tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
No Entry: The Love Story of Heart and Cholesterol
posted by (Oct 17, 2009 @ 10:42PM) views: 386
Update ule.

8th na. Ang haba din nitong isang to.

Still accepting criticisms. Salamat sa mga taong nagbabasa nitong konti kong effort, kahit din naman kayo sandamukal. Salamat pa rin.

Eto pala yung nakaraang chapters
Chapter 1: Ano pangalan mo?
Chapter 2: Rey Limbao
Chapter 3: Sinusundan mo ba ako?
Chapter 4: Absent si Sungit
Chapter 5: The Sweet Melody
Chapter 6: Ang Di Nagsaradong Sugat
Chapter 7: Sung-dalo to the rescue

Eto na chapter 8. Enjoy.
--------------------------- -----------------------------

Chapter 8: Ang cholesterol


Nasalo ni Rey si Lyn bago pa ito tuluyang bumagsak. Naguguluhan na naman siya kung anong gagawin. Nakakapagtaka na walang tao sa paligid.

Pinaglalaruan nga siya ng tadhana.

Dinala niya si Lyn sa may tabi ng kalsada para mapigilan pa ang karagdagan pang problema. Hiniga niya muna ang ulo ni Lyn at nag-isip.

Sa lahat ba naman ng tao? Bakit siya pa? Anong gagawin ko ngayon?”isip ni Rey na naguguluhan sa pangyayari. Walang dyip at sasakyan sa paligid. Wala na siyang magagawa. Kailangan niyang buhatin si Lyn hangga’t may dumaang sasakyan na pwedeng maghatid sa kanila sa bahay ni Lyn.

Inakay niya si Lyn sa kanyang dalawang kamay. May kabigatan ito, pero kaya ni Rey. Simula ng malaman niya na may sakit siya sa puso ay nagsimula na siyang mag exercise at magbuhat. Naglakad na sila tungo sa lugar na may mga sasakyan.

Habang buhat niya si Lyn ay hindi niya natigilang mapatingin sa mukha niya.

Napakaganda. Maninipis na labi, singkit na mata, matangos na ilong at mapulang mga pisngi na parang ang sarap kurutin.

Nilayo niya ang tingin niya para hindi na lumala pa. Hindi niya alam nakakatitig na siya kay Lyn na hindi niya matanggal. Buti ay nasa tabi sila ng kalsada kundi ay nabangga na sila ng sasakyan. Pero wala pa rin naming nadadaan. Pinaalala ni Rey sa sarili ang salita ng mama niya.

Rey, hindi ka pwedeng magmahal.”sabi ni Ruby na mama niya.

Hindi niya pa rin natanggal ang mata niya sa mukha ni Lyn.
Rey! Ano ba? Gusto mo bang mamatay!?”pilit na paalala niya. Walang epekto. Nakatitig pa rin siya kay Lyn.

Naalala niya ang first day ng klase.

-----------------
First day of classes...


Umupo si Rey sa bago niyang pwesto sa likod ng bagong seniors room. Simula pa last year sa likod na siya umuupo, mas ginusto niyang lumayo sa kanyang mga kaklase sa kaalaman ng kaniyang karamdaman. Nakaupo rin siya sa nakasanayan niyang postura, naka dekwatro, nakatingin sa board at ang hindi mawalang busangot sa mukha. Eton a ang kaniyang pang-araw araw na itsura para lumayo ang mga kaklase niya sa kanya.

Boring na naman. Hayy.”isip ni Rey na hindi mapakali ang utak, baliktad sa nakikita sa panlabas.

Nagsisimula ng dumami ang mga tao sa silid-aralan, nagdatingan na ang mga dati niyang kaklase na kilalang kilala niya na lahat. Si Dianne na kalaban niya sa puwesto sa mga Top. Si Ana na crush ng bayan, problema may pagka-tuyo ng utak. Si Gene, na may pagkatomboy. Si Raffy, ang tinaguriang loser ng klase. Si Arthur na sisiga siga. At si Manny na kanyang matalik na kaibigan bago pa niya malaman ang karamdaman niya. Kilalang kilala niya ang mga ito, pero wala ring halaga. Hindi na niya sila nakakausap. Namimiss niya na rin makipag-kulitan sa mga taong ito, namimiss niya rin maging parte ng isang klase.

