tristancafe - ang tambayan ng mga walang magawa sa buhay
Search Tristancafe Forums
Custom Search
frontpage music karaoke games forum berks columns quizzes crosswords
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Politics & Issues
Anong karapatan mo hayop?
posted by (Sep 28, 2009 @ 11:03PM) views: 375

Hayop ka nga lang. Wala sa iyo ang lahat ng karapatan. Wala.

Baka isipin niyo naman may naka girian ako dun sa mga tambay ah, wala. Yang sinasabi ko patungo sa ating mga tao. Dahil sa totoo, hayop lang tayo, katulad nung unggoy sa gubat o nung kamelyo sa disyerto.

Angal? Magsabing hindi siya hayop malaki kang tanga. Kaya ka nga tinawag na Homo Sapiens, hayop ka, kala mo lang hindi, yumabang nagkaron lang ng superyor na utak. Mammal ka nga eh, katulad ng unggoy at ng Blue Whale. Hindi ba hayop yun?

Yun ang magiging haligi nito gusto kong ipalagay. Hayop lang tayong nakataas, lumaki na ulo natin.

Siguro ang gulo ko pa, sige sandali lang.

Okay.

Sabi ko nga sa taas, hayop tayo. Wala akong intensyong magpakababa ng loob, gusto ko lang na iparating na hayop tayo, nakataas man tayo, hayop pa rin tayo. At bilang hayop katulad ang karapatan natin tulad sa ibang nakakababang hayop. Kahit nakakataas tayong mga tao, kahit anong mangyari, parte lang tayo ng isang mas malaking sistema ng mga hayop, halaman at mga hindi nabubuhay na bagay.

Ang tao, anong ganang talino ay parte lamang ng tinatawag na kalikasan, kaya wala tayong karapatan mag diyos diyosan sa mundo. Wala kang karapatan, puro ka kayabangan.

Naisip ko lang to kasi nanood ako ng Planet Earth series na documentary tungkol sa mundo. As in yung mundo inexplain at dinescribe at sinabi kung ano yung iba ibang sitwasyon kinaharap natin. Ayun, kumukulo kaluluwa ko nung iniinterview nila yung mga iskolar at mga propesor tungkol sa kalagayan ng mundo. Halata namang hindi maganda ang lagay ng mundo diba? Yang Ondoy nga lang malaki ng ebidensya.

Pero ang sumira dito sa mundong dating maayos ay yung mga mayabang na hayop na kala nila sila lang ang mga hayop na pwedeng gumamit ng mundo.

Alam mo ginawa nung mga walang hiyang hayop? Ayun sinira nila yung gubat, ayun sinunog yung goma, ayun tinapon yung balot ng kendi sa may canal, ayun umutot ng usok ng paktory, ayun tinapon yung mga tae nila sa may Ilog Pasig. Tuwang tuwa pinapabaho yung hangin na hinihinga nila, tuwang tuwang dinudumihan yung lupang inaapakan nila, tuwang tuwang ginagawang pozo negro yung kulay ng Mineral water. Yan ang mga matatalinong hayop, ang mga dakilang mamamatay kapwa-hayop.

Pero hindi alam ng mga matalinong hayop na ito, na puro katangahan lang ginagawa nila. Hindi nila alam na yang katalinuhan na taglay nila nagdulot pa ng katangahan. Sirain ba naman yung mundong tinutuluyan eh, hindi pa ba tanga yun? Buti sana kung yung talino natin kayang gumawa ng Earth sa Mars, eh problema hindi pa nga nakakahanap ng solusyon tong mga matatalino daw na mga hayop kung pano tatanggalin yung dumi ng Payatas eh.

Nakakataas nga tayo sa katalinuhan, hindi naman natin ginagamit. Yan puro katangahn ginagawa. Kala kasi ng tao, matalino siya pag kumita siya sa punong pinutol niya ng ilegal. Hindi niya alam, na pag inubos niya lahat ng mga punong yan, siya dun ang malulunod pag bumaha ang Ondoy.

