tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
No Entry: The Love Story of Heart and Cholesterol
posted by (Oct 16, 2009 @ 7:16PM) views: 336
Naka update din.

Pasensya sa mga typo ko sa last chapter, bangag lang ako nung pinost ko yun.

Still accepting criticisms katulad nung last chapter. Salamat nga pala sa mga nagpoint out ng mali ko dun.

Eto last chapters:
Chapter 1: Ano pangalan mo?
Chapter 2: Rey Limbao
Chapter 3: Sinusundan mo ba ako?
Chapter 4: Absent si sungit
Chapter 5: The Sweet Melody
Chapter 6: Ang di Nagsaradong Sugat

Chapter 7 na.
--------------------------- ------------------------------

Chapter 7: Sung-dalo to the rescue


May hangover pa si Lyn sa pagsosoundtrip niya kagabi sa dilim. Ilang beses niya ng iniisip kung sino ang taong nasa kabilang bakod. Kung makilala niya pa to, hindi niya alam.

Papasok na naman. Maganda ang araw niya dahil maganda nga ang gabi niya. Kaya ang gising niya rin ay napakagaan.

“Good morning ma!”bati niya pagkagising at pagbaba galling itaas. “Nasan na si Papa?”

“Good morning bebeng. Si papa mo? Umalis na naman. Sanay ka na dun, wag mo na tanungin pa kung anong oras siya uuwi. Gusto mo na kumain?”tanong ng mama ni Lyn na halatang nakalimutan ang test paper niya na bagsak. Nakita na ni Lyna ng test paper sa may dresser ng mama niya at sinilid na niya ito ng madali para di na makita pa.

Pagkatapos ay nagsimula na siyang umalis. Humalik siya sa mama niya at nagpaalam.

Eskwelahan, wag mo sisirain ang araw ko ah.”babala ni Lyn sa sarili at sa eskwelahan niya.

Nakarating na siya sa eskwelahan. Maaga nga ang dating niya at wala pang tao. Pumasok siya sa classroom na parang nadeserto sa unti pa ng tao. Wala siyang makausap dun dahil wala pa ang barakad niya na si Lyn. Nagpasya na lang siyang umupo at magbasa-basahan sa puwesto niya.

Nagtungo siya sa upuan niya at umupo ng marahan. Hinugot ang notebook niya sa Physics dahil may exam sila ngayon sa velocity at acceleration. Humila din siya ng papel, ballpen at ng calculator.

Binuklat niya ang libro na nasa ilalim ng kanyang desk at naghanap ng mga word problems na pwedeng kalikutin, nakahanap naman siya at nagsimulang magsulat ng mga Given.

Nakakadalawang problema siya na nasolve ng may napansin siya. Tumingin sa kaliwa si Lyn at nakita niya na ang bakanteng upuan ni Rey Limbao na may bag. Wala ang lalake pero nandun ang gamit niya.

Andiyan na pala si sungit.Kung nagtagal pa siya iisipin ko na talagang inatake siya sa puso.”inosenteng pagpapalagay ni Lyn. Ilan pang minuto ay dumating na ang mga kaklase si Lyn at kasama naman dito si Mary. Hawak din ang libro na halatang ayaw ding bumagsak sa Physics Long Quiz.

“Hi Mary! Musta ba pagrereview?”tanong ni Lyn kay Mary na saa libro pa rin nakatingin.

Narinig ni Mary ang sigaw ni Lyn at lumapit sa upuan nito. “Okay lang Lyn. Hay nako, nakakatakot bumagsak sa physics kaya sineseryoso ko na. Nga pala Lyn, di ko masagot tong number 5 sa page 34. Kaya mo ba? Try nga natin ng malaman ko yung solution.”

Sinilip ni Lyn ang tinuturo ni Mary na numero. Tinitigan niya pa ito at sinbukan isolve. Mali pa rin ang lumabas. “Hirap naman. Hayaan mo na yan, di naman siguro lalabas sa exam yan eh. Try mo kayak ay Dianne. Walang solusyon ang hindi alam nun.”

“Eh, tinanung ko na siya kanina sa dyip, hindi raw kaya ng powers niya.”