Sinumpa na niya ito sa kanyang sarili na ganito na siya mabubuhay. Hindi niya hahayaan na paglaruan pa siya ng tadhana, siya na ang magdidikta ng buhay niya. Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari sa nakaraan.

Pero mukhang mabibigo siya.

Nakita niya dumating si Mary, ang sikat sa school dahil sa pagiging participative sa kung ano anong ka ekekan at extra-curricular activities. Kilala niya si Mary, pero nagtataka siya kung sino ang magandang babae nasa likod nito. Mukhang bago. Sa paligid ng klase ay mukhang walang nakakapansin sa kanya. Pero si Rey ay nakatitig sa kanya at nawala ang simangot sa mukha. Naakita siya sa bagong babae na ito. Natauhan siya.

Rey! Itigil mo yan. Hindi na pwede, hinding hindi na. huwag kang magpadala.”pagpigil ni Rey sa sarili dahil nawawala na ang simangot sa kanyang mukha. Nang mahalata, binalik niya uli ang simangot niya sa mukha at bumalik sa kanyang pustura. Pero ang titig niya ay nasa babaeng bago.

Ang ganda niya… Rey! Gumising ka! Papunta siya sa iyo!”muling paalala niya sa sarili at mabilis na lumipat ng tingin sa board ng makita niyang papalapit ito sa likod dahil walang mahanap na maupuan ang babae. Katabi na niya ang babae at mabilis ang tibok ng puso niya, may kirot din na umuugong sa may kaliwang dibdib niya na humahapdi habang iniisip niya ang babae na katabi niya. Tinodo na lang niya ang simangot para hindi mahalata ang iniisip.

“Hello.”sabi ng babae na katabi niya.

Hindi sinagot ni Rey. Hindi niya alam ang gagawin.

Rey. Anong gagawin Rey. Rey.”at nag-akting na parang walang narinig para maitago pa ang kaba. “Ang ganda ng boses niya.”hindi mapigilang pag-isip ni Rey at naramdaman pa ang hapdi sa kaliwang dibdib na para bang kinakagat ng dalawampung pulang langgam.

Nagsilata muli ang babae. “Bago lang ako dito. Pwede bang magpakilala? I’m Lyn. Ikaw, ano pangalan mo?”

Rey. Ano na?Ano na ang gagawin mo? Makikipagkilala ka pa ba? Ano!?”gulong isip ni Rey na hindi alam kung ano ang isasagot at sasabihin. Nagdesisyon na lang siya. Kailangan niya umiwas sa mga ganitong tagpo kundi baka buhay niya pa ang kapalit. Ayaw na niyang magkaroon ng pangalang Milly na iiwan siya. Hindi na niya kaya iyun. Mas gusto na lang niya mabuhay ng nakabusangot at naka dekwatro kaysa maramdaman ang sakit ng pagkawala ng mahal. Nilagay niya sa mukha niya ang lahat ng inis na maiilagay niya, kahit nahihirapan siya. Sumagot siya sa babae.

“Kung wala kang magawa at naiinip ka dahil wala kang makausap diyan, mag-isa ka. Wala akong pake kung bago ka dito. Wag mo akong abalahin.”singhal niya na may halong pagsisi ng bumalik ng tingin sa board. Sa karanasan ni Rey, yun ang isa sa pinakamahirap na ginawa niyang pagharap sa babae. Ayaw na niyang maulit pa iyun.

Please, wag na. I can’t. I can’t. Wag mo na ako kausapin.”parusa niya sa sarili niya habang iniinda ang kirot sa kanyang kaliwang dibdib.

