|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Short Stories
Northern Light 26.2
Salamat sa lahat ng nag-add sa akin sa Facebook. Dahil sa inyo lumago ang aking Mafia members from 13 to 30! Heheheh! Kung gusto niyo po akong i-add lalo na yung mga resto city fans rito eto ang aking email: blurrymoon_09@yahoo.com . Again salamat na marami sa inyo readers!
Chapter 1, 2, & 3 - http://www.tristancafe.com/forum/153988 Chapter 4,5 - http://www.tristancafe.com/forum/154178 Chapter 6 - http://www.tristancafe.com/forum/145078 Chapter 7 - http://www.tristancafe.com/forum/145213 Chapter 8 & 9 - http://www.tristancafe.com/forum/154321 Chapter 10 - http://www.tristancafe.com/forum/145367 Chapter 11 & 12 - http://www.tristancafe.com/forum/151607 Chapter 13 - http://www.tristancafe.com/forum/152077 Chapter 14 - http://www.tristancafe.com/forum/153471 Chapter 15 - http://www.tristancafe.com/forum/153773 Chapter 16 - http://www.tristancafe.com/forum/154135 Chapter 17 - http://www.tristancafe.com/forum/154660 Chapter 18 - http://www.tristancafe.com/forum/154984 Part Two Chapter 19 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/155835 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/156507 Chapter 20 - http://www.tristancafe.com/forum/157283 Chapter 21 - http://www.tristancafe.com/forum/157983 Chapter 22 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/158570 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/158832 Part 3 - http://www.tristancafe.com/forum/159298 Part 4 - http://www.tristancafe.com/forum/159922 Chapter 23 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/160401 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/160946 Chapter 24 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/161994 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/175918 chapter 25 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/176849 Part 2 - http://www.tristancafe.com/forum/177270 Chapter 26 Part 1 - http://www.tristancafe.com/forum/179074 Memories Behind the Moonlight (Part 2) Pagkatapos ng kanyang mga klase’y agad nagtungo si Alfredo sa north gate kung saan sila magkikita ni Warren, na naroon na’t naghihintay sa kanya. Bukod roo’y kasama pa nito sina Annie, Rei at Chito. ‘Hoy ambagal mo namang bumaba! Para kang naglalakad sa buwan!’ Bungad ni Chito sa kanya. ‘Hindi ko gusto ‘yang pagkakangiti ninyong dalawa sa ‘kin…’ Puna niya sa malisyosong pagkakangiti ng dalawa sa kanya. ‘Kanina nauna pa akong umalis sa inyong dalawa sa classroom a?’ ‘Sabi kasi ni Jillia bantayan ka raw namin ni Chito at baka nakikipagkita ka nanaman sa ibang chicks habang wala siya!’ Napatingin naman si Warren kay Alfredo, na waring naghihintay ng eksplenasyon mula sa kanya. ‘Pakiusap, huwag mo na lang intindihin ang mga pinagsasasabi ng dalawang pasaway na ‘yan. Kayong dalawa naman, bakit niyo ba ‘ko sinusundan?’ ‘How could you leave us behind? Ha-hang out ka kina Warren tapos hindi mo man lang kami yayayain? Ang sama mo naman!’ Himutok ni Rei rito. ‘Tama! Tama! Manchi-chicks ka kina Warren nagsosolo ka?’ Segunda naman ni Chito. ‘Tumahimik nga kayo! Hindi ako pupunta kina Warren para lang mag-piknik!’ ‘Hayaan mo na sila Alfred,’ Pag-sabad ni Warren sa tatlo. ‘Isama mo na rin sila, ituring na nating victory party ang pagpunta ninyo sa bahay namin sa panalo namin sa Ateneo kahapon.’ ‘Okey… ikaw ang bahala. Saka mukha namang hindi na papipigil ang dalawang ‘to e!’ ‘Yes! That’s my man! Ano pa’ng hinihintay natin let’s throw that party!’ ‘Yes! Inuman at chicks na!’ Dugtong naman ni Chito. ‘Baliw! Anong inuman at chicks?!’ Nang makarating sa bahay, agad nagpahanda sa kanilang mga maids si Warren ng makakain nilang magkakaibigan. Sina Rei at Chito nama’y hindi maawat sa kakapunta’t-parito sa buong sala ng mansyon at kung makailang beses napasinghap at nandilat ang kanilang mga mata sa mga bagay na kanilang nakikita roon. ‘Wow naman! Parang palasyo ng Malakanyang itong bahay niyo Warren a?! Sala pa lang parang sobra pa sa laki ng bahay namin!’ Gilalas na sabi ni Chito habang tila isang musmos na paikot-ikot ang tingin sa buong sala. ‘Ingat ka lang at ‘pag nasobrahan ka ng gala baka maligaw ka, dahil maliit pa itong sala sa kabuuan ng mansyon nina Warren.’ Untag ni Alfredo. Maya-maya pa’y may dumating na dalawang maid na may dala-dalang mga malamig na inumin. ‘Master Warren, pasensya na po kung medyo mahuhuli nang kaunti ang hapunan ninyo ng mga bisita ninyo, kaya pansamantala pagtiyagaan na po muna ninyo ito.’ Sabi ng isa sa mga maid. ‘That’s okay Emerald. Salamat sa pagdala nito. Siya nga pala Ruby, maaari bang pakibuksan mo na ang lightings ng Little Dipper para sa mga kaibigan ko? Doon kasi namin gustong maghapunan mamaya. Salamat.’ ‘Hora mismo Master.’ At agad tumalima sa utos. ‘Hanep! Ang hirap siguro mag-apply na maid dito sa inyo no? Biruin mo mga maid pa lang pang-FHM cover ang mga mukha’t katawan!’ Usisa ni Chito kay Warren. ‘Nakakahiya ka talagang kalbo ka! Umayos ka kundi sasapukin kita diyan! Anyway Warren, I was surprised when the maids called you “Master.” Well, aren’t we a noble man.’ Puna naman ni Rei sa mala-aristokratong pag-aadres sa kanya ng mga maids. ‘It’s my dad’s idea really…’ Ngingiti-ngiting kakamot-kamot ng ulo niyang sabi. ‘Sa totoo lang kahit sa simpleng pangalan na lang sana nila ako tawagin mas maigi pa.’ ‘Well. I wouldn’t mind being addressed as “Lady” or “Mistress.” It suits me very well!’ ‘Asa ka pa “Masel Woman!” Kahit mag-apply kang maid dito hindi ka papasa kasi ang gaspang ng binti mo!’ Panunukso naman ni Chito kay Rei. ‘Tigilan mo ‘kong kalbo ka kung ayaw mong matikman kung gaano kagaspang ang sipa ko sa’yo!’ ‘Nakakatuwa talaga kayong dalawa!’ Puna ni Annie sa dalawa na kanina pa niya inoobserbahan magmula pa kaninang nasa CEU pa sila. ‘Never ko pang nakita na may lalaking nanlalait kay Rei-sempai bukod sa’yo Chito! Yung iba parang luluhod na sa harapan niya pagkakita pa lang sa kanya sa hallway samantalang ikaw parang ka-“gang” mo lang siya kung kausapin mo!’ Natatawa niyang sabi. ‘Nakow! Pa’no kasi mga bulag yung mga yun! Akala nila babae ‘yang si Rei pero lalaki talaga ‘yan!’ Saka nang-uuyam na humalakhak. Walang sabi-sabi dumapo na lang ang kamao ni Rei sa ilong ni Chito. Napaupo naman si Chito sa sahig sa lakas ng pagsapok sa kanya. ‘Ngayon, ano ang mukhang lalaki sa akin?! Sagot!’ ‘Yung-sun-ok-moh…’ Nangongong sabi niya habang hawak ang namamaga niyang ilong. ‘Siya nga pala Alfred, tungkol du’n sa sinabi mo sa ‘kin kaninang hapon, tungkol kay Febronia…’ ‘A, oo nga pala.’ Kinuha ni Alfredo sa kanyang bag ang talaarawan ni Febronia at ipinakita ito kay Warren: ‘Ito ang diary ni Febronia na ibinigay sa akin ni Dr. Lorena, mommy ni Jillia noong minsang nagpunta ako sa bahay nila. At base rito tumira si Febronia sa mansyong ito mahigit 70 taon na ang nakararaan.’ ‘So, kung gano’n maaaring alam niya kung paano paiilawin ang Big Dipper?’ ‘Yun din ang palagay ko kaya lang walang tala si Febronia tungkol sa sikreto ng Big Dipper. Isa pa may ilang pages sa diary niya ang nawawala nang tingnan ko ang mga entry niya sa taong 1934. May palagay akong sinadyang inalis iyon, ng kung sino.’ ‘Inalis? Pero bakit naman niya gagawin ‘yun? Sarili naman niya ang diary na ‘yon kaya bakit kailangan pa niya iyong punitin?’ ‘Hindi ko alam, pero may palagay akong may itinatago siyang mahalagang sikreto mula roon. Isang sikreto na kung mabubunyag ay maaaring maglagay sa kanya o sa kung sino man sa panganib kaya minabuti niyang tuluyang mabaon na sa limot ang sikretong ‘yon. Puwede ring ibinigay niya ang mga missing pages sa isang taong pinagkakatiwalaan niya at siyang nag-ingat noon para sa kanya, pero siyempre kahit ano ay posible.’ ‘Tama ka. Kung gano’n may lead ka na ba, sa kung saan tayo puwedeng magsimula.’ ‘Meron. Base rito sa diary ang lolo niya Febronia ang siyang nag-disenyo at gumawa ng mansyong ito, at bilang regalo niya sa kanyang apo ibinigay niya rito ang Scorpio Room. Doon ang pinakamainam na lugar para magsimula tayo sa imbestigasyon natin.’ ‘S-sa… Scorpio… Room…?!’ Biglaan ang pamumutlang iyon ni Warren sa sinabi ni Alfredo. ‘Bakit? May problema ba?’ ‘A-ang totoo kasi niyan Alfred… taboo para sa amin na pumasok, sa Scorpio Room…’ Nanginginig ang boses na pagpapaliwanag niya. ‘Bago pa kami tumira sa mansyon na ito, 10 years ago pinaalalahanan kami noon ng caretaker ng mansyon na umiwas sa kuwartong iyon dahil may espiritu raw na nananahan roon at kung magagambala siya’y maaaring magdulot raw iyon ng kamalasan sa pamilya namin.’ ‘Nagbibiro ka ba? Pinaniniwalaan niyo pa rin ba ang lumang istoryang gano’n?’ ‘Alam kong totoo iyon! Gabi-gabi, hinde, tuwing mararaan ako roon papunta sa kuwarto ko… para ngang may mahigawang puwersa na nanggagaling mula sa kuwartong ‘yon. Nararamdaman ko ‘yon sa tuwing mapapagawi ako sa tapat ng pinto ng Scorpio Room… Isang nakakatakot na puwersa na tila nagtataboy sa akin… nakakatakot…’ ‘Kung gano’n iyon lang ang tanging kuwarto na hindi ninyo ginalaw sa paglipat ninyo rito sa mansyon. Mas mainam kung ganoon at marami tayong makukuhang impormasyon dahil maaaring naroroon pa ang ilang mahahalagang gamit ni Febronia.’ ‘Hindi! Iniisip mo bang pumasok sa Scorpio Room?!’ ‘Oo naman! Huwag kang mag-alala, dahil kung totoo man ‘yang sinasabi mo ako naman ang maisusumpa ng espiritu dahil ako ang nangistorbo sa kanya!’ pagbibiro naman ni Alfredo para maibsan ang pagkabalisa ni Warren. ‘You’re a daredevil aren’t you? Okay… sige. Mamaya pagkatapos nating maghapunan ibibigay ko sa’yo ang susi ng Scorpio Room…’ To Be Continued... Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
yeeeeeeey!!!!!!
nagupdate k n rn s wakas!! kelan sunod kua?? at yeah first aq!! ![]()
resemblance
•reply
Aug-20-09@4:50AM
sori ngayon ko lang ulit nasundan medyo busy e.
try kong mag-post ulit within this week at least.
haha
ayan! nagpr0mise sya! thanks! super namis ko ang NL.. lab it! ![]()
whoaaaaa..next na agad otor. thanks sa update kahit delayed ok lang. i wan to knoe whats behind the big dipper and the scorpio room.
please update ASAP. thank you so much... ![]()
resemblance
•reply
Aug-21-09@3:10AM
salamat hintayin ko lang mawala yung 20+ hours pang natitira para maka-post uli ako.
I'm at work pero tinatry ko pa ring mabasa... Nasa part 2 na q,..
Dunno wutz gunna happen... Ganda po,..
yehey...natapos kona hanggang dito....
ui resemblance pwede pa tong ipaprint para maipabind.... ganda kase eh.... BILIB naman ako sa utak na meron ka pwede bang pa share!!!!!!!!!!! Kahit pahiram nalang..... Ano bang kasunod na mangyayare ![]()
resemblance
•reply
Aug-22-09@8:11PM
okay lang but i wonder kung worth bang i-bind ang gawa ng novice...
tsaka wala ka ring mapapala sa utak kong 'to bunga lang 'to ng labis na kakalaro ng Final Fantasy at kakanood ng anime
okay lang but i wonder kung worth bang i-bind ang gawa ng novice...
tsaka wala ka ring mapapala sa utak kong 'to bunga lang 'to ng labis na kakalaro ng Final Fantasy at kakanood ng anime ![]() :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & IntimacyArts & Entertainment Lifestyle & Culture Politics & Issues Poetry & Short Stories Random Thoughts Forwarded Thingies FrendzCorner/ShoutOut/Help! Games & Fun Questions Patawa Ka Talaga Tristancafe Musikahan Careers & Work Stuff School Matters Technology & Internet Classifieds & Advertisements Barangay Tristan Site Announcements Old Stories chuperman, shiori_tamara, mandurugas_2, audista, morethanyourshare, brutaLG, and 56 guests |