|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Barangay Tristan
halo halo
Kahapon nasa boarding gate na ako ng may mga pinoy ako na nakasabay babakasyon daw dahil walang pasok nga naman sa idul fitri…long weekend baga. Tapos yung mga nakasabay ko puro retirables na. Pero nung nakikinig ako sa kwento nila, aba! Afghanistan, Iraq, Darfur, Peshawar, Liberia ang mga experiences nila na pinag uusapan, wala man lang nagbanggit ng Canada o US o kaya Australia waaaaah! Pagdating kaya ng araw pag nagrecall ako ng mga experiences eh puro mga lugar ng gyera din ang laman ng kwento ko? Nyahahahaha ayaw ko!!!!!
![]() Tapos kanina umaga, mula hotel, nagbus na lang ako papuntang airport, para makamura baga…isang oras na biyahe din yun, tapos yung katabi ko sa upuan, aba inalis ang sapatos sabay tulog, sabay hilik ng malakas….gusto ko tapunan ng kumot at unan sabay singilin ng syurt taym nyahahaha ![]() Tapos nung nasa plane na ako, eh dalawang oras na biyahe din yun kaya naisipan ko na umidlip sandal…naiidlip na ako ng biglang, bakit parang may palaka na nakapasok sa eyrpleyn? Nagkonsentreyt ako ng husto at pinakinggan kung saan nanggagaling yung tunog pala, aba! Yung katabi ko palang matabang chinita tumutunog ang bunganga…sabi ko sa isip ko, nakalunok kaya eto ng bullfrog? :kyuryus_me: nyahahaha ayun pala ngumunguya ng bebelgam at pinuputok sa loob ng bunganga nyahaha Oist! Nakahalata na ba kayo na laitero ako? Slayt lang di ba? Nyahahaha Tapos kanina pagkatapos kung kumain, naglakad-lakad ako sa tabi tabi nung may madaan akong lalaki na nagtitinda ng papaya salad (totoong papaya yan hah), tapos tinanong ako kung gusto ko. Nung di ako umiimik, tinanong ulet ako kung gusto ko ang inihaw na karne (totoong karne yan huh). Tapos ng ayaw ko pa rin bumili, aba! Nilabas na ang mga pektyurs sa bulsa sabay sabi “you want (f)packing show? Beri gud packing show?” nyahahaha di niya ako mabentahan ng papayang salad at inihaw na karne, ibang karne na ang tinitinda nyahahahahaNga pala sino bang doctor o kaya doctor doktoran diyan? Bakit kaya namumula-mula ang mata ko, para akong high…para akong bangag, para akong nakatira ng katol, para akong nakahithit ng baygon nyahahaha…tsige na istap na ako..antok ko lang to ![]() Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
happy bortdey pala kay auntie seksgades na alang sekslayp!..may you many more sekslayp auntie
![]()
angkol namumula yan mata mo kakatingin sa mga piktyur na 'bata'...child molestation yan sa UN ka naman nag work
...pos yun mga nakatabi mo nag wewento sa mga exotic na lugar, nag drive ng trak yan dun at malaki sahod. in six months kikitain mo yun sweldo mo in 3 years!kapalit lng nga para kang rin nanalo ng lotto...IED. aguy aguy...kahit naka body armor ka durog naman puet mo pababa...si manoy birdie bka tuluyan ng lumipad... ![]()
Manonng, baka nga high ka…baka ng bangag ka, baka nga nakatira ka ng katol, baka nga nakahithit ka ng baygon...
![]()
hindi ka naman laitero waaah
buti na lng di pa kita nakatabi ever ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77652)Arts & Entertainment(7997) Lifestyle & Culture(3717) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11237) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22951) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4241) Careers & Work Stuff(1815) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4056) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) emkei23, bhebhekun, dimasaway, xinerous, cptnoname, frarick08, aLoneGirL, rain_or_shine, G_girl, fruitsoda, and 52 guests |