tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
No Entry. Chapter 2
posted by (Oct 10, 2009 @ 9:07PM) views: 344
Ito yung pangalawa.

Hindi ko alam kung ayos lang. Pero post ko na rin.

lagay ko lang yung 1st chapter.

Chapter 1: Anong pangalan mo?




Comment lang ah. Accepting criticisms para mabago ko mga mali.

Thanks. Here is chapter 2.

--------------------------- -----------------------------

Chapter 2: Rey Limbao


Katulad ng lahat ng first days sa buhay ng isang mag-aaral. Lahat may ‘who are you?’ portion. Nangangalahati na ng makarating kay Mary ang turn.

“My name is Mary Mendez, I’m 16. Pero mukha lang ako sira noh? Kilala niya na ako diba?” sabay tawa ng klase. Si Mary pala ay isa sa mga sikat na celebrity sa school.

Buti naman may matino na akong nakilala.”tahimik na pagpapasalamat ni Lyn.

Umikot ng mabilis ang ronda ng mga pagpapakilala. Mukhang magkakakilala na lahat. Kinabahan tuloy si Lyn dahil baka mapahiya siya sa sasabihin niya. Turn na ni Lyn.

Kabado siyang tumayo pero di niya pinahalata. Bago siya nagsalita, para bang napansin niya sa gilid ng kanyang paningin na tumingin sa kanya ang lalakeng masungit na katabi niya. Tinignan niya ito pero hindi naman. “Guni-guni ko lang yun." batid niya. Nagsimula siyang magpakilala.

“Hello. Kung hindi kayo mga ulyanin sa mukha ay hindi niyo aakalahin na kaklase niyo ako last year.” biro ni Lyn na nagpangiti naman sa mga kaklase niya. Isa pang natutunan ni Lyn sa pagpapakilala ay dapat bigyan ito ng konting humor. Para maganda agad ang impression. “Naks,” isip niya.” Score ko to! Nice one, Lyn.”tapos ngumiti sa klase. “Nga pala, Lyn Guevarra pala pangalan ko. I’m 15 years old. Hindi ko pa kabisado ang pangalan ng subdivision namin kaya hindi ko na sasabihin. Bago lang kasi ako dito eh. Ayun, nice to meet you all.” Maayos na pagsalaysay ni Lyn.

“Good ms. Guevarra, mukhang masayahin ka naman, I hope maganda ang stay mo dito sa school namin. Everyone, welcome Lyn.” Sabi ng lalakeng teacher na nagngangalang Mr. Ilagan.

“Hello Lyn!” sabay sabay na sabi ng buong klase pwera sa lalakeng katabi niya.

“Ang cute mo naman Lyn!’ sigaw ng isang lalake sa may bandang harap ng klase. Narinig ni Lyn na nagpakilala siya bilang Arthur Mansilan. Madaming nagtilian na babae nung siya ang tumayo kaya naisip ni Lyn na sikat etong lalake na to. Sa bagay, ang ganda na ng katawan, matipuno at guwapo pa talaga. “Yes, may nakahalata na agad sa akin ah. Mukhang di rin ako malas ngayong araw ah. “ isip ni Lyn na tahimik na natawa sa inisip niya. Turn na ng lalakeng antipatiko na bumara sa kanya.

Tignan natin to. Ano kaya pangalan nitong sungit na to.” bulong ni Lyn na mahina.

Tumayo ang lalakeng antipatiko. Biglang nagbago ang hangin sa klase, nagsimangot ang iba, iba naman ay umiling at lumayo ng tingin. “Kaya pala ganun to umasta eh.”intindi ni Lyn. Tumingin siya sa lalake at inintay ang sasabihin. Nakakunot pa rin ang noo niya.

“Ako si Rey Limbao.” Mabilis na impit ni Rey. Sabay upo.

“Hindi nga ako magtataka kung ganyan ka.” bulong ni Lyn sa lalake na mukhang wala pa ring narinig.

“Nako Rey, hindi ka na nagbago. Well, going back. Let’s start the class shall we? Alam ko naman na atat na kayong mag math pagkatapos ng bakasyon” biro ni Mr. Ilagan na seryoso pala. At nagpatuloy na si Mr. Ilagan na simulan ang klase. Lumipas ang araw ng ordinaryo, nirefresh lang ba ang utak ng mga estudyante. Magaling naman si Lyn sa klase, mahina lang talaga memorya.

Dumating na rin ang lunch at nagsitayuan na ang klase. Niyaya si Lyn ni Mary na sabay na mag lunch kasama ang ibang mga babae na kaibigan ni Mary. Masasaya sila kasama dahil halos parehas sila ng ugali ni Lyn. Inisip ni Lyn na hindi siya mamromroblema sa kaibigan dito. Sa seatmate lang siya mamromroblema.
Naisip na rin naman niya ang katabi niya, tinanong niya na rin kung sino ang Rey Limbao na ang na ang kapal ng mukha magsungit. “Ui Mary. Tanong lang.”

