tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Barangay Tristan
Buhay May Asawa
posted by (Oct 13, 2009 @ 9:36AM) views: 324
Hindi pala madali...

Oo, alam ko na nuon pa na ang pag-aasawa e parang sugal. Sumusugal ka naman talaga eh. Narinig ko na rin hindi lang sampung beses na ang pag-aasawa e hindi parang mainit na kaning isinubo na pwede mong iluwa pag napaso. Narinig ko na rin na ang pag-aasawa e hindi madali. Hindi lang puro saya, may hirap din. Oo nga.

Sampung buwan na kaming magkasama ng asawa ko. Ngayon ko lang napatunayan na totoo palang babae ang nagdadala ng relasyon. Hindi ko nilalahat. Pero sa kaso ko, oo, babae ang nagdadala ng relasyon. Ako. Kung ako siguro e "nagger," malamang matagal na kaming naghiwalay ng asawa ko. Kung ako siguro e hindi marunong magparaya, malamang wala na ako dito sa bahay namin.

Ngayon ko pa lang nadidiskubre ang buhay may asawa. At hindi ako magsusulat kung hindi ako nahihirapan. Oo, aaminin ko, nakakahiya man, pero nahihirapan ako. Iba pala kasi talaga pag magnobyo pa lang kayo eh. Saka mo pa lang talaga makikilala ng lubos ang isang tao pag nagsama na kayo sa iisang bubong. Malamang sasabihin ng iba, "Kasalanan mo yan, ikaw tong atat na atat mag-asawa eh." Eh ano naman, pero isa lang ang alam ko na totoo, hindi ako nag-iisa sa sitwasyong ito. Sinong may asawa ang hindi dumaan sa pinag dadaanan ko ngayon?

Hindi sa masamang tao ang asawa ko. Ang totoo, hindi siya nananakit. Mabuti siyang tao. Pero, iba pala talaga ang kultura nila dito. Iba pala talaga pag hindi ka sanay sa hirap. Iba ang "lifestyle" ika nga. Sa pinas, pag may isasaing ka, ayos na. Kumbaga, sanay na sanay ako sa hirap kaya hindi ako nag aalala ng husto. Sila dito, konting hirap lang, hindi na alam ang gagawin. Hindi halos mapakali. Hindi makatulog. Ewan, mas nananaig lang siguro talaga sa akin ang dugong Pinoy. Dalang dala ko hanggang dito ang ugaling "bahala na" si batman. Ugaling sana eh makuha sa akin ng asawa ko. Kahit konti lang.

Sa kabilang banda, hindi naman puro hirap lang din ang nararanasan ko sa buhay may asawa. Siyempre may sarap din noh. Lalo na sa gabi, hahaha! Kasi kahit na sa kabila ng hirap eh masarap isiping may karamay ako. Sana lang, hanggang wakas ko siya karamay.
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
nakakainis lang baga...
older post:
Power of Two...

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
diewithme    •reply Oct 13, 2009 @ 9:41 AM
 
: b o o k : 
jelanne_25    •reply Oct 13, 2009 @ 9:42 AM
 
eh ate ilang taon npoh ba kau nsa tmang edad na ata kau ng pgaasawa
yerffej0979    •reply Oct 13, 2009 @ 9:42 AM
 
: i a g r e e :  lalo n s gabi
freedertjosh    •reply Oct 13, 2009 @ 9:46 AM
 
And May you live happily ever after : k i s s : 
gakz    •reply Oct 13, 2009 @ 9:46 AM
 
: b o o k : 
reign07    •reply Oct 13, 2009 @ 9:53 AM
 
Lalu na sa gabi!?

: ? 
mr_numb    •reply Oct 13, 2009 @ 9:58 AM
 
ang sweet at taray ng pic. : n a u g h t y : 
jennifer070787    •reply Oct 13, 2009 @ 9:58 AM
 
: l u v :  danda nga ng pic. : s m o o c h : 
hellowjhoann    •reply Oct 13, 2009 @ 10:22 AM
 
san maging happy na kayo... : b o w :  : c h e e r : 
Tank20    •reply Oct 13, 2009 @ 12:55 PM
 
: h m m :  hindi mo kasi binigyan ng pagkakataon si tangke...sana andito ka sa mindanao...pinoy na pinoy sueldong foreigner.: e v i l : 

: h i d e : 

tagu atu....bka ma ayspik atu sa tagiliran...

