tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
No Entry: The Love Story Of Heart and Cholesterol
posted by (Oct 12, 2009 @ 9:35PM) views: 322
Desperado na ako. : l o l :  : l o l : 

Nakikita na sa title. Pero seryoso ako nan ah. Gusto ko lang talaga bumasa. Pero hindi namimilit. Wala akong karapatan.

Hay, masaya naman magsulat ng storya kahit hindi binasa, kaya okay lang.

Pero mas masaya pag may bumasa : l o l :  : l o l :  .Sabay koment pa oh. Yun yun.

Title nga plaa nung chapter 3 "Sinusundan mo ba ako?" NBakaligtaan ko ilagay.

Eto last chapters.
Chapter 1:Ano pangalan mo?
Chapter 2: Rey Limbao
Chapter 3: Sinusundan mo ba ako?


Ayun, saka pinalitan ko nga pala title. Dinagdagan ko, para maging mas catchy. Basahin niyo ah. Wag puro view. : n a u g h t y :  : n a u g h t y : 

Eto na chapter 4.

--------------------------- -------------------------------

Chapter 4:Wala si sungit


Kumatok si Lyn sa kanilang bahay. Lumulutang sa hangin ang simoy ng mabangong amoy ng nilulutong ulam. Hula niya ito ay sinigang na baboy. Mukhang mababawi ni Lyn lahat ng inis niya sa araw na to sa pamamagitan ng pagkain ng bandehadong sinigang. Sa bahay niya nanggaling ang amoy.

Binuksan naman ang pintuan ng kanilang bahay ng isang babaeng may kaliitan, maputi at may malambing na mata.Naka-apron siya.
“Good evening ma.”sabi ni Lyn at humalik sa pisngi ng kaniyang mama na pawis sa init ng kusina.

Ngumiti mama ni Lyn. “Musta unang araw mo bebeng?”tanong ng may paglalambing. “Ganda ba bago mong school?” dagdag niya na tanong. Tumango naman si Lyn bilang pag-sang ayon.

“Eh mga classmates mo? Okay lang ba?”tanong pa ng mama ni Lyn habang nagpupunas ng kamay sa isang hand towel. Naalala na naman ni Lyn yung antipatikong lalake sa unang araw niya. Aangal na sana siya sa nanay niya pero tumanggi sa naisip.
“Okay naman po sila ma. Ang babaet nga po nila LAHAT eh.”may pighati na pagsasabi niya. “Pinaganda nga po araw ko.”pagsisinungaling ni Lyn. Hindi pa rin niya matanggal sa isip niya yung sungit na yun.

“Hay mabuti.”sabi ng kanyang mama. “Ay bebeng, hindi makakauwi si Daddy mo ngayon. May deadline silang tinatapos. Nako! Talaga yang tatay mo, kung di ko lang mahal yan. Sinipa ko na bayag niyan.”pagbibiro ng nanay niya. Malawak ang pag-iisip ng magulang ni Lyn at sadyang mapagbiro, napalaking ganito si Lyn. Kaya dumagdag naman siya sa sinabi ng mama niya.

“Wag ma! Gusto ko pa ng kapatid na baby!”biro ni Lyn na may pagkukunwaring pang-hihinayang. Tumawa silang dalawa.

“Hay nako bebeng, gutom ka na ba? Sigurado pagod ka sa kakapainlab sa mga bagong voysss sa school. Halika kain na tayo. Nga pala, may nakausap akong babae kanina, matagal na taga-dito rin. Mukhang mababait mga kapitbahay natin ah. Sabi pa niya may anak siyang taga-Santos high din. Minsan nga meet natin sila ng makilala mo kung sino kalapit mo dito na kaklase mo.”hayag ng nanay niya na tuwang tuwa at nilabas ang mga plato para makapagsimula ng kumain.

Pinainlab ka diyan. Kung alam mo lang ma. Kung alam mo lang.”isip ni Lyn sabay sabi na lang ng “oo” dun sa mga sunod na sinabi ng mama niya. Tinulungan niya mama niya maghain tapos nagplano na umakyat.

“Ma, palit lang ako ah.”sabi niya tapos umkyat na sa taas.
Habang nagpapalit siya, nakarinig siya ng ambulansya sa hindi kalayuan.

Ngeeeewwwwwwww!


“Mukhang hindi lang ako ang malas sa araw na ito ah.”at nagsimula ng bumaba at kumain ng hapunan.

---------------------
A few minutes before...

Sinusundan mo ba ako? Kung ganun tigilan mo ako. Hindi kita papansinin. Layuan mo ako pahamak ka.”bulalas ni Rey sa babaeng kanina pa nangungulit.

Aba! Sumosobra ka na ah!”sigaw ni Lyn. Nakita ni Rey ang bahay nila at daliang pumasok. Nanakita na ang dibdib niya, parang sasabog na.

