|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Politics & Issues
Ang CHIZeeee talaga
Napanood ko sa TV (actually narinig, kasi tutbras mode ako nun) kahapon ng umaga bago pumasok at narinig ko sa radyo sa auto ni sir habang papuntang cavite tas narinig ko na naman sa radyo sa auto ulit ni sir nung sinabay nya ko papuntang SM Manila, na pinapanukala ni Chiz Escudero na ipasa na lang daw ang lahat bata sa elementarya at hayskul na naapektuhan ng bagyong ondoy at pepeng. Wala lang akong taym magsusulat kahapon kasi besibesihan ako. Nakakatawa naman sa totoo lang. Parang, wala na bang ibang gimik na pwedeng gawin para mapagusapan? Hindi kaya me lahing tanga tanga ang mga adviser ni Chiz na imbes kumalap ng suporta e mas lalo lang nilang pinapabagsak ang manok nila? O kung hindi man, para po saan? I mean, kinakailangan ba talaga na ipasa ang mga estudyante dahil sa nakakaaawa sila dahil nasalanta sila ng bagyo? Paano naman kung papasa lang sila ng wala naman talaga silang natutunan? Paano pa nila makikita ang kahalagahan ng mga aralin kung basta na lang bibigyan sila ng passing grade dahil naawa ka sa nangyari sakanila? Kumusta naman yun? Ayun na ba ang batayan ng pagpasa ngayon? Tsk...tsk! Pwede namang magbigay ang mga teachers ng considerations sakanila pero hindi ang basta basta na lang ipasa sila. Susmeyo! --------------------- o ----------------------- Overflowing ang mga tulong sa mga nasalanta ng bagyo. Pati mga Filipinos abroad makikita mo ang pagmamalasakit sa kapwa Pilipino. Me isang insidente lang na tumatak talaga sa aking isipan. Last week, me tumawag sa hotline ng Unang Hirit at pinapasabi on national television na nagdonate ang grupo nila abroad ng certain ammount (nakalimutan ko na kung magkano. basta milyon dollars yun) sa gobyerno. Wala lang, naisip ko lang kasi na ganun pala kawalang tiwala ang mga tao sa gobyerno kaya pina announce pa nila na ang donations nila ay pinadaan nila sa gobyerno. Tama nga naman. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
that is just stupid, ipapasa ang mga elementarya at high school dahil natamaan sila ng bagyo? that's crazy. siguro out of desperation or di kaya gimik ng mga adviser niya since wala namang nakapag-isip sa idea na yun so inisip siguro nila mabisa yun para mag boust yung ratings ng manok nila. di nila ata inisip ang outcome nito sa mga estudyanteng kulang sa edukasyon at kulang sa kaalaman. stupid i say, very stupid and for one educated person such as chiz escudero himself made that stupid statement.
DEMO
•reply
Oct-13-09@9:57PM
parang ganun na nga, why on earth would he support that kind of amendment? dahil binaha yung mga estudyante? pffttt...why not let the prisoners free dahil sinalanta din sila ng bagyo while he is at it.
scarlett_of_troy
•reply
Oct-13-09@10:04PM
you know what i notice about you?
you're too nice...to a fault sinabi mo na lahat stupid except kay chiz escudero don't be shy to say he's stupid because he is
Tank20
•reply
Oct-13-09@10:07PM
:basa:eh boss ate, kung nagkataon pala ma accelerate yun kaibigan ko from nusery to kinder??? ayun po sa kabila o waiting to strike.
scarlett_of_troy
•reply
Oct-13-09@10:29PM
yun tuta mo ba
laking sisi cguro ng nanay nya kung ba't pa sya niluwal sa mundo parang gusto ko sisihin nanay nya bakit d nya pina abort yun tuta mo
Tank20
•reply
Oct-13-09@10:31PM
shhh...nag te theraphy yun...gamot nya eto sa PTDS. bka na gang rape ng mga goons ni anu....
hamo, kakausapin ko si santino para ma rekwes nya kay bro for speedy recovery.