“Baka naman typo lang ng author yan!”sabi ng walang-pag-asa na si Lyn.

Halos kasabay lang ng pagsabi ni Lyn ay pumasok si Rey galing sa labas. May hawak siyang ballpen at ilang mga papel na mga test paper pala. Dahil walang pakialam si Lyn, nagpatuloy na lang siya sa pagsolve ng problem sa papel. Hindi pa rin niya napigilang tumingin kay Rey.

Ano? May pagtingin na ba ako sa sungit na to? Wake up Lyn, sa lahat ba naman ng tao.”isip ni Lyn na naiinis.

Ganun pa rin si Rey. Parehas pa rin nung una siyang nakita ni Lyn. Nakasimangot at kunot ang noo. Pero may isa lang nahalata si Lyn sa kanya. May itsura nga talaga ang lalakeng to. Iba ang dating niya kay Lyn, tipong yung pagkasimangutin niya ay nakakaakit kay Lyn. Napatingin naman si Lyn ng may katagalan ng hindi niya nalalaman. Naiba lang ang tingin niya ng tumitig pabalik sa kanya si Rey na papaupo na sa upuan. Nagpatuloy na lang si Lyn sa pagsolve ng problem para makaiwas sa tingin.

Umihip ng malakas ang hangin. Inihip ang test paper ni Rey sa may paanan ni Lyn. Nahalata naman niya agad ito at pulutin. Papulot na rin sana si Rey pero naunahan siya ni Lyn. Napasilip tuloy siya sa score ni Rey sa LQ sa logarithms.

Nagulat si Lyn. “98? Niloloko ba ako nito? Hayop, absent pa tong lagay na to?”gulat na isip ni Lyn na napatulala pala sa papel.

“Hoy. Yung papel ko. Pati ba naman papel ko aangkinin mo?”malamig na sabi ni Rey na hinihingi pabalik ang test paper niya.

“Ay..”mahinang sagot ni Lyn. “Eto na po. Pasensya na. Sungit talaga.” Tapos inabot ang papel sa math ni Rey . “Buti naman di ka na absent.”sabi ni Lyn na hindi na napigilan ang sarili.

Hindi na sumagot si Rey at bumalik lang sa dati niyang puwesto, ang statwang statura at ang simangot na mukha na naka dekwtaro at may matching tingin sa board. Nagtaka si Lyn.

Ano bang iniisip nitong mokong na to?”tanong ni Lyn sa sarili at nagfeeling mind reader na nakasarado ang mata at sinubukan na malaman ang iniisip ni Rey. Wala naming nangyari at bigla ng pumasok si Mrs. Magudayao, ang kanilang physics teacher. Dala-dala niya ang sandamukmuk na test paper.

“Good morning class. Are you ready for today’s exam?”tanong ni mam magudayao sa klase.

Walang sumagot. Nagsalita si mam, “Mukhang wala. Okay, magreview tayo kahit unti. Turn your book ong page 34. Try to answer number 5. Let’s see. Analyze niyo, bigyan ko kayo ng one minute para isolve to. I’ll ask you thereafter.”

Nakalipas ang isang minuto. “Class, time’s up. Hindi natin pwede itake up ang lahat ng time na ito para sa review. Who got the correct answer. Let’s see. Ms Dianne. I expect alam mo na ang sagot.”

“Sorry mam, hindi ko po masolve.”hiyang sagot ni Dianne.

“Anyone?”tanong pa ni mam na inis dahil halatang walang nag-aral para sa exam niya. Wala na siyang matanong kaya siya na lang ang namili. “Mr Limbao. Do you know the answer?”

Simangot pa rin ang mukha ni Rey ng tumayo sa klase. Nang hindi tumitingin sa libro para tignan ang sagot niya, nagsalita na lang siya. “324 m/s squared”tapos umupo na lang bigla.

“Good Mr. Limbao! As expected sa top 1 ng 2nd year class. Wag mo lang sana uulitin ang performance mo last year, keep that up. Ngayon, I think you are all ready para sa exam. Class take one and pass.”sabi ni mam magudayao na ikinagulat ni Lyn ang narinig.