Bat ba ayaw niya akong tigilan?”angal ni Rey sa sarili at sabay pasok sa gate ng bahay nila. Hindi na niya kaya ang sakit sa dibdib niya. Pinipilit na lang niya buhatin ang kanyang katawan papaloob ng bahay. Bumagsak siya at sumigaw.
“Mommy! Ang sakit.. ang sakit..arhhh!!”sigaw niya sa loob ng bahay.

Luamabas naman ang mama niya na parang gulat na gulat. “Rey!?” Nanlaki ang mata niya. “Ano nangyari sayo!?” Biglang takbo sa may medicine counter at kumuha ng gamot at kumuha ng baso ng tubig. “Rey! Drink this.” Sinubukan ng nana niya na pigilan ang panginginig ng kamay upang mapainom ng mabuti ang gamot kay Rey. Ininom ng nanlalambot na si Rey ang gamot na binigay ng kanyang mama.

Nanghihina pa pero nagsalita pa rin si Rey. “Mommy. Let me play. Please.”

“What? No, your still weak son. Wag muna. Ano ba nangyayari sayo? You never had this attack since last year.” Tapos dinala si Rey sa isang sopa. “What happened anak?”

“Mommy, please. Just let me play. Please.”pagmamakaawa ni Rey. Wala sa mukha niya ngayon ang bahid ng pagsusungit na nandun nung siya ay nasa eskwela. Tanging pagmamakaawa at panghihina.

“Why all of a sudden? Hindi kita papayagan, mastrestress ka pa.”alalang-alala na sabi ng kanyang mama. “Stay there, Kukuha lang ako ng pamunas. I repeat, stay there. Wag kang aalis.”utos ng mama niya bago pumunta ng kusina.

Ilang minuto ang dumaan at may narinig ang mama ni Rey na isang napakalambing na tunog. Mabagal at malungkot ang tono. Matamis sa pandinig at siguradong dala ng isang magaling na musikero.

Pero sa pandinig ng mama ni Rey ay hindi ito magandang tunog. Yun ang tunog ng anak niya na tumutugtog ng saxophone.

“Kakagaling niya pa lang sa atake! Ano bang ginagawa niya!?”gulat na isip ng mama ni Rey at dagliang tumakbo papunta sa kuwarto ni Rey. Ngunit bago pa siya makarating ay biglang naputol ang tunog at may bumagsak na mabigat na bagay at sumunod pa ang bagsak ng isa pa.

Pagpasok ng mama ni Rey ay nakita na lang niya na si Rey ay nakabulagta sa may sahig ng kwarto niya. Nasa tabi niya ang saxophone na narinig ng mama ni Rey. Hindi alam ng mama niya ang gagawin. Tumakbo muna siya papunta sa anak niyang bumagsak.
“Rey! Rey! Gising! Gising! Whaty did you do to yourself!?
Rey!”sigaw ng mama niya na hindi alam ang gagawin. “Ambulansya. Kailangan ko tumawag ng ambulansya”gulong gulo na isip ng mama ni Rey. Tumakbo siya ng nanginginig ang katawan at hindi magkahitata at kinuha ang telepono sa may sulok ng kwarto ni Rey. Nagdial siya ng numero ng hindi magkaugaga. “I need an ambulance! Now! I need it in Block 2 Lot 10 in diamond street in Forteza Homes! Bilisan niyo please! My son is in danger!”umiiyak na bulyaw ng mama ni rey na nagmamakaawa sa tao sa kabila ng telepono.

Sumagot naman ang kausap ng mama ni Rey. “Yes mam. We’ll be sending an ambulance immediately.”

“Bilisan niyo! Please!”luhang luha na sabi ng mama ni Rey.

-------------------
At School..


Maagang gumising si Lyn at maagang kumain ng umagahan na inihanda ng mama niya. Ayaw niyang makasabay ng antipatiko tulad kahapon kaya iniwasan niya na. Maaga na lang siya aalis. Humalik na siya sa mama niya para pamamaalam na lalabas na siya.
“Ma, ingat sa bahay ah. Pakisuntok na rin si Pa kung sakaling umuwi siya mamaya ah? Love you ma. Enjoy maglinis ng bahay.”biro ni Lyn sa nanay bilang pamamaalam.

“Yes lola. Gusto mo kurutin kita? Pumasok ka na nga, dami mo pa kalokohan. Pero yung sa suntok sa tatay mo, hayaan mo, may bugbog siya pag-uwi. Love you bebeng. Ingat sa stalker.”tapos kumaway ng maikli at sinarado ang pinto.

Ayos lang naman ang biyahe ni Lyn. Walang masungit na nakasakay, sa totoo nga ata parang wala pang estudyante masyado. Okay lang siya dito, sanay na siyang maaga pumapasok.

Wala pang tao sa school ng makarating siya. Pumasok siya sa room at nakita niya na nandun na si Mary. “Wow,”isip niya. “Maaga pala to pumasok, at least may kachika ako.”