Diba nga sabi ko pantay pantay lahat ng mga nilalang sa mundo.Sa ginagawa nating mga katangahan, pinapatay natin yung mga ibang nilalang na walang kamuwang muwang sa buhay ng mga tao. Habang mas nagiging madamot tayo, tinatanggalan natin ng karapatan tong mga hayop na naninirahan sa mundo. Nagmumukha tayong mga walang kwentang mga kaluluwa na sarili lang na buhay ang pinahahalagahan.

Kasi tatandaan natin, nauna ginawa ng Diyos ang mga hayop kaysa sa tao, ibig sabihin, pinahalagahan din ng Diyos yang mga hayop na ginugutom at pinapatay natin. Ang labas tuloy natin, tayo yung mga sumisira ng gawa ng Diyos.

Gusto ba nating maging masama sa mata ng Diyos? Na iniisip ang sariling kapakanan, sariling pagkita ng pera kapalit ng buhay ng mga puno at mga hayop na pag nawala ay mas malaki ang balik sa ating kamalasan?

Eto, isipin mo, ilan ang tao sa mundo? Sabi daw nila anim na bilyon. Marami yun. Maraming marami. Pero isipin mo rin to Ilan lahat lahat ng ibon. Ilan lahat lahat ng isda? Ilan lahat ng ipis sa kanal? Ilan lahat ng daga sa bubong. Ilan lahat ng elepante sa Aprika? Ilan lahat ang puno ng akasya? Ilan lahat ang puno ng Narra? Pagsamasamahin mo lahat yun, tignan natin kung hindi ka maduling sa kakabilang at siguradong matatanto mo na yung anim na bilyong tao sa mundo ay napakaliit na bahagi ng lahat lahat ng bagay na may buhay sa mundo. A millionth of a millionth nga lang tayo eh.

Ibig sabihin, lahat ng karapatan nila mabuhay ay sa kanila at walang tayong karapatang pagbabarilin sila at gawing mga jacket na ubod ng kati at ubod ng mahal. Dahil hindi lang tayo ang mahalagang mga nilalang sa mundo, dahil kung tayo lang ang mahalaga, wala ka ng makikitang aso at pusang naghahabulan.

Kaya alalahanin mo palagi habang nagsusunog ka ng sigarilyo, habang tinatapon mo yung mapanghing laman ng arinola sa may Ilog Pasig, na sa ginagawa mo, may isang isdang nalalason sa ihi mo at ibong nabibilaukan sa usok mo. Isipin mo bago ka magputol ng puno, na may tatlong unggoy na nakatira sa tuktok na mawawalan ng tirahan.

Tandaan mo, na hayop ka lang katulad ng ibang hayop, at parehas kayo ng karapatan sa buhay. Naging mas matalino ka lang, kaya wag kang magpakatanga na kitilin yung buhay ng mga walang muwang na mga buhay dahil sa katangahan na yan, sa pagpatay mo sa ibang nilalang, yan din ang papatay sa iyo balang araw. mamalasin ka rin.

Eto nga, nanood ako ng TV patrol, yang mga namatay sa Ondoy, tao rin may kasalanan niyan eh. Biruin mo mamamatay-hayop na nga tayo, pati tao kaya na natin patayin, nagpa-usok ka lang sa factory niyan ah. Wala pang baril at saksak. Nakapatay na tayo. Leche.

Kaya ngayon magbago na tayo.

Gamitin mo ang talino mo sa ikakapahalaga ng buhay at hindi sa pagkitil.

Ayaw mo namang maging asal hayop diba?

Hayop ka na nga, mag asal-hayop ka pa.

Magpakatao ka naman.

Tayo.