Dumating na si Mr. Ilagan na kanilang guro sa mathematics at magiging adviser sa taong ito. Nagpapakilala na ang bawat mag-aaral, malapit na sa babaeng katabi niya na nagpakilala na Lyn. Nang nandun na at ng patayo na si Lyn, hindi niya napigilan na mapatingin at tumitig sa mukha nito. Bigla naman niyang tinanggal ang titig ng mahalatang nawawala na ang depensa niya. Nagpakilala ang babae bilang Lyn Guevarra. Pinilit ni Rey na tanggalin ang pangalan sa utak niya. Wala siyang magawa, ang pangalan na iyun ang natatak sa utak niya buong araw.

Wag kang magpakatanga Rey! Itigil mo na tong kagaguhan na ito!”malungkot na parusa niya sa sarili.

Nasa kanya na ang turn sa pagpapakilala. Tumayo siya ng may signature simangot sa mukha at nagsalita.

“Ako si Rey Limbao.”malamig na sabi ni Rey. May sasabihin pa sana siya pero humapdi ang dibdib niya na nagpilit sa kanya na umupo na lamang bigla.




Ilang oras na siyang nakakaramdam ng kirot. Dumating ang recess at naghanap siya ng lugar na walang tao. Ganito na ang nakagawian niya. Bumili siya sa may canteen ng pagkain.

“Ate, bigyan niyo po ako ng kahit anong walang karne. Gulay lang. Saka tubig na hindi malamig.”sabi ni Rey sa nagtitinda sa canteen. Ganito na rin ang nakagawian ni Rey. Hindi siya kumakain ng karne mula isang taon pa. Umupo siya sa upuang walang tao. Nagsimulang siyang kumain ng may kapdi sa kaliwang dibdib at utak na nanakita sa pag-isip sa pangalang Lyn Guevarra. Hindi niya alam kung bakit, pero ang epekto ni Lyn kay Rey ay ang epekto ni Milly sa kanya. Hindi niya napigilan at tumingin na kay Lyn mga limang upuan ang pagitan sa inuupuan niya. Napatitig siya ng may katagalan, hindi niya nagalaw ang kanyang pagkain, pati katawan niya hindi niya magalaw, tuloy lang siya sa pagtitig hanggat sa maramdaman niya na ang kanyang tibok ng puso ay bumilis na parang tren na walang breyk.

Ang sakit din na nararamdaman niya ay tuluyang bumigay at hindi na ito nakayanan ni Rey. Lumabas na lang siya at dumeretso sa isang punong mangga sa isang malilim na parte ng eskwelahan.

Umiyak si Rey.

Bakit ba ganito!? Panginoon, bakit niyo ito ginagawa sa akin?”pagtanong niya sa Diyos kasabay ng tuluy tuloy na luha na dumadaloy sa kanyang mukha.

Ang pag-iyak niya ay hindi dahil sa hapdi na kanyang nararamdamn, kundi sa kalungkutan at pag-iisa na nararamdaman niya. Sa pakiramdam niya ay wala ng kwenta ang buhay niya. Wala ng katuturan. Walang saya.

Pinunasan ni Rey ang kanyang mga luha at binalik ang dati niyang pag-iisip. “Ganito ang plano sa akin. Tatanggapin ko na lang.” At binalik ang simangot sa mukha at dumeretso sa classroom.





Nagsulat lang si Rey ng notes galing sa huling klase nila sa Economics. Niligpit niya ang gamit niya at nagsimula ng papalabas. Pagkita niya ay nandun si Lyn, nakaharang sa pintuan. Natitig muna siya sa mukha. Binigyan ng lakas ng loob ang sarili para magsalita ng hindi maganda. Kailangan niya ito para lumayo sa kanya si Lyn.

“Ano problema mo? Hindi pang-model yang pintuan, daanan yan. Tabi nga.”pagdadramang acting ni Rey at sabay tabig sa kamay ni Lyn. Wala siyang magawang solusyon kundi ito. Hindi naman natanggal ang kamay ni Lyn. Ang galit na labi ni Lyn ay nagsalita.

“Hoy Rey Limbao, Ikaw kung may problema ka sa akin matuto kang magsabi. Wala akong ginagawa sayo antipatiko ka.” Tinanggap ni Rey ang sinbing ito at sumagot na labag sa loob niya.

