|
Search Tristancafe Forums
Custom Search
|
| frontpage | music | karaoke | games | forum | berks | columns | quizzes | crosswords |
|
Haven't registered here yet? Sign up now! to participate in the forums and enjoy all the cool features of TristanCafe Social Network. Everything's FREE, and it will only take less than a minute, pramis :)
Main Forum - Category:Poetry & Fiction
Mr. Wrong nga ba? (Four)
http://www.tristancafe.com/forum/177831 ___________ Years later... The grandfather's clock on the living room ticked loudly. That could only mean one thing, its midnight . i took a deep breath as i walk down the stairs, holding a white candle on my left hand. I felt nervous, scared and unsure... but i know that i have to do this. Gagawin ko ulit. pagkatapos ng maraming taon ngayon ko lang naisip ulit na gawin ang bagay na ito. Sa pangalawang pagkakataon ay haharap ako sa salamin upang makita kung sino ang taong laan para sa akin. Oo, sige... love sucker ako. Naniniwala ako na sa bawat tao sa mundo, may isang nakalaan na para s'yo at sa dulo ng lahat ng ito, magtatagpo kayo at magmamahaln kayo ng walang hanggan...hay...ang drama ko talaga noh? Huminga ako ng malamim at saka pumikit. Dinama ko ang katahimikan ng palagid at saka inusal ang hiling ng puso ko. "Mirror, mirror show to me. The face of the one destined for me." Kinakabahang iminulat ko ang aking mga mata. Alam ko minsan para na lang akong tanga kasi kahit nasa computer age na tayo at nasa 21st cebtury na, pilit pa rin ako naniniwala sa lola ko. paano ba naman kasi, my lola had a happy life with my lolo at oo dahil lamang iyon sa salamin na ito. Matagal nang umiikot sa pamilya namin ang paniniwala sa salamin na pamana pa ng mg kastila sa pamilya ng Mommy ko. Hindi naman siguro masama kung maniniwala ako diba? Kumunot ang noo ko ng mapansin ko ang aninong papalapit sa akin. Siya na ba? Totoo na ba ito? Ilan sandali pa ay natagpuan ko ang sarili ko na nakatitig sa mga ng lalaking nakikita ko sa salamin. Napakaamo ng mukha nityo, at ang kanyang mga mata, ang mga matang iyon na tila dati ng tumititig sa akin. Ang mga matang iyon at ang pamilyar na paraan ng pagtitig nit ang siyang dahilan kung bakit masyadong mabilis ang tibok ng puso ko. Nakita ko na ba siya noon? "I-ikaw na ba?"pabulong kong tanong. matagl akong tumitig sa kanya. Pinag-aaralan ko ang kanyang mukha Pamilyar siya sa akin. Ang mga matang iyon, ang kanyang ilong at ang kanyang labi. Saan ko ba siya nakita? Hinarap ko ang lalaki sa aking likuran. Totoo ba siya? Dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay upang haplusin ang kanyang mukha. natigilan ako ng biglang may gumihit na mapang-asar na ngit sa kanyang labi. "Maria Cielo Luisa.... Anong ginagawa mo?" tanong ng pamilyar na tinig na iyon sa akin. nanlaki ang mga mata ko. Hindi ako maaring magkamali. Kilala ko ang boses na iyon. kahit matagal bago ko muling narinig ang tinig niya...alam na alam ko kung sino siya! "Dax!" bigla ay nausal ko. dali-dali akong lumayo sa kanya at binuksan ang ilaw. Lumiwanag ang paligid at mas naging malinaw sa akin ang imahe niya. Nasa kanyang mukha pa rin ang mapang-asar na ngising ayaw na ayaw kong nakikita. Si dax nga ang kaharap ko. Pero bakit nangyari na naman ito? "Ano na naman ang ginagawa mo dito? You're supposed to be in New Jersey!" sigaw ko sa kanya. Sa halip na sumigot ay natawa pa ito. "Ano na naman ang ginagawa mo, Cielo? Diba ginawa mo na rin ito dati? Hindi naman brown out. bakit may kandila ka? May papikit-pikit ka pa sa salamin. anong meron?" nang-aasar na sabi niya. Buong lakas kong hinampas ang kanyang braso. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit madaling mag-init ang ulo ko kapag nakikita ko ito. Matagal ko rion siyang hindi nakita. Mahigit sampung taon, kahit na umuuwi dito ang parents niya, hindi siya sumasama. "Bakit ba kasi nandito ka? Alam mo bang ayaw kitang makita?" Bigala ay nawala ang ngiti sa mukha nito. Tila meron siyang sasabihin ngunity sa halip na magsalita ay tumalikod ito. "anong problema noon?" napatingin ako sa salamin. Bakit ganito na naman? Ikalawang beses na ito. Si Dax ba talaga ang destiny ko? Ewww... ayoko nga no! dapat talaga hindi ko na lang ito ginawa eh. Nadis-appoint pa tuloy ako. Ipinilig ko ang aking ulo at naglakad. Pagdating ko sa may hagdan ay naroon pa rin si Dax. Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit ka ba nandito?" maangas na tanong ko. Hindi siya sumagot sa halip ay nagpatuloy siya sa pag-akyat. "I hate you, Dax!" i told him. That got his attention. Huminto siya at humarap sa akin. may kung anong emosyon ang kuminang sa kanyang mata. kakaiba... anong nangyayari? Unti-unti ay tintawid niya ang pagitan namin... dahan-dahan siyang lumalapit. Nadama ko ang malamig na pader sa aking likuran. I am trapped. There's no way to go! Bigla ay naalala ko ang nangayari sa amin noon ni Dax sa may garden... hahalikan ba ulit niya ako? Huwag naman sana... ayoko eh... Palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko. Pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko... "Goodnight, Cielo... Don't worry, i'll be gone in the morning." tila pagod na pagod na sinabi nito. Pagkasbi noon ay lumayo na siya sa akin. sandali muna niya akong tinitigan art saka umalis. narinig ko ang pagbukas sara ng kanyang pinto. Napatanga ako. Bakit ganoon siya? Bakit may nahimigan akong kalungkutan sa kanyang tinig? At bakit ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko kahit wala na si Dax sa harapan ko? ---tobecont--- Share this post (facebook, email, twitter, etc) at pagpapalain ka ng husto.
:: comments ::
Note: New comments (since you last visited this post) are marked with
upadate ulit!
comment ulit kayo ah... hahabaan ko pa sana kaya lang tinamad na akong mag-type. sa sat ko na lang post ung nxt ah.. tnx ![]()
yung line tungkol dun sa may isang nakalaan churvee.. diba preview yun sa rosalinda???
anu ba to? excerpts ng mga shows and movies?? :: leave a comment You need to be logged-in order to post comments.Still do not have an account? Register for free
|
last 10 comments
in this category: categories:
Love & Intimacy(77634)Arts & Entertainment(7996) Lifestyle & Culture(3716) Politics & Issues(3390) Poetry & Fiction(10343) Random Thoughts(11234) Forwarded Thingies(7788) FrendzCorner/ShoutOutz(22950) Games & Fun Questions(2512) Patawa Ka Talaga(2643) Tristancafe Musikahan(4240) Careers & Work Stuff(1814) School Matters(3619) Technology & Internet(4569) Classifieds & Advertisements(4055) Tristancafe Halo-Halo(1571) Barangay Tristan(1995) Site Announcements(55) Old Stories (120) torogi_dyunyor, warz123, protagonist, napster0808, kayth19, kamoteque27, ric7chelle, and 49 guests |