Pasensya mahaba. Kumukulo lang talaga dugo ko. Medyo magulo nga lang, kasi parang haywire lang thoughts ko eh. : l o l : 



Bisita ka.

http://bukaykay.b logspot.com
Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
| More
 
newer post:
Guys, Let's Help!
older post:
Test Subject

:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
lonelytoya    •reply Sep 28, 2009 @ 11:17 PM
 
dbale pag lumubog na mga bansa sa dagat

baka ok na

Karma para sa atin

"You Reap what you Sow"
  bukaykay    •reply    Sep-28-09@11:35PM
Wag nga lang sana mangyari yun. Amg dami ko pang plano sa buhay ko. Gusto ko pa ma kolehiyo! : f u r i o u s :  : f u r i o u s : 
  lonelytoya    •reply    Sep-29-09@12:22AM
hahaha, sisihin ang mga taong walang paki,,,=P Kung ano nman ngyyari kasalanan natin e. Pero ang daya, actually yung last generation yung mga baboy e. Generation natin ang dapat mag-ayos para sa sinira ng past generations. Madaaaaayaaaa
  bukaykay    •reply    Sep-29-09@2:14AM
hindi rin, ung henerasyon din natin ung nagpasabog ng kamalasan eh. Tayo kaya ang pinakamaraming na reap, tayo pinakamaraming isosow. Nako.
nobadi    •reply Sep 29, 2009 @ 12:40 AM
 
ala ka ata gana magsulat : n a u g h t y : 
  bukaykay    •reply    Sep-29-09@2:09AM
oo nga eh. Hahaha! Hinihikab pa ako habang sinusulat ko yan. : l o l : 
Tank20    •reply Sep 29, 2009 @ 8:46 AM
 
: e s e p : 

uo nga hayop na gumagawa ng greenhouse gases.

the price we pay for develpoment...ika nga.

pero...???di ba yun tao-hayop ...

me hyphotalmus ba ang aso? parang wla...

san ko ba nabsa yun hyphotalmus is the seat of holy spirit...: e s e p : 

eneweys...sabi nga ni bayani fernando, siya na lang daw sisihin at wag na ang dios...wla rin naman kinalaman ang dios dito sa basura, pagputol ng kahoy, over development wla man o kulang sa urban planning etc etc etc at libu libong litanya...
  silentheart08    •reply    Sep-29-09@10:02AM
pang sitcom ba nya yan o pangteledrama? : n a u g h t y : 
  Tank20    •reply    Sep-29-09@10:34AM
: n a u g h t y :  bagsak sa urban planning yan...nakuha sa lagay kasi jejejeje..

ska isa pa, kasalanan na ng tao.

si tapon ng basura
si putol ng puno
number one sa putulan ng puno yan MMDA di ba?
si MMDA abala sa panghuhuli ng traffic violator imbes na maglinis ng daluyan ng tubig.
si bayani busy sa pagkampanya...kya tignan mo napabayan na trabaho...kya dapat nga akuhin nya lahat ng sisi.

command responsibility.
  silentheart08    •reply    Sep-29-09@4:44PM
: l o l :  at abala sa paggawa ng pink fence, pagandahin daw ang metro, gumawa ng maraming gwapotel : l o l : 


hayun nakalimutan nya maglagay ng pumping station dun sa me malabon o kung meron man parang second class kc nasira din.


e ung navotas..me pumping station sila na gumana 24hrs nung bagyo kaya hanggang tuhod lang ang baha sakanila. e kung wala nun baka mas nauna pa sila lumubog kesa marikina at cainta
silentheart08    •reply Sep 29, 2009 @ 9:56 AM
 
puro kahayupan pala dito : l o l : 
silentheart08    •reply Sep 29, 2009 @ 10:00 AM
 
sabi nga nung article sa young blood minsan..ang tao magaling lang magingay pero ang tanong kung me ginagawa ka ba para mabawasan ang global warming? : n a u g h t y : 
  bukaykay    •reply    Sep-29-09@1:42PM
ginagawa ko na nga makakaya ko eh. Ewan ko ah, pero ang pag voice out ko ng opinyon ang bagay na maitutulong ko. Dahil oo, bata lang ako, walang kayang gawin pwera mag-ingay. Pero pag naging aware kami, nakialam kmi sa mga sitwasyon ng mundo, nakakatulong na kami sa paglutas ng global warming kasi musmos pa lang kmi nag-iisip na kami ng paraan upang makatulong. At etong pagsigaw namin ng opinyon ang gigi sa mga mas matandana walang pake na makialam na sa suliranin ng mundo, dahil kung ang bata may pake, matauhan ang matanda na kailangan din pala niya makialam dahil may responsibilidad siya sa mundo nia.