DEMO
•reply
Oct-13-09@10:10PM
hahaha well i don't want to
rob people the wrong way but if that's how things done then i have to say it chiz escudero is one stupid politician for giving out that ridiculous statement.
scarlett_of_troy
•reply
Oct-13-09@10:20PM
nagapa level up ko
last saturday, wala ko tulog ba start ko mga 8am. before i know it, 4am na diay sa sunday ![]() paita diay ma adik uy
DEMO
•reply
Oct-13-09@10:19PM
papogi hahaha, di na niya kailangan nun if he really wants to show that he cares for the people the people will take care of him. pa impress masyado di iniisip ang stability ng education ng mga batang gusto niyang ipapasa.
silentheart08
•reply
Oct-14-09@11:06AM
strategy yun para bumalik sa limelight ang chiz. me nabasa ako flop daw ang mga concert or meetings nila para ma-announce kung anong balak nya sa 2010 desperate act na nga kumbaga.
DEMO
•reply
Oct-14-09@12:06PM
exactly! parang last resort nalang nila ang pag announce niya na bibigyan nalang ng passing grades yung mga students these year dahil sa baha. Siguro maiintindihan ko ang motives niya kung wala siyang hidden agenda pero wala eh meron talaga at sobrang obvious na desperado na siya. Lahat naman ata ng politician desperado ngayon lalo na din si villar simula nung inannounce ni noynoy ang pagtakbo niya sa susunod na eleksyon.
from a very bright and up start young politician to lame, pathetic and desperate candidate lumalabas na parang kulang sa pansin at kulang sa media limelight si chiz.
Kahit naman ipasa sila this school year, kung tatanga tanga sila next school year, wala padin. Wahaha.
silentheart08
•reply
Oct-14-09@11:09AM
exactly. tska
kahit naman di nya ipanukala un, me mga teachers din naman na nagpapraktis ng ganun, ung basta na lang pasa estudyante kc nakakaawa kahit wala man lang natutunan.ang problema lang kc, gobyerno ang nagppromote ng quality education tas papanukala ng isang mambabatas ang ganyan? kumusta naman un?
wala na ngang natutunan buong taon ipapasaya pa dahil kay ondoy
andami na ngang kulang sa edukasyon lalo na sa public di na makahabol sa private tapos ah sakit ng mata ko
frauddeity
•reply
Oct-13-09@11:05PM
dapat college na lang eh
di naman sya maboboto ng mga elementary at high school ah.. loko talaga to si chiz eh.
silentheart08
•reply
Oct-14-09@11:13AM
naloka din ako sa kalokohan ng deped na yan. wala na ba silang maisip na matino? lolo, kilala mo ung aso sa kabilang post? di ko naman inaano pero inaano ako. i smell something fishy down under
Tank20
•reply
Oct-14-09@3:16PM
naloko na nga...sus parang generation tapos ng WW2, mass promotion mga iskwela.re: naman dun sa asong kalye... tumawag na ako ng city pound kaso bka daw ma CHR cla kya sa PAWS na lng pero hanggang ngaun, wla pa ring aksyun. Hindi ata nag ta-trabaho at nasalanta din...KAYA!!! kinontak ko si Santino, ipanarekwes ko na pagalinigin na lng ni Bro... bka sakali...matndi siklat, suspetsa ko nabili na at ng gobyerno ang TristanCafe.
anu ba yan Chiz type pa naman kita iboto pero ng mag-panukala ka ng ganyan, parang lumuwag lang turnilyo ah. Hindi nakakaganda ng umaga yang ginagawa mo, Wala pa masyadong natutunan yung mga bata ipapasa na agad. Buti pa kung sinabi mong mag-review sila para sa acceleration test. At kung sino babagsak yung balik sila sa grade nila at yung papasa iyon ang ang may karapatan. Kung yun ang ginawa mo malamang natuwa pa ako sa iyo. ![]()
This thing happened way back in the 90's nung pumutok ang Mt. Pinatubo sa mga affected areas (e.g. Pampanga, Zambales etc). Lahat ng estudyante pinasa at exempted sa pagkuha ng NSAT.
