|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
No Entry: The Love Story of Heart and Cholesterol
Pang fifth na ako. Nairaos din.
Salamat sa mga nagcomment dun sa huling post ko ah, natuwa ako, kahit hindi kayo marami. Eto pala yung mga past few chapters. Chapter 1:Ano Pangalan mo? Chapter 2:Rey Limbao Sinusundan mo ba ako? Chapter 4:Absent si Sungit 4th chapter na. Medyo maikli lang to ah. Mahaba kasi yung update bukas eh. Mag-iisang linggo na si Lyn sa eskwela nila. Close na siya sa mga kaklase niya, babae man o lalaki. Nakakasundo niya lahat. Masaya na siya sa lagay niyang to. May mga ilan-ilan na ring mga nanunuyo sa kanya at nagpaparamdam. Walang oras si Lyn sa mga ganitong bagay. Wala naman problema sa magulang niya, talagang ayaw niya lang. Isa lang ang nakapagtataka na bagay. Absent pa rin si Rey. Nagtataka pa rin siya paminsan-minsan. Pero madalas ay hindi niya na rin iniintindi at walang namang umaalala at nagpapaalala. Naglalakad siya kasama si Mary at Ana papunta sa canteen. Naiinis si Lyn dahl wala siyang naisagot sa quiz sa math. “…kainis nga eh”pagpapatuloy ni Lyn. “bumagsak ako dun sa test sa math. Yung logarithms? Parang wala akong maalala na tinuro yun?” “Huh?”nagdududang tanong ni Mary. “bat hindi? Eh yun yung una nating lesson eh. Hala. Si Lyn di nakikinig. Sumbong kay Mr. Ilagan!”pang-aasar ni Mary. “Tsssk Lyn ah. Mukhang kung ano ano yang laman ng utak mo ah.”second the motion naman ni Ana. “Malay ba namin, sino na iniisip mo nun ah?”tapos ngumiting pang-inis. “Sino yun Lyn?” “Wha? Ano sinasabi mo? Parang sira. Alam mo gutom lang yan. Hay nako.”inis na sagot sa pang-aasar nila. Nadaan naman sila kay Manny na kaklase nila. Si Manny ang dakilang alaskador sa klase. Binati ni Manny ang tatlong babae. “Hello girls. Musta? Gusto niyo bubble gum?” Humila siya ng isang bubble gum na may nakalagay na 'Juicy Fruit'. “Gusto niyo?” “Ano na naman pinaplano mo Manny? Bigla kang nagiging mapagbigay ngayon.”sabi ni Ana na nagtataka sa asal ni Manny. “Binibigyan na nga bitter ka pa. Ede hindi kita bibigyan.”sabay abot ng juicy fruit na hindi pa niya nilalabas sa lalagyan. Tipong naka-halfway pa lang yung bubble gum sa lalagyan. Humila naman si Lyn ng bubble gum. “Ahwch!”sigaw ni Lyn na nabigla sa malaground na naramdaman nung hinila niya ang gum. “Hahahahahahhaha!”halakhak ni Manny na tuwang tuwa sa ginawa. “bye Lyn! Cute mo pala pag nagulat! Hahahaha!”tapos tumakbo at naghanap ng bagong mabibiktima. “Ano ginawa nung sirang yun Lyn?”tanong ni Mary. “May kuryente yung bubble gum!? Grabe nakakagulat. Ano ba problema ng mokong na yun?”balik tanong ni Lyn. “Hay nako Lyn masanay ka na dun. Mas malala pa mga nagawa niyan sa akin.”sabi ni Ana. “Pero alam mo, bestfriend ni Rey yan dati nung di pa nagmumukmok si Rey. Close na close sila nun.”dugtong ni Ana. “Hmmm. Loko-loko pala kaibigan ni Rey. Siguro loko-loko rin yun dati. Mas okay sana kung ganun siya Problema hindi na eh, sayang na nilalang..”pagpapalagay ni Lyn. “Halika kain na nga tayo.”yaya ni Mary na halatang gutom na. ------------------------------ Pauwi ng bahay... Pauwi na si Lyn galing eskwela. Habang nasa dyip nag-iisip na siya ng dahilan na ibibigay niya sa mama niya para sa bagsak niya sa math. “Si Mr. Ilagan kasi eh! Pa hingi ba naman P.S.. Panira eh. Hay nako, ano kaya dahilan pupuwede?” Habang nasa traysikel nag-iisip pa rin siya. “Ah alam ko na. Sorry lord, desperado lang. Kailangan lang talaga ng mga deception malupet.”isip ni Lyn sabay evil laugh na parang sira sa traysikel. Buti malakas yung tunog ng motor. Kundi baka inexorcist na siya nung traysikel operator. Naghahanda na si Lyn pagbalik sa bahay. Nang makarating siya may script na siya na nakabaon sa utak at play na pinag-isipan niya. Siguradong lusot siya dito. At least makakatulog na lang mama niya tapos baka makalimutan niya na may bagsak si Lyn. “Sana gumana. Sana.”sabi ng pasaway na si Lyn. Binuksan niya ang pintuan. Nahalata niya sa harap na door mat na may sapatos na itim. Nandito sa loob ang papa niya. Mukhang mas mahihirapan siya lumusot. Pero kailangan niya pa rin. Nanonood ng TV ang magulang niya, mukhang hindi pa sinasapak ng mama niya ang papa niya. Sa totoo mukhang nakalimutan na nang mama niya yung sinabing sasapakin ang papa niya. Ang sweet nila. Nagentrace si Lyn