tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Barangay Tristan
Isang Bukas na Liham
posted by (Oct 02, 2009 @ 6:18PM) views: 210
Company ID ko,


Na-miss kita ah! Pasensya ka na ha? Sa pagmamadali ko kanina dahil baka ma-late ako, naiwan kita. Kasi naman hindi ako nagbitbit ng bag kaya walang nagpaalala sa akin na naiwan kita. Naalala lang kita nung papasok na ako ng opisina. Lahat ng kasama ko hinihila yung leeg nila para mapatunog ng "toot!" yung ID nila sa pinto at para makapasok sila sa loob. Pagkapa ko sa leeg ko, dun ko na-miss yung pagkakayakap mo lagi sa leeg ko. Hays... Ayan tuloy, temporary ID ang kasama ko na isinukbit sa leeg ng ewan ko kung sino bago napunta sa akin para isuot. Tampulan pa ako ng tukso kasi hindi naman tumutunog ng "toot!" sa pinto ng opisina yung temporary ID ko kailangan pang may makakasabay ako sa pagpasok at paglabas ng opisina.

Kaya hayan... isasabit na kita sa leeg ko bago ako matulog... siguradong hindi na kita maiiwan. Sana lang maalala kitang isuot ulit pag hinubad kita pag naligo ako mamaya bago pumasok. Isabit na lang kaya kita sa pintuan para kita kita bago ako lumabas ng bahay? Ilagay na lang kaya kita sa bulsa ng jacket ko? Pero papaano kung makalimutan ko ang jacket ko? Eh di maiiwan ka din. Tsk! Aaahh... sa salamin na lang. Kasi siguradong magsasalamin ako eh. Pero aalisin din kita pag nanalamin ako... Ang gulo...

Sige na nga diyan ka na lang sa kinasasabitan mo ngayon! Dyan sa may hagdanan... Sitsitan mo na lang ako mamaya. Syet antok na yata ako talaga at kinakausap kita!



Ako : k a p e : 


Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Rights of the minors
older post:
HELP

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
kleija_06    •reply Oct 2, 2009 @ 8:55 PM
 
ansama naman... makakalimutin si id mu... tsssk : h m m : 



nakakarelate : r a z z : 
  Legionnaire    •reply    Oct-3-09@1:38AM
Oo nga... di man lang niya napansin na naiwan ko siya... sana nagtext man lang di ba? : b l u s h : 
  _Trixie888    •reply    Oct-4-09@8:32PM
kaw na naman nauna.. hay naku!
frauddeity    •reply Oct 2, 2009 @ 10:56 PM
 
id ko laging nasa bag eh
kasi makakalimutin din ako
  Legionnaire    •reply    Oct-3-09@1:52AM
Yeah, ang problema kasi di ako nagdala ng bag... : l o l : 
Asarako    •reply Oct 2, 2009 @ 11:17 PM
 
dapat yang ID mo....

matutong maglakad ng sa ganun kapag nakalimutan mo puntahan ka na lang sa work.... pero dapat bigyan mo ng pamasahe : l o l : 
  Legionnaire    •reply    Oct-3-09@1:52AM
korek! : n a u g h t y : 
abcdi    •reply Oct 3, 2009 @ 3:44 AM
 
hehehe my totoot card din id mo?? : g r i n : 
ahihihi.. patago mo na lng sa guard ung id mo para automatic pag pasok, hihingin mo na lng.. ahahaha : l o l : 
  Legionnaire    •reply    Oct-3-09@6:16AM
Yep. May tootoot din card ko. : s m i l e :  Pero good suggestion ha? : r a z z : 
VENDOR_ng_TCAF    •reply Oct 3, 2009 @ 9:39 AM
 
: l o l :  kung dangang kasi dapat sa mga lintek na ID na yan matutong magsalita na "OI HUNGHANG ANDITO PA KO. ISABIT MO KO!"
aiza_b0w    •reply Oct 3, 2009 @ 12:52 PM
 
lagyan mu ng alarm c id: l o l : 
Harmony13    •reply Oct 3, 2009 @ 3:52 PM
 
Sarado natin ang liham bka kumunat. Hehe..Buti na lng wlang toot id ko..Tnt
pain_no_more    •reply Oct 17, 2009 @ 1:16 PM
 
Hahaha..

Makakalimutin..

Parang...










































Ako... : l o l : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Rights of the minors
older post:
HELP
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
Sometimes it's hard to tell if you love someone until they are gone.

You need to be logged in to Facebook