Magsasabi ako ng totoo, Un pa lang ang bagay na kaya kong itulong pero alam ko may ginawa ako.
  bukaykay    •reply    Sep-29-09@1:55PM
Saka isa pa, oo may maitutulong ako. Simple langnaman maitutulong ko. Diba nga sabi ko wala akong kakayanan makatulong ng pisikal sa mga problema ng pilipinas, ang kaya ko lang ay sumigaw. May isa pa akong magagawa.

Ang magagawa ng mga taong walang magawa ay wag gumawa ng kahit ano. Hindi ko sinasabi na maging mga tubig sa canal na hindi gumagalawa, ang gusto ko lang sabihin, wala kang gagawin. Wala kang gagawing masama sa paligid mo o sa mundo mo. Iiwasan mo yung mga bagay na makakasira pa at magdudulot ng global warming. Kumbaga ang bata, babaliktarin yung nakakagawian.

Dahil aware nga kami, at sa pagiging aware na yan nakakatulong kami, ganito gagawin namin. Imbes na gayahin namin yung gawang mali ng mga mas nakakatanda sa amin, hindi na lang namin gagawin. Wala kaming gagawin habang wala pa kaming maitutulong.

Dahil kung hindi namin kaya bawasan ang global warming, kaya naman siguro namin pigilan ang pagdami. Kung hindi namin kaya linisin yung bara sa kanal, ang kaya lang naming gawin ay huwag na dagdagan pa yung barang nahihirapan na tanggalin.

Ung ang magagawa ko, walang gagawing makadadagdag pa sa suliranin, at sigurado isa tong malaking maitututlong.
  silentheart08    •reply    Sep-29-09@4:32PM
: l o l :  high blood? andami mo namang sinabi. : l o l : 


bottom line there is practice what you preach. kung post ka lang post ng artiks tas babasahin lang ng readers na sinasabi mong mga class A na hayup but still keep polluting the air, land and water it's no sense. mas ok na gumawa ka ng isang bagay (like pagtatapon sa tamang lagayan) tas gagayahin ka ng ibang tao at gagayahin pa ng ibang mga tao..in that way u spread the good deeds.


sabi nung prof ko sa ethics, practice makes you permanent. pag yun ang madalas mong gawin yun ang makakasanayan mo na hanggang sa yun at yun na ang palagi mong gagawin.
  silentheart08    •reply    Sep-29-09@4:35PM
at yun na ang ituturo mo sa iba.



: h m m :  nabitin
  bukaykay    •reply    Sep-29-09@5:50PM
Yun nga sabi ko eh. : l o l :  Bata lang ako sa Saudi pa nakatira, kaya ang ginagawa ko na lang hindi ko dadagdagan yung problema. Type din naman yun ng pagpraktis ng sinasabi diba? Siguro nga mali ko dun sa article ko walang solusyon, kaya siguro tunog mali. Yan alam ko na, thanks ate.
jennifer070787    •reply Sep 29, 2009 @ 10:06 AM
 
: t a k o t : 
IFUGAO    •reply Sep 29, 2009 @ 10:11 AM
 
hayop ka rin : p u s a n g i n a :  mag donate ka na lang! : l o l : 
nicole14_16    •reply Sep 29, 2009 @ 10:15 AM
 
hay tapos na yan.. edi go out at kumilos ka.. yun lang yun eh.. uo hayop tayong lahat pero is this the time para magsisihan pa.. wala na dapt magkaisa na alng tayo tutal naman tayong lahat din ang dahilan kung bakit naging ganito ang nangyari..
  bukaykay    •reply    Sep-29-09@2:02PM
Kung naintindihan niyo naman yung sinulat ko hindi naman ako naninisi, partly lang. Kumbaga, sa alam kong paraan, pinamukha ko lang sa tao na yung mundo tuluyan nilang sinisira ay may malaking kamalasan na ibabalik sa kanila. Saka eto nga ginagawa ko para mai-parte kop yung share ko sa pagkakaisang sinasabi mo, dahil pag nalaman ng mga taong walang pake na marami ng taong may pake, marami na rin ang sasali para sa isang kusa.