“Problema ko? Oo, problema ko kasi yung mga papansin na mga bagong kaklase. Para hindi mawili ang papansin, wag na lang pansinin diba? O ede di kita pinansin. Ngayon tumabi ka diyan, hindi sayo ang pintuan.”sabi niya na hindi na kaya pa magsalita. Habang mas tumatagal ang pagtatalong iyun ay mas napapatagal ang tingin niya kay Lyn. Baka hindi kayanin ng puso niya at bumigay siya doon. Tinagib niya ng malakas ang kamay ni Lyn ng malakas at lumabas.

Dumating bigla si Arthur at may sinabing pang-aasar sa kanya. Pero hindi niya ito narinig, ang kirot ng puso niya ang inaalala niya. Nagulat na lang siya ng bigla tinulak siya ni Arthur. Napabagsak agad siya at humapdi ng sobra ang kanyang kaliwang dibdib. Pero hindi dahil sa tinulak siya, pero dahil sa tuluyang niyang pag-iisip kay Lyn na nasaktan niya sa mga nasabi. Tumayo siya nang nanghihina at tumingin ng masama kay Lyn.

Pero hindi galit ang gusting iparating ng galit niyang mukha. “Pasensya na. Hindi ko lang talaga pwedeng ilapit ang sarili. Pasensya na.”daing ng kanyang utak na gustong sumigaw. Lumabas na lamang siya na nanghihina na at nakahawak sa kirot sa kanyang kaliwang dibdib.

Hinang-hina na si Rey sa kirot. Sumakay siya sa dyip na una niyang namasid. Buti ay walang tao sa harap na kung saan lagi siyang pumepwesto. Papaandar na sana ang dyip ng biglang nagtawag ang dyip ng pasahero na nasa likod. Pagpasok ng babae sa harap ng dyip ay nahalata ni Rey sa salamin na si Lyn ito. Bigla siyang napahawak muli sa kanyang dibdib sa pagbugso ng sakit. Hindi sila nagsalita. Pero ang utak ni Rey ay sumisigaw n asana ay makababa na sila.

Nakarating sila sa babaan nila. Magkaparehas pala sila ng pupuntahan ni Lyn. Para masemento ang pagkainis ni Lyn sa kanya, sininghalan niya ito ng pababa na siya.

“Bilisan mo. Pati ba naman daanan sa dyip aangkinin mo.”

“Oo na! Maghintay ka! Bumaba eh.”sagot ni lyn na galit.

Tiwala si Rey na hindi na siya lalapitan ng babaeng ito. Ipinagdarasal na lang niya na hindi na niya maisip pa siya. Masakit na masakit na ang dibdib niya. Nagmamadali na siyang sumakay sa traysikel ng may sumakay na matanda at wala nang naiwan na traysikel na naka-abang. Hindi niya kayang maghintay habang ang sakit sa kanyang dibdib ay humahapdi, kaya nilakad na lang niya patungo sa bahay nila. Wala ring nasakyan si Lyn na traysikel kaya parehas silang naglakad pauwi.

Konti na lang. Malapit na ako sa bahay.”isip ni Rey.

Pero biglang lumapit si Lyn at humingi ng sorry. Ng papalapit na ang kamay ni Lyn ay tinabig ito ng napalakas at sinigurado ni Rey na masasaktan ang babae para hindi na itong lumapit pa.
Patawad talaga. Kung pwede lang. Kung puwede lang.”pagsisisi ni Rey at pumasok na sa kanyang bahay habang hawak ang kaliwnag dibdib na halos sasabog na.

-----------------------
The present...


