|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Northern Light Chapter 26.4
Sori sa sobrang delay medyo busy lang kasi sa ibang commitments... ![]() Previous Chapters Chapter 1, 2, & 3 - http://www.tristancafe.com/forum/153988 Chapter 4,5 - http://www.tristancafe.com/forum/154178 Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078 Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213 Chapter 8 & 9 - http://www.tristancafe.com/forum/154321 Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367 Chapter 11 & 12 - http://www.tristancafe.com/forum/151607 Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077 Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471 Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/153773 Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/154135 Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/154660 Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/154984 Part Two Chapter 19 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/155835 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/156507 Chapter 20 - http://www.tristancafe.com/forum/157283 Chapter 21 - http://www.tristancafe.com/forum/157983 Chapter 22 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/158570 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/158832 Part 3 - http://www.tristancafe.com/forum/159298 Part 4 - http://www.tristancafe.com/forum/159922 Chapter 23 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/160401 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/160946 Chapter 24 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/161994 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/175918 chapter 25 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/176849 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/177270 Chapter 26 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/179074 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/180848 Part 3 - http://www.tristancafe.com/forum/180993 Memories Behind the Moonlight (Last Part) Madilim – ni sirit ng kaunting liwanag’y walang maaninag sa karimlan sa loob ng Scorpio Room. Tila ang loob nito’y isang malawak na espasyong itim, walang simula, wala ring hangganan. Dahan-dahang humakbang si Alfredo sa loob, habang pigil hininga ang iba sa kanyang likuran at halos hindi kumikilos sa kanilang kinatatayuan, liban kay Rei na nanginginig sa isang sulok habang mahinang humihikbi. Nang makailang hakbang sa loob walang kaabog-abog bigla’y marahas na sumara ang pinto, tarantang nilapitan ni Warren ang pinto para buksan iyon ngunit mahigpit ang pagkakasara noon, na pati ang door knob ay hindi nila magawang pihitin. ‘Alfred! Ayos ka lang ba diyan sa loob?! Sumagot ka Alfred! Damn, the door won’t budge!’ Tawag ni Warren kay Alfredo habang buong puwersa na niyang pinipihit ang door knob. ‘Teka lang kuya!’ Kagyat na pagpigil naman ni Annie sa ginagawa niya. ‘Ang bilin sa atin ni Alfredo lumayo tayo sa Scorpio Room kapag may nangyaring kakaiba! Baka tayo naman ang balingan ng espiritu kapag nagpumilit kang buksan ang pinto!’ ‘Are you crazy?! Nasa loob si Alfred, baka kung mapa’no siya roon sa loob!’ ‘Tama siya pareng Warren!’ Pagsang-ayon rin ni Chito kay Annie. ‘Tsaka huwag kang mag-alala, minsan nang nalagay sa alanganin ‘yang kaibigan ko at hindi na iba ang sitwasyon ngayon kumpara sa mga nalampasan na niya. May tiwala ako sa kanya, maghintay na lang muna tayo rito sa labas.’ ‘I-I guess we don’t have a choice…’ Sa loob naman ng kuwarto sinubukan ring tumakas ni Alfredo ngunit sa sobrang dilim, hindi niya maapuhap ang pinto, at bigla’y naramdaman nanaman niya ang kakaibang sensayon iyon na kanya parating nararamdaman sa tuwing may pangitain siyang nakikita. Maya-maya pa, sa paghupa ng sakit ng ulo’y nawala na ang karimlan sa loob ng Scorpio Room at malinaw na niyang nakikita ang paligid. Una niyang napansin ang liwanag sa labas ng bintana – napagtanto niya agad na isa nanaman ito sa kanyang mga mistersoyong pangitain pagkat maliwanag pa sa labas, sa hinuha niya’y dapit-hapon iyon samantalang gabi na kanina pa. Sumilip siya sa labas at natanaw niya mula roon ang Big Dipper Garden. Sunod niyang sinuyod ng tingin ang loob ng kuwarto; nasa loob siya ng anteroom at kakaunti lamang ang mga gamit. Saglit pa lamang siyang nagmamasid nang bigla’y may naulingan siyang tumutugtog ng piano, na nanggagaling sa pinto ng main room. Dahan-dahan siyang lumapit rito, saka marahang ipinihit ang door knob papasok. Malawak ang loob noon, anupa’t nagawang magkasiya ang isang piano roon. Di gaya ng ibang mga zodiac rooms espesyal ang pagkakagawa sa kuwarto, mula sa mga muwebles hanggang sa mga art deco designs ng interior nito. At mula roon, sa isa pang pagkakatao’y muli niyang nasilayan si Febronia na tumutugtog ng piano. Lumapit siya sa harapan nito, at gaya noong una niya itong makita’y hindi siya nito nakikita. Napansin niyang hilam ang mga mata nito, at hindi mahirap maarok ang dahilan pagkat ramdam niya iyon sa malungkot na himig ng kanyang musika, na tila nangungusap sa kanya. minabuti niyang maupo malapit sa tabi nito – nais niyang damayan ito sa pammamagitan ng pakikinig rito habang tumutugtog; makasalo sa kung ano mang sakit na kanyang nararamdaman. Habang tinitingnan nga niya ang mukha nito’y hindi niya naiwasang maisip si Jillia, at gaya niya nais rin niyang maramdaman ni Febronia na siya’y nasa kanya lang tabi at handang makinig. Maya-maya pa’y natapos na sa pagtugtog ng kanyang piyesa si Febronia. Tumayo siya’t lumapit sa may bintana at binuksan iyon, sinundan naman siya ni Alfredo. ‘Narinig mo ba akong tumugtog…?’ Ang malamlam na panimula ni Febronia. ‘…Oo narinig ko…’ Tugon ni Alfredo kahit pa batid niyang hindi rin siya nito maririnig. ‘Naririnig ko ang iyong pusong umiiyak habang tumutugtog ka… gusto ko sanang malaman kung bakit.’ ‘Ipinagluluksa ko ang araw na nawala ka sa akin, at pati na ang mga araw na susunod pa na hindi kita kasama. Ngunit hindi gaya ng takipsilim na ito, na lilipas at muli’y magbubukang-liwayway kasama na rin kitang sumakabilang-buhay. Sapagka’t isa na lamang akong buhay na katawang walang espiritu. Sapagka’t kasama mong namayapa ang puso ko, at walang ibang makaaalam ni magdadalamhati sa pagpanaw ko maliban sa’yo… Pero hindi gaya mo, na habambuhay nang malaya sa kalupitan ng mundong ito, ako nama’y habambuhay na paulit-ulit mamamatay – sa kalungkutan at kawalan ng pag-asa. Mabubuhay akong kinatatakutan ang bawat gabi na parating gising sa isang bangungot… Kaya sabihin mo sa akin; may saysay pa ba para naisin kong mabuhay pa? Masisisi mo ba ako kung naisin kong manatili na lang kung nasaan ka ngayon?’ Saglit nanahimik si Febronia. Maya-maya pa’y naglakad siya papunta sa armoire at mula sa unang drawer noon ay may kinuha siyang isang maliit na botelya at binuksan iyon. ‘Tama. Hangga’t naririto ako’y hindi na ako kailanman makakatakas pa sa kamatayang ito… dahil ikaw ang buhay ko… sa piling mo muli akong mabubuhay… tayong dalawa… nabubuhay tayo sa isa’t-isa, at hindi ko na kailangan pang magpaalam sa lugar na ito ng kawalan… basta’t kasama kita’y mabubuhay ako magpakailanman…’ At akmang iinumin ang laman ng botelya. Nang mapagtanto ni Alfredo ang balak gawin ni Febronia’y nagkukumahog na tumakbo ito sa kanya; ‘T-teka! Huwag mong gawin ‘yan! Huwag!’ Nguni’t huli na – nagawa nang mainom ni Febronia ang lason at ilang saglit lang nasaksihan ni Alfredo ang nakalulunos na kamatayan nito. Nilapitan niya ang wala nang malay nitong katawan at niyakap ng mahigpit, at unti-unting umagos nang malaya ang kanyang mga luha. ‘Hindi ito dapat nangyari sa’yo… Kailangan mo lang sana ng isang karamay…’ Maya-maya’y naulingan niyang tinatawag siya ni Warren mula sa labas ng kuwarto, at namalayan na lang niyang muli na siyang nagbalik sa realidad. Agad-agad siyang tumayo na para pagbuksan siya ng pinto. Bakas naman ang kagalakan nang makita siyang maayos ng mga ito. ‘I’m so relieve you made it! For a while there I thought I would have a heart attack.’ Sabi pa ni Warren na napabuntong-hininga nang malalim. ‘Buti naman tol at nakaligtas ka!’ Bati naman sa kanya ni Chito. ‘Kala ko talaga sinumpa ka na ng espiritu e.’ ‘So how did it go? Did you find out anything?’ Usisa naman ni Annie. ‘Maayos na ang lahat…’ Mahinang tugon ni Alfredo. Wala na ang espiritu… hindi na niya kayo gagambalain pa…’ ‘W-well… that’s great news… But you seemed down though. Ano bang nangyari sa’yo sa loob?’ ‘W-wala naman…’ Pagpapabulaan niya. ‘Pero ang mahalaga’y malaya na tayong makakapasok sa Scorpio Room para makapag-imbestiga tayo nang maayos.’ ‘Mabuti naman. O siga narinig mo ‘yon?’ Pagtukoy nito kay Rei na tila pagong na nangingilabot na nakatalukbong pa rin sa sahig. ‘Wala na yung mumo tumayo ka na nga diyan nakakahiya ‘yang pustura mo.’ Nilapitan ni Alfredo si Rei at tinapik siya sa balikat para aluin ito: ‘Ayos na Rei wala na siya. Tumayo ka na halika…’ ‘T-totoo…?’ Nanginginig pa rin niyang paniniguro rito. ‘Oo… Kaya halika na…’ Saka ngumiti rito. Sumunod naman ito. ‘Pero paano mo naman nasiguro na talagang wala na ang espiritu sa loob?’ Muling pag-ungkat ni Warren. ‘Buweno… sabihin na lang nating… nakausap ko siya.’ Matipid niyang tugon. ‘You mean you talked out to him to leave us alone and left? Is that it?’ ‘Kung yun tingin mo gano’n na nga siguro ‘yon. Pero huwag na kayong mag-alala pa, dahil alam kong hindi na siya babalik…’ ‘W-well… if you insist…’ ‘Maybe it’s true.’ Sabad naman ni Annie sa dalawa. ‘I don’t sense that perilous aura anymore. I’d say you’re really an excellent negotiator Alfred!’ ‘So, ano na’ng plano ngayon?’ Untag naman ni Chito. ‘Sisimulan na natin ang pag-iimbestiga sa loob. Ako ang maghahanap sa may anteroom habang kayong lahat naman sa main room. Sabihan niyo lang ang bawat isa kung sakaling may mahanap kayong kakaiba.’ ‘Count me out!’ Agad tanggi ni Rei sa suhestiyon ni Alfredo. ‘That room still creeps me out! I’ll just wait here!’ ‘Gano’n ba? Okey! Pero mag-ingat ka baka lumipat lang yung mumo ng kuwarto o baka saniban ka pa!’ Pananakot naman niya rito. ‘Grr! Oo na, oo na! papasok na! Talagang tablado ka na sa aking kalbo ka!’ ‘That’s not even a good joke.’ Mahinang sambit naman ni Warren. Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
tagal kong hinintay to ah....
tapos konti pah ![]()
resemblance
•reply
Sep-18-09@9:47PM
tingin mo lang konti pero marami yan. more than 30,000 characters kaya yan.
halah..
sige mag standby ako ng oxgen tank sa tabi ko.. ![]() idol yung Yesterday? ![]()
resemblance
•reply
Sep-19-09@6:00PM
dino-drowing ko yung special comic pages nun para sa susunod kong post. so patience muna okay?
:: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories kropek49, casper012, sundaythefifth, diewithme, shinminah, C0FI, habebe08, Torpe23, iane, and 53 guests |