Kasi matatauhan lang ang tao pag pinamukha mo na, tingin mo ba lahat ng Pilipino malaki ang pinsala na natamo sa Ondoy? May mga taong hindi nasaktan at napinsala, yung mga taong yun, HINDI KO NILALAHAT AH, may mga natitirang tao na dahil hindi sila tinamaan, wala silang pake at tuloy pa rin sa pag wawalang bahala. Pag pinamuklha mo sa mga tangang tao na ito na kagaguhan ang ginagawa nila, matatauhan sila at madaragdagan pa ang mga tutulong sa trahedya. Kaya hindi ako nagsusulat para makapagsulat lang, nagsusulat ako para maibigay ko yung tulong na kaya kong itulong. Dahil eto lang ang kaya ko.
  nicole14_16    •reply    Sep-29-09@10:06PM
walang paki? I should say na nAGKAKAMALI ka.. alam mo kung bakit.. lahat ng tao ngayon nagtutulungan.. Isipin mo na lang sa marikina puro kotse ang mga nakabalandra doon nung pagkatapos ng baha.. mga bagong at mamahalin pa.. anu walang nagtatangkang magnakaw na baklasin yun. Ngayon lumalabas ang isang trait ng mga Pilipino na ipinagmamalaki ko talaga na. Ang "BAYANIHAN" nakita talaga ng mga mata ko kung panu nagtulungan ang bawat pilipino para bumangon sa pinsala na ginawa ni bagyong ONDOY.
  bukaykay    •reply    Sep-30-09@2:55AM
opo nagkamali po ako dun. Kaya nga lang po hindi kasi natin matanggal na may mga taong sadyang hindi nakikialam, kaht nagbayanihan na pilipinas, may mga nilalang na talagang walang pake. Sang ayon ako sayo ate. Un lang naman ung gusto ko sbhin, may mga pusong hindi pa nagigising ng katotohanan.
Asarako    •reply Sep 29, 2009 @ 11:58 AM
 
init ulo ni otor....

ito na lang ang gawin mo sa kanila : s h o o t :  : d e a d n a n a :  hehehehe

Its a wake up call, blaming each other wont change a thing..... : c o o l : 
bukaykay    •reply Sep 29, 2009 @ 2:05 PM
 
Huwag niyo naman isipin kasi na yung pinost ko walang kwenta, dahil labinlimang taong gulang lang akong bata na nakatira pa sa Sadui, kaya wala akong maitutulong na pisikal sa Pilipinas, wala naman akong sariling pera para maidonate. Kaya eto lang ang ginagawa ko, magsulat o magpost sa karamihan upang masabi opinyon ko, eto lang naman kasi ang magagawa ko, kaya ginagawa ko na. Parang labas ko pa masama. Mababaw dahilan ko pero yun lang magagawa ko eh, ede gawin ko na. KAYSA WALA AKONG GAWIN AT MAGDOTA BUONG ARAW DIBA!?
  silentheart08    •reply    Sep-29-09@4:39PM
: l o l : 


well appreciated naman post mo ah: 106 views at 21 comments.


masyado ksing rude ang artik mo. cnu ba namang tao ang gustong matawag na hayup of a highest kind? na kapwa tao rin ang nagsabi na parang ur not one of us : l o l : 
  bukaykay    •reply    Sep-29-09@5:47PM
Pasensya na, nasanay na ako na ganun eh. Ewan ko, parang mas effective, baka para sa akin. Ewan. Hahaha!
  bukaykay    •reply    Sep-29-09@5:53PM
Hindi ah, kasama din ako sa mga hayop na sinabi ko, kaya nga "Tayo" yug nasa huli dba. Hahahaha! Hayop din ako, nagbabago na lang. Sana maging mabait na hayop tayo lahat.