Sa kabila ng pag-iwas ni Rey, nalalapit pa rin siya sa babaeng pinilit niyang iwasan unang araw pa lang. Mukhang gusto talaga siyang pagtripan ng tadhana at ngayon ay akay niya pa ang babaeng ito. Nakatitig pa rin siya sa mukha ni Lyn na akay niya sa kanyang kamay. Ngayon, hindi niya iniinda ang sakit na kumikirot, hinayaan niya lang ito dahil natatabunan naman ito ng paghanga sa babae na karga niya. Mukhang anghel sa pagtulog ang babae, kaya parang kahit may hapdi siyang nararamdaman ay mas nakakalamang at pakiramdam na lumulutang habang nakikita ang babaeng pwedeng tumapos ng buhay niya. Hindi pa niya kilala ang babae pero ito ay nakasapol sa kanyang puso. Sa kanyang isip, dumating na ang cholesterol ng buhay niya. Masarap man makasama ito, kailangan niyang iwasan. Wala siyang magagawa. Ito ang itinakda sa kanya. Tatanggapin na lang niya. Kung kakayanin niya pa.

May dumaang taxi at nag-alok ng libreng sakay sa nag-aalalang tono.

“Boy! Bat mo karga yung babae? May nangyari sa kanya? Halika, sakay ko kayo, dalhin ko siya sa ospital.”

“Manong, hindi na po. Sa bahay na lang po niya. Forteza homes po. Dun ko na lang po siya dadalhin.”

“Sigurado ka?”

Tumango si Rey.

Pinasok niya si Lyn sa loob ng taxi at humarorot ito ng may bilis.

Habang ang ulo ni Lyn ay nakapatong sa hita ni Rey, tahimik siyang humihingi ng patawad sa mga nasabi at nagawa. Hinaplos niya ang itim na buhok ni Lyn at nagpatawad uli. Sinamantala niya ang pagkakataon ito, dahil kailangan niya bumalik sa pagiging malayo. Masaya na siya sa konting pagkakataon na ito na maranasan ang babae kalapit siya. Humingi siya uli ng patawad ng malapit na sila sa bahay ni Lyn. At bilang pagtanda sa huling pagkakataon na ito, humalik si Rey sa noo ni Lyn.

I’m sorry.”muli niyang paghingi ng tawad at nagdoorbel sa pintuan nila Lyn.


--------------------------- ---------------------------


Ang daming pasikot-sikot pero walang istorya na love story. Hayaan niyo, malapit na. Eto na ang simula.

Salamat sa mga nakabasa na sa mga past chapters.

Sa mga hindi pa, salamat na rin at alam kong pipindutin mo na yung mga link sa itaas.

Joke.

Ganun pa man. Salamt uli.


Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Ang Kapabayaan Bagsik ng Kalikasan
older post:
im back....pls read this one.one of my collection,

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
jazz_25    •reply Oct 17, 2009 @ 11:07 PM
 
more more! XD
kaezy    •reply Oct 17, 2009 @ 11:24 PM
 
wawa nman si rey..lupit mu nman kasi umisip ng sakit.. : (  : c r y : 
  bukaykay    •reply    Oct-18-09@12:31AM
Kanya kanyang trip lang yan. : l o l :  : l o l : 
  kaezy    •reply    Oct-18-09@1:54AM
lakas trip k nga eh..sa dinami dami ng pwde mging sakit ganun pa.. : h m m :  : h m m : 
  bukaykay    •reply    Oct-18-09@9:05PM
hayaan mo. Sasaya din si rey.
reign07    •reply Oct 18, 2009 @ 7:05 PM
 
ok to ah--

: b o o k : 
bukaykay    •reply Oct 18, 2009 @ 9:08 PM
 
shemay. Mukhang wala akong update ng isang linggo. Exams na lagot.
  jazz_25    •reply    Oct-18-09@11:04PM
nooooooooo!!! : ( 
perfectworld    •reply Oct 19, 2009 @ 8:55 PM
 
waaa! EXAM n rin namin... : c r y : 
basta after ng exam APDETZ ul8!
  bukaykay    •reply    Oct-19-09@11:56PM
kung pwede nga lang magupdate ngayon eh. Atat na ako ung next chapter. Mas masaya na yun. Puro lungkot naman kasi simula chap 8. Chap 9 masaya na. Basahin nio ah!

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Ang Kapabayaan Bagsik ng Kalikasan
older post:
im back....pls read this one.one of my collection,
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Some of us think holding on makes us strong; but sometimes it is letting go.

--Herman Hesse

You need to be logged in to Facebook