“Ano yun Lyn?”sabay subo ng lunch niya. Tumingin naman ang lahat ng kaklase niya na babae na nakinig sa itatanong ni Lyn.
“Kasi naiintriga lang ako dun sa katabi ko. Yung Rey Limbao? Ang sungit kasi kaninang umaga eh. Tapos pansin ko pa na naging gloomy kayo nung siya na magpapakilala. Para bang walang may gana sa kanya.” inosenteng tanong ni Lyn.

Naging seryoso naman ang mga babae at si Mary na nakinig sa tanong ni Lyn. “Ay si Rey? Hay nako, dakilang sungit talaga yan eh. Ewan ba namin lahat. Matagal na yan dito, di naman ganyan dati. Pero one time, nag-absent siya ng may katagalan, pagbalik niya parang basahan na lagi yung mukha sa kunot. Simula nung araw na yun, nainis na mga tao sa kanya. Wala na rin lumapit sa kanya. Pero sa makikita mo naman, parang wala siyang pakialam eh.

Nagsalita ang isa pang babae na ang pangalan ay Gene. “At dati,ang bait sa babae nang lalakeng yan. Crush nga ng bayan. Pagbalik parang bigla talaga nag-iba. Nakakapagtaka nga. Sayang nga siya eh. Cute pa naman.” At tumawa. Tumawa rin ang ibang mga babae.

“Ikaw pala Gene ah. May lihim na pagnanasaka pala kay Rey!? Hahaha!” sigaw na patawa ng mga babae na ginawang biro si Rey.

Sumagot naman si Gene. “Joke lang yun, mga di mabiro. Sasagutin ko na yung loser na si Raffy, wag lang yung basahan na yun.” Tapos tumawa ng mapangutya.

“Hoy guys, ang rude niyo.”sabi ni Mary. “Pasensya na Lyn ah. Ganyan talaga sila pag tungkol kay Rey. Pero wag kang masyadong madala, may bait yan si Rey. Hindi lang talaga naming alam kung anong nangyari sa kanya after niya maabsent ng matagal.”

“Kailan ba siyang nagsimula maging ganyan?” tanong ni Lyn.

“Last year lang siya naging ganyan. Wala talaga kaming ideya.” Sagot ni Mary. Tinuro niya ang isang teybol na naglalaman ng isang tao. Si Rey. Wala siyang kasama, mag-isa kumakain. Maya-maya ay tumayo at lumabas ng canteen. “Kita mo, parang wala kami eh.” Sabi ni Mary.

Ano kaya nangyari sa kanya?” isip ni Lyn habang kumakain ng Kalderetang Baka. “Kakausapin ko siya sa uwian. Nang ako naman makabara sa kanya.” Sa lahat ng tao, ayaw ni Lyn ng antipatiko. At sa lahat ng seatmate niya, yung antipatiko pa. “Rey Limbao pala ah. Tignan natin kung ano yang sungit mo.

--------------------------- ---------------------


Inuulit ko, I'm accepting criticisms. Basahin niyo na lang yung 1st chapter kung di niyo pa nababasa. Nasa taas link.

Salamat.
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
5 pesos: between love and friendship love story
older post:
ISANG PANGAKO

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
jee81    •reply Oct 11, 2009 @ 4:19 AM
 
: w i n k :  ayos para saken..update agad..galing!hehe..
  bukaykay    •reply    Oct-11-09@4:30AM
kala ko walang papansin sa post ko. Cge, try ko tuloy. Perd wait.
  perfectworld    •reply    Oct-11-09@10:27AM
Medyo umonti ho kc yung mga nagbabasa d2 sa Poetry and fiction kasi madaming otor ang hindi na nag updetz ng story : c r y : 
pero don't worry magsisibalikan din yang mga yan : n a u g h t y : 
perfectworld    •reply Oct 11, 2009 @ 10:25 AM
 
Updetz na otor! : c h e e r : 

xcited na ako na malaman yung past ni Rey : b l u s h : 
jewel_emerald    •reply Nov 4, 2009 @ 6:53 PM
 
ou nga eh!ganda!
neon25    •reply Nov 15, 2009 @ 1:11 PM
 
mganda dn to exciting..mkhang mhaba haba pa tong ba2sahin kea d aq mbi2tin hehehe
  jewel_emerald    •reply    Nov-15-09@1:25PM
hahahah..aq din isang araw q lhng tinapos basahin 2...kaya lhng tagal mag-update ni otor...hahahha : l o l : 
neon25    •reply Nov 15, 2009 @ 1:28 PM
 
exciting dn to...naiinz ako ky rey ang uber sungit anu keang ngyari sa knya...tzk tzk..

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
5 pesos: between love and friendship love story
older post:
ISANG PANGAKO
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
True love is indescribable, yet self-explanatory.

You need to be logged in to Facebook