---------------------- Sa hapag... Naghain na si Lyn ng mga pagkain sa hapag. Iniisip niya kung pano makikitungo si Rey sa kanila. Sa sungit ba naman at katahimikan, ano gagawin niya sa bahay nila. “Bahala na lang. Masungit na siya kung masungit, kailangan ko pa rin magpasalamat. Kung hindi dahil sa kanya..”naputol na isip ni Lyn na nakakrinig ng doorbell. Sa hindi malamang dahilan ay bigla ng lang siyang pumunta sa itaas ng kwarto niya at nagbihis. Nagsuklay, nagpulbo, nagpalit ng damit at tinanggal ang pawisang sandong amoy ampalaya. Maya maya ay may narinig na lang siyang bumukas ng pinto at salita ng dalawang babaeng malakas ang boses. Mukhang naging close ang mama ni Lyn sa mama ni Rey. “Buti pa sila close na…”isip ni Lyn na nagulat kung bakit niya naisip yun. Maya-maya pa ay narinig na lang ni Lyn na may tumawag sa kanya. “Bebeng! Bumaba ka na nga dito at nandito na ang bisita! Ano pa ba kinakalikut mo diyan!?”sigaw ng mama niya sa baba ng hagdan., sabay tawa ng dalawang babae sa ibaba. “Si mama talaga! Wah! Nakakhiya naman. Bumaba na nga lang..”inis niya isip at bumaba na sa hagdan. Binaba niya ang hagdan ng dahan-dahan dahil nahihiya siya na parang baliw. Hindi niya alam kung bakit siya nahihiya. Si Rey lang naman ang makikita niya. “Bakit ba ako kinakabahan?”duda ni Lyn at humarap na sa mga bisita na pinaupo sa sopa muna. Nagulat siya. Ibang-iba ang aura ni Rey kumpara sa makikita sa eskwela. Nakashorts lang siya, nakat-shirt na blue na walang design at naka tsinelas. Pero hindi yun ang kakaiba sa kanya. Ang nakakapanibago sa kanya ngayon, wala ang sungit sa kanyang mukha. “Hello po tita. Hello.. Rey.”bati niya sa dalawang bisita na natambad niya sa sala. “Hello iha!”sabi ng mama ni Rey. Tumayo at nakipagbeso kay Lyn. “Okay ka na?” “Okay na po tita.”nahihiyang sagot ni Lyn. “Ruby. Ruby pangalan ko. Hehe. Iha. Ang ganda mo pala. Nako, kanino kaya nagmana ito?”obserbasyon ni Ruby na tumitig sa mama ni Rey. Lumabas ang mama ni Lyn galing sa kusina. “Mare! Tinatanong pa ba yan? Syempre sa ina!”sabay tawa ng dalawang nanay na mga pilya. Dumagdag pa ang mama ni Lyn, “O bebeng. Diyan muna kayo ni Rey ah. Magkaklase naman kayo kaya walang problema. Dito lang muna kami ni mareng Ruby.” Bago sumagot si Ruby ay tumitig muna siya kay Rey na parang nagsasaad na, “Okay lang yan.”tapos pumunta dun sa pinuntahan ng mama ni Lyn. “Mare! Diyan na! Hahaha!” “Ano na naman gagawin ko? Pano ko kakausapin si sungit? Nyay nyay.”kabadong isip ni Lyn at umupo sa upuang katapat ng kay Rey. Walang nagsalita sa kanila, si Rey ay nakatitig lang sa ibaba na hindi alam ang sasabihin. Si Lyn naman ay nakatingin kung saan. Hindi rin napigilan ni Lyn at napatingin naman siya kay Rey habang ito ay nakatitig sa ibaba. Napakaguwapo niya ngayon kahit napasimple lang ng suot. Ngayon pa’t wala na ang simangot sa mukha niya ay parang ibang tao siya at ang mukha niya ay nagbago. Lumabas ang mapupungay na mata na kulay hazel, ang matangos na ilong at labing katamtaman na may pagkapula. Nakatitig pa rin si Rey sa ibaba. Napatulala si Lyn habang naktitig sa kanya. Mga isang minuto ding nakatingin si Lyn kay Rey. Nagulat si Lyn at namula sa hiya at iniwas ang tingin. Ngayon, si Rey naman ang nakatitig sa kanya. Pero ibinaba niya rin ito. Hindi makatiis si Lyn at nagsalita. “Uy, ano. Ahhhm. Salam..”naputol na sabi ni Lyn ng napatitig si Rey. “May sinasabi ka?”tanong ni Rey sa deretsong titig. “Ay ah wala.”bigong sagot ni Lyn. Lumabas ang mama niya at mama ni Rey mula sa kusina. “Hali na kayong dalawa, kakain na!” Nauna naman tumayo si Lyn at sumunod si Rey. Masikip ang daanan sa may papasok ng may dining room at nagkasabay silang dalawa. Nagtama ang braso nila sa papasok. Nagkatitigan naman sila tapos nagbigay daan na lang si Lyn. “Ay, ikaw na mauna.”sabi niya. “Itong lalaking ito talaga oh.” Akala niya ay papasok si Rey. Nagulat si Lyn ng hindi siya pumasok at nagsalita ng nahihiya. “Ah, ikaw na.”sabi ni Rey na