I think may point din sya. may psychological effect kaya ung mga pangyayari lalo na sa mga kabataan like matrauma sila and di makapagconcentrate sa pag-aaral etc. Sa Pinas kasi di pinapangalagaan ang psychological and emotional health ng mga tao. sige lang ng sige...
silentheart08
•reply
Oct-14-09@4:50PM
granted na me psychological effect yun sa mga bata pero sa tingin ko hindi yun enough reason para ipasa na lang ang mga bata. katulad ng sabi ko sa taas, pde namang magbigay ang mga teachers ng considerations. halimbawa, advance reading, recap ng lectures den bigay sya ng assignments na nagpapakita kung me natutunan ba ang bata sa isang aralin. e kung basta na lang cla ipapasa, halimbawa sa grade 6, ang last quarter basics ng algebra, sa 1st yr hs nde na ituturo un ng step by step. pahapyaw na lang. den more advance algebra lesson na ang ituturo. paano cla makakahabol kung pumasa cla ng nde man lang nalalaman un?
maliit n bgay lang yung ipasa ang mga estudyante kesa sa pinagdadaanan nila after ng trahedya. pero kailangan din natin isipin ang kapakanan nila. kung makakabuti nga ba talaga ang hakbang na gagawin.
jeriannex
•reply
Oct-14-09@5:15PM
How can they continue on studying if the classrooms are not usable? It would take time to build/furnish the schools again. Before ng bagyo kulang na ang mga classrooms, lalo na after.
I-reresume din naman ang mga klase at matuturuan pa rin naman ang mga bata but the question is when they can start? By the time na maayos lahat ng classrooms they would be a few months behind. Not considering pa na ung mismong mga bahay ng mga estudyante at mga gamit sa school nabasa lahat ng bagyo at di na magagamit. Pwede rin namang i-adjust ang curriculum at alisin ung mga subjects na di naman nila kailangan at iprioritize ung mga subjects na may kailangan talaga nila. Pwede rin naman na ipasa sila across the board for this grading period lang at hindi buong school year. Nasa estudyante naman un kung gusto nyang umasenso at mag-aral ng mabuti. If a student does not have any interest in studying, lalabas at lalabas din ang totong grades nila sa mga susunod na school years. I don't know anything about Philippine Politics. What I know is ung mga nababasa ko lang dito sa T-cafe and I don't have any idea about what Escudero has done or did not do. I'm just stating my opinion that he has a point. Pwede namang magcompromise ang mga pro at against. Puro negative kasi ang mga comments sa taas.
silentheart08
•reply
Oct-14-09@5:43PM
wat u are saying is actually a considerations. o diba, we can think of something else na pdeng maging solusyon sa ganitong problema hindi ang basta lang ipasa ang mga bata. dats not an option.
ang panukala kc ni chiz is ipasa ang estudyante for the whole school year. paano na yun? or tama/nakakabuti nga ba yun? yun lang naman ang basehan ng komento. dagdag lang yung nagagamit sa pamumulitika ang mga kawawang nilalang na toh. sinagot ko lang din ang opinyon mo. kc maliwanag naman ang stand ko sa issue na toh, ganun naman talaga kung merong isang komento na taliwas sa pinaniniwalaan mo ipaglalaban mo ung stand mo. wala namang mali o tama sa ganito. nasa tao lang un kung pano mo dadalhin ang side mo sa issue na toh.
Ewan ko. Naiirita ako sa ad niya na gabi- gabi mo ring makikita sa primetime, parang teleserye lang.
Siguro nga may psychological effect sa mga nasalanta ng bagyo ang nangyari pero sana naman magkaroon ng basis kung papasa o hindi ang estudyante. Baka lagi na lang hilingin ng mga estudyante na magkaroon ng kalamidad para lang pumasa sila. Tsaka, may basis naman para magkaroon ng grades ang mga estudyante dahil patapos na rin naman ang grading period ng dumating si Ondoy. Sana magkaroon ng mas katanggap- tanggap na solusyon kaysa sa panukalang ito.
ganun!
so gusto talaga nilang lumaking mangmang ang susunod na henerasyon para manatili sila sa pwesto! :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories anghellzalupa, _lituhin_, annly18, geminier, mhelaisky, retep_love_rej, silentheart08, sundaythefifth, asdyanzxctin, souldagger24, supladhita_nhicole, kilay_muymuy, koolbrat, mandurugas_2, and 42 guests |