“What!? Top 1? Seryoso ba tong lalakeng to?”laking pagtataka ni Lyn. Buong eksam ay patingin-tingin siya kay Rey na hindi niya malaman kung bakit. Napansin na lang niya na tapos na ito dahil hindi na siya nagsusulat. Hindi pa nangangalahati si Lyn.

Gashong. Napakatalino naman pala nitong sungit na to eh.”isip ni Lyn. Mas lalo pa tuloy siyang na curious kung sino tong Rey Limbao na ito.

-------------------------
Recess...

Mag rerecess pagkatapos ng physics exam. Tinawag uli ni Lyn si Mary kasama si Ana at Gene upang mag-ikot lang sa school. Chikahan lang ba sa exam nila. Masya ang panahon ngayon, wala kang makikitang mukhang busangot pwera kay Rey. Nahawa yata ang mundo sa araw ni Lyn.

“Hirap ng physics exam noh?”tanong ni Gene kayla Lyn.

“Sinabi mo pa. Yan ang hirap sa 4th year, dami na nating pinaggagawang walang katuturan.”dagdag ni Ana na halatang walang nasagot kanina.

“Okay lang yan, kaya ng there’s always next time. Anyways, parang tahimik ka Lyn. May iniisip ka? Problema?”

Nagulo ang pag-iisip ni Lyn. “Hindi, wala. Hayaan niyo lang ako.” Biglang nag-bell. Kailangan na nila pumasok sa room.

Nakita ni Lyn si Rey na pabalik na sa room, napatingin siya
dito pero inalis uli ang tingin dahil natatakot siya na tumitig uli si Rey. Pero sa likod ng utak ni Lyn, hinihiling niya na gawin yun ni Rey. “hala! Ano nangyayari sa akin? Lyn, gising. Gising!”pilit niya sa sarili, pero nanatili siya sa panaginip niya buong araw habang katabi si Rey Limabo.

-------------------
Uwian...

Papaalis na ang lahat pero si Lyn ay malalim pa rin ang iniisip. Ilang beses na siyang niyayaya ni Mary na umalis pero parang wala siyang narinig kaya nauna na si Mary sa pag-uwi. Nagpunta muna siya sa banyo at naghilamos ng mukha pero sa isang nakapagtatakang dahilan ay si Rey ang nakikita niya.

Lyn! Ano ka ba! Sa lahat ba naman ng tao!”inis na isip niya sabay sampal sa sarili pagkatapos hilamusan ang mukha. Walang epekto. Yun pa rin ang iniisip niya.

Lumabas siya sa school at napansin niya na wala masyadong sasakyan. Hindi na siya tumingin sa kaliwa at sa kanan kaya tumawid na siya. Nakatingin siya sa paanan niya at sumisipa ng bato sa gitna ng daan.

Wala sa loob niya. May dyip na na rumaragasa patungo sa kanya.



Nililigpit na ni Rey ang kanyang mga test paper na kinuha niya bilang make-up sa absent niya ng isang linggo. Maganda ang mga nakuha niya ngayon dahil nadalian naman siya sa mga exam. Dati pa naman ay mani mani na lang ang mga lesson kay Rey. Pero wala naman siyang pakialam, hindi na mahalaga ang mga grado sa kaniya ngayon. Kaunti na lang ang mga bagay na mayrong halaga. Mabibilang na lang sa isang kamay.

Pero gaya ng kahit sinong tao, gusto rin niyang madagdagan ang bilang sa daliri na ito. Gusto niyang magkaroon ng papahalagahan pa. Pero mukhang ang tadhana ay mapaglaro, pinagkait sa kanya ang isa sa mga iilang mabibilang na kasiyahan niya.

Hindi ako pwedeng magmahal. Hindi.”pag-iisip ni Rey na may pighati ay lungkot san aka kunot na mukha. “Tatanggapin ko na lang ang tadhana sa akin. Ganito na ang kapalaran, ganito ako mabubuhay. Wala na akong magagawa.

Subalit mukhang mapaglaro talaga ang tadhana.