nakatingin sa ibaba. Sa gulat naman sa inaakto ni Rey ay pumasok na lang si Lyn. Nakaupo na ang dalawang magmare ng magkatabi. “Hoy kayong dalawa! Umupo na kayo.”sabi ng mama ni Lyn. Ang dining table nila Lyn ay maliit lang, sa ordinaryong araw, tatlo lang sila dito kasama ang papa niya kaya maliit lang ang binili nilang dining table. Pa rectangle na apat lang ang upuan. Ang dalawang upuang magkatabi ay inupuan na ng kanilang mga nanay. Walang magagawa si Lyn at Rey kundi magtabi ng uupuan. “Hala. Uupo ako sa tabi ni sungit? Pano na naman to? Ano bang klaseng araw to!?”inis na isip ni Lyn at umupo. Sabay naman silang umupo ni Rey at tumitig ng deretso sa pader. Nilalagyan na ng kanin ng mama ni Lyn na ang panglan ay Jen ang mga plato nilang dalawa. “Kumain kayo ng marami ah! Wag nagdidiet.”tapos sabay umupo sa upuan niya. Tahimik pa rin ang dalawa. Nagsalita uli si Jen. “Rey. Salamat sa pagdala mo sa anak ko ah. Maraming salamat talaga.”pagpapasalamat ni Jen at ngumiti kay Rey. “Ah, okay lang po yun. Hindi ko rin naman po kayang iwan siya doon.”tahimik na balik ni Rey. Namula naman si Lyn na nagugulat at kumuha na lang ng ampalaya na niluto ng mama niya. “Sus Rey. Wag ka ngang mahiya diyan. Dito walang hiya-hiya,kumain ka na nga. Eto oh.” “Hay nako mare.”sabad ni Ruby, “pagpasensyahan mo na yang anak ko. Natural lang siyang ganyan.”tapos naiba na naman ang usapan nila at nakalimutan ang mga anak nila. Nakakuha na si Lyn ng pagkain. Pasubo na siya ng napansin niya na hindi pa kumukuha si Rey ng pagkain. Sinilip niya muna ang mukha ni rey at nakita ang hiyang mukha nito. “Huy. Kumain ka na oh.”alok ni Lyn at hinablot ang lalagyan ng ulam at handang lalagyan ang plato ni Rey. “Ay, ako na..”sabi ni Rey at inabot ang lalagyan ng ulam na iaabot ni Lyn. Pero mali ang nahablot ni Rey at hindi ang lalagyan kundi ang kamay ni Lyn na nakahawak sa lalagyan. Napatingin bigla si Lyn ng may nanlalaking mata sa mata ni Rey na napatingin din sa kanya. Hindi naman nila natanggal ang kamay. Nang mahalatang nakahawak pa ang kamay na tumagal ng mga apat na segundo ay bigla na lang hinila ni Rey ang lalagyan ng ulam at iwas na iwas na lumayo sa mata ni Lyn at naglagay siya ng ulam. Si Lyn naman ay parang kamatis na namumula at nakayuko na lang na nilayo ang mukha kay Rey at kumain. Sa kabila ng ingay ng kanilang magulang dahil sa pagchichikahan, nanatili silang tahimik at matamlay na kinakalikut ang pagkain nila na hindi naman maubosubos. Pasilip silip naman si Lyn sa katabi niyang si Rey habang nginunguya ang ampalaya na hindi na niya nalalasahan dahil iba na ang nasa isip niya. “Hinakawak niya ako? Bakit ganun ang nararamdaman ko? Nagpupulpitate na ako. Lyn, Lyn, control. Baka mahimatay ka dito. Sungit! Ano bang problema mo at may tama ako sayo!?”tahimik na pag-iisip ni Lyn na hindi na mapakali na nakatingin sa plato niya na nanunuya na sa kakatitig niya dahil paminsanminsan lang siya sumubo. Sumilip uli si Lyn sa katabi niyang tahimik ding pinaglalarun ang kinakain. “Myy Gaaad! Sana kumuha uli siya ng ulam!”kinikilig na isip ni Lyn na halos makalimutan na ang kasungitan ni Rey. Hanggang dito na lang muna. Putulin ko na. Medyo maikli. Bukas aayusin ko. Pagod pa kasi ako sa exam eh. Talagang atat lang ako mafg update. Alas onse na eh, hindi ko na matapos yung istorya, nanunuyot na utak ko. Pero.. Salamat sa pagbabasa mga friends! Pasensya na kung medyo tuyot ako pag sa mga usapan usapan ah. Hindi ako magaling gumawa ng mga dialogue eh. Comemnt kayo ah! Salamat uli! TAPOS NA EXAM! Thesis na..
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories ______, biancagonzaga, shinminah, and 31 guests There is no wrong time to apologize. Hang your pride on the door post. It isn't true that love means never having to say you're sorry. I would not miss the sweet tender moments of making up, no matter that the pillow is still soaked with your tears.
--Conchita Razon You need to be logged in to Facebook |