|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Northern Light 26.3
As promised, heto na ang part 3 ng Chapter 26. Salamat sa mga tumangkilik sa story na ito. Maraming salamat sa inyo.
![]() Ending Poll for the story's Ending: http://poll.pollcode.com/cXDv Chapter 1, 2, & 3 - http://www.tristancafe.com/forum/153988 Chapter 4,5 - http://www.tristancafe.com/forum/154178 Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078 Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213 Chapter 8 & 9 - http://www.tristancafe.com/forum/154321 Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367 Chapter 11 & 12 - http://www.tristancafe.com/forum/151607 Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077 Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471 Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/153773 Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/154135 Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/154660 Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/154984 Part Two Chapter 19 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/155835 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/156507 Chapter 20 - http://www.tristancafe.com/forum/157283 Chapter 21 - http://www.tristancafe.com/forum/157983 Chapter 22 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/158570 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/158832 Part 3 - http://www.tristancafe.com/forum/159298 Part 4 - http://www.tristancafe.com/forum/159922 Chapter 23 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/160401 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/160946 Chapter 24 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/161994 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/175918 chapter 25 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/176849 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/177270 Chapter 26 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/179074 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/180848 Memories Behind the Moonlight (Part 3) ‘Hindi! Iniisip mo bang pumasok sa Scorpio Room?!’ ‘Oo naman! Huwag kang mag-alala, dahil kung totoo man ‘yang sinasabi mo ako naman ang maisusumpa ng espiritu dahil ako ang nangistorbo sa kanya!’ pagbibiro naman ni Alfredo para maibsan ang pagkabalisa ni Warren. ‘You’re a daredevil aren’t you? Okay… sige. Mamaya pagkatapos nating maghapunan ibibigay ko sa’yo ang susi ng Scorpio Room…’ Makalipas ang ilang minuto nagsimula nang maghapunan ang lima, sa Little Dipper garden. Halos malaglag sa sahig ang panga ni Chito sa garbo at napakasasarap na pagkaing nakahain sa mesa. ‘Wow! Para akong nasa 5-star hotel! Pakiramdam ko bibitayin na ako mamaya!’ Bulalas niya habang palipat-lipat ang tingin sa mga putaheng nakahain sa mesa. ‘Tama! Kapag hindi ka nagtino dyan ako ang bibitay sa’yo!’ Untag naman ni Rei rito. ‘Eat to your heart’s delight everyone! Para sa inyo lahat ito, walang hiya-hiya basta kain lang nang kain!’ Pang-eengganyo naman ni Warren sa kanyang mga kaibigan. ‘Tenks pareng Warren! Pero puwede bang ihiwalay mo ng upuan ang losyang na mukhang lalaking ‘yan,’ Pagtukoy ni Chito kay Rei: ‘Nawawalan kasi ako ng gana kapag katabi ko ‘yan e!’ ‘A Warren, puwede bang sa lapag na lang kumain si Chito? Kasi baka magka-germs yung pagkain kapag sumandok siya sa ulam e!’ Ganting banat naman ni Rei. ‘magsitigil nga kayong mga pasaway!’ Iritableng pgpagitna ni Alfredo sa dalawang nagbabangayan: ‘Ako ang nawawalan ng gana sa inyong dalawa! Mapapanis ang mga pagkain niyan sa pagbabangayan niyo e! pagpasensyahan na ninyo ang dalawang ‘yan, Annie, Warren. Pareho kasing lumaki sa bundok ang dalawang ‘yan kaya sanay magsigawan kahit magkatabi sila!’ ‘Walang problema diyan.’ Pagpapalubag ni Annie: ‘In fact natutuwa nga ako sa pagiging energetic ninyo tatlo. It was really fun to hang out with you guys.’ ‘Mabuti kung gano’n pala at natutuwa ka sa kalokohan nila pero hindi ka kaya tumanda agad sa sobrang kakulitan ng dalawang ‘to?’ ‘Speak for yourself!’ Singit naman ni Rei: ‘Huwag kang paloloko sa pa-“anghel” effect ng lalaking ‘yan! Malala pa nga sa amin ni Chits ‘yan e!’ ‘Mismo!’ Segunda naman ni Chito. ‘Tsaka hindi lang ‘yan makulit maharot pa!’ Saka nagpakawala ng pilyong bungisngis. ‘Maharot?’ Puno ng kuryosidad na tanong ni Waren. ‘Hay, hindi mo pa talaga lubusang kilala ang kaibigan mong ‘yan Warren! Pa-inocent look lang ang mokong na ‘yan pero kapag nakatalikod kami para ‘yang ibong mandaragit; nandadagit ng chicks! In fact, he got himself a girl in every college in CEU! SELAMS, AMT, Nursing, you name it meron siya! Pati nga ako pinopormahan niyan e!’ ‘Oh… I didn’t know you were quite a “romantic” kind Alfred. I was surprised.’ ‘Yeah I thought so! At hindi basta-bastang chicks ang dinadagit niya ha; chicks worth a million chicks I should say!’ Pagsang-ayon naman ni Annie. ‘So alam mo rin pala Annie! Wala ka nang kawala ngayon lover boy!’ Panggagatong pa ni Rei. ‘Tsismosa!’ Tanging nasambit na lang ng nasukol na si Alfredo. Maya-maya pa dumating ang mayordomong si Fabritzio dala ang isang bote ng champagne. ‘Master narito na po ang champagne na ipinapakuha niyo sa akin. May’ron pa po ba kayong gusting ipag-utos Master?’ ‘A, oo. Umm… puwede mo bang dalhin sa akin ang susi ng Scorpio room? May gusto kasi akong tingnan sa kuwartong ‘yon.’ Bahagyang napa-igtad sa pagkagulat ang matandang mayordomo, na halos maihulog pa niya ang kanyang spectacle: ‘Ang susi ng Scorpio Room?! Pero Master, mahigpit pong bilin ng inyong Papa na huwag papasok sa kuwartong iyon?!’ ‘It’s alright Fabritzio. If things go out of hand I’ll take the responsibility. I just have to get into that room no matter what.’ ‘B-bueno… kung gano’n dadalhin ko na po sa inyo ang susi.’ At umalis na ang mayordomo. ‘Hey bro, just what the hell are thinking, barging into that haunted room? Pinagbawalan na tayo ng caretaker na huwag papasok sa Scorpio Room, baka kung ano pa ang mangyari!’ Nag-aalalang usisa naman ni Annie. ‘A-ang totoo niyan Annie… ako talaga ang nag-udyok sa kanya na pumasok sa Scorpio Room, at hindi siya kundi ako ang papasok roon.’ Paglilinaw naman ni Alfredo. ‘You did? But why?’ ‘Mahabang paliwanagan. Pero siguro kung hahayaan ko kayong masaksihan ang lahat ng gagawin ko sa loob ng kuwartong ‘yon mas maige siguro.’ ‘Like hell I would go into that room!’ Bulalas ni Annie na bakas ang pagkatakot. ‘I’m completely lost to you people! Would you mind an explanation?’Singit naman ni Rei sa usapan ng tatlo. ‘Isa iyong kuwarto dito sa mansyon, ang Scorpio Room.’ Pagpapaliwanag ni Annie rito: ’10 years ago paglipat namin rito sinabihan kami noon ng namamahala sa mansyon na huwag naming gagalawin ang kuwartong iyon dahil may naglalagi raw na espiritu roon, at kung maiistorbo naming siya may di-magandang mangyayari sa pamilya namin. And obviously I definitely won’t bother to know what’ll happen if we did!’ ‘Oh God…’ Halos mabitiwan ni Rei ang hawak niyang kubyertos sa istoryang narinig. ‘Huwag mong sabihing sa gaspang mong ‘yan takot ka pa sa multo?’ Urirat ni Chit okay Rei. ‘O-o-of course not!’ mariin niyang tanggi ngunit iba ang ibig ipahiwatig ng nanginginig niyang mga tuhod. Matapos makakain, agad nagtungo ang lima sa Scorpio Room. Tensyonado ang lahat lalo na si Rei na nakakapit pa sa balikat ni Annie habang papakyat sa second floor. ‘Hindi raw takot, pero halos himatayin ka na diyan sa pagkakakapit mo kay Annie e!’Puna ni Chito rito. ‘Tumahimik ka nga diyan buwiset!!!’ Singhal naman niya. Si Alfredo nama’y tahimik lang; waring inihahanda ang kanyang sarili sa mga maaaring maganap, oras na buksan niya ang pinto ng Scorpio Room. ‘Here we are Alfred… are you ready?’ ‘Kanina pa…’ Puno ng kumpiyansa niyang sagot, saka inabot sa kanya ni Warren ang susi na may engrave na alakdan sa ulo nito. ‘A-ano ba naman ‘to… hindi ko maintindihan pero parang kinilabutan akong bigla…’ Bahagyang napaatras na sabi ni Chito. ‘I told you. Ganito kami rito palagi sa tuwing mapapadaan sa kuwartong ‘to. Pakiramdam ko nga may pwersa na nanggagaling sa loob niyan na tila ba gustong kainin ang buo kong kaluluwa… nakakakilabot…’ Kinikilabutan ring sabi ni Annie. Si Rei nama’y nanginginig na napaupo sa sahig: ‘A-a-ayoko na… d-dito… ple-please umalis na tayo dito!’ Nangangatal niyang sabi. ‘Totoo… nararamdaman ko ang kakaibang awra na nanggagaling sa Scorpio Room sa pagtayo pa lang sa tapat ng pinto nito… pero hindi takot ang nararamdaman ko… bagkus ang pakiramdam ko pa nga’y parang inuudyukan ako nito na pumasok sa loob. Kayong lahat, umalis kayo agad rito oras na may mangyaring kakaiba, maliwanag?’ ‘Oo!’ Halos sabay-sabay na tugon ng lahat. Pagkatapos, maingat na isinuksok ni Alfredo ang susi sa susian ng pinto. Pagkapit ng susi’y dahan-dahan niyang pinihit ang hawakan noon pabukas. To Be Continued... Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
Waaaah....
Badtrip... Ang iksi... Super bitin., waaaaahh.... OTOR... kelan po ang updates?? Whahaha...ang ganda ganda talaga ng kwentong to... Paotograp!!
resemblance
•reply
Aug-22-09@8:01PM
may otograp pa talaga?
well salamat at kahit novice writing na-aapreciate mo
ai, ang haba..:P
please visit me here: http://ynej06.blogspot.com/ or here http://jeni06.blogspot.com/
update! -- update! -- update! wa na tlga akong ibang ma say kuya res sa NL mo ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories arnie34, sundaythefifth, mitch2d2003, vto9, chikurita, _skye05_, and 66 guests |