sa paglalambingan ng magulang niya. “Ma! Akala ko ba sasapakin mo yang lalakeng yan!?”pagkukunwaring galit at tumawa. Hinalikan ang papa niya at mama niya. “Papa, musta trabaho?” “Okay lang anak.”sagot ng papa niya sa malalim na boses. “O bebeng, kamusta nga pala ikaw sa eskwela? Sana naman matataas ang mga grado mo ah.”dagdag niya. “Lagot, mali ata timing ka. Baguhin ko na lang nga strategy ko”isip niya tapos nagpaalam sa mama niya. “Ma, bihis lang ako tapos lalabas ako ah? Gusto ko lang malibot tong bago nating village”paalam niya na may plano upang lumusot. Umakyat siya sa itaas. Pero bago siya magbihis, dumeretso siya sa kwarto ng magulang niya at iniwan ang test paper niyang may bagsak. Tapos sumulat ng note. “Ma at Pa, lagyan daw ng signature. Pasensya na sa score, di ko naintindihan lesson eh. Pirmahan mo ah. Love you.*Evilaugh P.S. Hindi na ako kakain, wag niyo na ako hintayin.” Iniwan niya ang note sa deretso ibabaw kung san nakalagay yung score. Nagmadali siya na pumunta sa kwarto niya at nagbihis. Kumuha siya ng konting papel at lapis para maidrowing niya ang paligid ng village. Madali siyang lumabas ng hindi nahahalata ng magulang, para rin makalusot dun sa mababa niyang grade sa math. Pasaway na bata. Hihintayin niya makatulog ang magulang niya bago siya pumasok. Maaga naman natutulog magulang niya. Malamig ng simoy ng hangin. Napansin pa niya na ang mga halaman sa village ay malago, napapanatili at naalagaan ng maayos kaya mabango at malamig ang hangin sa lugar. Naglalakad lakad siya, ginuhit niya ang iba ibang bagong nakita niya. Isa rin itong paraan ni Lyn para hindi niya makalimutan ang pabago-bago na mga lugar. Gumuguhit na lang siya para hindi mainip. Natural kasi siyang makalimutin, at nahahasa rin ang husay niya sa pagguhit. Natutuwa naman si Lyn dahil iba ang village na ito kumpara sa iba niyang napuntahan. Nag-enjoy pa siyang maglakad-lakad sa tahimik na village ng may marinig siya. May tunog na lumulutang sa hangin, napakalambing ang tugtog na narinig niya. Hindi niya matandaan kung anong klaseng instrumento iyon pero ang alam niya lang ay napaganda nito. Sinundan niya kung saan nanggagaling ang tugtog na iyon. Tumungo siya sa isang madilim na parte, pero habang padilim ng padilim ay mas lumalakas ang tunog ng napakagandang melodiya. Malapit na siya ng bigla siyang natigilan. Nauntog siya sa pader. Dahil sa dilim ay hindi niya makita kung nasaan siya. Ang tunog pala ay nanggagaling sa kabilang bakod. Tumuloy pa rin ang tugtog kaya nagpasya na lang si Lyn making sa kabilang bakod. “Sino to? Nakakainlove naman. Oh my God. Grabe.”pag-aadmire ni Lyn sa tunog. Nakakahumaling nga naman ang naririnig niya. Nanatili pa siya doon nang may katagalan. Patigil-tigil ang pagtugtog pero nagpapatuloy uli, parang hindi napapagod ang nagplaplay ng instrumento. Okay lang yun kay Lyn dahil parang tinatangay siya sa ibang dimensyon ng tugtog na naririig niya. Hindi namalayan ni Lyn ang oras, nahalata na lang niya ito ng narinig niya na tuluyan ng tumigil ang nagpapatugtog. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nakita ang oras sa kanyang electronic watch. 12:13 am. Gabi na. Kailangan niya ng umuwi, malamang siguro tulog na ang magulang niya kaya ligtas na siya. Makakalimutan na nila ang bagsak niya kinabukasan. Ngunit bago siya umalis, nagsulat muna siya ng isang note at ang papel ay ginawa niyang eroplano. “Napakaganda naman. Napasaya mo gabi ko. Maraming salamat.” Pinalipad niya ang papel na eroplano sa kabilang pader. “Sana mabasa mo.”pakiusap ni Lyn at nagsimula ng bumalik pauwi sa bahay. Makakalimutan niya ang gabing ito. Pero ang tugtog na nagpalambot ng puso niya ay nakaktatak na sa utak niya. “Sino kaya yun?”isip ni Lyn habang nilalakad ang kalsada tungo sa bahay niya. Yun ang 5th chapter. Hindi siya mahaba. Yung sa six ang mahaba kaya pinutol ko na. Salamat sa mga nakabasa ah. Comment lang kayo. Sige. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
medyo sadya ung bitin. Mahaba kasi ung next chapter. Hintay nio, may twist ung sixth. Pasensya sa mga nabitin. Anyway. Thanks for reading.
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories nyL_zgyd, peacemaker_13, Mackaroo, CHANGDARA, BABADOODLES, pop217, geminier, cailixz, akane_lee318, xryukinzx, CookieMonster, and 62 guests |