Pero di nga, yung hayop kasi ginamit ko para iimplicate yung equality ng mga hayop na pinapatay nila saka sa importance ng buhay natin. Na parehas silang hayop sa maa ng siyensya, parehs karapatan nila mabuhay parehas silang impostrante sa kalikasan. Na kahit ang tao napaka advance sa species, kasama pa rin tayo sa isang sistema na hindi pwedeng mawalan ng mga hayop na nakakababa. Small or Large, brainless or brain-ful, may halaga sa mundo, kaya dapat hindi natn tanggalin. Kaya ko nasabing hayop. Di ko naman sinasabing hayop in a rude way kung pano iintindihin.

Pero mukhang ang haba na naman ng sinabi ko. Lecheng daliri to mag type oh.
  nicole14_16    •reply    Sep-29-09@8:56PM
masyado kasing rude yung mga ginagamit mong salita yun lang. Oo nga sabihin na natin na kailangan na din yan ngayon kasi ssa panahon ngayon ang mga tao ay hindi kumakagat sa isang bagay kung wala itong impact diba.. I'm proud of you.. 15 ka palang pero nakakaisip ka na ng mga ganyang bagay.. tama yan. kalampagin mo lang ang mamayang pilipino at ng magising lahat tayo sa katotohanan. : s m i l e : 
  silentheart08    •reply    Sep-30-09@9:44AM
: l o l :  honga. pero at least bata ka pa lang lam mo na ang dapat gawin : w i n k : 
Psychotic101    •reply Sep 29, 2009 @ 9:46 PM
 
Basahin ko muna ha?
  Psychotic101    •reply    Sep-29-09@9:54PM
LoL. What am I supposed to say? Umm...

Environmental artic paLa to. Haha. Badtrip ka nga.

Tooo harsh. Yun lang. Mejo harsh yung wording. Pero I agree with the sentiment. It's time for people to change. Basura. Yeah. Segregation of trash is a big thing na, o kahit tamang tapunan lang ng basura.

I'm from Palawan and so far wala pa kaming baha ever. Maybe it's because of the positioning of the island, I'm not sure. Pero we can't discount the presence of hundreds of trees here. That helps.

Anyway, right now, I'm glad Pinas is helping together to weather the storm. I already sent my bit of help, kahit drop lang siya sa ocean.

Ummm...yun lang. : r a z z : 
  Psychotic101    •reply    Sep-29-09@9:56PM
*ever -- my lifetime in Palawan.
  nicole14_16    •reply    Sep-29-09@9:58PM
sarap naman dyan sa palawan..
IFUGAO    •reply Sep 29, 2009 @ 11:06 PM
 
they mess the mother nature!


THEY DESERVE THAT : l o l : 
only_you    •reply Sep 30, 2009 @ 12:18 AM
 
nasa tao din talga ang problema, kaya ayan, bumabalik lang din sa kanila. tapon dito, tapon doon, di magkamayaw sa pagtapon ng basura, pag nagtapon ka sa tamang basurahan, makakantyawan ka pa ng ibang tao, kesho paimbabaw! ewan! ang tao talga, kaya ako. tao lang din ako, kaya pinagaaralan kong itama ang mga pagkakamali ko at ng matularan ng mga batang pilit naghahanap ng kakaibang pilipinas. katulad mo! kaya wag mong iisiping walang pakialam ang mga nkakatanda sayo.

: h m m :  : h m m :  : h m m : 

:: leave a comment

You need to be logged-in order to post comments.
Still do not have an account?
Register for free

newer post:
Guys, Let's Help!
older post:
Test Subject
login:

password:

Not yet a member?
Register for free!

Lost password?
love quotes and poems
"Love is a choice you make from moment to moment."

--Barbara De Angelis

You need to be logged in to Facebook