: t a k o t : 
mikai_21    •reply Oct 13, 2009 @ 6:18 PM
 
un un eh nka2limutan ang hirap pag dting ng gabi : r o l l : 

: p a n a l o :  : l o l : 
geminier    •reply Oct 13, 2009 @ 7:15 PM
 
lalo na sa gabi.. : l o l : 

Natatakot na tuloy ako mag-asawa.. : e s e p : 
scarlett_of_troy    •reply Oct 13, 2009 @ 9:44 PM
 
totoo yan na babae ang nagdadala sa relasyon : n a u g h t y : 

kaya GURLS : r u l e z : 
DEMO    •reply Oct 13, 2009 @ 11:06 PM
 
all you need is to understand each other and be more patient with each other's flaw.
  scarlett_of_troy    •reply    Oct-13-09@11:23PM
hi, mr. super duper nice guy : w a v e : 

: l o l : 
  DEMO    •reply    Oct-13-09@11:24PM
oh don't say that.
  scarlett_of_troy    •reply    Oct-13-09@11:31PM
i promise i won't say that you're a super duper nice guy again.
i promise i won't say that you're a super duper nice guy again.
i promise i won't say that you're a super duper nice guy again.
i promise i won't say that you're a super duper nice guy again.
i promise i won't say that you're a super duper nice guy again. (x to the 1000th power)

: r o l l :  : r o l l :  : r o l l :  : r o l l :  : r o l l :  : r o l l :  : r o l l : 
  scarlett_of_troy    •reply    Oct-13-09@11:35PM
tulog na ko uy. sayo pa ko mang harvest ugma : g r i n : 

nyt, kuya : w a v e : 
  DEMO    •reply    Oct-13-09@11:45PM
hahaha naka sched man, mura naman tawn ka ug farmer ana hehehe. sige goodnight sleep well : D 
neo21    •reply Oct 14, 2009 @ 4:06 AM
 
hay kau ok lang yan lola . pag walang hirap walang saraaaap : l o l : 
peacemaker_13    •reply Oct 14, 2009 @ 3:28 PM
 
hindi basta basta lumalabas ang totoong ugali ng partner mo, years bago mo makilala kung sino ba talaga sha.. : l o l :  haha! ya ang sabi ng boss ko nung nagusap kami 2ngkol sa pag aasawa.. : l o l : 


iba talaga ang kultura natin sa ibang bansa.. tayo, magkaroon lang ng perang sapat pang tawid gutom para sa isa oh dalawag araw hindi na tau namomoblema.. : l o l :  galing talaga ni batman.. hehehehe! : r a z z : 




: p e a c e : 
_Trixie888    •reply Oct 14, 2009 @ 4:58 PM
 
Di ko kasi alam kung nasan kang lugar sa US ngayon pero sabihin na natin dumating ka kasi sa bansang yan sa panahong unstable sila. Ang kailangan mong gawin sa ngayon ay kung papano diskartehan ang pang-araw-araw na pamumuhay nyo. Like pagtitipid kahit sa ilaw, tubig, et cetera. Me efek kasi yan sa huli... nasasabi ko yang kasi dito na rin ako nakatira sa ibang bansa di ba?!

Kahit siguro iba kultura nyo sa isa't isa... if you have each other, everything's gonna be alright: m u s i k : 
paulei163    •reply Oct 16, 2009 @ 3:03 PM
 
mahirap na masarap..

i agree...

ganyan tlga cguro

: s m i l e : 
freshflesh    •reply Oct 16, 2009 @ 9:47 PM
 
MAHIRAP ANG MAY ASAWA.....

1. Kapag may asawa, dpat stick 2 1.
2. hindi n makapag lakwatsa.
3. ang pera para sa pamilya, kung may nais kang matulungan hindi na pde kc may bgo k ng pamilya.
4. may bantay sau.
5. tatanda kang mabilisan dahil sa problema.
pain_no_more    •reply Oct 17, 2009 @ 1:08 PM
 
Kaya ndi pa ko nagaasawa eh.. : r o l l : 
kleija06    •reply Oct 18, 2009 @ 5:43 PM
 
awts : ( 



buti na lng ala aku plan mag asawa : l o l : 


: t a k a s : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
nakakainis lang baga...
older post:
Power of Two...
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
A fool in love makes no sense to me.
I only think you are a fool
If you do not love.

You need to be logged in to Facebook