“Good morning Lyn! Aga ah. Mukhang okay ka sa mga klasmeyts natin ah. Nakausap ko sila natutuwa daw sila sayo. Naks, ganda impression. Hahaha!”balita ni Lyn.

“Hehehe.”hiyang tawa ni Lyn. “Okay na yun at least hindi bad impression. Eh kasi mukhang kasama ko celebrity sa school eh.”

“Sus, hindi naman.”pagpapakumbaba ni Mary. “Lyn, ngayon na magsisimula yung tuloy tuloy na araw na aral. Light pa lang kahapon, ngayon na start ng lahat ng academics.”babala ni Mary na parang nanakot.

“Sus, I’m always ready.”pagbibiro ni Lyn at sabay silang nagtawanan. “Dun na nga tayo sa upuan.”yaya ni Lyn.

Maya-maya ay nagsidatingan na ang ibang mga kaklase nila. Ilan pang minuto ay puno na ang klase. Dumating na ang adviser nila na teacher sa math na si Mr. Ilagan.

Pero may napansin lang siya. Wala ang seatmate niya.

"Class, where is Mr. Limbao?"tanong ni Mr. Ilagan sa klase. "Second day pa lang wala na. Do anyone know where he is?"

Umiling ang klase. Walang may alam, wala naman at kasi may pakialam. Nakapaisip si Lyn.

Absent yung masungit na lalakeng yun? Ano kaya nangyari sa kanya?”pagtataka ni Lyn. “Pero, like I care? Pake ba nun sa akin? Pake ko rin sa kanya.”may pait na isip ni Lyn at nakinig na sa lesson ni Mr. Ilagan na tungkol sa logarithms.

“Ay ang galing, eto agad. Tama nga si Mary, mahirap na. Makinig na nga lang ako.”isip ni Lyn.

Pero hindi pa rin siya natigil sa isip. Naalala niya ang ambulansya. Naalala niya ang paghawak ni Rey sa dibdib na parang may iniindang sakit.

Hindi kaya…?"

May nasasaksak si Rey sa kasungitan niya? Malamang! HAHAHAHA!”paglolokong isip ni Lyn at muntikan ng matawa. Buti nasa likod siya at di makikita. Pigil na pgili siya sa pagtawa sa likod. Lumagpas na ang period ng math at wala pa rin siyang natutunan. Pero okay lang dahil tuwang tuwa naman siyang nag-iisp ng dahilan kung bakit absent si Rey. Pero sa likod ng isip niya. “Ano nga kaya nangyari dun?


--------------------------- -------------------------


Tapos na 4th chapter. Ang bilis ko lang magupdate kasi wala namang bumabasa. Pero yung sa mga babasa salamat, basta iwan lang koment.

Ang saya pala mag story writing, kahit walang tumatangkilik.

Mas masaya sana kung meron. : n a u g h t y :  : n a u g h t y : 

Para sa mga di pa nababasa yung last chapters, nasa taas link. Wag na kayong mahiya. Pindot na! : l o l :  : l o l : 

Hindi ko naman kayo masisi kung ayaw niyo gawa ko, second story ko pa lang naman to. Pero thanks sa babasa at magcocomment.

(Lagot, malapit na exams. Goodluck sa seniors sa laht ng school, wag sana tayo himatayin.)
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Si Rodel At Ang Aking Pangarap [4]
older post:
padre pamilya

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
kaezy    •reply Oct 13, 2009 @ 4:55 AM
 
nice nman ung story eh keep it up sana nga lang tuloy tuloy at hindi mo ibitin ung story : s m i l e : 
djpogi11    •reply Oct 13, 2009 @ 8:24 AM
 
update na agad otor!!
macqueen042006    •reply Oct 13, 2009 @ 9:08 AM
 
Update..update.. : n a u g h t y : 
macqueen042006    •reply Oct 13, 2009 @ 9:09 AM
 
GAling otor..
panjo    •reply Oct 13, 2009 @ 9:44 AM
 
lupet ng utak.. bilis mag-update..
  panjo    •reply    Oct-13-09@9:45AM
follower na nga pala ako ng blog mo..
nalimutan ko sabihin last wik.. : b l u s h : 
  bukaykay    •reply    Oct-13-09@10:38PM
Naks, salamat kuya panjo. Akala ko magiging patay na isda na lang yung blog ko dahil walang nakakapansin eh. Hehehe. Salamat uli. : l o l :  : l o l : 
bukaykay    •reply Oct 13, 2009 @ 10:37 PM
 
Masarap nga sana an express update. Kainis lang, may 24 hour interval. Salamat at pinagtiygaan niyo gawa ko.

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Si Rodel At Ang Aking Pangarap [4]
older post:
padre pamilya
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Love can sometimes be magic. But magic can sometimes...just be an illusion.

--Javan

You need to be logged in to Facebook