Habang papalabas siya sa eskwela ay natanaw niya si Lyn na parang wala sa mundo. Nakatingin sa ibaba at walang malay sa paligid. Sunod ay nalingid ang mata ni Rey sa isang dyip na halatang walang control at breyk. Paderetso ito sa nilalakaran ni Lyn, at hindi niya pa ito napapansin.

Anong ginagawa niya!? Anong gagawin ko!?”gulong isip ni Rey na patakbo na. Iilang metro na lang ang dyip kay Lyn at sumigaw na si Rey.

“Lyn! May sasakyan! “sigaw niya kay Lyn na wala pa rin sa mundo.

Narinig ito ni Lyn at napatingin sa dyip na paderetso na sa kanya. Nanigas na lang ang katawan niya.

“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!”sigaw ni Lyn na nakatirik na lang dahil sa gulat at takot.

Malapit na siya mabundol ng biglang may katawan na tumulak sa kanya ng malakas. Bumagsak sila sa sahig, ilang tampakan mula sa dyip na ngayon ay lumagpas na sa kanila.

Lumundag pala si Rey at sinama si Lyn sa lakas ng lundag niya para maiiwas sa dyip. Malakas ang pagkabagsak nila sa may kalsadang konreto. Pero ang bumagsak pailalim ay si Rey. Nasa ibabaw si Lyn.

Bakas ang takot sa mukha ni Lyn. Nanlalaki ang mata niya na parang nakakita ng aswang sa harap niya. Tulala ang mukha niya na nakatingin sa mukha ni Rey. Wala siyang masabi.

Halos mamatay na siya. At kung hindi dahil sa lalakeng nakatingin sa kanya ay baga lasog lasog na ang katawan niya ngayon. Wala pa rin siya masabi ng ang mukha ni Rey ay napuno ng galit.

“Ano ka ba!? Pati ba naman kalsada aangkinin mo!? Ganyan ka ba talaga!?”sigaw ni rey na galit na galit.

“Ahh..”pilit ni Lyn na magsalita at sinubukang tumayo. Pero hindi pa siya ngangalahati sa pagtayo ay bigla siyang bumagsak at hinimatay.


--------------------------- ----------------------------

Yes. Tapos na 7th.

Mukhang medyo dadalang pag-uupdate ko. Exams, thesis at kung ano ano pa ang susunod. pagdasal niyo na lang ako.

Sa mga magbabasa at magcocomment, salamat.

Goodluck sa inyo.


Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
eskalaytor
older post:
HINDI

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
djpogi11    •reply Oct 16, 2009 @ 7:51 PM
 
update na woooooooooooooooooooooooo
Lanzelot_05    •reply Oct 16, 2009 @ 9:29 PM
 
mukhang interesting ang story, simulan ko muna sa chapter 1 bago ako mag post ng kung ano mang criticisms. .
jazz_25    •reply Oct 16, 2009 @ 9:36 PM
 
updaatteeee! : ) )
reign07    •reply Oct 16, 2009 @ 9:42 PM
 
maganda--period--


lol
khei_eidha    •reply Oct 16, 2009 @ 10:07 PM
 
: n a u g h t y : 
kaezy    •reply Oct 16, 2009 @ 11:04 PM
 
: l u v :  : n a u g h t y : 
perfectworld    •reply Oct 17, 2009 @ 2:22 AM
 
yan gusto ko sayo otor : n a u g h t y : 
mabilis mag-update : c h e e r : 
macqueen042006    •reply Oct 19, 2009 @ 10:17 AM
 
Otor.. nagiging interesante po bawat chapter.. mejo icheck lang po ng konti un mga typo. Thanks...
Galing-galing po... : a d o r e : 
tonguetied    •reply Nov 9, 2009 @ 10:55 PM
 
ang cute ng mga linya ni rey..pati ba naman kalsada aangkinin mo..hahah
ziane_arcien    •reply Nov 13, 2009 @ 11:39 AM
 
.ahaha.nice one piboO. : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
eskalaytor
older post:
HINDI
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
How to survive the valleys and hills of relationships? One way is to look at love the way Zen practitioners would: as a moment to be savored to the fullest. If you have loved once, you have loved forever.

--Danton Remoto

You need to be logged in to Facebook